Share

#4:

Author: YuChenXi
last update Huling Na-update: 2025-10-10 12:29:42

“Issay! Ang mga balita tungkol sa Carlo na iyon ay naalis na at napalitan ng bago.” pagbabalita ni Maureen sa kanya kinaumagahan.

Paalis na siya para pumasok sa trabaho ng magchat ito at magbalita ng bago.

Nakangiti siyang binabasa ang chat ng kanyang kaibigan.

“At inamin ng ibang reporter na nagkamali sila ng taong nakita, at pinagkamalang si Carlo.”

At sa ipinasa nitong litrato ay nandoon ang larawan ng lalaking napagkamalan niyang male model.

“Hmm.”

Hindi na niya inabala ang sariling magreply sa chat ng kanyang kaibigan, bagkus inilabas niya ang eye drops at nilagyan ang kanyang mata. Saka niya kinuha ang maliit na salamin sa bag at tingnan kung kapani paniwala na umiyak nga siya.

Humugot siya ng malalim na paghinga saka siya nagpatuloy sa pag alis.

…..

Pagpasok niya sa mansyon ng mga Tuazon ay agad niyang namataan si Carlo na nakaupo at naghihintay sa kanya. Papasok na sana siya sa kanyang trabaho ng makatanggap siya ng tawag mula sa mama nito na pinapapunta nga siya sa mansyon ng mga ito.

Humakbang na siyang palapit, saka umupo sa kabilang upuan sa tapat nito.

Umangat ang mukha ni Carlo at tumingin sa kanya.

“Isabella, kung hindi dahil sa katotohanan na mahal na mahal mo ako, hindi ako papayag na magpakasal sayo.” may panunumbat sa tono na sabi nito sa kanya.

“Uh!” tahimik at tanging iyon ang naisagot niya.

“Yow! Nandito ka na pala, Isabella.”

“Uhm.” tugon niya ng sa paglingon niya ay ang mama ni Carlo. Kahit na ayaw niya ay napilitan siyang ngumiti.

Umupo ito sa tabi ni Carlo.

“Naibabalita na lihim na nakikipagkita si Carlo sa ibang mga babae. Alam kong mahirap iyon para sayo pero tinulungan mo pa rin si Carlo na linisin ang gusot na ginawa niya.” sabi ng mama ni Carlo sa kanya sabay labas ng card at ibinigay sa kanya. “Tanggapin mo ito, it’s just a small amount for a pocket money. Take it and buy something.”

“Tita..” hinarang niya ang kamay at wala siyang balak tanggapin ang perang binibigay nito. “Fiance ko si Carlo, at responsibilidad ko na tulungan siya. Kaya hindi ko matatanggap ang perang binibigay niyo sa akin.” pagtanggi niya at sa harap nila ay para siyang masunuring tupa.

“Silly girl.” tinapik naman ng mama ni Carlo ang kamay niya. “Ito ang kabayaran sa pagtulong mo sa kanya at deserve mo ito.” sabi naman ng mama nito saka nito inilagay iyon sa mga palad niya. “Huwag kang mag alala, pinagalitan at pinagsabihan ko na si Carlo sa mga ginawa niya.” saka nito sinabayan ng paghampas sa balikat ni Carlo. “Sinabihan ko na rin siya na humingi ng tawad sayo.”

Napatingin sa kanya si Carlo. Matalim ang mga mga mata nitong nakatingin sa kanya.

Nabawi niya ang tingin niya kay Carlo at bumaling sa mama nito.

“Tita…” panimula niya. “Kung hindi talaga tanggap ni Carlo ang kasal namin, pwede akong umatras at palayain siya.”

Dahil sa sinabi niya at marahas na bamaling ang mama nito at hinampas ulit ito sa balikat.

“Tignan mo. Tignan mo. Dahil sa ginawa mo magpaparaya si Isabella. Alam mong mahal na mahal ka ni Isabella at hindi mo kayang pahalagahan ang nararamdaman niya.” panenermon ng mama nito. “Sinasabi ko sayo, kung hindi ka makikipaghiwalay sa babaeng iyon sasabihan ko ang lolo na na ibigay na lang ang mana mo sa iba.” pagbabanta pa nito kay Carlo sabay hampas ulit sa balikat nito.

“Mama!” naiinis na ibinaba ni Carlo ang hawak na kopeta ng alak. “Alam mo nang pagbantaan ako, mama. Sinabi ko naman sa inyo na hihingi nga ako ng tawad sa kanya.” kunot ang noo ni Carlo sa sagot sa mama nito.

Sa sinabi nito ay nakangiti na muling bumaling ang mama nito sa kanya.

“Isabella, since you love Carlo, lagi mo na lang siyang pagpasensyahan, diba?”

“Ito ang gusto niyong gawin ko para lang sa pagmamahal sa walang kwenta niyong anak?” sa isip ni Isabella na hindi naman niya maisatinig. Tahimik lang siyang nakatingin sa mama ni Carlo. “Ang palagi siyang pagpasensyahan at patawarin kahit na niloloko na niya ako, Huh! Well, sige lang.”

“Carlo, go. Dalhin mo si Isabella sa taas at doon ka humingi ng tawad sa kanya.” muli ay pagbaling ng mama nito kay Carlo.

Matalim ang tingin ni Carlo sa kanya na hindi naman napansin ng mama nito. Habang siya ay sinalubong ang tingin na iyon ni Carlo sa kanya.

“Ang pangunahing kailangan para maging isang tagapagmana ng Tuazon ay may stable na kasal. Kaya gustong mapanatili ni Mrs. Tuazon ang relasyon namin ng anak nito para mamanahin nito. At ng malaman nitong mahal ko si Carlo ay ayaw na nito akong umalis. Pero nagkamali siya. Dahil kahit kailan ay hindi ko minahal ang anak nito.” sa isip ni Isabella habang nakikipag sukatan ng tingin kay Carlo

…..

Sumunod si Isabella kay Carlo paakyat at humantong sila sa sala sa ikalawang palapag ng mansyon nila.

Agad itong umupo sa pahabang sofa. Itinaas ang mga braso sa sandalan ng upuan saka tumingin sa kanya.

“Sinabi ko sayo ng malinaw sa simula pa lang, Isabella. Ang kailangan ko ang ay isang mabait na fiance sa iyong katauhan. At hahayaan kitang sumunod sunod sa akin at hindi kita tratratuhin ng hindi maganda in terms of money kaya alam mo kung saan ka lulugar.” panunumbat ni Carlo sa kanya ng tumigil siya isang diba ang layo nito sa kanya.

“Uhm” maikli niyang tugon na sinabayan ng pagtango.

“Ngunit huwag mong iisipin na maiinlove ako sayo.” dagdag pa ni Carlo sa pangaral sa kanya.

“Uhm.” Muli ay maikli niyang tugon kahit na gusto niyang magsuka sa taas ng kumpyansa nito sa sarili. “I know.”

Ngumiti si Carlo na ang taas nga ng tiwala nito sa sarili. Taas ang noo nitong tinapunan pa siya ng tingin.

“Mabuti at malinaw pa rin sayo. Well, ang performance mo ngayon ay maganda. Pwede kang humiling ng kahit na anong gusto mo ngayon, huwag mo lang hingin na mahalin kita dahil malabo ko iyang maibigay sayo. I can satisfy you. Pero kung simpleng date naman ang gusto mo ay pwede ko namang pilitin ang sarili ko na pagbigyan ka.” mahaba nitong lintaya na parang siya pa ang mabibilaukan sa pinagsasabi nito.

“Hmmm, I just need money, a total of five hundred thousand. Sapat na iyon sa naitulong ko sa iyo kagabi.” taas ang isang kilay niyang sabi kay Carlo na ikinabigla nito.

“What? Five hundred thousand? Are you kidding me?” nanlaki pa ang mga mata nitong inulit ang sinabi niyang kabayaran ng pagtulong niya dito.

“Oo, tama ka ng narinig at hindi ako nagbibiro sa bagay na iyan. Tip iyan sa binayaran ko kagabi na manggulo at kumuha ng atensyon ng mga reporter kagabi. Kabayaran ng mga litrato na nakunan nila kagabi at total na pagkawala ng mga tsismis tungkol sayo.” mahabang sagot ni Isabella at hindi siya nag dalawang isip na isa isahin ang mga ginawa niyang pagsasakripisyo.

“Tsk” naipilig ni Carlo ang ulo na napatitig kay Isabella. “Sigurado ka na pera ang kailangan mo at hindi ang kagustuhan mong ma idate kita?”

“Oo naman. Sigurado na ako. At walang ibang mas magandang kabayaran sa ginawa ko maliban sa malaking halagang iyan?”

“You sure?” pagdadalawang isip pa ni Carlo ngunit buo ang pasya ni Isabelle na kailangan niya ang malaking halaga na iyon.

Dahil sa seryoso at nakikita ni Carlo na hindi mababago ang pasya niya ay inilabas nito ang cellphone at nag transfer nga ng five hundred thousand sa account niya,

“Masyadong malaki ang hiningi mo ngayon sa akin, Isabella. Siguraduhin mo lang na hindi mo pagsisisihan na hindi mo pinili ang maka date ako.”

“Uhm.”

“Ito ng tandaan mo Isabella, I rather to have a dog kaysa ang mahalin ka.” gigil na gigil si Carlo dahil hindi ito makapaniwala.

“Then, gusto mo bang ibili kita ng aso? magka pareha pa kung gusto mo.” Sagot naman ni Isabella na lalong ikinainis ni Carlo sa kanya.

“Get out. Hindi na kita kailangan dito.” Galit na pagtataboy ni Carlo sa kanya.

“Huh! Okay.” sagot  niya na nakangiting tumalikod. “Ah oo nga pala, sasabihin ko pala sa mama mo na humingi ka na ng tawad sa akin. At pinatawad na kita. Okay. Bye.” nakangiti pa rin niyang sabi dito bago tuluyang bumaba ng ikalawang palapag.

Narinig na lang niya ang pagmumura ni Carlo habang pababa siya ngunit wala na siyang pakialam dito.

    

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Spoiled Me, Mr. Billionaire   #39:

    "Okay! Thank you!" tuwang tuwa si Cathy ng makatanggap ng tawag mula sa katulong ng pamilyang Green.Agad niyang hinarap ang kanyang ina at sinabi ang magandang balita."Ma, tumawag ang katiwala ni Mr. Green at sinabi na pwede daw akong dumalaw sa mansion ng old lady. At sinabi pa nila na pwede kong dalhin ang buo kong pamilya."Masayang masayang pagbabalita niya sa kanyang mama at papa na hindi maitago ang kagalakan sa ibinalita niya."Really, baka nabalitaan nila ang bago mong painting, Cathy.""Kaya nga ma, at dadalhin ko ang bagong painting na ginuhit ni Isabella para mas matuwa sila sa akin at ng magkaroon na ako ng pagkakataong mapalapit kay Marcus Green. Hindi na ako makapaghintay na maging asawa ni Marcus, mama.""Kahit na kilalang seryoso at ruthless si Marcus ay hindi niya mahihindian ang kanyang lolo. Kaya kunin na natin itong pagkakataon," sigunda naman ng kanyang ama. "You are awesome, daughter. Unlike that girl, Isabella. Nagmana lang sa kanyang ina na sakitin, pabigat l

  • Spoiled Me, Mr. Billionaire   #38:

    Nawili si Marcus na pinanuod lang ang paglabas ni Isabella sa dressing room."Be good, princess. Or else I will their live if you don't obey me." sabi pa ni Marcus na nakatingin pa rin sa pinto ng dressing room kung saan nalumabas si Isabella.Habang si Isabella ay nagmamadaling lumabas at nakasalubong pa niya si Carlo hindi kalayuan sa pinto ng dressing room."Hoy, Isabella! Hindi mo ba mabibilisan ang kilos mo? Alam mo na naghihintay sayo si Mrs. Green." may pagkainis sa boses ni Carlo na pinagsasabihan pa si Isabella.Magpapatuloy pa sana ito sa panenermon kay Isabella ng may narinig silang tunog ng cellphone sa loob na pinanggalingan ni Isabella.Kunot ang noo ni Carlo."Kaninong cellphone iyon? May kasama ka bang ibang lalaki sa loob ng dressing room?" may paghihinala na tanong nito sa kanya.At akmang pupunta sa dressing room ng mabilis na pigilan ni Isabella ito."Eh! Cellphone ko iyon, naiwan ko lang sa loob." paliwanag ni Isabella kay Carlo. "Kukunin ko lang para makalabas na

  • Spoiled Me, Mr. Billionaire   #37:

    Natauhan si Isabella kaya niya itinulak si Marcus."This is not right. You don't have the right to kiss me," sabi ni Isabella ngunit sa tangka niyang muli itong itulak."Bakit ka ba nandito?" muli niyang tanong sa unang naging tanong niya kanina kay Marcus. "Sinong nagpapasok sayo dito?""Ako? Narito ako para maningil ng pagkakautang sa akin." sagot niya na ang kislap ng mga mata ni Marcus ay nandoon na naman ang panunukso sa kanya."Anong utang? Binilhan na kita ng singsing. And I also treat you to a dinner, aren't I?" sagot naman ni Isabella."Hmm, you treat me to a dinner, pero hindi ko sinabi na inbitahan mo ang mag inang iyon. At ang singsign, hindi ba ako ang nagbayad iyon? You still owe me.""You...""Nah! Pero hindi iyan ang ipinunta ko dito. Narito ako para siningilin ang taong pumigil sa akin na sabihin sa kanila kung sino ang taong nagugustuhan ko. At gusto niyang ilihim ko na lamang iyon."Natahimik si Isabella. Kahit na nagugustuhan niya ang bagay na iyon na gusto siya ni

  • Spoiled Me, Mr. Billionaire   #36:

    Dahil sa ayaw ni Isabella na madagdagan pa ang ibang iniisip ni Calo ay nagpatuloy siya sa pagpapaliwanag."Nakita mo naman noon kung paano niya ako niligtas kay mr. Mansano. At gusto kong bumili ng katulad ng singsing niya ngunit sinabi ni Mr. Green na mayroon siyang babaeng nagugustuhan kaya napili niya na couple ring na lang ang kapalit ng singsing niya." mahaba pang paliwanag ni Isabella.Nanginginig naman na dinampot ni Carlo ang baso ng alak na humarap kay Marcus."Kuya Marcus, sorry! I misunderstood you." paghingi ng tawag ni Carlo ng makita na lalong nagdilim ang mukha nito na bumaling sa kanya."Misunderstood? Napagkamalan mong may gusto ako sa fiancé mo, ganun ba?" malalim ang tinig ni Marcus na tanong pa kay Carlo."H-hindi! Hindi, kuya Marcus. Paano ka naman magkakagusto sa fiancé ko, hindi naman siya kagandahan." sabi pa nito.Kunot ang noo ni Marcus na tumingin kay Carlo?"Hindi kagandahan? Kung ganun hindi maganda si Ms. Isabella sa paningin mo? Mukhang malabo na yata a

  • Spoiled Me, Mr. Billionaire   #35:

    Doon napagtanto ni Carlotta na hindi lang pala iyon ordinaryong jade bracelet kundi iyon ang itinatagong heirloom ng pamilyang Green na ipinapasa sa bawat henerasyon ng kanilang pamilya."Mrs. Green, hindi ko ito matatanggap." matigas na pagtanggi ni Isabella kay ms. Green."This is not that worthy, Isabella." sagot ni Mrs. Green na tinanggal sa kaheta ang bracelet at sinuot sa kamay ni Isabella. "So just wear it with peace of mind."Ngumiti na si Isabella ng sinabi ni Mrs. Green na hindi naman ganun kamahal ang bracelet na binibigay nito sa kanya."Thank you, Mrs, Green." pasasalamat ni Isabella na nakatingin pa sa suot ng bracelet. "Mrs. Green, let me walk you in and have a seat." aya na ni Isabella kay mrs. Green.Umalalay sa paglalakad at pinaghila ng upuan.Nagustuhan ni Mrs. Green ang ayos ng private room na iyon. Ayon sa panlasa nito."Isabella, ikaw ba mismo ang nag ayos nito?" tanong ni Mrs. Green pa kay Isabella. "It's refreshing and lively.""As long as you like it, Mrs. Gre

  • Spoiled Me, Mr. Billionaire   #34:

    "Carlo, alam mo bang may bagong labas ngayon na couple ring, bilhin mo naman iyon para sa atin. Gusto kong isuot," sabi ni Cathy kay Carlo habang nasa labas sila ng shop kung saan palabas pa lang si Isabella. "Oo naman, bibilhin ko para sayo. Pero alam mo naman na hindi ko pwedeng isuot ang kapareha niya kaya ikaw na lang muna ang magsuot kapag nasa labas tayo. Kailangan nating mag ingat ng hindi tayo makuhanan ng larawan ng mga media." mahabang sabi naman ni Carlo kay Cathy. Papasok na sina Carlo at Cathy sa shop ng mga alahas ng mamataan na ni Carlo si Isabella. Napangiti si Carlo. Sa isip ni Carlo na kaya nandito sa shop si Isabella ay bibili ito ng singsing at magpropropose na kay Carlo. "Isabella? Anong ginagawa mo dito?" tanong parin ni Carlo kay Isabella. Hindi na nagulat si Isabella ng makita sina Carlo at Cathy na magkasama. Ngunit hindi niya mapigilang mainis sa dalawa dahil ang lakas ng loob nilang magsama sa pampublikong lugar gayong siya naman ang nahihirapan na umayo

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status