LOGINNEO SAMANIEGO
Nag iwan na naman ng sticky note 'yong babaeng may pink na buhok sa ilalim ng desk niya. Nakasanayan kong iyon ang una kong pinagkakaabalahan sa tuwing papasok ako sa classroom na ito para sa klase namin.
Alam kong mali itong ginagawa kong pagsagot sa mga assignments niya. Pero hindi ko magawa-gawang pigilan ang sarili ko. Sa tuwing nag iiwan siya ng sticky note ay excited agad akong sagutan 'yon.
Abala ako sa pagsagot ng assignment niya nang napansin kong may strawberry sa ilalim ng desk ko. Pinakatitigan ko iyon saglit bago ako nagpasyang yumuko upang kunin 'yon. Pahirapan pa para sa akin ang makuha 'yon dahil talagang inabot ko lang at hindi na ako nag abala pang umalis mula sa pagkakaupo. Minsan talagang tinatamad na ako.
Akala ko totoong strawberry pero nang nakuha ko ay isa pala 'yong flash drive. Hindi ko alam kung kanino kaya nagpasya akong tingnan ang files na nasa loob. Baka sakaling magkaroon ako ng ideya kung kanino ito.
"Jemuel, pwedeng makahiram ng laptop mo saglit? May titingnan lang sana ako."
"Walang problema, pare," tugon ng kaibigan ko saka nito iniabot sa akin ang laptop niya.
Umalis ako sa upuan ko at piniling maupo sa pinakagilid at pinakalikod para walang ibang makakita sa kung anumang laman nitong flash drive na nahanap ko. Hindi ko alam at baka pribado ang mga files na narito. Hindi ako pakialamero kaya kung may makita man ako dito ay alam kong safe ang sekreto ng may ari. At isa pa, titingnan ko lang naman kung kanino para alam ko kung kanino ko ibabalik.
Rumehistro sa laptop ang pangalan ng flash drive. Nanlaki ang mga mata ko nang nakitang Adaline Roa ang nakalagay. Ito 'yong pangalan no'ng babaeng may pink na buhok. Natulala ako saglit at napahilot sa tuktok ng aking ilong. Paano ko ito ngayon ibabalik sa kanya?
Oh fuck, Neo! Hindi mo kailangang problemahin ang pagbabalik nitong flash drive na 'to! Pwede namang idaan ito sa mga kaibigan niya.
Malalim akong napabuntonghininga at umayos sa upuan. Tatanggalin ko na sana ang flash drive nang napansin kong may files na may title na 'Yours Truly'. Binuksan ko iyon at nakitang puro selfie niya ang nandoon. Hindi ko naiwasang mapangiti sa mga nakita. Kahit saang anggulo ay talagang napakaganda niya.
Dati ko pa siyang napapansin. Hindi ko makakalimutang siya ang pinakaunang babae na napansin ko sa unang araw ng eskwela. Sino bang hindi makakapansin sa kanya? E, siya lang naman ang nag iisang estudyante sa paaralang ito na may pink na buhok.
Nagagandahan ako sa kanya pero alam ko ang limitasyon ko kaya hanggang doon lang ako. Balita ko kasi'y nag iisang anak siya ng isang mayamang pamilya na may ari ng isa sa malalaking hospital dito sa lugar namin.
Napatikhin ako at umayos na upo nang tila nabalik ako sa katinuan. Hindi ko napansin na panay na pala ang titig ko sa mga litrato niya.
Sa katabing file kung nasaan ang mga pictures niya ay may file na date lang ang title. At bukas ang petsang iyon. Alam kong nakikialam na ako pero binuksan ko pa rin.
Presentation 'yon para sa Psychiatry 2. Binasa ko ang laman at nakitang maraming mali kaya itinama ko. Iyon ang pinagkaabalahan ko habang nagkaklase. Ang akala ni Doctor Soriano ay nakikinig ako sa klase niya pero ang totoo ay abala ako sa presentation nitong si Adaline. Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa. Hindi dapat ako nakikialam sa kanya. Gusto ko na lamang iuntog itong ulo ko sa dingding nang mabalik naman ako sa katinuan.
Sa kalagitnaan ng klase ay biglang nag ingay sa labas kaya ang iba sa amin ay napatingin sa labas ng bintana. Nakita kong nandoon si Adaline. Napaayos na naman ako ng upo. Bumalik ba siya para sa flash drive niya? Talagang sikat ang babaeng ito. Lahat yata ng estudyante sa paaralang ito ay kilala siya. Ang alam ko ay marami ang nagtangkang manligaw sa kanya pero kahit isa ay wala siyang sinagot. Strict yata ang parents. O baka naman pihikan siya sa lalaki.
Minadali ko ang ginagawa ko sa presentation niya at nang natapos ay inabala ko ang sarili ko sa panonood sa kanya. Halata sa mukha niya ang pagod at antok. Panay na ang hikab niya. Abala pa sa pagtampal ng mga braso niya. Sigurado akong nilalamok na siya d'yan sa labas.
Naalala ko tuloy 'yong nangyari kahapon sa cafe. Natatawa talaga ako sa tuwing naaalala ko 'yong mga pinagsasabi niya sa akin.
Napansin kong nakalingon na pala sa akin ang lahat kaya tumigil ako sa pagngiti. Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako.
"Mr. Samaniego, ngayon lang kita nakitang ngumingiti habang nagkaklase ako. Mukhang pati ikaw ay nag e-enjoy sa topic natin ngayon na Sexuality and modes of sexual expressions."
Umingay ang buong classroom dahil sa tawanan ng mga kaklase ko. Napakamot na lamang ako sa batok dahil sa kahihiyan.
Pagkatapos ng klase ay doon ko lang nagawang ibalik kay Jemuel ang laptop niya. Pumasok si Adaline sa classroom namin nang kumonti ang mga estudyanteng nasa loob. Hindi niya kami pinansin at agad siyang nagtungo sa kanyang upuan at sa palibot nito. Flash drive niya nga ang hinahanap niya.
Bakas sa kanyang magandang mukha ang pagkadismaya nang hindi ito nakita. Ilang sandali pa bago ako nagpasyang lumapit sa kanya at ibigay 'yon.
"Miss? Ito ba 'yong hinahanap mo?"
Nanlaki ang mga mata niya at napatayo siya ng tuwid. Nanatili ang mga titig niya sa flash drive niyang hawak ko. Kahit ang tingnan ako ay hindi niya ginawa.
Kumunot ang noo ko. May problema kaya? Bakit parang naestatwa siya?
"Miss?"
Napakurap-kurap siya at agad na kinuha ang flash drive mula sa akin.
"O-oo. I-Ito nga. S-salamat."
"Walang anuman."
"Salamat ulit," sabi niya at nagmadali na sa paglabas ng classroom.
Natulala ako saglit bago ko naalalang kailangan ko palang sabihin sa kanya ang tungkol sa presentation niyang iniba ko.
Agad akong tumakbo palabas. Pagkalabas ko'y nasa field na agad siya at tumatakbo papuntang gate. Nagmadali pa tuloy ako sa pagtakbo para maabutan siya.
Sa mismong gate ko na siya naabutan.
"Sandali!" Hinawakan ko siya sa braso upang pigilan siya. Hinihingal pa ako kaya hindi agad ako nakapagsalita. Bawal sa akin ang tumakbo ng ganun kalayo. Mahina ang puso ko. Pero hindi ko maintindihan kung bakit ko nagawang tumakbo para lang sa babaeng ito.
"B-bakit? A-ayos ka lang?"
Bakit siya nauutal? Nasaan na 'yong babaeng mataas ang confidence na sabihing gusto niya akong order-in?
"Sorry . . . Pinakealaman ko 'yong sa presenta—"
"WHAT?!" sigaw niya. Napalingon tuloy ang ibang mga estudyante sa amin.
"W-what?" biglang bawi niya sa pagsigaw.
"I corrected some of the mistakes I found on your presentation. Sana ay mapag-aralan mo iyon ngayong gabi."
Natulala siya sa akin. "Seryoso ka ba? Hindi ako ang assigned sa reporting nito. At napag-aralan na ito ng kagrupo ko."
"You can be the reporter instead."
Agad siyang umiling. "Oh no!"
"Bakit? I can help you study."
Napaatras agad ako at napaiwas ng tingin. Konti na lang, sasapakin ko na itong sarili ko. Miski siya ay nagulat sa sinabi ko. Hindi naman kami close para tulungan ko siyang mag aral. Oo at lagi akong tumutulong sa kanya sa mga assignments niya but it was beyond her knowledge.
"S-seryoso ka ba?" nagpipigil ng ngiti na tanong niya.
"Why are you smiling?"
Umiling siya. "Wala naman."
Umayos ako ng tayo at huminga ng malalim. Bukas pa ang cafe kaya sinuhestiyon kong doon kami. Hindi ko alam kung nakikinig ba siya sa akin habang nagtuturo ako o hindi. Wala kasi siyang ibang ginawa kung 'di ang tumango at panoorin akong magsalita.
"Naiintindihan mo na ba?"
"Ha? Uh . . ." Nagbaba siya ng tingin sa ipad niya. "Ano nga ulit 'yong diagnosis ng paranoia?"
Napatitig ako sa kanya. Hindi nga siya nakikinig ng maayos.
"Neo, hindi pa ba kayo tapos? Magsasara na," sabi ni Diane.
"Ahh okay. Patapos na," tugon ko.
Muli kong in-explain kay Adaline 'yong itinatanong niya. Pagkatapos ay inaya ko na siyang lumabas.
"Salamat ah! Siguro ay i-e-explain ko na lang sa mga kasama ko ito bukas. Hindi pa rin ako convince na ako 'yong mag report, e."
"You can do it, Adaline." I smiled.
Napasinghap siya na ipinagtaka ko. "Kilala mo ako?"
Mahina akong natawa. "Walang hindi nakakakilala sa 'yo dito."
"Omg! Alam mo ang pangalan ko!" pagtititili niya pa.
Buti na lang at wala na masyadong estudyante ngayon.
Nakangiti ko siyang pinanood habang nagsasasayaw sa tuwa. Huminto lang siya nang nag ingay ang kanyang tiyan.
"Ay sorry! Hindi pa kasi ako nag d-dinner, e."
Nagulat ako. Mula pa siya sa pang umagang klase. Tapos hindi pa siya kumakain? Saan ba siya galing?
"Nag shopping kasi kami after class. Tapos no'ng napansin kong nawawala ang flash drive ay agad akong bumalik. I forgot to grab some food," pag e-explain niya na mukhang narinig ang tanong ko sa utak ko.
"Neo, mauna na ako sa inyo," sabi ni Diane na tinanguan ko lang.
Nagpalinga-linga ako sa paligid at naghanap ng pwedeng mapagkainan pero halos lahat ng establishments ay sarado na dahil gabing gabi na rin. Wala na akong ibang choice kung 'di si manong na nagsisimula na ring magligpit ng mga paninda niya.
Hinila ko si Adaline papunta sa maliit na stall ni Manong Kiko.
"Oh, Neo. Ngayon pa natapos ang klase niyo?"
"Ah, hindi po, manong. May ginawa lang sa cafe."
Nilingon ko si Adaline. "Kumakain ka ng mga ganito?" tanong ko sa kanya.
Napangiwi siya pero agad ring ngumiti at tumango sa akin. Mukhang hindi siya kumakain ng mga streetfoods. Oo nga pala at mayaman siya. Afford niyang kumain sa mamahaling restaurant.
"H-hindi pa. Pero I can try. Sabi din nila masarap ito, e."
Ngumiti ako. Kumuha siya ng isaw at tinikman 'yon. Hinintay ko ang magiging reaksyon niya. Tumatalon ang puso ko sa sobrang kaba. Baka hindi niya magustuhan.
"Halaaa!"
"Bakit?"
"Masarap nga!" sabay ngiti niya. Nakahinga ako ng maluwag at napangiti na rin.
Hindi ko alam kung saan nanggagaling itong nararamdaman kong tuwa sa puso ko. Bawal ako nito kaya as hangga't maaari ay iniiwasan ko. Pero sa puntong ito ay nae-enjoy ko ang sayang nararamdaman ko.
I am getting better every day. Alam ko 'yon kasi 'yon din ang sinasabi sa akin ni Neo. That I'm improving. And he sounded so very proud everytime na sinasabi niyang improving ako."Every after ng session natin, ano nang ginagawa mo non?"Nag angat ako ng tingin sa kanya. "Bakit mo naman naitanong?" iyon agad ang naging tugon ko. Well, I got curious why, but agad din naman akong nag isip kung ano nga bang ginagawa ko after ng tutoring session namin."Naitanong ko lang," maikli niyang sabi.Nagkibit balikat ako. "Wala naman akong ibang ginagawa dito sa bahay kung 'di mag aral nang mag aral.""Hindi ka gumagala?"I immediately shook my head. "Nope. Magagalit sina mommy pag nalaman nilang lumabas ako. I'm grounded til-" Napatigil ako sa pagsasalita. Hindi ko alam kung alam niya 'yong tungkol sa arranged marriage ko kay Felix. Kaya di ko na tinuloy ang gusto kong sabihin."Ah, grounded ka..." tila wala sa sarili niyang sambit. Tumatango-tango pa habang nakatingin sa kawalan."Yeah...""Han
Our first tutoring session went well. Hindi man lahat ng naituro ni Neo ay nakabisado ko at masasabi kong pumasok talaga sa kokote ko ay at least kahit konti ay may natutunan naman ako.Don't forget.Napangiti ako nang nabasa ang text message niya. We exchanged numbers earlier. Hindi ko rin alam kung bakit niya hiningi ang number ko. Pero gusto ko rin naman kaya ibinigay ko na. At ito na nga. May text message na siya!Opo. Hindi ko nakakalimutan. Gagawin ko ngayon.I immediately replied. Akala ko naman gusto niya akong makausap sa text kaya niya hiningi number ko. 'Yon pala para magiging reminder ko siya.Nakabusangot akong huminga ng malalim saka tumayo at kinuha ang notebook at pen. Gagawin ko na 'yong assignment na iniwan niya.Matagal din bago ko natapos. Aaminin kong hindi naman talaga ako ganon katalino. Saka hindi nga ako nakinig ng maayos sa kanya kanina. Kaya pano ko masasagutan ng tama tong pina-assignment niya sa akin?Kinabukasan ay 'yong assignment talaga ang ibinungad ni
Hindi mahirap magturo si Neo. Pero ako? Mahirap paintindihin. Pa'no naman kasi, hindi ako makapag-focus. Paano ako makakapag-focus kung masyado siyang gwapo sa paningin ko?"Nakikinig ka ba? Kanina pa tayo sa formula na 'to, Ada."Umayos ako ng upo nang mapuna ang inis sa boses niya. Kanina pa nga kami dito pero hindi ko magets 'yong sinasabi niya. Kahit anong gawin ko ay puro lang ako tango. Kapag tinatanong niya ako kung nakuha ko na ba ay tatango lang ako bilang sagot pero sa tuwing may pinapa-solve siyang equation sa akin ay wala naman akong masagot."Break muna kaya tayo?" sabi ko."Paano tayo mag b-break, hindi naman tayo. Sagutan mo na 'yan, huwag mo 'kong dinadaan sa mga ganyan-ganyan mo. Hindi mo ako malulusutan, Adaline Roa."Sumimangot ako. Padabog ko na lamang kinuha ang papel at ballpen na hawak niya at sinagutan 'yon."Tsh! Pano naman magiging tayo e hindi mo naman ako tinatanong kung gusto ko ba! E, kung tinatanong mo kaya ako!" bulong-bulong ko pa. Kapag sinusubukang s
The semester ends. Tumuloy ang barkada sa Seoul trip na plano namin. While ako ay naiwan sa bahay for the planned tutoring sessions. Isang linggo akong may rest bago ang simula ng sessions.At sa buong linggo na walang pasok ay wala akong ibang pinagkaabalahan kung 'di ang pag comfort sa kaibigan kong si Brooklyn. Hindi ko akalaing ang taas na pala ng level ng pagkahulog niya kay Neo. To the point na isang buong linggo niya itong iniyakan.I was busy scrolling on my socials last night dahil sunod sunod ang posting nila ng mga photos nila sa mga ganap nila sa Seoul. Kaya ito ako ngayon. Puyat!"Adaline, anak gising."Today is the day! Maaga akong ginising ni Yaya Luz para paghandain ako sa unang session ko. Half day lang naman pero hindi ko alam kung kakayanin kong hindi mabagot. Uminom lang ako ng tubig, nag toothbrush at naghilamos saka ako agad na bumaba for my breakfast."Si mommy at daddy?" tanong ko kay Cheche pagkababa ko.Naupo ako sa harap ng lamesa. May mangilan-ngilang pagka
We spent the day talking, laughing, dancing and swimming. Pero kahit ilang oras na ang lumipas ay hindi pa rin mawala-wala sa utak ko ang ngiti ni Neo kanina no'ng nahuli ko siyang nakatingin sa cleavage ko!Nang mapagod ng bandang alas dos ay nagdesisyon kaming mag movie marathon sa theater room nina Brooklyn. Pero hindi pa nga nangangalahati sa movie ay tahimik na ang paligid namin. Tulog na ang lahat maliban sa akin at kay Dwight na abala sa cellphone niya. Maybe napagod sa pag s-swimming namin kanina. Tumayo ako. I decided to go out."Saan ka?" tanong ni Dwight."Pahangin lang," sabi ko sabay taas ng isang bote ng alak na hawak ko.Umakyat ako sa rooftop. Since medyo nasa burol na bahagi ang bahay nina Brooklyn ay kita ko mula rito kung gaano kaganda ang syudad namin.Marahan akong bumuntonghininga. Is this what I really wanted? To be free?Masaya naman ako kahit papaano. Well, minsan naiinggit ako sa mga kaibigan ko. But I know I'm happy sa tuwing sinusunod ko ang gusto ng parent
Weeks has passed. Hindi na muling nagparamdam sa amin si Neo. Everything was also back to normal, like nothing ever happened. Well, everything maliban sa... Hindi na siya nag iiwan ng sticky notes sa ilalim ng desk ko."Sa tingin mo ba patatawarin ka namin at ang pamilya mo sa nangyari? Hindi, Adaline! Ngayon pang alam namin na sobrang close ng pamilya mo sa mga Griffin! Magkakampi kayo! You, your family and that William Griffin!" Raya spat.I talked to them and asked for forgiveness. Hiniling ko rin sa kanilang huwag na nila akong guluhin tungkol sa nangyaring isang taon na naman na ang nakakalipas. I don't wanna involve anymore.But as expected ay hindi nila ako pinakinggan."Hindi kami magkakampi! William Griffin is my sexual harasser! I'm a victim too!""Talaga ba? And do you think we were that fool enough to believe you just like that? Hindi ba nga ikaw lang ang nakaligtas—"She shook her head. "No. Ikaw lang ang iniligtas nila sa gabing 'yon! Now that I think about it... Hindi k







