Kadaugan sa Mactan Festival
Palagi silang nanonood ng festival kasama ang mga kaibigan niya, pero iba ngayon dahil kasama nila sina Nike at Dion. Naghanap sila ng magandang puwesto para makita nila ng maayos ang mga nagpe-perform.
"Minsan lang ako nanonood noon ng festival kapag umuuwi ako dito sa Lapu-Lapu," ani Nike na katabi niya habang hawak hawak ang payong na dinala nila kanina.
Masyado nang mainit nang magsimula ang nasabing event. Nahiya pa siyang ibigay dito kanina ang payong. Diyahe naman kasi sa itsura nito. Pero looking at him now, parang ang cute tingnan. Gwapong macho na nakapayong. Nagpumulit naman kasi itong kunin sa kanya ang payong niya.
"Bakit naman? Maganda pa naman ang festival dito," sabi niya.
"I am the kind of a person na hindi mahilig makisiksikan sa maraming tao. Pakiramdam ko hindi ako makahinga."
"Ganoon ba. Ikaw palang ang kilala kong lalaki na hindi mahilig sa siksikan."
"I know somewhere out there na marami rin akong katulad." He's grinning from ear to ear.
"Yea, I know. Pero ngayon palang ako naka-encounter ng kagaya mo," napangiti rin siya rito.
"But one time, napilit ako ng mga pinsan ko noon na manood. That was five years ago," nakita niyang biglang lumamlam ang mga mata nito pero agad ding naglaho ang dumaang emosyon. Bumalik sa blangkong ekspresyon ang mukha ng binata.
"Nanood din kami dito that time."
"Talaga? Hindi tayo nagkita noon ano?"
"Marami kasing tao. Nagkasalubong na siguro tayo pero hindi pa kasi natin kilala ang isa't-isa noon," sabi niya dito.
Totoo naman ang sinabi niya. Siguradong nakasalubong na niya ito pero hindi niya nakita kasi si Johann lang ang nakikita ng mga mata niya noon.
Palagi nalang niyang naalala ang lalaking matagal na niyang gustong makita. Simula nang bumalik siya ng Cebu, mukha nalang ng lalaking iyon ang palaging umuukilkil sa utak niya. Dahilan nang pagbilis ng tibok ng puso niya. And thanks God nalaman din niya ang totoong pangalan nito.
Gusto niyang matawa sa sarili. Ano nalang ang gagawin niya sa diary niya na puro Nike Ocampo ang nakalagay doon? Papalitan niya ang pangalan ni Nike. Kawawa naman ang bebe Johann niya. Naalala pa niya noong isang araw ang tuksuhan nila nang mga kaibigan niya. Mali talaga!
"Ito na ang pinakatangang nagawa ko sa buong buhay ko," saad ni Macon habang nag memeryenda sila sa labas nang greenhouse ng Lola Rosario niya.
Laking tuwa ng Lola niya nang makita siya nito. Sinuklian rin niya nang mahigpit na yakap ang matanda.
Pagkatapos ng pag-uusap nila ng Lola niya ay agad silang dumeretso sa greenhouse nito. Namangha pa siya nang makitang marami ng bulaklak ang nakatanim. She loves flowers and gardening so much, na sa kasamaang palad ay hindi niya namana ang pagkakaroon ng green-thumbed nito.
"Hindi mo naman kasalanan iyon, friend."
"Kasalanan kamo ni Dion. Porke't sinabi kong ang pinaka gwapong kasama niya noon, si Nike ang binigay niya."
"Para kasi sa kanya, mas guwapo si Nike kaysa Kay Johann."
"Pinsan niya kasi si Nike kaya ganoon. Besides marami daw ang babaeng nahumaling noon sa pinsan niya at nanghingi din daw nang number sa kanya."
"Kaya pala nang lumapit ka, akala niya si Nike ang sinasabi mo."
Napangiti nalang siya habang nakikinig sa usapan ng dalawa. Para sa kanya, mas guwapo si Johann kaysa kay Nike at sigurado siyang mas lalong gumuwapo ang binatana sa nagdaang taon. Kahit pa hindi niya pa ito nakita ulit.
"Gwapo nga daw ang Johann Estevez na iyon kaso masyadong tahimik. Hindi raw palakibo sabi ni Dion kagabi," agad siyang nakinig kay Macon.
"Olivia's type of course. Pa mysterious effect kumbaga. Masyado siyang nahuhumaling sa ganyang tipo ng lalaki."
"Paano ka naman nakakasiguro?" singit niya sa usapan ng mga ito.
"Kilala ka namin, bruha ka! Sa tuwing pumipili tayo ng mga movies iyon palagi ang mga sina-suggest mo."
"Your favorite movie na Message in a Bottle, bumili ka pa talaga ng libro ni Nicholas Sparks kahit na dollar ang presyo."
"At hindi lang iyon, many to mention pa. Pati kami pinagalitan ni Tita Mariana kasi nauubos daw ang allowance mo noon nang kakabili mo ng libro," sabi ni Megan.
Natawa nalang siya sa mga pinagsasabi ng mga kaibigan niya. Totoo naman lahat kasi iyon. Pero hindi naman siya gaanong nahumaling sa mga mysterious kind of a man. Sadyang na e-excite lang siya sa mga characters na ganoon.
Bigla siyang natauhan nang tumikhim sa Nike sa tabi niya.
"Palagi ka bang ganyan, Olivs?" anito.
"What do you mean?"
"Palaging naglalakbay iyang diwa mo sa kung saan-saan," sabi nito nang nakangiti.
"Naku, pasensya kana ha. May naalala lang kasi ako kanina. I am sorry," sensiro naman siya sa paghingi ng tawad dito.
"May sinasabi kaba kanina?"
"Sabi ko palagi ka bang nag-eenjoy habang nanonood ng festival na ito?"
"Oo naman. Kahit na paulit-ulit ang mensahe na pinapahiwatig nila, hindi nakakasawang panoorin."
Bawat taon, iba't ibang mga sikat na local actors or other personalities ang gumaganap sa nasabing festival. The organizers encourage the locals to rethink about the message of victory and the challenges of times, especially in terms of livelihood and leadership in the area and the country as a whole.
It is a week-long commemoration of the historic battle of Mactan between the Portuguese Explorer and Navigator Ferdinand Magellan and Mactan Chieftain Lapu-Lapu. The festival features various activities such as the series of musical productions culminating with the famous battle, street food, and live band entertainment.
"Grabe ang malas na naranasan namin the last time we came here. Nasiraan kami ng sasakyan on the way kaya nag commute nalang kami ng mga kasama ko. Iisang sasakyan lang ang dala namin kaya wala kaming choice."
Hindi niya ito tinitingnan habang nagsasalita. Kaya hindi niya nakita ang halo-halong emosyon na mababanaag sa mukha ng katabi niya. Kaya pala sa jeep bumaba ang tinatanging lalaki na kasama ng mga ito. Noong nasa party sila, hindi niya ma gets kung bakit sa jeep bumaba ang lalaking unang nagpatibok nang puso niya. And that man is no other than.. Johann Estevez.
"Ano nga pala ang sinabi ni Dion sa iyo tungkol sa akin?"
"Na may magandang chiks na naghahanap sa akin. Na gusto raw akong makita at makilala."
"Sinabi niya 'yon?"
Hindi siya makapaniwala. Akala pa naman niya mapagkakatiwalaan ang Dion na iyon sabi ni Macon. Natural, mas close sila nang Nike na ito.
"Oo. Pero na disappoint ako nang nalaman ko na hindi pala talaga ako ang pakay mo," napailing ito.
Natahimik siya at hindi nalang nag komento pa.
"Do you have a boyfriend?"
Agad siyang napabaling dito. Hindi ba siya nagkakamali? Bakit siya nagtanong ng ganoon all of a sudden?
"Pardon?" She just want to be sure.
"Nagliliwaliw na naman ba ang diwa mo?" anito na nakangisi na.
"A-Ahh hi-hindi naman. Pasensya na."
"I was asking kung may boyfriend ka."
"Wala."
"NBSB?"
"Hindi. Mayroon naman pero hindi rin nagtatagal."
"And why's that? I hope you don't mind me asking."
"It's okay. Ayoko lang muna nang serious relationship and my past boyfriends, gusto agad ng seryosohan."
"Baka naman may ibang gusto kaya nag request agad ng seryosohan."
"Not literally na nag request but they're demanding something."
"Iyon na rin 'yon," napailing nalang siya sa takbo ng usapan nila.
She suddenly felt uneasy. She felt uncomfortable by the surroundings. Nagpalinga-linga siya sa paligid. Pero wala naman siyang nakikita na makapagbibigay ng sagot nang nararamdaman niya.
"You haven't seen Estevez yet?" naagaw ang atensiyon niya nang magsalita si Nike sa tabi niya.
'Estevez'
Bakit ngayon lang niya napagtanto na parang pamilyar sa kanya ang apelyidong iyon? Saan ba niya narinig iyon?
"Estevez Group of Companies. The sole heir? Johann Estevez"
Mukhang nabasa nito ang iniisip niya kaya sinabi ang mga iyon.
Kaya siguro pamilyar sa kanya. Baka nababasa niya sa mga magazines or sa mga peryodiko.
"Hindi pa."
"They own a chain of luxurious hotels in Europe and Asia. Vineyard and winery in Spain. Taga dito sa Cebu ang Lola ni Johann, ang Mama ng Papa niya while his Grandfather ang unang nagmamay-ari nang Estevez Hotel and Restaurant all over the world. Solong anak lang din ang Papa niya na siyang nagpalago nang business nilang Estevez Vineyard and Winery Incorporated. Maagang nasabak sa business world si Johann kung kaya't sa abroad na rin siya nag college. Miminsan lang siya kung maka-uwi dito sa Pilipinas lalo na dito sa Cebu."
Matagal bago siya nakakibo sa mga nalaman. Mahabang katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa ni Nike.
"Ganoon mo siya kakilala?"
"Yes. He's a friend of mine."
Nahiya siyang magtanong pa dito ng mga bagay at impormasyon tungkol kay Johann kaya nanahimik na lamang siya at nag focus nalang sa pinapanood. Hanggang sa matapos ang festival ay hindi na ulit nila napag-usapan si Johann.
They're having their lunch in a prominent restaurant nearby. Kausap nang mga kaibigan niya si Dion habang sila naman ni Nike ang nag-uusap.
Marami silang pinag-usapan at marami rin siyang nalaman tungkol sa binata. Nalaman niyang bukod sa pagkakaroon ng Hacienda Ocampo, mayroon ding construction company ang pamilya nila. He's working there as one of the Engineers. Kapapasa palang niya sa board kaya doon muna siya inilagay ng Daddy nito. Balak nitong mag stay muna sa Cebu for three months bago bumalik sa trabaho. Panaka-naka'y nakikisali din sila sa usapan ng mga kaibigan niya at ni Dion.
Dion is an Architect sa isang sikat na construction company sa London. Nagbabakasyon lang din daw ito dahil matagal ng hindi nakaka-uwi ng Pilipinas.
Magana silang kumakain habang nag-uusap at nagtatawanan.
Hindi nila namalayan na may isang tao sa gilid ng restaurant na nagmamasid sa kanila. Envious can be shown in his face as he looks at them.. as he looks at her, laughing with someone she barely knew. If only he could turn back time, maybe he's the one sitting beside the woman he's longing to be with. Pero hindi pa huli ang lahat he will do everything he can makuha lang ang babaeng hindi nagpatahimik sa kanya sa nakalipas na mga taon. Pagbabayarin niya ito sa bawat segundong panliligalig nito sa pagkatao niya.
The pain is excruciating. Ganito rin ang naramdaman niya noong makita ito sa restaurant at bookstore. Ngunit mas malala pa yata ngayon dahil sa nabasa niyang caption nito. Bakit pa ba ito pumayag na magpakasal sila gayong may nobya na naman pala ito?Sana hindi na lang ito pumayag. Pero hindi nga ba at kapakanan lang ng anak nila ang iniisip nito? Na mabigyan ng kompletong pamilya si Vaughn? Wala naman kasing pinangako na kung ano si Johann sa kanya. Kaya wala siyang karapatan na masaktan ng ganito.She could see that he's now happy with his girlfriend. Wala na ang Johann na naghahabol sa kanya noon. Ang Johann na nagmamahal at nababaliw sa kanya. Iyong Johann na ginawa ang lahat makuha lang ang atensyon niya. He was right. He moved on. At wala na siyang karapatan dito maliban sa maging ina ng anak nila at manatili sa tabi ng mga ito. Pero papaano naman ang buhay niya? Kung ito ay pwedeng mag-girlfriend, ibig sabihin ba ay pwede rin siyang mag-boyfriend?She thinks, no. Ewan niya per
Halata sa mga magulang ni Johann ang galak habang nagsasalo sila sa hapag. Kahit bagong kain pa lang ay pinilit pa rin sila ng mga ito na kumain ng meryenda. Nalaman niya na ipinasok na ni Johann si Vaughn sa isang private school without her consent. Hindi man lang siya nito tinanong kung okay lang ba sa kanya. Though alam niyang maganda ang eskwelahang papasukan ng anak nila, nakaramdam pa rin siya ng hinanakit sa lalaki. Pagkatapos nilang kumain ay isinama siya ng anak papunta sa magiging silid nito. Naasiwa siya dahil hindi naman siya inanyayahan ni Johann. Subalit mapilit ang anak niya kaya naman napilitan siyang sumama. Hindi na lamang niya pinahalata na masama ang loob niya kay Johann. Baka isipin nito na nag-iinarte na naman siya. Tuwang-tuwa ang anak niya nang makita nito ang sariling kwarto. Sino ba naman ang hindi matutuwa. Sobrang ganda ng silid nito. Wala siyang masabi lalo na at may mga naka-display na mga laruan sa isang side. Mga laruan na paborito ng anak niya. Halat
Agad siyang nahiga pagkatapos magpatuyo ng buhok. Domoble yata ang kaba niya dahil sa pag-iisip. Hindi na lang siya kinakabahan kundi nasasaktan rin.Mag-iisang oras na pero wala pa rin si Johann. Sino kaya si Celine? Ano ito sa buhay ni Johann? Girlfriend ba nito si Celine? Bakit ang lambing niya kay Celine?Napapikit siya nang mariin. Naiinis siya! Bakit ba ayaw siyang patahimikin ng isip niya? Hindi siya nagseselos. Pero kahit ilang beses niyang itanggi iyon, iyon at iyon pa rin ang nararamdaman niya.'Nababaliw na ako!'Babangon sana siya pero narinig niya ang mga yabag sa labas ng kwarto niya. Nakatalikod siya sa pintuan. Muli niyang ipinikit ang mga mata at nagkunwaring tulog na. Alam niyang si Johann ang nasa labas ng silid niya. Hindi pa niya ito kayang harapin lalo na at ganito ang nararamdaman niya. Parang pinipiga sa sakit ang puso niya sa isiping may girlfriend na ito. Narinig niya ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng silid niya. Maging ang yabag ni Johann ay dinig na di
Hindi niya inaasahan ngunit sunod-sunod na pumatak ang mga luha sa kanyang mga mata. Agad rin siyang tumigil. Nagpakatatag at pinahiran niya ang nabasang mukha. Muling niyang inayos ang sarili. Mabuti na lamang at kanina pa lumabas ang Mama niya. Nakakahiya kung makikita siya nitong umiiyak.Minadali na niya ang pag-aayos. Naglagay lang siya ng konting kolorete sa mukha at manipis na lipstick. Hinayaan lang niyang nakalugay ang buhok. Hindi naman kailangang paghandaan pa ng maigi.Tumayo na siya at lumabas ng silid. Tanging tunog ng takong ng sapatos niya ang maririnig sa hallway ng bahay nila. Tahimik ang paligid. Nahiling niya na sana kagaya ng katahimikan ng paligid ang kalooban niya. Dahil habang papalapit siya sa hagdanan ay pabilis naman nang pabilis ang kabog ng dibdib niya.Napatigil siya sa paglalakad nang buhat sa itaas ng hagdan ay nakita niya ang lalaking pakakasalan sa ibaba mismo ng hagdan at inip na inip na nakatingala sa kanya. Kung natigilan man ito ay hindi na niya n
Chapter 44Patuloy pa rin sa pagkukwentuhan ang mga magulang nila habang magkaharap sila sa hapag. Napapagitnaan ng Mama niya at Mommy ni Johann si Vaughn na masayang kumakain. Nakikita niya sa mukha ng anak na masaya itong nakilala ang Lolo Thomas at Lola Aniela nito.Samantala, magkatabi naman sila ni Johann na nakaupo. Pareho silang walang imik pero napapansin niyang panay ang kain ng lalaki. Hindi kagaya niya na hindi pa yata nakakasampung subo simula ng mag-umpisa silang kumain."Kailan natin sila ipapakasal?" Naalerto siya nang marinig ang sinabing iyon ng Mommy ni Johann."Mas maigi sana kung sa lalong madaling panahon. Lumalaki na itong apo natin," ani naman ng Daddy nito na sinang-ayunan ng mga magulang niya."Bukas na kami magpapakasal sa huwes. Sa susunod na buwan nalang sa simbahan." Napatingin silang lahat kay Johann ng bigla itong magsalita. Nagulat siya sa tinuran nito. Masyado naman yata itong excited!"Kung sabag
"Olivia, anak." Narinig niya ang boses ng Mama niya habang naglalakad siya pabalik sa kusina. Lumingon siya at nakita ito sa pintuan ng library."Ma?""Parini ka muna. Gusto kang makausap ng iyong Papa," ani ng Mama niya at pumasok na sa loob ng library pagkatapos siyang ngitian. Nadatnan niya si May at ang Mama niya na magkatabing naupo sa sofa. Ang Papa naman niya ay nakayuko at tila may binabasang papeles sa ibabaw ng mesa nito."Hello," aniya at pumasok na sa loob. Tiningnan siya ng mga ito."Maupo ka, hija." Tumalima naman siya sa utos ng ama niya. Pero nagsimula siyang kabahan ng makita kung gaano kaseryoso ang Papa niya. Maging ang Mama at si May ay seryoso rin."Ano po iyon, Papa?""Hija, gusto ko kayong makausap ng kapatid mo. Pero nauna na si May kaya sinabi ko na sa kanya kanina habang natutulog ka pa." Umayos siya ng upo at ini