Share

Chapter 7

“Magkasama yata kayo ngayon?” bungad ni Enteng nang dumating sina Stephanie at Avaluan nang magkasama.

“Isang shot ng tequila, please,” sabay na sambit nina Stephanie at Avaluan.

Natawa si Enteng. “Two shots para sa mga naggagandahang dilag.”

“Thanks, Enteng,” ani Avaluan. “Maliit na bagay.”

Naupo sila sa stools nang magsalita si Stephanie. “You never call me beautiful, Enteng. What’s with you today?”

“Para kay Avaluan lang kasi talaga ‘yon. Nagkataon lang na magkasama kayo kaya dinamay na kita.”

Tinaasan siya nito ng kilay ngunit hindi nagsalita. Tawa naman nang tawa si Avaluan sa tabi niya kaya ito naman ang tinaasan niya ng kilay.

“Hindi ko alam na conscious ka rin pala sa itsura mo,” ani Avaluan. “Huwag kang mag-alala, palagi na kitang tatawaging maganda para hindi ka na magtampo.”

“I don’t want to be called that. Nagtataka lang ako kung bakit niya ako tinawag na maganda. It’s creepy.”

“Pero maganda ka naman, ah?”

“Whatever. Don’t call me that.”

Nang mapansin ni Stephanie si Enteng na nakatitig sa kanila habang nakangiti ay napangiwi siya. “What’s with that creepy smile?”

“Natutuwa lang ako dahil ang close niyo na. Nakakapagbiruan na kayo nang ganiyan. Parang noong nakaraan lang, sinusungitan mo pa ‘tong si Ava dahil ang kulit-kulit.”

Napairap si Stephanie. “She’s still annoying. Nothing changed.”

Napanguso si Avaluan. “Annoying daw pero palagi akong sinasamahan. Ang sabihin mo, hinahanap-hanap mo na ‘yong kakulitan ko.”

“Of course not!”

“Bakit ka pumayag na sumama sa ‘kin ngayon? Hindi naman ito ang usual time ng pagpunta mo rito?”

“It’s not like I have a choice. Gusto kong uminom. I don’t have any other friends.”

Natawa na lang sina Avaluan at Enteng sa tinuran nito at iniba ang paksa. Mayamaya ay iniwan na sila ni Enteng para dumalo sa ibang customers.

Matagal silang nakatitig lang sa dance floor at nanonood nang magsalita si Stephanie, “He’s hurting you again?” Napatingin siya sa sugat nito sa braso na pilit mang itago ni Avaluan ay nakita pa rin niya.

“I’m fine.”

“You should really do something about your father. Hindi na tama ‘to.”

“Ayos lang talaga ako.”

Humarap siya kay Avaluan. “I remember the last time I saw him hurt you. Binabatukan ka niya, hinahampas ng matigas na bagay, at kung ano-ano pa. He’s a guy. Malakas siya. Isang pagkakamali lang niya, pwede kang malumpo.”

Napabuntonghininga si Avaluan. “Ibahin na lang natin ang usapan. Ayokong pag-usapan ‘yon.”

“Pero magpapatuloy lang ‘to kapag hindi natin pinag-usapan. You need to let him stop hurting you.”

“I said, I’m fine!” bulalas ni Avaluan. Napatingin sa kanila ang ilan na nakarinig sa kanila kaya agad na hininaan ni Avaluan ang kaniyang boses. “Ako na ang bahala sa tatay ko. Just mind your own business.”

Napatitig si Stephanie sa kaniya. “You said you wanted to be close to me.”

“Pero may privacy pa rin ako.” 

Hindi na nagsalita pa si Stephanie at nilagok na lang ang iniinom. 

“Alam mo ba kung bakit gusto kitang maging kaibigan?” tanong ni Avaluan. “Kasi ang buong akala ko, hindi mo pakikialamanan ang tungkol sa tatay ko. Akala ko maiintindihan mo. I guess I’m wrong.”

Tumayo ito at saka umalis nang hindi nililingon si Stephanie. Napahilot na lang siya sa kaniyang sentido matapos ang naging komprontasyon nila. Hindi siya makapaniwalang sa ganoon hahantong ang pag-uusap nila. Parang kanina lang ay nagkakatuwaan pa sila.

Concern lang naman siya sa kalagayan nito. Sa tuwing magkasama sila, naaalala ni Stephanie kung paano ito saktan ng sarili nitong ama. Hindi na ‘yon normal. Kahit na sabihing lasing lang ‘to, bakit paulit-ulit? 

Ibig bang sabihin, palagi siyang sasaktan ng lalaking ‘yon kapag lasing ito? Mukhang araw araw ‘yong lasing. Ibig sabihin ba ay araw araw din siyang sasaktan nito?

Sa mga sumunod na araw, iniwasan na siya ni Avaluan. Hindi na rin siya nito pinadadalhan ng mensahe man lang. Madalang na rin itong magpunta sa Impero Bar. Kung nagpupunta man ito ay sinisigurado niyang hindi sila magkikita ni Stephanie.

Sinubsob ni Stephanie ang sarili sa kaniyang misyon. Nagplano silang tatlo nina Froilan at Wyeth upang matapos na ang misyon, pero pagkatapos n’on ay si Avaluan pa rin ang nasa isip niya bago matulog.

Gaya na lamang ngayon. Nakatitig na naman siya sa kisame habang binabalikan ang naging pag-uusap nilang dalawa. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maintindihan kung bakit ito nagalit sa kaniya gayong nag-aalala lang naman siya.

“Ganito ba ang mangyayari sa tuwing mag-aalala ako sa isang tao?” tanong niya sa sarili. “Ngayon na lang ako nag-alala sa ibang tao, parang kasalanan ko pa.”

Napabuntonghininga siya at pinilit na matulog. Ngunit matapos ang pag-ikot-ikot sa kaniyang kama ay napabalikwas na lang siya nang bangon.

“I need a drink.”

Dali-dali siyang nagbihis at nagtungo sa kaniyang sasakyan para dumeretso sa Impero Bar. Madaling araw na at lagpas na sa oras ng pag-inom niya pero alam niyang hindi siya makakatulog hangga’t ganitong gising na gising ang diwa niya.

Pagkarating niya, agad siyang um-order ng tequila. Nabigla pa si Enteng nang makita siya ngunit hindi na lang nagtanong.

“Ava’s here,” tanging sambit ni Enteng sa kaniya sabay nguso sa isang dereksyon.

Mabilis na napalingon si Stephanie ngunit agad ring umiwas ng tingin. Kung kailan iniiwasan niya ay saka naman ito nagpakita. Noong mga nakaraang araw na gusto niya itong makita at makausap ay hindi naman ito mahagilap.

Matapos ang ilang baso, napagpasyahan niyang lumapit kay Avaluan upang makausap ito. Kasama niya ang mga pinsan ngunit wala si Peter. Mukhang patapos na rin sila sa araw na ‘yon. Nang makaharap ang mga ito ay hindi man lang siya tiningnan ni Avaluan. 

“Can we talk?” tanong ni Stephanie.

“Ava,” tawag ni Casper. “Kinakausap ka.”

Hindi na nakaangal pa si Avaluan at tumayo na para sundan si Stephanie sa labas ng bar. Sa parking lot nila naisipang mag-usap, malayo sa maingay na musika sa loob ng bar.

“Ano ‘yon? Parating na si kuya Ralph para sunduin ako kaya pakibilisan.”

“Are you really going to ignore me like this?” tanong ni Stephanie. “Ilang araw mo na ‘kong iniiwasan at hindi kinakausap. I thought you want to be close to me.”

“Sinagot ko na ang tanong na ‘yan. Gusto kong mapalapit sa ‘yo dahil ang buong akala ko, maiintindihan mo ‘yong nangyayari sa ‘kin.”

“Pero malapit na ang loob ko sa ‘yo. If I see something wrong, I’ll do something about it. “That’s what friends are for, right? Or am I wrong? Pasensiya na. I’m new to this friendship thing.”

Hindi nakasagot si Avaluan at nanatili lang na tahimik.

“Nevermind that. You said you wanted to be close to me. What am I supposed to do now? I also want to be close to you.”

Napaangat ang tingin ni Avaluan sa kaniya at napaawang ang bibig. “Anong ibig mong sabihin?”

“Ito ang unang beses na nag-open ako ng sarili ko sa ibang tao. Even Wyeth doesn’t know things about me.”

“Wyeth?”

“He’s a colleague I’ve been working with for almost a decade now. Anyway, nevermind him. Answer my question. What do I do now? Gusto mo bang tapusin na lang ‘to ngayon and act like nothing happened? Kasi sabihin mo na sa ‘kin kung gusto mo na akong lumayo sa ‘yo nang mas maaga bago pa lumalim ‘to.”

Huminga nang malalim si Avaluan. “Sa tingin ko, mali ang pagkakaintindi mo. Hindi kita nilapitan para maging kaibigan. Ang sabi ko gusto kong mapalapit sa ‘yo, hindi para maging kaibigan ko. Alam mo namang babae ang gusto ko, ‘di ba? Pasensiya na kung nagsinungaling ako. I approached you, hindi dahil gusto kitang maging kaibigan. I wanted something from you.”

Napakurap si Stephanie. “That’s what I thought, too.”

Napataas ang kilay ni Avaluan. “Huh?”

“I just told you, sabihin mo lang sa ‘kin kung gusto mo nang lumayo ako sa ‘yo bago pa lumalim ‘to.”

Hindi nakasagot si Avaluan at napatulala lang sa kaniya. Huminga siya nang malalim upang pakalmahin ang sarili. “Ibig mong sabihin…”

“I like you. I like you as a woman, Avaluan. At first, I thought I wanted to be your friend. Pero habang tumatagal at mas napapalapit ako sa ‘yo, I realized that I want to be more than just a friend of yours. I want to protect you.”

Bago pa makasagot si Avaluan ay isang busina na ang nakapagpatigil sa kanila. Nang harapin nila ang sasakyan ay roon lang napagtanto ni Avaluan na ang pinsan na pala niya ‘yon.

“I need to go,” ani Avaluan sabay talikod. Ngunit mayamaya ay napatigil siya bago tumalikod sa kaniya. “You’re probably drunk. Baka hindi mo alam kung ano ang sinasabi mo. Pero kung ganito pa rin ang nararamdaman mo bukas, come to me.”

Napatitig na lang si Stephanie sa papaalis na sasakyan. Nang mawala ito sa paningin niya ay napasandal na lang siya sa isang sasakyan upang suportahan ang sarili. 

Sa hindi malamang dahilan ay biglang nanghina ang mga tuhod niya. Napahawak siya sa kaniyang batok at napatawa nang mapagtanto kung ano ang ginawa niya.

“Did I just confessed my feelings for the first time?” tanong niya sa sarili pagkatapos ay muling natawa.

Dumeretso siya sa kaniyang sasakyan upang umuwi. Imbis na makatulog agad, mas lalo siyang hindi nakatulog dahil sa naging komprontasyon sa pagitan nila ni Avaluan. Ngunit imbis na pagsisihan ay mas lalo pa siyang napapangiti sa tuwing naaalala ang tagpong ‘yon.

Kaya naman kinabukasan ay nangangalo-mata itong dumating sa headquarters, bagay na napansin agad ni Wyeth.

“Okay ka lang?” tanong ng binata.

“Yeah. Just couldn’t sleep properly last night.”

Naupo si Wyeth sa isang bakanteng couch sa loob ng office ni Stephanie. “Stressed out with the mission?” Hindi sumagot si Stephanie. “We have a lot of time. Sa susunod na Sabado pa ang opening ng bagong branch ni Nancy. That’s when we’ll att.ack.”

Nakatitig lang si Stephanie sa harap ng kaniyang laptop at hindi pa rin pinapansin si Wyeth. Doon na napakunot ang noo ng binata at napansin ang kakaibang kilos nito. Sa ilang taon nilang magkakilala, alam na niyang may ibang bagay ang bumabagabag sa kaniya.

“Is everything okay?” tanong ni Wyeth.

Doon na napaangat ang tingin ni Stephanie. “Yeah. Of course. Why wouldn’t it be?”

“First, hindi mo pinapansin ang sinasabi ko. And second, nakatulala ka lang diyan. Not to mention, your eyes are so dark, which rarely happens. Kahit na ang mga misyon natin kung saan gising tayo ng ilang araw, hindi nagkakaganiyan ang mga mata mo.”

Bumuntonghininga si Stephanie. “I’m just thinking of something. Don’t worry about it.”

Sumeryoso ang tingin ni Wyeth. “Just make sure it won’t affect our mission, then.”

“I know how important this is for you. Importante rin ‘to para sa ‘kin. I know what I’m doing. I’ll be fine before you know it.”

Tumango si Wyeth bago iniba ang paksa. Alam ng binata kung gaano kaimportante ang misyong ‘to para kay Stephanie. Ito ang magsasabi kung mananatili ba siya sa organisasyon o ipapatapon sa mas mababang pwesto.

Sa oras na hindi sila magtagumpay rito, ang pinakamataas na posisyong makukuha nila ay sa isang opisina kung saan puro paperworks lang ang ibibigay sa kanila. Magiging malabo na magkaroon sila ulit ng operasyon kung saan derekta silang involve.

Alam din ni Stephanie kung gaano kahalaga ‘to kay Wyeth. Dito na sila pareho nabuhay. At sa oras na hindi nila ‘to mapagtagumpayan ay pareho silang babagsak. Iyon ang ayaw niyang mangyari dahil nakita niya kung paano binigay ni Wyeth ang buong buhay niya sa organisasyong ‘to.

Nagsimula si Wyeth na ilatag ang mga napag-usapan nila nang mga nakaraang araw bago nag-finalize ng gagawin nila. Magkakaroon ng opening ng clothing line si Nancy sa probinsya nila kaya iyon ang gagawin nilang pagkakataon para makausap ito. 

Ngunit alam nilang front lang ang clothing line na ‘to para sa pinakaplano nila sa lugar na ‘to. Naging halimbawa na lang ang nangyari noong mga naunang operasyon nila kung saan nagbebenta ito ng mga ilegal na bagay gaya na lang ng dro.ga.

Matapos ang naging misyon nila, pinadala nila ang mga ilegal na bagay na ‘yon sa headquarters ng ma.fia lord. Mukhang gusto talaga nitong paalisin at mawala si Nancy dahil teritoryo ito ni Silvestre Morgan, ang ma.fia lord ng Morgan Organization.

“Nagtataka lang ako,” ani Wyeth. “Bakit kailangang sa ‘tin ibigay ng ma.fia lord ang misyon ‘to. If he badly wants to secure his territory, he can send someone more powerful than us. He has his seven disciples to do his job for him.”

Napailing si Stephanie. “I don’t know either. Maybe they all have their own missions right now, and no one’s available.”

Naningkit ang mga mata ni Wyeth. “Or he wants you to be one of his disciples.”

“I wish.”

Natawa si Wyeth. “Alam kong seven disciples ang tawag sa kanila pero nagbabaka sakali lang naman ako. Everything’s possible.”

Napaisip din si Stephanie. There’s a huge possibility na i-promote siya sa mas mataas na posisyon. Pero hindi sumagi sa isip niya na mapabilang sa notorious seven disciples. Masyado pa siyang bata para sa posisyong ‘yon.

At wala pa siyang napapatunayan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status