Share

CHAPTER 24

TUMAYO si Johann at sinalubong ng yakap si Camilla. Agad niyang iniwas ang tingin sa mga ito. Hindi niya nagustuhan ang tanawing nakita. Nagseselos siya! At buong puso niyang aaminin iyon.

"Take a sit," ani ng lalaki at iminuwestra ang beach chair na kinauupuan ng kapatid niya.

"Dito ka na lang umupo," aniya sabay tayo.

Nabigla man ang mga ito ay wala nang nagawa. Nakaupo na siya sa tabi ni May at nginitian si Camilla. Kahit nagseselos siya rito ay malaki pa rin ang utang na loob niya sa aktres. Akala niya ay nobyo nito si Deisen, pero nagkamali pala siya.

Magkatabi nang umupo ang dalawa at nagpatuloy na sa pagkukwento si Megan. Hindi niya maiwasang 'di sumulyap sa mga kaharap. Lalo na at nakikisali rin sa Camilla sa pagbibiro ni Megan. Habang nagkukwento si Macon, panay naman ang harutan ng dalawang nasa harap nila ni May. Nagsusubuan at maarteng naghahampasan. Naroong kilitiin ni Johann si Camilla at titili

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status