Reply
Apparently, Kuya Van knew right away that Javier and I became friends on F******k. How did he know? That, I have no idea of. Seriously, if it came from Inigo, I will conclude na chismoso rin talaga ang mga lalaki. And it's not like it's much of a big deal. Pinagbabawalan lang talaga ako ni Kuya na tumanggap ng friend requests galing sa mga lalaki. E hindi ko naman talaga 'yon pinapansin kasi hindi ko naman mga kilala. I just accepted Javier's request because I kinda knew him.
It has been three days since at mabuti na lang hindi naman masyado nagtanong pa ang parents ko tungkol doon. Ang OA lang talaga ni Kuya. Even Aspen argued that it's very much normal to have friends on F******k.
It's Saturday so I'm at home. I woke up late because I stayed up last night finishing a drama series. I'm just grateful na wala ako masyadong tasks at output na kailangang tapusin ngayong weekend kasi natapos ko na last week pa. It's been my routine to accomplish things ahead of time so I can relax. Hindi rin kasi ako sanay na minamadali ang mga gawain. Besides, it's really not comforting to start doing something just because the deadline is near.
Bumaba ako para kumain pagkatapos kong maligo. Nadaanan ko si Aspen sa living room na kausap si Kuya Theo sa video call. Nang makarating sa kusina ay ipinaghanda ako ni Manang Lila ng agahan. Lagi ko namang sinasabi sa kanya na 'wag nang mag-abala kapag ganito na nahuhuli ako ng gising.
"Hay naku, hija. Matagal ko na itong ginagawa kaya 'wag ka nang kumontra," aniya. Natawa naman ako roon at nagpasalamat na lang. Simula bata pa lang ako ay dito na sa amin nagtatrabaho si Manang Lila kaya malapit na rin siya sa amin.
Hindi ko na hinintay pa na ayusin ni Manang ang pinagkainan ko nang matapos ako kaya ako na ang nagligpit at naghugas noon. Bumalik ako sa sala at tumabi kay Aspen sa couch. Nag-hi ako kay Kuya. Mayroon silang pinag-uusapan ni Aspen tungkol sa bagong release na video game. Hindi naman ako maka relate kaya kinuha ko na lang ang cellphone ko.
I opened I*******m. Habang tinitingnan ko ang mga posts, biglang tumunog ang cellphone ko at lumabas ang notification sa Messenger. Binuksan ko iyon at bumungad ang isang message.
Austin Javier Uvero: Hey.
Kumunot ang noo ko. I don't know what to reply. May ilang beses naman na nakasalubong ko siya sa university nitong mga nakaraang araw pero hindi naman kami close kaya bakit naman siya nag-iwan ng message? I find it weird.
Hinayaan ko na lang at saka ibinalik ang cellphone sa bulsa. Nag-browse na lang ako ng channel sa TV at naghanap ng magandang palabas. I stopped in a channel na may pinapalabas na documentary about marine life and environment. Interesado ako roon kaya 'yon ang pinanood ko.
I was starting to get really invested nang maramdaman ko ang kalabit ni Aspen. I glanced at him then back to the TV.
"What?" tanong ko.
"Are you gonna be busy today?"
"Nope. Why?"
"Samahan mo ako sa mall. I'll buy something," aniya.
Since wala nga naman akong gagawin ay pumayag na ako. Day off din pala ng dalawang driver kaya kailangan niya ng kasama. Hindi pa pwedeng mag-drive si Aspen kasi wala pa siyang license. And just like a good sister, I'll be his driver today.
Bumalik ako sa kwarto at nagbihis ng simpleng high waist jeans at plain white shirt. I tucked it in. Mabilis lang naman siguro kami kasi may bibilhin lang si Aspen kaya ayos na 'to. I also wore my black flats. I tied my long black hair into a ponytail. Kinuha ko ang maliit kong bag at nilagay doon ang wallet at cellphone.
Pagbaba ko ay nakahanda na rin si Aspen. He's wearing khaki shorts, a Star Wars shirt and sneakers. He looks like he's not 17. Ang gwapo niya. All my brothers are. Kaya hindi rin bago sa'kin na may mga babaeng lumalapit sa akin para magpalakad o 'di kaya'y manghingi ng number ng mga kapatid ko.
"Let's go," I said.
Dumiretso kami sa garahe at pinatunog ko ang Ford. Sumakay na ako sa driver's seat at ganoon din si Aspen sa front seat. I reminded him to wear his seatbelt because safety first.
Dalawampung minuto lang ang biyahe patungo sa pinakamalapit na mall galing sa amin. Pagdating namin doon ay puno ang parking sa basement kaya sa second floor pa ako nakapag-park.
Nang makapasok kami sa mall ay diretso agad ang lakad ni Aspen. Sumusunod lang ako sa kanya.
"What are you going to buy?" I asked. Ang bilis niyang mag-lakad. Akala mo naman mawawala 'yong store na pupuntahan niya.
"The game Kuya and I are talking about," he answered. Medyo binilisan ko rin ang lakad ko para pantay lang kami. Mas matangkad pa ako sa kanya pero 'yong bilis niya maglakad parang sobrang layo ng height gap naming dalawa. But for sure that will happen eventually. He's young and tatangkad pa panigurado.
Nang marating namin ang tamang shop, nag-inquire agad si Aspen. Mukhang available na rin dito 'yong game na tinutukoy niya kasi iginiya siya ng lalaki sa kabilang dulo ng shop. Sumunod ako sa kanya at nakitang medyo marami ang tao roon. Siguro sikat 'yong laro kaya marami ang bumibili?
Malapit sa pila ay may tatlong stand na puno ng isang sikat na laro. Must have been an upgraded or new edition kasi pamilyar din sa akin. Nilalaro 'yon nina Aspen sa Xbox.
Lumapit ako at nakitang nagbabayad na agad si Aspen. Hindi siya pumila?
Nilapitan ko siya at nagtanong. "Bakit ang bilis?"
Nilingon ko ang pila. May isang pamilyar na mukha ang nahagip ng mata ko.
"I pre-ordered," sagot ni Aspen. Sumunod siya ulit sa lalaki. Mayroon pa siyang pipirmahan na papel kaya nilingon ko ulit ang mga nakapila. This time, nakita niya na rin ako. Bakas ang gulat sa mukha niya pero mabilis ding nawala iyon.
"Hi. You didn't reply," sabi ni Javier.
What?
Bigla namang humiyaw ang dalawang kasama niya at tinapik pa siya sa balikat. Hindi ko alam ang isasagot. I just settled with an apology.
"I'm sorry. I didn't know what to reply."
I seriously don't understand the situation I'm in right now.
"Yeah, I figured," aniya at sinamaan ng tingin ang katabi na tila may binubulong sa kanya. "This is Iain and Rafael," sabay turo sa nasa kaliwa at kanan niya. "They're my cousins. Inigo's brothers."
Kumaway naman ang dalawa sa akin at bumati pa.
"Hi, I'm Georgina Meredith. Gia for short," pakilala ko naman. If Kuya Van or Kuya Theo were here, I'm sure they would drag me out of here immediately because I'm talking to guys I don't know. Well, partly. I know now that they are related to Inigo. Kahawig nga niya ito pareho.
"Is it okay though if I message you again?" Javier asked. For a while, I was surprised. Ang layo ng description ni Agatha sa kanya na snob sa mga babae. Kasi ngayon kinakausap niya naman ako.
"Damn, Austin got moves." Dinig ko pang sabi noong Rafael sabay tawa.
Since I was a bit caught off guard, tumango na lang ako. Naramdaman ko rin na nasa tabi ko na si Aspen. To alleviate the forming awkwardness, mabilis ko ring nahawakan sa braso si Aspen at medyo inilapit pa siya sa akin.
"Classmates?" Aspen asked at lumingon sa grupo nina Javier. Napalingon din ako. "No. Friends," sagot ko naman. Kita ko na umaarte si Iain na parang masakit ang puso dahil nakahawak sa dibdib niya. Pigil din ang tawa ni Rafael.
Ipinakilala ko si Aspen. "He's my brother, Aspen Cale." Hindi naman ito nagsalita pa at nag-aya na lamang na umalis. Suplado talaga nito.
"Uh... sige. I'll go now. Nice to meet you," I said then smiled a bit. Nagpaalam na ako at sumunod na sa kapatid ko na nagsimula nang maglakad papalayo.
Kumaway sila sa akin at panay high five pa nilang tatlo nang umalis ako.
— Georgina Meredith —So far, everything about our honeymoon is perfect. The destination, the landscape, the food, the beaches... Literally everything. It's a perfect package to celebrate Austin and I's union.Yesterday, we spent the day doing island tours. Ngayon naman ay katatapos lang sa massage at spa. I'd say it's one of the best I've ever had, very relaxing that I really fell asleep. Ayaw ni Austin kaya ako lang ang nag-enjoy doon. He just waited for me to finish."Aus, let's visit the night market later?" I asked when we got back to our villa. Beachfront iyon kaya maganda ang tanawin. Also located on the secluded part of the resort so there's privacy."You want to?""Kung gusto mo."
Austin Javier's life before he met Georgina Meredith"Javi!" Jaco called. I was dribbling the ball and I passed it to him. He immediately released it for a three-point shot. When it went in, he celebrated and looked in my direction. "Nice assist!" he shouted and I acknowledged him.I started running to the other side of the court and guarded the opponent."You're unbelievably serious today, bro. Practice game lang, e," my teammate from the opposite team said.It's true that it's just a practice game but that doesn't give me the pass to slack off. Papalapit na ang UASA kaya dapat pagbutihin ko pa lalo. My teammates don't think the same, though. Probably because this is the second game already and the first one was too tiring. Everybody was giving it their all. Kaya ngayon na pang
Georgina Meredith’s life before she met Austin Javier"Georgina!"Nilingon ko ang tumawag sa akin habang tinatahak ang hallway ng main building at nakita ko ang isang senior ko."Ano po 'yon?"Nakahabol siya sa akin at hinihingal na inabot ang hawak niya. Envelope iyon at mukhang may letter sa loob. Hindi pa man nabubuksan ay alam ko na kung ano 'yon. The design of the envelope already gave away the letter's intent. Love letter ito, alam ko."You dropped this from your book," he replied and glanced at the book I was holding. Kumunot ang noo ko dahil paano naman napunta 'yon sa libro ko? Kahit nagtataka ay tinanggap ko iyon."Thanks... Sorry, you had to run after me for this."
— Georgina Meredith —Austin and I are sorting out all the gifts we've received. Sa dami ay hindi na namin alam kung saan ilalagay ang iba. All of it are delivered in our condo. Ang isang guest room ay halos mapuno na dahil doon namin dinala ang malalaking regalo."Not to sound too ungrateful but wow, there's no end to this," I said when I finished unwrapping another gift.Nakaupo ako sa carpet ng living room. I can already feel my leg cramping up so I decided to stand up and stretch. Hindi pa man nakakapag-unat ay marahan na akong hinila ni Austin para maupo sa hita niya. His arms immediately wrapped around me."You can rest. We're not in a rush, are we?" he whispered before gently kissing my cheek. Dahil nakasandal ako sa kanya ay madali
— Georgina Meredith —"What a wonderful wedding! Congratulations to the both of you.""This wedding will definitely steal the spotlight for next month's issue!""Hay. I do love weddings. Sana si Rex na ang susunod!"Kaliwa't-kanan ang mga bati na natatanggap namin ni Austin mula sa mga bisita. It feels heartwarming and at the same time overwhelming. Who knew this many people care about us? I personally didn't so I treasured each and every wish they had for us."Are you tired? We can rest for a bit and eat while we're at it," Austin said."I can manage. Mamaya na lang. We need to greet the other guests pa."Mat
― Georgina Meredith ― "I can't believe my only daughter is getting married," Mom said after one heavy sigh.I can't help but chuckle. "Mom, need I remind you again that I'm already married? It will be a second wedding."Ilang beses ko nang nabanggit na nagpakasal na kami ni Austin sa Vegas pero parang hindi tumatatak sa kanya 'yon. It's just funny to me because I know exactly why she's being like that.When my family learned about my first wedding, they were all disapproving. Not in a negative way, though. Iyon bang parang nagtatampo sila na hindi ko pinaalam sa kanila agad. They knew about it months after."'Tsaka ang bilis n'yo lang naman pumayag nang magtanong sainyo si Austin, e," dagdag ko.