Share

Chapter 14

For the next days, tinuon ni Stephanie ang kaniyang atensyon sa trabaho. Ngunit kahit anong gawin niyang pagtatago ay pansin pa rin ‘yon ni Wyeth.

Sa ilang taon nilang pagsasama, alam na alam na ni Wyeth kung may bumabagabag ba sa isip ni Stephanie. Alam niya kung may problema ‘to o kung may iniinda ito. At pagkapasok pa lang nito ng meeting room kanina ay iyon agad ang napansin niya.

“Let’s take a break,” ani Wyeth.

“No need. Patapos na tayo. We can’t afford to waste any more time.” Akmang kukuhanin ang panibagong mga papel na naglalaman ng impormasyon nang unahan siya ni Wyeth.

“Don’t push yourself, Stephanie. Alam kong may bumabagabag sa ‘yo. Hindi mo kakayaning magtrabaho nang 100 percent kapag hindi mo ‘yon pinagtuunan ng pansin. Take a rest.”

Saglit lang niyang tiningnan si Wyeth. Nang mapagtantong hindi ito magpapatalo ay huminga na lang siya nang malalim bago sumalampak sa upuan niya. Sumandal siya roon at saka pumikit bago muling bumuntonghininga.

Ilang sandali pa ay nagsali
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status