LOGINADALINE ROA
Hindi iyon date 'di ba? It's not a date!
Pero bakit sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko? Why am I so happy? Bakit para akong lumulutang sa ere habang kumakain ng isaw? Bakit sobrang sarap sa pakiramdam? Ang sarap pala ng isaw!
"Where have you been?"
Agad akong tumigil sa pagngiti at huminto sa paglalakad. Paakyat na sana ako ng hagdan, paakyat sa kwarto ko nang narinig ko ang boses ni daddy.
"D-dad! G-gising pa po pala kayo?"
Lumapit ako sa kanya at nagmano.
"Akala ko po tulog na kayo kaya—"
"Alas dose na ng madaling araw, Adaline. Saan ka nanggaling?"
"S-sa school po."
"School? Pang umaga ang klase niyo. Anong ginagawa mo sa school niyo ng ganitong oras?"
"Naiwala ko po kasi 'yong flash drive ko at natagalan po akong hanapin 'yon."
Actually, nagsisimula na akong kabahan. Pinagsalikop ko na ang mga kamay ko habang tinitingnan ako ni daddy. Nagsumbong ba agad ang driver namin? Ang bilis naman niya!
"Pwede ka namang bumili ng bago."
"Nandoon po kasi 'yong presentation namin para bukas, dad. Aawayin ako ng mga groupmates ko if naiwala ko 'yon ng tuluyan."
Ilang sandaling nanatili ang mga titig sa akin ni daddy bago siya tumango.
"Make sure na totoo ang mga rason mo, Adaline. Ayaw kong magkaroon ka ng eskandalo bago ang kasal niyo ni Felix."
Nakayuko akong tumango. "Yes po, dad."
"Umakyat ka na sa kwarto mo— oo nga pala, cancel all your plans this Saturday. We might go out of town that day."
"Po?"
Pero birthday 'yon ni Brooklyn!
"Why? If it's not related to your studies, cancel it. The Griffins will be with us on that day. Hindi ka pwedeng mawala."
Wala akong nagawa kung 'di ang tumango na lang kay daddy. Wala rin namang point kung ipagpipilitan ko pa ang sarili kong pumunta sa party ni Brooklyn. Because whether I like it or not, I have to be somewhere kung saan kasama ang pamilya ni Felix. They were my future in laws. So dapat ay magpa-good shot ako nang magpa good-shot sa kanila. Because that's what my parents wants me to do.
Pagkatapos kong maligo at makapagbihis ay nahiga na ako sa kama't una kong ginawa ang pagtitipa ng mensahe para kay Brooklyn.
Me: I'm sorry, Brooklyn. I can't make it to your birthday. May biglaang family gathering kami out of town. I might send you gifts na lang. Sorry talaga, girl.
Tumingala ako't marahang huminga ng malalim habang nakatingin sa kisame. Naalala ko bigla ang mga ginawa namin ni Neo kanina. He's just being nice right? Wala namang ibig sabihin 'yong pagtulong niya sa akin para sa presentation namin bukas 'di ba? At 'yong panlilibre niya ng street food, wala lang naman 'yon hindi ba?
Napapikit ako ng mariin. Bakit ba kasi bigla siyang naging mabait sa akin pagkatapos niya akong sungitan no'ng nakaraan? May pa I can't afford a brat like you—I can't afford a brat like you pa siyang nalalaman.
Nagbaba ako ng tingin sa phone ko nang mag-vibrate ito. Brooklyn replied.
Brooklyn: You know that I'll appreciate it more if you spare me a little of your time, right? Hindi ka ba pwedeng tumakas d'yan? Sabihin mo may group project tayo.
Kung meron man akong kaibigang sulsulera at bad influence, si Brooklyn na talaga 'yon. Last time itinakas niya rin ako dito sa bahay para lang mag club. Inihatid pa niya ako sa bahay para lang sabihin kay daddy na group project talaga ang ginawa namin. But dad won't be dad kung hindi niya maaamoy ang mga kasinungalingan namin ni Brooklyn. Hindi ko alam na may tracker pala akong dala-dala sa bag ko. Ang nangyari? Isang linggo akong grounded. Pinag-sorry pa ako kay Felix, promising him that I won't do it again.
Ako: We already did that palusot, girl. Remember what happened after?"
Brooklyn: Sayang naman. Kayo na nga lang ni Clara ang friends ko, hindi ka pa pupunta.
Ako: You can still enjoy the party naman kahit without me 'di ba?
Brooklyn: Iba pa rin kapag nandun ka, girl no!
Matagal na natapos ang usapan namin ni Brooklyn. It took me a while before I pursuaded her that I'll be sending her gifts na lang instead of attending the party. But heck! Iyong hininging gift ay 'yong pinaka-latest phone pa na labas ng pinakasikat na brand ngayon ng cellphone dito sa Pinas. Nang uubos yata ng allowance 'yong babaeng iyon, e!
Kinabukasan ay parang lutang pa ako paggising na hindi ko man lang maintindihan ang mga kinikwento ni Felix habang kumakain ako ng breakfast.
"Uuwi si Ate d'yan this week. Gusto mo bang makita ako? Uuwi din ako if you want."
Alanganing ngiti ang ipinakita ko sa kanya. Hindi naman kasi ako excited na makita siya no! Kung uuwi siya dito ay ayos lang, pero kung hindi ay mas mabuti. Mas lalo kasi akong nawawalan ng time sa mga kaibigan ko kapag nandito siya kaya mas mabuti sana kung hindi na muna siya uuwi dito. Besides, busy rin ako sa school. Baka mawala ako sa focus. Yari na naman ako kay daddy kapag nagkataong bumagsak ang mga grades ko.
"It's all up to you, Felix."
"Hmp! Mukhang ayaw mo yatang umuwi ako ah? Hindi mo ba ako nami-miss or may iba ka na ba d'yan?" bakas ang pagtatampo sa kanyang boses nang sabihin 'yon.
"What?!" Medyo napalakas ang boses ko. Eksakto namang kabababa iyon ni daddy at mommy kaya naagaw ko agad ang atensyon nilang dalawa.
"Sinong kausap mo ng ganito kaaga? At sa harap pa talaga ng hapagkainan. Where are your manners, Adaline?" agad na tanong ni daddy.
"Uh, it's Felix, dad."
"Is that so?" tugon nito sa kalmadong boses. Taliwas sa paraan ng pagtatanong niya kanina.
"Hija, I know you misses each other but isn't it too early para mag usap kayo? Can it wait hanggang matapos ang klase mo? Baka ma-late ka. Your dad told me na may presentation ka today... Good morning, hijo," bati ni mommy kay Felix na ngayo'y nakikinig na lang habang pinagsasabihan ako ni mommy dahil sa kagagawan niya.
"Hello po, tita. I'm sorry I had to call Ada this early."
"Walang problema, hijo basta ikaw," singit ni daddy. Of course! Nga naman, basta si Felix anytime pwede akong tawagan. And that's according to dad's rules. Kapag nagpapaalam ako na aalis kailangan ko pang dumaan kay Felix at mapapayag ito para payagan din ako ni daddy. Kasi kung didiretso ako kay daddy ay laging balik tanong nito sa akin ay kung nakapagpaalam na ba raw ako kay Felix at kung pumayag na ba raw ito. Daig ko pa ang may dalawang tatay.
Partida at hindi pa kami kasal ni Felix. Pero may magagawa pa ba ako? E, alam ko namang ito na talaga ang kapalaran ko. Nasanay na rin naman akong sunod-sunuran sa kanila palagi.
"I have to go, Ada. Mag aral kang mabuti," he then winked na nginitian ko lang.
Minadali ko na rin ang pagkain ko matapos kong patayin ang tawag ni Felix.
"Anong napag usapan niyo?" Dad asked.
"Uh... He asked me if gusto ko ba raw siyang umuwi dito this week."
"Oh? Sinabi mo bang gusto mo?" sabik agad na tanong ni dad pabalik.
"Uh..."
"You should prepare for that, hija. Dalhin mo 'tong isa sa mga credit card ko, bumili ka ng mga bagong damit at gamit. You should look good and fabulous in the eyes of Felix."
Tipid na lamang akong ngumiti nang tanggapin ang black card na inaabot ni daddy.
I am getting better every day. Alam ko 'yon kasi 'yon din ang sinasabi sa akin ni Neo. That I'm improving. And he sounded so very proud everytime na sinasabi niyang improving ako."Every after ng session natin, ano nang ginagawa mo non?"Nag angat ako ng tingin sa kanya. "Bakit mo naman naitanong?" iyon agad ang naging tugon ko. Well, I got curious why, but agad din naman akong nag isip kung ano nga bang ginagawa ko after ng tutoring session namin."Naitanong ko lang," maikli niyang sabi.Nagkibit balikat ako. "Wala naman akong ibang ginagawa dito sa bahay kung 'di mag aral nang mag aral.""Hindi ka gumagala?"I immediately shook my head. "Nope. Magagalit sina mommy pag nalaman nilang lumabas ako. I'm grounded til-" Napatigil ako sa pagsasalita. Hindi ko alam kung alam niya 'yong tungkol sa arranged marriage ko kay Felix. Kaya di ko na tinuloy ang gusto kong sabihin."Ah, grounded ka..." tila wala sa sarili niyang sambit. Tumatango-tango pa habang nakatingin sa kawalan."Yeah...""Han
Our first tutoring session went well. Hindi man lahat ng naituro ni Neo ay nakabisado ko at masasabi kong pumasok talaga sa kokote ko ay at least kahit konti ay may natutunan naman ako.Don't forget.Napangiti ako nang nabasa ang text message niya. We exchanged numbers earlier. Hindi ko rin alam kung bakit niya hiningi ang number ko. Pero gusto ko rin naman kaya ibinigay ko na. At ito na nga. May text message na siya!Opo. Hindi ko nakakalimutan. Gagawin ko ngayon.I immediately replied. Akala ko naman gusto niya akong makausap sa text kaya niya hiningi number ko. 'Yon pala para magiging reminder ko siya.Nakabusangot akong huminga ng malalim saka tumayo at kinuha ang notebook at pen. Gagawin ko na 'yong assignment na iniwan niya.Matagal din bago ko natapos. Aaminin kong hindi naman talaga ako ganon katalino. Saka hindi nga ako nakinig ng maayos sa kanya kanina. Kaya pano ko masasagutan ng tama tong pina-assignment niya sa akin?Kinabukasan ay 'yong assignment talaga ang ibinungad ni
Hindi mahirap magturo si Neo. Pero ako? Mahirap paintindihin. Pa'no naman kasi, hindi ako makapag-focus. Paano ako makakapag-focus kung masyado siyang gwapo sa paningin ko?"Nakikinig ka ba? Kanina pa tayo sa formula na 'to, Ada."Umayos ako ng upo nang mapuna ang inis sa boses niya. Kanina pa nga kami dito pero hindi ko magets 'yong sinasabi niya. Kahit anong gawin ko ay puro lang ako tango. Kapag tinatanong niya ako kung nakuha ko na ba ay tatango lang ako bilang sagot pero sa tuwing may pinapa-solve siyang equation sa akin ay wala naman akong masagot."Break muna kaya tayo?" sabi ko."Paano tayo mag b-break, hindi naman tayo. Sagutan mo na 'yan, huwag mo 'kong dinadaan sa mga ganyan-ganyan mo. Hindi mo ako malulusutan, Adaline Roa."Sumimangot ako. Padabog ko na lamang kinuha ang papel at ballpen na hawak niya at sinagutan 'yon."Tsh! Pano naman magiging tayo e hindi mo naman ako tinatanong kung gusto ko ba! E, kung tinatanong mo kaya ako!" bulong-bulong ko pa. Kapag sinusubukang s
The semester ends. Tumuloy ang barkada sa Seoul trip na plano namin. While ako ay naiwan sa bahay for the planned tutoring sessions. Isang linggo akong may rest bago ang simula ng sessions.At sa buong linggo na walang pasok ay wala akong ibang pinagkaabalahan kung 'di ang pag comfort sa kaibigan kong si Brooklyn. Hindi ko akalaing ang taas na pala ng level ng pagkahulog niya kay Neo. To the point na isang buong linggo niya itong iniyakan.I was busy scrolling on my socials last night dahil sunod sunod ang posting nila ng mga photos nila sa mga ganap nila sa Seoul. Kaya ito ako ngayon. Puyat!"Adaline, anak gising."Today is the day! Maaga akong ginising ni Yaya Luz para paghandain ako sa unang session ko. Half day lang naman pero hindi ko alam kung kakayanin kong hindi mabagot. Uminom lang ako ng tubig, nag toothbrush at naghilamos saka ako agad na bumaba for my breakfast."Si mommy at daddy?" tanong ko kay Cheche pagkababa ko.Naupo ako sa harap ng lamesa. May mangilan-ngilang pagka
We spent the day talking, laughing, dancing and swimming. Pero kahit ilang oras na ang lumipas ay hindi pa rin mawala-wala sa utak ko ang ngiti ni Neo kanina no'ng nahuli ko siyang nakatingin sa cleavage ko!Nang mapagod ng bandang alas dos ay nagdesisyon kaming mag movie marathon sa theater room nina Brooklyn. Pero hindi pa nga nangangalahati sa movie ay tahimik na ang paligid namin. Tulog na ang lahat maliban sa akin at kay Dwight na abala sa cellphone niya. Maybe napagod sa pag s-swimming namin kanina. Tumayo ako. I decided to go out."Saan ka?" tanong ni Dwight."Pahangin lang," sabi ko sabay taas ng isang bote ng alak na hawak ko.Umakyat ako sa rooftop. Since medyo nasa burol na bahagi ang bahay nina Brooklyn ay kita ko mula rito kung gaano kaganda ang syudad namin.Marahan akong bumuntonghininga. Is this what I really wanted? To be free?Masaya naman ako kahit papaano. Well, minsan naiinggit ako sa mga kaibigan ko. But I know I'm happy sa tuwing sinusunod ko ang gusto ng parent
Weeks has passed. Hindi na muling nagparamdam sa amin si Neo. Everything was also back to normal, like nothing ever happened. Well, everything maliban sa... Hindi na siya nag iiwan ng sticky notes sa ilalim ng desk ko."Sa tingin mo ba patatawarin ka namin at ang pamilya mo sa nangyari? Hindi, Adaline! Ngayon pang alam namin na sobrang close ng pamilya mo sa mga Griffin! Magkakampi kayo! You, your family and that William Griffin!" Raya spat.I talked to them and asked for forgiveness. Hiniling ko rin sa kanilang huwag na nila akong guluhin tungkol sa nangyaring isang taon na naman na ang nakakalipas. I don't wanna involve anymore.But as expected ay hindi nila ako pinakinggan."Hindi kami magkakampi! William Griffin is my sexual harasser! I'm a victim too!""Talaga ba? And do you think we were that fool enough to believe you just like that? Hindi ba nga ikaw lang ang nakaligtas—"She shook her head. "No. Ikaw lang ang iniligtas nila sa gabing 'yon! Now that I think about it... Hindi k







