Share

#3:

Author: YuChenXi
last update Last Updated: 2025-10-10 12:29:25

Napaatras ang mga reporter at nagkatingin sa mga kasama.

“Hindi siya si Mr. Tuazon.”

Naalarma sila dahil ang iba ay tila namukhaan ang lalaki.

“Sorry, sir.” agad na hingi ng tawad ng mga reporter.

At habang humihingi ng tawad ang mga ito ay nanatiling nakasiksik ang mukha ni Isabella sa mga bisig ng lalaki para lamang hindi makita ng mga ito.

“Sorry, sir sa pagkaistorbo namin sa inyo ng iyong lover.”

“Sorry, sir.” paulit ulit nilang paghingi ng tawad.

“You and your wife continue.” sabi pa ng isang babaeng reporter.

Sa sinabi nito ay napayuko ang lalaki sa kanya at napangisi, itinago iyon sa harap ng mga reporter. Pumisil at may kasamang mga haplos sa braso ni Isabelle. At ng muling umangat ang mukha niya sa mga ito ay bumalik iyon sa pagka seryoso.

“Kung ayaw nyong mawalan ng trabaho, umalis na kayo.” ma awtoridad na pagpapaalis ng lalaki sa mga reporter.

“Yes, yes sir. Aalis na kami.” halos sabay sabay na sagot ng mga ito na sinabayan na ng pagtalikod sa kanila.

“Bakit parang pamilyar ang lalaki.” sabi pa ng isang reporter habang palayo.

“Oo nga, parang nakita ko na rin siya ngunit hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita.”

Ilan lamang iyon sa mga narinig nila hanggang sa tuluyan ng makaalis ang mga ito.

Nang masiguro ni Isabella na nakaalis na ang mga reporter ay doon naman siya kumalas ng yakap sa lalaki. Napapasulyap pa siya mismo sa mukha nito.

“Ganito na ba ka advance ang mga male model ngayon?” hindi niya mapigilang humanga sa kakayahan ng lalaki sa harap niya na sa isang malalim at seryoso nitong tinig ay natakot na ang mga reporter dito. “Na ang isang tulad nito ay kayang magpanggap na mayaman.”

At habang naiisip niya iyon ay hindi niya namamalayan sa sarili na tumagal ang pagkaka titig niya sa lalaki.

“Why? Ganyan mo na ba ako hinahangaan ngayon?” pagbasag ng lalaki sa kanyang pag iisip. “Gusto mo na ba talagang maging asawa ko?”

Sa sinabi ng lalaki ay doon tuluyan siyang nagising at naitulak pa itong palayo. Umayos siya ng upo saka niya kinuha ang bag at naglabas doon ng isang bungkos ng malaking halaga.

“Natapos mo ang misyon mo ng maayos, ito.” sabay abot dito ng malaking halaga. “Here’s a tip for you.”

“Tsk.” nawala ang pagkaaliw sa mukha ng lalaki at muling sumeryoso ang mukha nito. “Sino ang makakapagsabi na ang perang iyan ay totoo o peke?” tanong nito sa kanya.

“Hmmp.” she snorted at ibinalik sa bag ang pera.

Kinuha niya ang kanyang cellphone.

“Open your payment code at sa bank account mo na ang ibibigay ang bayad ko sayo.” may pagkairitang sabi niya sa lalaki sabay bukas ng kanyang payment.

“Pasenya ka na ms. Isabella, wala akong bank account na pwedeng ilink sa cellphone ko. Hindi ko din iyan matatanggap.” muling pagsagot ng lalaki.

“You…” nagngalit pa ang ngipin ni Isabella dahil sa pagtanggi ng lalaki.

“How about add me as a friend, para doon mo na lang ako bayaran.” alok ng lalaki sabay labas ng cellphone nito at ipinakita ang QR code nito sa isang application.

Kunot ang noo ni Isabella na walang nagawa kundi ang i-scan na lang ang QR code ng lalaki. Doon na muling napaskil ang isang matagumpay na ngiti ng lalaki habang abala siya sa pagtingin sa account ng lalaki.

“Kung talagang gusto mong makahanap ng girlfirend o mapapangasawa, ang maipapayo ko sayo ay magpalit ka ng trabaho. Hindi malinis ang trabaho mo dahil walang matinong babae ang papatol sa lalaking nagtatrabaho sa club at nagbebenta ng aliw.”

Napatitig ang lalaki sa kanya at nawala ang ngiti nito sa mga lani. Kunot ang noo na hindi agad naitama ang mali niyang akala sa klase ng trabaho nito.

At bago pa man makasagot ang lalaki ay nabuksan na ni Isabella ang  pinto ng sasakyan at bumaba na.

“Huh!” napailing ang lalaki. “Tsk!” at habang nakatanaw ang tingin nito sa papalayong pigura ni Isabella ay muling napaskil ang ngiti sa mga labi nito.

….

Nakasandal si Marcus sa kanyang sasakyan habang nakatingin sa kanyang cellphone na hindi mapigilan ang mapangiti. Hindi niya namalayan ang paglapit sa kanya ng kaibigan.

“Tsk!” John snorted as he apporched him. “What are you looking at? Para kang baliw na nakangiti habang nakatingin sa cellphone mo.” tanong pa nito sa pagkausisa.

“Mayroon ka ba ng bagay na naibibigay ng asawa ko?” balik tanong ni Marcus sa kaibigan. “ Oh! Nakalimutan ko. Wala ka palang asawa.” at nilangkapan pa ng pambubuska dito.

“Tsk! Ang marangal na prinsipe ng pamilyang Green that being treated like a duck, and still being so shameless. Ngayon lang kitang nakita ng ganyan, Marcus.”

“Hmm, huwag kang mainggit, John. Hindi mo lang alam ang pakiramdam ng may asawa.” balewalang sagot niya fito.

“Hey! Alam mo ba?” napapailing na binago na lang ni John ang kanilang usapan. “Na may fiance na si Carlo? Tapos gumawa ka ngayon ng malaking balita. Alam mo naman na nandito siya para tulungan ang fiance niya. Kaya totoo ang mga naibabalita. Na mahal na mahal ng asawa mo ang Carlo na iyon.”

Sumeryoso si Marcus sa mga nasabi ng kanyang kaibigan. Ibinulsa ang cellphone at kinuha doon ang kanyang lighter. Pinasindi iyon ng paulit ulit.

“She can only be mine.” seryoso at diterminadong sabi niya kay John.

At sa ekspresyon ng kanyang mukha ngayon ay walang kahit na sinong makakaagaw kay Isabella sa kanya. Kahit na isang Carlos Tuazon pa ang fiance nito.

Nagpakawala ng malalim na paghinga si John na sinabayan ng pag iling.

“Ano ang balak mo ngayong gawin?” seryoso na rin nitong tanong na nakiki simpatya pa sa kanya.

Itinaas niya patapat sa kanyang mukha ang lighter at muli iyong sinindihan. Nakatingin siya sa asul na apoy. Naipilig ang ulo.

“Kung hindi siya makuha sa magndang usapan, kukunin ko siya sa dahas na paraan.” seryoso niyang sagot kasunod ng pag ihip niya ng apay ng lighter at pagtunog ng pagsara ng takip. Naikuyom ang palad na hawak ang lighter at ang mga mata at diretsong nakatingin sa malayo.

“Yow! Kaya mong gawin iyan sa ngalan ng pag ibig?” hindi makapaniwala na tanong ni John sa kanya. “Hahaha, how about me? Anong gusto mong gawin ko?”

“Just watch, dahil hindi nararapat si Carlo na maging karibal ko.”

…..

Habang naglalakad si Isabella ay kausap niya si manager Mateo.

“Manager Mateo, ang male model na binayaran mo para sa akin ay may problema sa ugali. Kaya umaasa ako na hindi na ito mangyayari sa susunod.” pagrereklamo niya. “Huwag ka ng makipag transaksyon sa ganung klaseng tao.” pagbibigay payo pa niya dito.

“Ms. Isabella, pasensya na. Ang male model na dapat makipagkita sayo ay hindi nakarating dahil naaksidente habang papunta sa hotel kanina. Kaya nasa ospital ito. Kaya hindi ko kilala kung sino ang lalaking naka trabaho mo kanina.” paliwanag naman ni Manager Mateo.

Sa narinig niya ay natigil ang paglalakad niya. Nailayo pa niya ang cellphone sa tainga at napatingin doon na para bang nakikita lang niya doon ang kausap.

“Ms. Isabella.” narinig niyang tawag nito sa kabilang linya kaya naibalik niya sa tainga ang cellphone.

Hindi siya agad nakasagot. At bumalik sa alaala niya ng una niyang masulyapan ang lalaki na kampanteng nakasandal ito sa magarang sasakyan.

At naalala pa niya ang hawak nitong lighter dahil hindi lamang iyon basta ordinaryong lighter kundi masasabi niyang isa iyong mamahalin sa ginto nitong kaha. At sa tindig at porma ng lalaking iyon ay hindi lamang pang male model. Kahit na siguro magbihis ang mga male model na nakikita niya ay hindi ganun kaganda ang tindig at kalakas ang aura.

“If I’m not mistaken, his car… that’s a limited edition Roll’s Royce, and there are only a few in the world.” sa isip niya ng mapagtanto niyang nagkamali siya ng taong nakasalamuha.

“Ugh! Never mind, saka ko na lang iyon iisipin. Ang mahalaga ay ang maalis sa hot search si Carlo.” sa loob loob niya at ipinagpatuloy ang pagsakay ng elevator paakyat ng kanyang condo unit.

    

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Spoiled Me, Mr. Billionaire   #32:

    Napangiwi si Marcus.Hindi na lang ito basta nagbibiro.Mabilis na inusisa ni Isabella ang sugat ni Marcus. Ganun na lang ang pagkagimbal iya ng makitang may dugo nga ang bendahe na nakatakip sa sugat nito."Kailan pa ito? Akala ko ay galos lang ang natamo mo kagabi," tanong ni Isabella na umalalay na kay Marcus.Umakbay naman si Marcus sa kanya. Lihim na sinulyapan ni Marcus ang assistant at kinindatan."Halika, dito na muna tayo." Umalalay pa si Isabella sa pag upo ni Marcus.Kumuha ng isang silid si Isabella sa hotel na iyon para agad na makita ang sugat ni Marcus. Hindi siya mapakali dahil alam niya na isa siya sa dahilan kaya pinaghihigantian ng mga Mansano si Marcus."Hindi ko lang sinabi sayo kagabi para huwag kang mag alala. Pero nalaman mo rin. Masyado ka kasing mapanakit," nagpapaawa pang sabi ni Marcus sa kanya."Hmp, hindi ka kasi nag iingat. Sino ba kasi ang nagsabi sayo na lumabas ng walang kasama, iyan tuloy, pinagkaisahan ka." puno naman ng pag aalalang panenermon ni I

  • Spoiled Me, Mr. Billionaire   #31:

    "Huh! Hayop kang babae, malandi! Pokpok!" Sigaw ni Mrs. Corpuz na pumasok sa loob ng kwarto kung saan naabutan nilang magkatabi sa higaan ang asawa nito at ni Cathy.Kasabay ng pagkislap ng mga camera para kunan ang tagpong naabutan nila."Kaya ka sumikat na isang painter dahil sa pagpatol mo sa mga mayayamang lalaki na may asawa na. Hayop ka, isa kang pokpok." galit na galit na igaw ni Mrs. Corpuz saka nito hinila ang kumot na itinakip ni Cathy sa mukha."Huwag...""Ipapakita ko sa lahat kung anong klase kang babae," nakipaghilaan pa si Mrs. Corpuz sa kumot nito.Nagmamadali na ring pumasok ang ina ni Cathy sa pag aakalang si Isabella na ang pinagkakaguluhan ng mga media ngunit ganun na lang ang panlalaki ng mga mata nito ng makita ang anak na siyang katabi ni mr. Corpuz."Ganyan mo ba pinalaki ang anak mo. Ang makisampid sa asawa ng may asawa para lang umakyat ang katayuan sa buhay," sumbat ni mrs. Corpuz sa ina ni Cathy."Mrs. Corpuz, hindi...""Anong hindi ang sinasabi mo dyan? Hi

  • Spoiled Me, Mr. Billionaire   #30:

    "Halika, ipapakilala kita sa mga malalaking tao para hindi ka manibago kapag kasal ka na sa isang Tuazon."Napalingon si Isabella sa kanyang madrasta na nakalapit na sa kanila."Go, hayaan mo na kami dito." sabi sa kanya ni Cathy.Kahit na ayaw niyang sumama sa kanyang madrasta ay napilitan si Isabella ng hilain na siya nito sa mga umpukan ng mga kilalang tao."Sino siya mrs. Nicolas?" tanong ng isa sa mga bisita nila."Siya ang anak ng aking asawa sa una nitong asawa. Pero ako ang nagpalaki sa kanya at itinuturing ko siyang tunay na anak kaya ipapakilala ko siya sa inyo. Siya si Isabella, malapit na rin siyang ikasal sa isa sa mga apo ng mga Tuazon.""Siya ba ang fiancée ni Carlo? Aba, napakaswete naman ng batang iyon at kay ganda ng mapapangasawa niya." sabi naman ng isa.Nawala ang ngiti sa labi ng kanyang madrasta sa narinig nitong pagpuri sa kanya."Napakagandang dilag. Mas maganda pa siya sa tunay mong anak,""Oo nga." sigunda naman ng iba.Kahit tabingi na ang ngiti ng kanyang

  • Spoiled Me, Mr. Billionaire   #29:

    Itutuloy na sana niya ang pagpipinta ng tumunog ang kanyang cellphone.Nawala bigla ang gana sana niyang gumuhit at tapusin iyon agad ng makita niya kung sino ang tumatawag."Isabella, tapos na ba ang ipinapaguhit ko sayo?" tanong sa kanya ni Cathy. Nilambingan pa talaga nito ang boses kaya mas lalo siyang naasar dito.Ngunit hindi naman niya iyon mailabas ng tuluyan.Nagpakawala siya ng malalim na paghinga saka siya napatingin sa kanyang canvas."I'm still doing it," walang kagana gana niyang sagot kay Cathy. "Huwag kang mag alala, ipapadala ko agad sayo kung tapos ko ng iguhit.""Really, maaasahan ka talaga, Isabella." hindi maitago sa boses ni Cathy ang katuwaan sa sinabi niya. "It's on me today, ipinagdidiwang namin ngayon ang birthday ko dito sa Imperial Hotel. They asked you to come too, para makilala ka naman ng ibang tao.""Oh, talaga. Gusto nila akong imbitahan sa party mo? Okay, huwag kang mag alala, sister. Darating ako." sagot niya na may peke pang ngiti sa kanyang mga lab

  • Spoiled Me, Mr. Billionaire   #28:

    Lihim na napangiti si Marcus, ngunit nagpanggap pa rin itong nanghihina.Wala naman itong natamong sugat kanina sa paglaban sa mga tauhan ni Cardo Mansano. Ngunit gusto lang naman niyang makitang mag alala si Isabella.."Marcus, anong nangyari sayo? Sino ang may gawa nito sayo?" tanong ni Isabella kay Marcus saka niya masusing tinignan ang mga pasa nito sa mukha.Umiling si Marcus saka may kinuha ito sa kaliwa nito.Doon lang niya napansin ang pamilyar na paper bag sa bakery kung saan siya laging bumibili ng puff na paborito niyang kainin."Binili mo iyan? Pero bakit may mga pasa ka?" tanong pa ni Isabella.Tumango si Marcus saka iyon binigay sa kanya."Lumabas ako para bumili iyan kanina, pero tinambangan ako ng mga tauhan ng mga Mansano. Sinabi ko sa kanila na hindi ako lalaban basta hindi nila iyan gagalawin at sisirain," mahinang sagot ni Marcus."Mas mahalaga pa ba ang buhay mo kaysa sa mga puff na ito? Pwede ka pa namang bumili ng iba kung nasira ito."Sumimangot si Marcus. Ang

  • Spoiled Me, Mr. Billionaire   #27:

    Agad na nakatulog si Isabella dahil sa pagod ng gabing iyon sa dami ng nangyari.Hindi siya namahay. Komportable siya sa kamang kinahihigan kaya nahimbing na siya sa pagkakatulog.Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto ng silid kung saan natutulog si Isabella.Si Marcus ang pumasok.Magaan ang bawat hakbang na lumapit sa kama. Maingat na naupo sa gilid ng kama at pinagmasdan si Isabella sa payapa nitong pagkakapikit.Ngumiti si Marcus. Umangat ang kamay niya at pinasadahan ng daliri nito ang ilong ni Isabella."Hindi ka pa rin nagbabago, aking Issay. Agad ka parin nakakatulog kahit sa kung kaninong bahay." mahinang usal ni Marcus na hindi mapigilan ang pagkaaliw na pagmasdan ang maamong mukha ni Isabella."Hmm, sleep tight, Issay." bulong ni Marcus.Dahan dahan siya nitong niyuko at magaan na hinalikan sa mga labi.Nanatili ng ilan pang minuto si Marcus na pagmasdan si Isabella bago siya nagpasyang lumabas para hindi na maistorbo ang tulog niya.Maingat na isinara ni Marcus ang pinto.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status