Mag-log inThe bass was vibrating through the floor ng VIP lounge, ramdam na ramdam ko ang bawat kabog sa dibdib ko. The Paradigm was Manila's premier high-end club—exclusive, expensive, at ito talaga ang tamang lugar kung gusto mong magtago sa karamihan.
"I still can't believe your dad is doing this," sabi ni Trisha bago uminom sa pangatlong glass niya ng cosmopolitan. Kumpas-kumpas pa ang kamay niya dahil kailangan niyang lakasan ang boses niya laban sa malakas na music ng DJ. "I mean, it's the Altamirano Group. Kilala naman ng lahat na para silang royalty sa corporate world, but forcing you into a marriage? Sobrang archaic naman niyan." "Sinabi mo pa" sagot ko habang pinaiikot ang amber liquid sa baso ko. High-end scotch. No ice. I needed it straight para naman mabawasan ang galit na kanina pa sumasakal sa lalamunan ko. "It's infuriating. Nag-finalize na ako ng portfolio para sa jewelry design launch ko, tapos ngayon, biglang mapo-pause ang career ko dahil gagawin akong collateral para sa utang namin. Seryoso ba?" "So, anong plano mo? Are you really going to that dinner tomorrow?" "I don't have a choice, Trish. Kung hindi ako sisipot, it will be a massive public relations nightmare for Dad, at tuluyang babagsak ang kumpanya. I just need to play along for a bit, look for a loophole sa pre-nuptial agreement, and—" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang biglang umilaw ang phone ni Trisha sa ibabaw ng marble table. Pagkakita niya sa screen, her expression dropped into pure panic. "Oh my god, Ces. I am so, so sorry," gulat na sabi ni Trisha habang mabilis na kinukuha ang designer bag niya. "It's the boutique. Pumutok ang sprinkler system sa main showroom at nababasa na ang mga bagong collection. I have to go right now dahil nasa akin ang master keys." I forced a reassuring smile kahit medyo nadismaya ako. "Go. It's fine, Trish. Professional emergencies come first. Kaya ko na ang sarili ko." "Are you sure? Call a driver later, okay? Huwag kang magda-drive!" She gave me a quick hug bago nagmadaling lumabas ng VIP area, leaving me completely isolated sa gitna ng neon lights at maingay na crowd. I sighed, tsaka ko ininom ang natitirang scotch sa isang lagukan. The alcohol was definitely kicking in my sytem, medyo lumalabo na ang paligid ko pero lalong tumitindi ang urge ko na magrebelde. I gathered my things, isinabit ko ang bag ko sa balikat, and decided it was time to leave. Pero habang naglalakad ako palabas ng VIP booth, may biglang humarang sa dinadaanan ko. "Leaving so soon? The night is still young, sweetheart." Napatigil ako sa paglakad at dahan-dahang tumingala. The man standing in front of me was, without a doubt, a visual masterpiece. Sharp, aristocratic features, a perfectly styled messy undercut, at ang mga mata niya ay may halong amusement at matinding self-confidence. He was wearing a crisp black button-down shirt na nakabukas ang unang dalawang butones, revealing just enough skin para mang akit? Yeah, mang akit, dahil ngayon... naaakit ako! He had playboy written all over him. Mula sa effortless na ngisi sa labi niya hanggang sa mamahaling cologne na maaamoy sa kanya. Normally, I would have rolled my eyes at iiwanan ang mga ganitong klaseng lalaki. I deal with elite, arrogant men all the time in my social circle. Pero ngayong gabi? I need to have a fun before ako maging Mrs. Altamirano at makulong sa mansyon nila. I tilted my head, looking him up and down at doon, isang mapaglaro at palaban na ngiti ang lumabas sa sarili kong mga labi. "And you are?" tanong ko. My voice was dripping with confidence kahit medyo umiikot na ang paningin ko. He leaned in a bit closer, his eyes locking onto mine na nagpabilis ng tibok ng puso ko. "Someone who hates to see a beautiful woman drinking alone. What's your name?" "You don't need to know my name," matapang kong sagot sabay hakbang palapit sa kanya. The alcohol was making me so bold na nawala lahat ng inhibitions ko. "But if you have nothing better to do tonight... I might have a proposition for you." He let out a low, deeply attractive chuckle, halatang naaliw sa pagiging straight forward ko. "Is that so? I'm all ears."Francesca's POV...Nanatili akong nakasubsob sa dibdib ni Hansell. Ang kanyang maiinit at malalaking braso na nakapalupot sa aking katawan ang tanging bagay na nagpapanatili sa akin sa totoong mundo. Naririnig ko ang mabilis, malakas, at halos magwala niyang tibok ng puso sa aking tainga—isang patunay na narito siya, na hindi ako nanaginip, at na pinalaya niya ako mula sa huling gabi ng aking bangungot."Hansell..." hikbi ko, my trembling hands clutching the back of his shirt as if I was afraid he would vanish if I loosened my grip. "Si Francell... Si Francell, nasaan—""Ligtas si Francell, Francesca," pabulong at nanginginig niyang sagot, his lips gently pressing against my forehead, my hair, and my wet cheeks. "Kasama siya ni Manang Ising sa private residence ko sa Makati. May tatlong security guards na nagbabantay sa kanila. Ligtas siya... Walang sinumang makakahawak sa kanya."Isang napakalalim na paghinga ng ginhawa ang pinakawalan ko. Pumikit ako nang madiin habang patuloy na bu
Francesca's POV...Malamig at madilim ang loob ng dating kwarto ko sa mansyon ng mga Altamirano. Nakatitig lang ako sa pinto, nakabaluktot sa ibabaw ng kutson ng malaking kama habang nananatiling nakatali ang aking mga pulso ng malambot pero matibay na telang lubid. Bawat paghinga ko ay may kasamang matinding kirot sa aking sikmura mula sa pagkakasuntok ni Harold sa akin sa shop.Tumunog ang double lock ng pinto at dahan-dahan itong bumukas. Pumasok si Harold na may hawak na baso ng alak. Nakatitig siya sa akin nang may nakalolokong ngiti sa kanyang mga labi habang dahan-dahang naglalakad palapit sa kama."Umiyak ka na naman, Francesca," malamig niyang wika, taking a slow sip from his glass. "Huwag ka nang mag-alala. Tumawag na ang mga tauhan ko sa Cebu. Papunta na sila sa airport kasama ang anak natin."Nagtama ang mga mata namin at mabilis na bumuhos ang panibagong maiinit na luha sa aking mga pisngi. "Harold... magmakaawa ako sa 'yo. Ako na lang ang parusahan mo. 'Wag mo nang idama
May mali. Isang matinding gut feeling ang pumupukpok sa dibdib ko habang pabilis nang pabilis ang paghakbang ko papasok sa Luxe & Co.The morning air in Bogo was unusually chilly, but my forehead was already covered in a thin layer of cold sweat. Nakatikom ang mga kamao ko sa loob ng mga bulsa ng aking slacks. Pinilit ko ang sarili kong maging kalmado, telling myself that everything was fine, that my lawyers were taking care of the legal dissolution in Manila, and that Francesca was safe.Pero noong itinulak ko ang main glass door ng boutique, bumungad sa akin ang isang napakatahimik at napakabigat na kapaligiran.Walang tao sa showroom floor.Ang dalawang junior staff, ay nakatayo sa likod ng reception desk. Hinding-hindi ko makakalimutan ang hitsura ng mga mukha nila noong pumasok ako. Walang mga ngiti. Namumutla ang kanilang mga labi, at nanginginig ang kanilang mga kamay habang hawak ang ilang kapirasong tela. Nang magtama ang mga mata namin, mabilis na pumatak ang luha mula sa m
Mabigat. Malamig. At napakasakit. Pilit kong iminulat ang aking mga mata, pero ang buo kong katawan ay matinding nanghihina. Ang matinding sakit sa aking sikmura ay patuloy na pumupulsyon, bawat paghinga ko ay may kasamang matalas at nakakairitang kirot.Nang tuluyan kong maidilat ang aking paningin, pumasok sa aking mata ang napakalaki, pamilyar, at napakalalamig na kristal na chandelier sa kisame.Napasinghap ako. Nanlamig ang dugo ko sa aking mga ugat.No. No, God, please no...Dahan-dahan kong inangat ang aking ulo habang nanginginig ang buo kong katawan. Nakahiga ako sa gitna ng napakalaking kama na nakabalot sa mamahaling silk sheets. Ang pamilyar na amoy ng mamahaling cigar, antique wood, at maalat na pabango ay agad na sumampal sa akin.Nasa Maynila ako. Nasa master's bedroom ako ng mansyon ng mga Altamirano, ang mismong impyerno na pinagdaanan at pinagtiisan ko."Gising ka na pala, Francesca."Napaupo ako nang mabilis kahit na kumirot nang matindi ang aking tiyan.Nakatayo si
"LILIENNE, PLEASE! HUWAG!"Humahagulgol kong hiyaw habang nagmamakaawang nakaluhod sa malamig na semento ng kanyang opisina. Sinubukan kong abutin ang kanyang mga binti, pero marahas niyang inilayo ang kanyang sarili at malamig na tinakpan ang pinto ng kanyang executive office sa aking likuran.Harold.Ang pangalang iyon ay parang isang matalim na kutsilyo na muling bumabaon sa aking puso, na nagpabalik ng lahat ng pinakamatinding bangungot, sakit, at takot na sinubukan kong takasan.Nalaman na ni Harold ang kinaroroonan namin. Alam na niya na nasa San Remigio kami.Nanginig ang buo kong katawan habang dahan-dahan akong tumatayo mula sa sahig. Napahawak ako sa gilid ng desk para hindi bumagsak ang aking mga binti. Ang dalawang junior staff sa labas ng opisina ay nanlalaki ang mga mata sa matinding gulat at takot habang nakatitig sa akin sa kabila ng glass wall, pero wala na akong pakialam sa kanila.Si Francell.Iyon lang ang tanging bagay na pumasok sa utak ko. Hindi ko pwedeng hayaa
Maaga akong nagising para maaga akong makarating sa Bogo. Pagpasok ko sa Luxe & Co., agad kong naramdaman ang pagbabago sa buong showroom. Ang mga junior staff ay tahimik na nag-aayos ng mga display racks, habang ang pinto ng executive office ni Lilienne ay nakasara."Good morning, Che..." mahinang bati sa akin ng isang sales associate, her voice barely a whisper. "Maagang dumating si Ma'am Lilienne ngayon. Mukhang... hindi maganda ang timpla niya."Napatigil ako. Nanlamig ang mga kamay ko habang inilalapag ang aking handbag sa desk."Bakit? Anong nangyari?" tanong ko, trying to keep my voice flat and casual."Dumating daw kasi rito 'yung mga abogado ni Sir Hansell bago ka pumasok," bulong niya habang nakatitig sa pinto ng opisina. "May iniwan silang mga pormal na dokumento para sa pamilya ni Ma'am Lilienne. Pagkaalis ng mga abogado, biglang nagkulong si Ma'am sa loob. Narinig pa nga namin siyang may kaaway sa telepono—yung Private Investigator niya ata mula sa Maynila."Nanigas ako s







