LOGINPagkasabi ng lalaki ng katagang iyon ay nakita ni Isabella na nagbago ang kislap ng mata nito. At gumuhit ang isang mapaglarong ngiti sa mga labi.
Napasinghap pa si Isabelle ng maramdaman ang hanging lumabas sa bibig nito na tumama sa mukha niya. Napalunok siya. Bigla siyang naramdaman ang malakas na pagtibok ng puso niya. “May mga balitang online, na nasa parking lot na nga si Mr. Tuazon.” Napalingon si Isabella sa parating na mga reporter ng marinig niya ang mga iyon. “Huh!” Hindi na siya nagdalawang isip na hawakan ang lalaki sa kamay, mabilis niya itong hinila palayo sa pinto ng sasakyan nito. Binuksan iyon, agad na sumakay saka niya hinila pasakay din ang lalaki. “Look, hindi ba si Mr. Tuazon iyon? May kasama siyang babae.” narinig pa nilang sabi ng mga reporter bago niya tuluyang mahila pasara ang pinto. Tumakbo ang mga reporter palapit sa kanila. Kahit papano ay nakahinga ng maluwag si Isabella dahil hindi sila nahuli at makuhanan ng larawan sa pag aalala na baka mabulilyaso pa ang kanyang mga plano. Ngunit sa pagmamadali niya kanina sa pagsakay at paghila sa lalaki ay wala na halos pagitan ang kanilang katawan. Halos gahibla na lang ang layo ng mukha nito sa mukha niya. “Sinabi ko sa inyo, siguradong si Mr. Tuazon siya.” narinig nilang sabi ng isang babaeng reporter kaya napahigpit ang hawak ni Isabella sa braso ng lalaki na bahagyang nahila pa kaya tuluyang nawalan ng pagitan ang mukha nila. Dumikit ang labi ng lalaki sa noo niya ngunit hindi na iyon napansin ni Isabella sa pagpursigi na maitago ang mukha nila sa mga reporter. “Mr. Tuazon, laging nadadawit ang pangalan mo sa mga scandals, dahil ba sa pagtanggi mo sa mga magulang mo na pagpapakasal sa babaeng hindi mo mahal?” tanong ng isa pang lalaking reporter. Sa labas ay patuloy sa pagtunog at pagflash ng mga camera sa labas at patuloy sa pagtatanong ng mga reporter sa kanila mula sa loob. Bahagya namang lumayo ang lalaki sa kanya ngunit ang isa nitong kamay ay umikot sa likod niya at humawak sa braso niya. “Huwag kang mag alala, ms. Isabella.” sabi ng lalaki na nanatiling nakatitig sa kanya. “Ligtas ang sasakyan na ito dahil hindi nila tayo makikita mula sa labas.” pagbibigay sigurudad ng lalaki. Sa sinabi ng lalaki sa kanya ay doon siya nagpasyang lumayo sa lalaki at pilit na kumawala sa pagkakahawak nito sa braso niya. Ngunit agad niya ulit itong hinila ng makita niyang lumingon ito sa may bintana. “Binabalaan kita, huwag mong hayaang makita nila ang mukha mo.” “Hmmm, but my chest feels a bit tight, now. Anong gagawin ko?” tanong nito na may ngisi sa mga labi. “Kaya parang gusto kong makalanghap ng sariwang hangin.” sabi pa nito na umangat ang isa nitong kamay, sabay pindot ng window botton. Sa pagpindot ng lalaki sa window botton at bumaba iyon ng tatlong pulgada ay mabilis na hinawakan ni Isabella ang necktie ng lalaki saka niya iyon hinila. Ang isang kamay niya ay mabilis na pinindot pataas ang window botton hanggang sa tuluyan ulit iyong magsara. Mapasinghap ang lalaki dahil halos lumapat na ang labi nito sa mga labi niya at isa na namang ngiti ang gumuhit sa mga labi nito. “As long as you cooperate, gagawing kong sampung beses ang kinikita mo sa club.” sabi ni Isabella na ikinaaliw ng lalaki na napatitig sa kanya. Ngumisi ang lalaki at hindi nag abalang alisin ang kamay ni Isabella na nakahawak sa necktie nito. “Sinabi ko din sayo na hindi ko kailangan ng pera dahil marami ako niyan.” sagot ng lalaki dahilan para humigpit ang hawak ni Isabella sa necktie nito at muling nahila. “Kung ganun ano ang kulang at wala sayo at ibibigay ko.” muli niyang tanong. “Hmm.” nanatiling nakapaskil ang mapaglarong ngiti ng lalaki sa mga labi nito. Umangat ang kamay saka iyon humawak sa kanyang braso at humaplos iyon doon na sinabayan ng pagpisil. Napaiksi si Isabella dahil sa pagpisil ng lalaki sa kanyang braso. Matapos pisilin ng lalaki ang braso niya ay umakyat pa ang paghalpos ng palad nito sa braso niya hanggang sa tumigil iyon sa baba niya at hinawakan saka siya nito pinatingala. Nagtama ang kanilang paningin. “Sinabi ko sayo kanina. Ang wala sa akin ay asawa.” Napalunok ulit si Isabella dahil habang nagsasalita ito ay tumatama ang hininga nito sa mukha niya. Bahagya pa siyang napapapikit sa tuwing maayoy niya ang mabango nitong hininga. Tumikhim siya bago nagsalita. “Sige, pumapayag ako, ihahanap kita ng mapapangasawa mo.” pagpayag ni Isabella sa gusto ng lalaki. “No!” pagtanggi naman nito. “Hindi ko gusto ang hanapan mo ako ng ibang mapapangasawa ko, kundi ikaw ang gusto ko.” seryoso na sabi nito sa kanya at ang kamay na nasa baba niya ay humawak sa kamay niyang nakahawak sa necktie nito ay mahigpit iyong ikinulong sa mga palad. “Huh!” sa gulat ay mabilis niya iyong binawi at lumayo sa lalaki. “Mayroon akong boyfriend.” Sagot niya. “So what?” balik tanong niya na tila balewala sa lalaki ang sinabi niyang may boyfriend siya. “Boyfriend mo lang siya at hindi asawa. Anong masama kung magkaroon ka pa ng isa.” sabi nito na para bang ganun kadali ang sinasabi nito. Kunot ang noo ni Isabella sa nasabi ng lalaki at parang natural na lang dito ang magkaroon ng sabay sabay na karelasyon. “You..” nakaramdam ng inis si Isabella at napalalim ang kanyang paghinga. “Kung wala lang ang mga reporter sa labas ay baka kanina pa kita sinampal.” naibulong niya na hindi niya sigurado kung narinig ba iyon ng lalaki. “Okay! Kung hindi ko kayang ibigay ang gusto ko ay wala na tayong pag uusapan pa.” ilang sandali pa ay pangpinali na pag atras na ng lalaki sa kanilang transaksyon. “No! I mean..” “What?” tanong ng lalaki. “Okay. As long as you like to be my wife; hahayaan ko sang sarili kong mapag usapan ng iba.” at habang sinasabi nito ay sinasadya pa nitong idikit ang labi sa labi niya kung hindi lamang siya mabilis na nakakaiwas. “Gagawin ko ang lahat, so it’s a deal, ms. Isabella.” At bago pa man siya makasagot ay muli nitong pinindot ang window button. Unti unting bumaba ang salamin ng bintana kasabay ng patuloy na pagpaflash ng mga camera ng mga reporter na naghihintay lamang sa kanila na lumabas. Mabilis na yumakap si Isabella sa lalaki at nagtago sa mga bisig nito. Napangisi ang lalaki na humigpit ang pagkakahawak nito sa braso niya na nakapaikot sa likod niya. “Ms. Isabella, can I deal with those people outside now?” tanong pa ng lalaki sa kanya kaya mas napahigpit ng yakap si Isabella dito. Sasagot na sana si Isabella ay tama namang tumunog ang cellphone niya at nakatanggap ng mensahe mula kay Carlo. Kaya napalayo siya sa katawan ng lalaki. “Nakaalis na ako.” iyon ang mensahe na ipinadala ni Carlo sa kanya. “Okay! Go on, huwag mo lang hahayaang makita nila ako.” pagpayag niya. “Okay! Then you have to hold me tight, dahil kung hindi ay siguradong makikita ka nila, ms. Isabella.” pagsagot naman ng lalaki. Sa sinabing iyon ng lalaki ay muli siyang napayakap dito, ngumisi ulit ang lalaki na pumisil pa ang palad nito na nasa braso niya at bahagyang idiniin ang ilong sa buhok niya. Ilang sandali pa ay umangat ang mukha ng lalaki mula sa kanya at hinarap nga ang mga reporter sa seryosong mukha at mapagbantang titig. Napaatras ang mga reporter ng makita ang mukha ng lalaki at naalarma sila dahil nagkamali sila ng taong inaabangan. “Sino ang nagbigay sa inyo ng lakas ng loob na sirain ang magandang ginawaga ko?” galit at nasa tono nito ang bigat na may halong pagbabanta. Na sa tono pa lang niya na sinabayan ng seryoso at lamig ng tingin ay matatakot na ang sino mang makakita sa lalaki."Shhh, stop crying." Malumanay na pagpapatahan sa kanya ni Marcus habang nasa ilalim pa rin siya ng mga yakap nito. "Nandito na ako, hindi na ako aalis pa." sabi pa nito sa kanya.Hindi pa rin tumigil si Isabella sa pag iyak."I-i thought you were dead. I've always been thinking about you," sabi pa ni Isabella sa pagitan ng kanyang paghikbi."It's okay. I am not dead. Narito ako, buhay na buhay," sagot naman ni Marcus na hindi na rin mapigilang maantig sa pag-iyak ni Isabella para sa kanya.Humigpit pa lalo ang yakap niya kay Isabella. Yakap na ayaw na niya itong ulit pakawalan pa. Iyong tipong yakap na wala ng bukas pa.Ilang minuto rin sila sa ganoong ayos. Magkayakap, hanggang sa unti-unting kumalma ang pag-iyak ni Isabella.Dahan dahan siyang kumawala sa pagkakayakap sa kanya ni Marcus, saka siya tumingala dito.Umangat ang kamay niya at masuyong hinawakan ang pisngi nito."Kuya Mar, I love you." mahinang usal ni Isabella.Halata ang kakaibang kislap sa mata ni Marcus ng marinig a
Para siyang kakapusin ng paghinga sa tagal ng paghalik sa kanya ni Marcus."Uhm," at napapasinghap siya tuwing magkakaroon siya ng pagkakataong humugot ng hangin sa baga.Unti-unti nang pumikit ang kanyang mga mata, at tuluyan na siyang nadala hanggang sa ang kamay niyang nakahawak lang sa balikat ni Marcus ay pumulupot na sa leeg nito para mas doon siya makakapit nang maayos.Humigpit lang ang hawak ni Marcus sa baywang niya, habang magkaugpong ang kanilang mga labi, ay dahan-dahan na humakbang si Marcus hanggang sa naramdaman na lang ni Isabella ang paglapat ng likod niya sa kalambutan ng kama.Doon na siya nagkaroon ng pagkakataong makawala sa paghalik sa kanya ni Marcus. Bahagya niya itong itinulak, ngunit hindi umalis sa ibabaw niya. Dinampian siya nito ulit ng halik sa mga labi."How long do you want to kiss me?" tanong niya kay Marcus na pilit na iniwasan para hindi na siya nito mahalikan.Ngunit ngumiti lang si Marcus, at nilapit ulit ang labi sa labi niya bago sumagot."Baby,
"Mrs. Green, kung hindi natin dadalhin sa ospital ang apo niyo ay baka mas lalong lumala ang kanyang kalagayan," ani ni Mrs. Reyes, ang mayor doma ng mansion."Nag-aalala na rin ako, pero ayaw niya talagang pumunta sa ospital. At hindi ko siya mapipilit dahil sa trauma niya sa nangyari sa kanya noong bata siya."Sabay pang nagpakawala ng malalim na paghinga ang dalawa.Limang araw na rin mula nang umuwi si Marcus na may mataas na lagnat dahil sa pagkaalala nito sa nakaraan."Bakit hindi na lang natin tawagan si Ms. Isabella? Nakikita ko na sinusunod niya ang bawat sabihin nito kay Young Master."Napatitig si Mrs. Green sa kasama."Bakit nga ba hindi. Siguradong gagaling agad ang apo ko." sabi naman ni Mrs. Green at hindi na nagdalawang isip na tinawagan nga si Isabella.....Siniguro ni Isabella na maayos ang ward ng kanyang ina matapos ang operasyon nito. Nasa kalagitnaan na ng operasyon ang kanyang ina. At sabi ng doktor na magiging mas matagumpay ang operasyon dahil si Doctor Sun a
"Die!"Iyon ang huling kataga na binitawan ni Marcus bago niya kinalabit ang gatilyo.Parang pampilikula sa paningin niya na tila bumagal pa ang pag Ikot ng oras, ng kanyang paligid.Sa pagtama ng bala ng kanyang baril sa noo, bumalik din sa alaala niya kung paano unting tumigil sa paghinga ang kanyang mga magulang.Kung paano niya nakita na maligo sila sa sarili nilang dugo.Bumulagta ang lalaki sa harap niya. Nakamulat ang mga mata na wala ng buhay hanggang sa kumalat na ang dugo nito sa lupa.Pagkatita niya sa dugo ay doon siya muling nakaramdam ng pagkasuka. Nahihilo siya hindi dahil sa natakot siyang makakita ng dugo kundi sa trauma niya na muling bumalik sa kanyang alaala ang mga nangyari sa kanyang mga magulang.Napaatras siya at halos mitumba na sa lupa kung hindi siya agad nalapitan ng kanyang assistant at naalalayan."Mr. Green!"Hindi na nagsalita si Marcus dahil para na lalagnatin ang pakiramdam niya."Anong nangyari kay Mr. Green?" napalingon si John sa nagsalita.Ang isa
Parang masusuka si Marcus habang palapit nang palapit sa eksaktong lugar kung saan niya nakitang namatay ang kanyang mga magulang.Pero kahit na nakaramdam siya ng panghihina ay pinilit pa rin niya ang sariling huwag paapektuhan sa kanyang kahinaan. Simula nang makita niya ang kanyang mga magulang kung paano bawiaan ang buhay ng mga ito ay hindi na siya umapak pa sa lugar na ito.Pero dahil kailangan niyang iligtas si Doktor Sun para kay Isabella, pinagtibay niya ang kanyang sarili.Nagpakawala siya ng isang napakalalim na paghinga.Hindi na siya nag-iwan ng note o hindi na siya nagpaalam kay Isabella nang umalis siya sa bahay nito para hindi siya mag-alala. Ayaw niyang isa pa siya sa alalahanin nito kapag sinabi niya kung saan siya pupunta.Even if he always calls or messages Isabella, not now. Gusto niyang gawin ito nang wala siyang nalalaman."Ayos lang kayo, Mr. Green?" tanong sa kanya ni John. Ang kanyang assistant at kaibigan.Marami siyang mga kasamang tauhan, ngunit hindi niy
Matapos mapayapa ang pagtulog ni Isabella ay muling pinagtuunan ng pansin ni Marcus ang pagtawag sa kanyang assistant."Mr. Green, mabuti at tumawag na kayo." iyon agad ang ibinungad nito sa kanya ng sagutin nito ang tawag niya.Kunot ang noo niya na halatang may hindi magandang nangyari sa mga pinapagawa niya sa tono ng boses nito."Anong nangyari? Parating na ba si Dr. Sun?" agad naman na tanong niya dahil iyon naman ang bago niyang pinapagawa dito. Ang tungkol kay Doktor Sun na isang pinakamagaling na cardiologist."Masamang balita, mr. Green dahil biglang nawala ako ng balita sa kanya. Huli siyang nakita sa airport pagdating niya dito sa bansa. Nang sunduin ko siya ay hindi ko na siya nakita pa.""Anong ibig mong sabihin? Nag check ka na ba ng CCTV sa buong airport para malaman kung nasaan siya?""Oo, mr. Green. At iyon ang isa sa gusto kong ibalita pa sayo. Dahil isa apat na pamilya ang kumuha kay Doctor Sun."Humigpit ang pagkakahawak ni Marcus sa kanyang cellphone."It's okay.







