Share

#6:

Author: YuChenXi
last update Last Updated: 2025-10-13 16:46:32

“Paano mo nakilala ang isang Green, Issay. Hindi mo ba alam na ang pamilyang iyon ang pinakamayaman sa apat na kilalang pamilya dito sa ating probinsya. At kahit na anong gawin ng tatlong pamilya noon sa pamilyang Green ay hindi nila ito natatalo sa kahit na anong pamantasan.”

Mahabang tanong at pagsalaysay sa katayuan ng buhay ng lalaking hindi niya naman sinasadyang makasalamuha at makilala. At lalong hindi siya mangangahas na makausap ito kung nakilala lamang niya ito noong nakaraang araw.

“Sinubukan pa ng tatlong pamilya na magsanib pwersa para lamang mapabagsak ito sa pag aakalang sa pagtutulungan nila ay madaig nila ang pamilyang Green.” pagpapatuloy ng kanyang kaibigan sa pagkukwento nito tungkol sa likod ng mga pinakamayamang pamilya sa kanilang probinsya.

“Nagdiwang ang tatlong pamilya ng malaman na biglang naglaho sa ating probinsya ang pamilya ng mga Green pero nitong nakaraang limang taon ay may nakapagsabi na bumalik nga ang kinatatakutan na tagapagman
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Spoiled Me, Mr. Billionaire   #8:

    Tumakbo siya, palingon lingon siya sa kanyang pagtakbo. "Help." sigaw niya kahit na hindi siya siguradong may tutulong nga sa kanya sa madilim na bahaging iyon ng hardin. Sa kanyang huling paglingon habang tumatakbo ay doon siya bumangga sa kanyang harap sa isang matatag na pigura. "Ahh!" napapikit siya sa lakas ng impact ng kanyang pagkakabangga at hindi na niya nabalanse ang kanyang katawan. Ngunit bago pa man siya tuluyang bumagsak ay may malaking kamay ang humawak sa baywang niya saka siya hinila palapit. Napahawak siya sa balikat nito. Sa pagmulat ni Isabella ng kanyang mga mata ay doon niya nakilala kung sino ang lalaking nakabunggo niya. Si Marcus Green. Ang lalaking sadya niya kaya siya narito. Napasinghap siya ng makita ang seryoso at malamig na titig ni Marcus sa kanya.Mabilis niya itong naitulak kaya nabitawan nito ang pagkakahawak sa baywang niya. "Mr. Green, pwede mo akong parusahan sa kahit na anong gusto mong paraan." H

  • Spoiled Me, Mr. Billionaire   #7:

    Hindi makapaniwala si Isabella sa mga nabasa sa social media kung saan malinaw na nakuhanan na ang kanyang mukha, habang ang nalilink sa kanya na si Marcus ay hindi naman malinaw ang kuha. Kunot ang noo niya dahil parang binabaliktad nila ang larawan. Paano makukuhanan ang kanyang mukha gayong naalala niya kung paano siya magtago sa mga bisig ni Marcus para lang hindi makita ng mga reporter ang mukha niya at si Marcus mismo ang humarap sa mga iyon habang nagtatago siya sa katawan nito. Ngunit ang isa sa nakapagpagimbal sa kanya ay ang isang komentaryo tungkol sa marka ng kagat sa kanyang kamay na kaya napatingin siya mismo sa kanyang pulsuhan kung saan mayroon ngang marka ng kagat. "Damn, kung alam ko lang na mapapansin nila ang marka sa kamay ko ay pinatakpan ko na muna sana iyon bago ko pinayagan ang reporter na ipost iyon." hindi niya mapigilang hindi mapamura sa kapabayaan niyang iyon. Pero mas nausisa naman ang kanyang kaibigan dahil doon at kinuha sa kan

  • Spoiled Me, Mr. Billionaire   #6:

    “Paano mo nakilala ang isang Green, Issay. Hindi mo ba alam na ang pamilyang iyon ang pinakamayaman sa apat na kilalang pamilya dito sa ating probinsya. At kahit na anong gawin ng tatlong pamilya noon sa pamilyang Green ay hindi nila ito natatalo sa kahit na anong pamantasan.” Mahabang tanong at pagsalaysay sa katayuan ng buhay ng lalaking hindi niya naman sinasadyang makasalamuha at makilala. At lalong hindi siya mangangahas na makausap ito kung nakilala lamang niya ito noong nakaraang araw. “Sinubukan pa ng tatlong pamilya na magsanib pwersa para lamang mapabagsak ito sa pag aakalang sa pagtutulungan nila ay madaig nila ang pamilyang Green.” pagpapatuloy ng kanyang kaibigan sa pagkukwento nito tungkol sa likod ng mga pinakamayamang pamilya sa kanilang probinsya. “Nagdiwang ang tatlong pamilya ng malaman na biglang naglaho sa ating probinsya ang pamilya ng mga Green pero nitong nakaraang limang taon ay may nakapagsabi na bumalik nga ang kinatatakutan na tagapagman

  • Spoiled Me, Mr. Billionaire   #5:

    Nagpunta ng ospital si Isabella para bisitahin ulit ang kanyang ina. Isang linggo na rin simula ng magising ang kanyang ina mula sa pagkakacoma matapos itong atakihin noon sa puso. Mag iisang buwan na rin sila sa ospital. At aaminin niya sa kanyang sarili na nahihirapan na siya sa kakaisip kung saan pa siya kukuha ng pera para pambayag sa ospital bill. Pagpasok niya sa ward ng kanyang ina ay naabutan niya ang doctor na katatapos lang suriin ang kalagayan nito. Umangat ang tingin ng doctor sa kanya ng maramdaman ang pagdating niya. "Mabuti at narito ka na, Ms. Nicolas." pagsalubong nito sa kanya. "Ang medical bill ni Mrs. Nicolas ay dapat ng mabayaran." Sa sinabi ng doctor sa kanya ay napatingin pa siya sa kanyang ina. At kasunod nun ang pagbigay sa kanya ng medical bill. "This is the bill, Ms. Nicolas." Kinuha niya ang bill sa dictor at tinignan iyon. Sa tagal ng pagkakaconfine ng kanyang ina sa ospital ay umaabot na sa pitong daang libong piso

  • Spoiled Me, Mr. Billionaire   #4:

    “Issay! Ang mga balita tungkol sa Carlo na iyon ay naalis na at napalitan ng bago.” pagbabalita ni Maureen sa kanya kinaumagahan.Paalis na siya para pumasok sa trabaho ng magchat ito at magbalita ng bago.Nakangiti siyang binabasa ang chat ng kanyang kaibigan.“At inamin ng ibang reporter na nagkamali sila ng taong nakita, at pinagkamalang si Carlo.”At sa ipinasa nitong litrato ay nandoon ang larawan ng lalaking napagkamalan niyang male model.“Hmm.”Hindi na niya inabala ang sariling magreply sa chat ng kanyang kaibigan, bagkus inilabas niya ang eye drops at nilagyan ang kanyang mata. Saka niya kinuha ang maliit na salamin sa bag at tingnan kung kapani paniwala na umiyak nga siya.Humugot siya ng malalim na paghinga saka siya nagpatuloy sa pag alis.…..Pagpasok niya sa mansyon ng mga Tuazon ay agad niyang namataan si Carlo na nakaupo at naghihintay sa kanya. Papasok na sana siya sa kanyang trabaho ng makatanggap siya ng tawag mula sa mama nito na pinapapunta nga siya sa mansyon ng

  • Spoiled Me, Mr. Billionaire   #3:

    Napaatras ang mga reporter at nagkatingin sa mga kasama.“Hindi siya si Mr. Tuazon.”Naalarma sila dahil ang iba ay tila namukhaan ang lalaki.“Sorry, sir.” agad na hingi ng tawad ng mga reporter.At habang humihingi ng tawad ang mga ito ay nanatiling nakasiksik ang mukha ni Isabella sa mga bisig ng lalaki para lamang hindi makita ng mga ito.“Sorry, sir sa pagkaistorbo namin sa inyo ng iyong lover.”“Sorry, sir.” paulit ulit nilang paghingi ng tawad. “You and your wife continue.” sabi pa ng isang babaeng reporter.Sa sinabi nito ay napayuko ang lalaki sa kanya at napangisi, itinago iyon sa harap ng mga reporter. Pumisil at may kasamang mga haplos sa braso ni Isabelle. At ng muling umangat ang mukha niya sa mga ito ay bumalik iyon sa pagka seryoso.“Kung ayaw nyong mawalan ng trabaho, umalis na kayo.” ma awtoridad na pagpapaalis ng lalaki sa mga reporter.“Yes, yes sir. Aalis na kami.” halos sabay sabay na sagot ng mga ito na sinabayan na ng pagtalikod sa kanila.“Bakit parang pamily

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status