Share

SIY-29

MAYROONG natanggap na tawag si Rico mula sa nagngangalang Teodore Lansangan o mas kilala bilang Tekla. Ito ang kumidnap sa bata at ito rin ang kasabwat ni Carol Ibañez. Subalit tumawag ito sa numero niya at humihingi ito ng tulong. Kaagad nag-utos si Rico sa mga tauhan na puntahan ang lugar kung saan sinabi ni Tekla, at iyon ay sa mismong bahay ng mga magulang ng babae. Kasama rin na pumunta si Brett, dala ang pag-asa na mababawi na niya ang bata mula kay Carol at buo ang loob na ipapakulong ang mga salarin sa pag-kidnap sa anak nila ni Anna.

Sumenyas si Rico sa mga kasamahang pulis na pasukin na nila ang mansion, subalit sa kanilang pagpasok katahimikan ang sumalubong sa kanila at isang masangsang na amoy na animo'y may nabubulok na karne o ano.

"Search the area." Ang utos ni Rico sa mga kasamahan niya. Sumunod ang mga ito at agad na pinasok ang bawat silid ng mansion.

Hindi rin napakali si Brett at maging ito'y tumulong na rin.

"Carol! Carol! Ilabas mo ang anak ko!" sigaw ni Brett
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
melba ritos
salamat po s update nice story author
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status