 LOGIN
LOGIN
"Hindi na nakakatuwa ito, mr. Green." galit na galit na sabi ng lalaki na nakaluhod sa harapan nila.Si Caro na tahimik at bahag ang buntot na tabi. Ayaw makisali sa gulo kahit sangkot na si Isabella."You humiliated me so much," muli ay sabi nito na hindi maitago ang galit sa mga matang nakatingin kay Marcus."Oh! Gusto mong maging patas na tayo, pero hindi pa ako nakokontento." sagot naman ni Marcus na binalingan ang tauhan.Naglagay ng alak sa isang malaking bowl ang tauhan ni Marcus saka nito sinindihan iyon. Nag alab ang apoy sa alak.Ngumisi si Marcus, hawak ang singsing sa daliri, nilaro laro iyon bago nito tuluyang tinanggal sa daliri at nilagay sa nag aapoy na alak sa harap nila."No! Hindi na ito makatarungan, hinawakan ko lang ang babaeng iyan pero sobra na ang ginagawa mong kabayaran ng paghawak ko sa kanya. Kung kilala ka sa buong probinsay baka nakakalimutan mo na isa din ang aking ama sa kilalang tao dito sa atin." sumbat ng lalaki na nagpupumiglas sa pagkakadiin sa bal
"Sino ka bang pakialamero ka!" galit na galit na sigaw ng lalaki at nakawala sa pagkakahawak sa mga tauhan ni Marcus.Sa pagkabitiw ng mga tauhan ni Marcus dito ay muli itong napaupo sa semento."Baka hindi mo kilala kung sino ang kinakalaban mo?" dagdag pa nito na pilit tumayo mula sa pagkakasadlak sa semento.Bumaling si Marcus sa lalaki, binitawan si Isabella at tuluyang hinarap ang lalaki.Seryoso, madilim ang mga matang nakatingin dito na kahit na sino ay walang gugustuhing matingnan ng mga matang iyon."Nagkakamali ka ng taong kinakalaban, humanda ka. Pagbabayarin kita. Ipapadila ko sayo ang sapatos ko kabayaran ng kapangahasan mo!" patuloy sa pagsigaw sa galit ang lalaki.Handa ng tumayo ngunit hindi na nito naituloy ang pagtayo ng umangat ang paa ni Marcus, iniapak ang paa sa balikat nito.Nakapilig ang ulo, seryoso at walang ibang emosyon ang makikita sa ekspresyon nito maliban sa kalamigan."Who do you think I am?" malalim ang tinig na sabi ni Marcus at mas dumiin ang paa ni
Taas ang kilay at napailing. Huminga ng malalim bago nagpasyang pumasok na sa loob.Ngunit bago pa niya maitulak ang pinto para makapasok ay may pumigil sa kanyang kamay."Ms. nag iisa ka yata, baka gusto mo na lang akong samahan.""Bitawan mo ako," nagpumiglas si Isabella na agad naman nakawala sa pagkakahawak sa kanya ng lalaki."Huwag ka ng tumanggi, alam ko naman na kaya ka nandito ay para maghanap ng magpapasaya sayo, di'ba?" saka siya nito muling hinawakan.Nabastusan si Isabella sa sinabi ng lalaki, umangat ang kamay niya at malakas na sinampal ito."Hayop kang babae ka, ang lakas ng loob mong sampalin ako." muli siya nitong hinawakan.Sa pagkakataong iyon ay hindi na siya basta nakawala dito dahil humigpit na ang hawak nito sa kanya at marahas na isinandal sa pader."Bitawan mo ako," malakas na sigaw ni Isabella na pilit kumakawala sa lalaki.Sa loob ng box kung nasaan sina Carlo ay narinig nito ang sigaw ni Isabella kaya tumayo na ito at lumabas para tignan kung ano ang nangy
Pasalya na umupo, sumandal sa sofa at mariing ipinikit ang kanyang mga mata. Malalim ang paghinga ang pinakawalan niya.Gusto ni Isabella na kahit sa ilang sandali lang ay marelax ang kanyang isip sa dami ng kanyang problema. Ang bigat na ng kanyang problema sa kanyang ina dahil hindi pa rin nakakahanap ng donor para dito. At idagdag pa ang kanyang madrasta at kinakapatid.Hinihilot niya ang kanyang batok, ang kanyang sintido. Nahihilo na siya sa pagod sa dami ng kanyang iniisip.Ngunit ang gusto niyang pagpapahinga ng kahit ilang minuto lang ay hindi maibigay sa kanya ng pagkakataon.Tumunog ang kanyang cellphone. Nagpakawala na naman siya ng isang malalim na paghinga ng makita kung sino ang tumatawag sa kanya.Ang kanyang madrasta.Kahit na ayaw niya iyong sagutin ay wala siyang nagawa kundi ang pindutin ang answer button."You little bitch!" sigaw ng kanyang madrasta. Agad na nailayo ni Isabella ang cellphone sa tainga sa lakas ng sigaw nito. "Walang hiya ka. Ibinuking mo pa ang ka
"Ugh!' napadaing si Marcus ng kagatin ni Isabella ang leeg nito.Kahit na nasaktan ay hindi naman nito itinulak si Isabella bagkus humigpit lang ang hawak nito baywang niya."Are you a dog, Isabella?" tanong ni Marcus ng pakawalan ni Isabella ang leeg niya."Oo, aso ako na nangangagat kapag galit," naiinis na sagot ni Isabell kay Marcus at malakas na niya itong itinulak.Nakalas ang braso nitong nasa baywang niya kaya kinuha niya ang pagkakaktaong iyon para tuluyang makalayo kay Marcus.Mabilis siyang tumalikod pero sa pagtalikod niya ay hindi niya napansin ang isang lata ng softdrinks na nasipa niya kaya nakagawa iyon ng ingay."Sandali, may ibang tao sa paligid." si Carlo iyon na tumigil sa pakikipaglampungan kay Cathy.Hinanap ni Carlo ang pinanggalingan ng ingay.Habang si Isabella ay mabilis na muling humarap kay Marcus. Yumakap siya kay Marcus para sa mga bisig nito siya magtago.Ngumiti si Marcus, nagustuhan ang pagyakap ni Isabella sa kanya kaya kinuha niya iyong pagkakataon p
Lihim na napangiti si Isabella, dahil hindi na pala niya kailangan gawin sa sarili niya na ipahiya ang kanyang kinakapatid.Napatingin sa kanya si Cathy."Hindi ba marunong ang isang mamiminta na humawak ng paint brush? o sadyang hindi mo alam isa mga brush na nasa harap mo ang gagamitin mo, Ms. Nicolas." muli ay sabi ni Marcus. "Or mas tamang sabihin na hindi ikaw ang nagpipinta sa mga inaangkin mong obra maestra."Sa sinabi ni Marcus ay muling namayani ang mga bulungan. Si Carlo ay hindi mapakali tulad ni Cathy at nais pang damayan ito ngunit nag aalala si Carlo na magalit dito ang sariling ina. Higit sa lahat ay baka makunan ng mga reporter ang pagtulong nito kay Cathy at maipadala pa iyon sa matandang Tuazon.Hindi na alam ni Cathy ang gagawin, nanginginig na ito sa pagpapahiya ni Marcus dito. Kaya naisip na lang ni Cathy na magpanggap na nahihilo.Sa ginawa nito ay nagkagulo ng matumba si Cathy sa sahig. Doon na kumilos si Isabella na naaliw na sa nangyayaring palabas."Pagpasens








