Share

Chapter 8

Habang naglalakad palabas ng campus, napatigil si Avaluan nang makita ang isang pamilyar na bulto ng babae. Napatingin pa siya sa sasakyan na sinasandalan nito upang makumpirma kung tama ba ang nakikita niya.

Imbis na matuwa ay bigla siyang kinabahan sa presensiya ni Stephanie. Napakatikas ng tindig nito kaya hindi niya maiwasang hindi ma-intimidate. Para bang napakalayo nito at ang hirap abutin.

Nang mapatingin sa kaniya si Stephanie ay para bang gusto niyang mapaluhod. Biglang nanghina ang mga tuhod niya dahil sa napakalamig nitong tingin. Huminga na lang siya nang malalim upang pakalmahin ang sarili.

“I’ve been waiting for an hour,” ani Stephanie na mas lalong ikinabilis ng tibok ni Avaluan. “But it’s fine. It’s worth the wait since I already saw you.”

Napaangat ang tingin ni Avaluan. Kinailangan niya pang ipaulit ang sinabi nito upang masiguradong tama ang narinig niya.

“You said to come to you if I still feel the same. Here I am.” Napangisi ito sa kaniya.

Doon na napangiti si Ava
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Roselme Pinote
nice story but I can't read all the chapter I think it needs to pay first
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status