Upang maitaguyod ang pangangailangan nilang mag-ina, lahat ng paraan ay ginawa ni Anna nang pumasok siya sa mundong hindi niya nakasanayan—ang Manila. Lahat ng klase ng raket ay pinasok niya—basta marangal at kikita siya rito. Hindi iniinda ang pagod dahil ang mahalaga lamang sa kaniya ay matugunan ang pangangailangan nila ng anak, lalo't single mom siya at wala siyang ibang aasahan kundi ang sarili lamang niya. Subalit ang pagiging ina niya'y sinubok nang isang araw ma dengue ang kaniyang anak at kailangan niya ng malaking pera. Isang kaibigan ang nagbigay ng raket sa kaniya na may malaking suweldo. Ang hindi niya aakalain ay dahil sa raket na iyon ay muli silang magkikita ng lalaking iniibig niya. Si Brett Valle. Ang ama ng kaniyang anak. This story is book two of Still Holding On.
View More1 year later...
Hindi na niya magawang itali pa ang mahabang buhok dahil sa pagmamadali. Basta na lamang niya itong ipinusod paitaas at ang iba niyon ay nakalugay pa sa magkabilang pisngi niya. Sinipat niya ang sariling repleksyon sa salamin. Suot niya ay isang t-shirt na medyo hapit sa kaniyang katawan, at pantalong maong naman na may hiwa sa magkabilang tuhod ang pares. Dinampot na rin niya ang belt bag at kaagad iyon isinuot. Nakarinig siya nang pagbukas ng pintoan, alam niyang si Tekla na iyon. Ang kaibigan niyang bakla."Bruha! Narito ka pa ba?" malakas ang boses na sigaw nito mula sa maliit na sala sa labas.Napangiwi siya sabay baling sa isang taong gulang na anak na napakislot sa higaan nito dahil sa pagsigaw ng kaibigan. Nilapitan niya ito at tinapik-tapik ng marahan sa hita. Kalaunan ay bumalik din ito mula sa mahimbing na pagtulog.Dahan-dahan siyang gumalaw at naglakad palabas sa maliit na silid na iyon at sinalubong ang kaibigan sa labas."Huwag kang maingay magigising si Brave," mahinang sabi niya kay Tekla. Napakamot ito sa ulo at umaktong i-zipper ang bibig."Sorry na," natatawa nitong saad nito.Sinilip pa nito ang anak niya at tila nagniningning pa ang mga mata nito nang makita ang bata. Malamang excited na naman itong alagaan si Brave.Napangiti siya sa kaibigan. Nakilala niya si Tekla nang makarating siya rito sa Makati at naghahanap siya ng mauupahan. Noong una nga'y akala niya holdapper ito dahil sunod ito nang sunod sa kaniya kahit saan siya magpunta. Natakot siya noong una pero pinili niya maging matapang. Nagkubli siya sa mga maraming tao para takasan ito, at ng hindi siya nagkamali sa hinala na sinusundan nga siya nito ay kaagad niya itong hinampas ng bag niyang dala habang nakatalikod ito, at tumili siya ng malakas. "Hoy, gaga, gusto lang naman kitang tulungan!" Naalala niyang sabi ni Tekla noon habang tinatakpan nito ang tenga ng dalawang palad. At doon nga nagsimula ang pagkakaibigan nila.Sa katunayan nga ay ang bahay na inuupahan niya ngayon ay ito ang nagmamay-ari. Naawa ito sa kaniya dahil nahihirapan siya noon sa paghahanap ng matutuluyan lalo't baguhan siya sa lungsod na ito, kaya naman pinatuloy siya nito sa dati nitong Parlor shop na nasara na dahil sa pandemic. Maliit lang ito, studio type. Pero maayos naman at malinis. May sariling banyo ito at kusina. Nang una ay nahirapan siya sa sitwasyon niya, dahil hindi siya sanay sa ganoon. Iyon bang tipo na bawat galaw mo ay puro gastos, hindi tulad sa San pedro sa Probinsya na kahit mahirap ang buhay roon ay nasanay na siya.Sa Maynila kasi ay kapag wala kang pera magugutom ka. Wala naman magpapautang sayo kung wala kang trabaho kaya mamumuti lang ang mga mata mo sa isang tabi sa kahihintay kung may magbibigay ng tulong. Pero kalaunan ay unti-unting na-adopt ng sarili niya ang lugar hanggang sa nakasanayan na niya ito. Kaya lahat ng raket ay pinasok niya basta may kita at maayos na trabaho lang ito, marangal. Katulad na lang ngayon, pupunta siya sa tindahan para magtinda ng isda. Siya ang tindera ngayon at sa maghapon ay kikita siya ng isang libo. Pero once a week lamang iyon. Sa isang linggo ay iba-iba ang raket niya. Kailangan, dahil may bata siyang ginagatas at may bahay siyang binabayaran buwan-buwan."Teks, ikaw na ang bahala kay Brave, ha. Kumpleto na riyan ang kakailanganin niya. Nakapag-sterilize na rin ako ng mga bote niya. Alagaan mo siya, Teks, ha," bilin niya sa kaibigan.Natawa naman ito sa sinabi niya."Oo naman! Naku, Anna, ilang buwan ko na ba itong ginagawa at ilang buwan mo na rin sinasabi sa akin iyan? Huwag kang mag-alala hindi ko pababayaan ang inaanak ko," anito sabay pisil sa pisngi niya.Napangiti siya sa sinabi ng kaibigan. Maaasahan niya talaga si Tekla dahil maalaga rin ito kay Brave. Kaya nakasisiguro siya na hindi nito pababayaan ang anak niya."Salamat, Teks," ani niya.Binalikan pa niya ang anak sa silid nila at napangiti siya dahil himbing na himbing ang tulog nito."Uuwi kaagad si Nanay," sambit niya at hinalikan ang anak sa noo."Aalis na ako," paalam niya sa kaibigan."Ingat ka bakla!" Tumango siya sa kaibigan saka ngumiti bago lumabas ng pintoan ng bahay.Oras na para rumaket, para kay Brave at para sa future nila!*****"Isda! Isda! Isda po kayo diyan! Preska pa po at murang-mura lang!" alok niya sa mga taong nagdaraan sa tindahan ng mga isda sa malaking market.Araw ng sabado kaya medyo marami ang namamalengke ngayon. Kapag napaubos niya ang mga isdang tinda ay dinadagdagan pa ng mabait na may-ari ang bigay nito sa kaniya. At suwerte siya dahil palagi niyang napapaubos ang mga iyon kaya tuwang-tuwa sa kaniya si Manilyn, ang may ari ng isdaan. "Miss, pabili ako isang kilo nga," wika ng lalaki na tinuturo ang tilapya."Sige po!" nakangiti niyang sambit."Miss, ang ganda mo. Alam mo bang hindi ka bagay rito? Kasi mas bagay ka sa puso ko!" banat pa nito na ikinailing na lamang niya.Nagsisimula na naman kasi ito sa mabulaklak na dila."Luma na iyan, Caloy. Wala na bang bago?" turan niya rito na natatawa. Suki niya kasi si Caloy kaya sanay na siya sa mga banat nito na panahon pa yata ng mga lolo niya."Ito bago." anito na tumaas-baba ang kilay. "Tilapya ka ba?" Pigil niya ang hindi humagalpak ng tawa sa itsura ni Caloy. Paano, ang corny.Ang ibang kustumer ay naaaliw rin sa mga banat ni Caloy at tatawa-tawa pa ang mga ito. Naingganyo pa ngang bumili ng isda sa kaniya habang nakikinig sa banat ni Caloy."Hindi, bakit?""Kasi tilapya-ning na ako sayo!" Hindi na niya napigilan ang paghagalpak ng tawa. Halos lumabas ang luha niya sa mga mata sa kakatawa habang ang lalaki ay natatawa rin at napapakamot sa ulo nito at the same time."Ang dami mong alam, Caloy! Ito na tilapya mo!" natatawang sabi niya sabay abot ng supot kay Caloy."Pag-practice-an mo pa ng maigi ang mga banat mo, Caloy!" kantiyaw ni Mang Isko kay Caloy. Tawanan na naman ang mga kasamahan niyang tindera."I shall return!" saad ni Caloy matapos bayaran ang biniling isda at kumindat pa ito sa kaniya bago umalis.Natatawa nalang siya sa lalaki. Taxi driver si Caloy at gaya niya ay single parent din ito. Nanliligaw ito sa kaniya, minsan nga ay bumibisita rin ito sa inuupahan niyang bahay. Pero wala siyang gusto sa lalaki, kaibigan lang ang turing niya rito at alam naman ito ni Caloy. May itsura naman ito, may katangkaran din. Pero sadyang ayaw tumibok ng puso niya para sa lalaki. Minsan nga ay nagko-komento pa ang ilan na sagutin na raw niya si Caloy total pareho naman silang single parent, at mabait naman ang binata. Pero para sa kanila ni Caloy ay alam na nila kung ano sila sa isa't isa. Ang mga pa-banat nito sa kaniya ay pang-aaliw lamang nito para marami raw bumili sa mga paninda niya, at effective nga naman ang pang-aaliw nito.Nang makaalis si Caloy ay marami pang kustumer ang dumagsa sa isda niya. Kaya ang siste ay hindi pa umabot ng alas-tres ng hapon, ubos na ang paninda niya."Iba talaga nagagawa ng ganda mo, Anna! Ang lakas ng hatak, e!" komento ng isang tindera sa kaniya na si Nanit.Napangiti siya sa tinuran nito. Gusto niya sanang sabihin sa babae na huwag kasi panay F******k. Pero hindi na lang niya sinabi. Niligpit nalang niya ang lahat ng gamit at maaga siyang uuwi ngayon. Miss na niya kaagad ang anak. At dahil maaga pa naman ay balak niyang ayain si Tekla na kumain sa labas at mamasyal kasama ang anak na si Brave."Mauuna na po ako sa inyo!" Paalam niya sa mga kasama."Sige, Anna. Ingat ka!" wika naman ng mga ito. Tumango siya at kaagad na umalis. Nasa kaniya pa ang benta ngayon at bukas pa niya iyon isu-surrender kay Manilyn dahil bukas pa ang uwi nito galing sa kinukuhaan nito ng mga isda.Nag-abang siya ng dyip sa gilid ng highway. At nang may dumaan ay kaagad siyang sumakay. Maluwag pa ang dyip, anim lang sila lahat nakasakay sa upuan. Tatlong lalaki at tatlong babae kasama siya. May nakaupo rin sa tabi ng driver na sa tingin niya ay pahinante."Bayad po, Manong, pasuyo po," magalang niyang wika sabay abot ng bayad sa isang lalaki na nasa unahan niya. Kinuha nito iyon at inabot naman sa driver. "Salamat po," pagpapasalamat niya sa lalaki.Nasa biyahe na sila nang mapansin niya na tila kakaiba ang galaw ng tatlong lalaki. Kinutuban siya. Mga hold-aper?Agad siyang nanalangin ng taimtim habang ang mga mata ay naglilikot sa buong silid ng dyip. Ang kaba ng dibdib niya ay rumaragasa. Parang sasabog palabas ang puso niya.Maya-maya pa ay nakita niyang may inilabas na patalim ang lalaki na katabi niya. Nanlaki ang mga mata niya. Kaagad rin siyang umusog palayo rito nang mapagtanto ang puwedeng mangyari. Pero mabilis nito hinawakan ang braso niya ng mahigpit at tinutukan siya ng patalim sa leeg.Lord, huwag po!Sunod-sunod siyang napalunok habang nanlalaki ang mga mata na napatingin sa matulis na patalim na nakatutok sa kaniya."Diyan ka lang!" sigaw nito sa mukha niya.Nagtilian ang mga pasaherong kasama niya nang magdeklarang hold-up ang lalaki na katabi ng driver na inakala niyang pahinante kanina."Ibigay niyo sa akin ang lahat ng mga bag niyo!" utos ng isang lalaki na may hawak din na patalim. Kinabahan siya at hindi maiwasang manginig ang katawan. Kaagad na pumasok sa isipan niya si Brave. Napaluha siya. Ayaw niyang mamatay. Paano na si Brave kung mangyari iyon?Kaya nang kunin ng lalaki ang belt bag niya ay hindi na siya nakapagtutol pa, ni hindi rin nakagalaw. Sa mga sandaling iyon ay alam niyang nanganganib ang buhay niya at konting mali lamang niya ay itatarak ng lalaki ang patalim sa kaniyang leeg.Binigay na lang niya ang gusto nito para hindi na siya masaktan pa. Nasa loob niyon ang kinita niya sa pagtitinda ng isda ni Manilyn.Ang driver ng dyip ay wala rin nagawa. Mangiyak-ngiyak din ito nang kunin ang lahat ng kinita nito sa pamamasada. Patuloy lang ito sa pagmamaneho gaya ng utos ng lalaking katabi nito. Nang makuha ng mga kawatan ang lahat ng bagay na matipuhan ng mga ito ay inutusan ng isa ang driver na itigil ang dyip sa isang tabi. Bumaba ang mga ito na dala ang lahat ng mga nalikom mula sa kanila na tila wala lang nangyari. Walang kahirap-hirap.Maluha-luha silang lahat dahil sa nangyari. Wala halos makapagsalita. Dinala ng driver ang dyip sa labas ng istasyon ng pulis at ipinahayag ang nangyari. Matapos nilang magbigay ng pahayag ay umuwi na rin si Anna.Dahil medyo malapit lang ang Police station sa tinutuluyan niya ay nilakad na lamang niya pauwi dahil wala na siyang pera.Bagsak ang mga balikat na pumasok siya sa bahay na inuupahan. Pagod at takot mula sa nangyari kanina ang dala niya pauwi. Nang makita siya ng kaibigan sa ganoong anyo ay nagtaka kaagad ito."Oh, bakla, anong nangyari sayo? Bakit mukhang binagsakan ka ng langit at lupa?" tanong nito kaagad sa kaniya. Buhat-buhat nito si Brave. Hindi siya nakasagot. Nilagpasan niya si Tekla. Pumasok siya sa kaniyang silid, kumuha ng damit at pumasok sa banyo para maghugas ng katawan. Narinig niyang sunod-sunod na kinatok ni Tekla ang pinto ng banyo."Anna, ano ba ang nangyari sayo? May problema ka ba? Umiyak ka ba? Namumugto ang mga mata mo, ah. Ginahasa ka bang babae ka?" Iiyak na sana siya dahil kanina pa niya pinipigilan ang emosyon sa dyip palang, pero naudlot iyon dahil sa sinabi ng kaibigan."Loka. Hindi ako ginahasa," sabat niya."Eh, hindi naman pala. Eh, ano nangyari sayo bakit ganiyan ang itsura mo?"Nang makalabas ng banyo ay kinuha niya ang anak kay Tekla at saka niya sinabi ang nangyari kanina."Na-hold up ang dyip na sinasakyan namin pauwi, Tekla. N-nakuha ang lahat ng kita ko ngayong araw," malungkot niyang bigkas sabay na umiyak sa harapan nito.Gulat ang lumarawan sa itsura ni Tekla. Agad siyang niyakap ng kaibigan. Napaiyak na siya ng tuluyan. Hindi na rin niya napigilan ang panginginig ng katawan. "Shhh… tahan na bakla. Ang mahalaga ay hindi ka nila sinaktan," pag-aalo sa kaniya ni Tekla. Lalo siyang napa-iyak. Iyon na nga ang iniisip niya. Mabuti na lang hindi siya sinaktan o kahit sino sa kanilang mga pasahero. Dahil kung nangyari iyon ay baka hindi na niya nahawakan ngayon ang anak. Iyon ang ikinatatakot niyang mangyari, ang mawala siya sa mundo at maiiwan ang anak niyang si Brave.Niyakap niya ang anak at hinalikan ito. Hindi siya puwedeng mawala lalo na't hindi pa nakikilala ni Brave ang ama nito.NAKARATING sila sa condominium ni Carlo, pero ang naabutan lamang nila ay ang katahimikan ng buong silid. “He’s not here,” Brett commented in a disappointed tone. “Shit! Saan niya dinala ang anak ko!” Nasa tono niya ang galit. Sinipa pa ni Brett ang makitang bagay na nadaanan nito dahil sa kumukulong dugo niya kay Carlo. “I’m going insane, Rico! He’s not here…” Napasandal si Brett sa pader. Hindi maipinta ang itsura nito. Gulong-gulo ito at puno rin ng pag-aalala ang mukha.Napabuga ng hangin si Rico. Kalmado lang ito. Binalingan nito si Anna na ngayon ay walang ibang nagawa kundi ang mapaiyak na lamang sa isang sulok habang nakatitig sa kaibigan niyang gulong-gulo. Kay Brett. He smiled bitterly. “Of course, he’s not here. Bobo siya kung nangidnap siya ng bata at dito pa siya magtatago.” Sabi naman ni Rico na mukhang nakalimutan pa na kasama pala nila si Carmen. Huli na nang maalala nito ang ginang na nasa likuran lang nila na narinig pa ang pagmumura niya sa anak nito, kaya agad it
ILANG ARAW na ang nakakalipas pero hindi pa rin natatagpuan si Brave. Kung makabiro nga naman ang tadhana ay talaga nga namang sinagad nito si Anna. Buong akala ni Anna ay matapos nilang bawiin ang anak kay Carol ay matatapos na rin ang lahat, na babalik na sa dati ang buhay nila. Pero hindi pa pala roon nagtatapos ang lahat, dahil muli na namang nawawala ang kaniyang anak at sa pagkakataon na iyon ay hindi kasalanan ni Carol ang pagkawala nito, kundi kasalanan niya dahil mas inuna niya ang sarili kaysa kay Brave. Kagat ang ibabang labi habang pigil ni Anna ang sariling mapaiyak na kinuha ang isang laruan sa crib. Pinagmasdan niya ito. Lalo siyang nalungkot at nasaktan. Sa sandaling iyon ay may pumasok sa silid ni Brave. It was Brett. Mababakas din sa itsura ng binata ang pangungulila nito sa nawawalang anak. Lumapit si Brett kay Anna, at mula sa likuran ng dalaga ay niyakap ito ni Brett. Doon naman umiyak si Anna nang maramdaman niya ang mahigpit na yakap ni Brett.“B-Brett, bakit?
NAKATAYO si Carlo sa harapan ng kama kung saan nakahiga ang kaniyang ina wearing his sweet smile kahit hindi nakikita ng ina ang ngiti niyang iyon. Subalit ang ngiting iyon ay hindi umaabot sa mga mata ni Carlo. He’s in pain, furious and he wants revenge. It’s simply because he lost his father and his beloved sister, and that is because of Brett and Anna. Naiyukom ni Carlo ang kaniyang kamao as he gritted his teeth. At sa mga sandaling ito ay nagsisimula na ang paghihiganti ni Carlo sa dalawa na itinuring na niyang kaaway. Lihim pang napangisi ang binata habang may naglalaro sa kaniyang isipan. Hindi basta-basta mababayaran ng ‘sorry’ ang nangyari sa kaniyang ama at kapatid. Ika nga, ‘ngipin sa ngipin’. At sisiguraduhin niyang mabibigyan ng hustisya ang kamatayan ng pamilya niya. Ang galit na mukha ni Carlo ay mabilis nagbago at napalitan ng nakangiti nang magmulat ng mga mata ang ina.Nagmulat ng mga mata si Carmen at nakita niya ang anak na lalaki na nakatayo sa gilid ng hinihigaan
Anna can't stop her tears from streaming down through her face. She can't moved too, her body was stilled and she don't know how to speak while looking at the man who was the father of her child. Ang lalaking minahal niya simula noon, hanggang ngayon na nakaluhod sa kanyang harapan, hawak ang isang eleganteng singsing, at naghihintay ng kanyang sagot.Everyone is watching, waiting for her to respond. Lahat ng mga mata ay nakatutok sa kanya, ultimo ang kanyang paghinga ay binabantayan din ng mga ito.“Sagutin mo na, Anna, ikaw rin baka malumpo 'yan kakaluhod diyan. Alam mo na. . . gurang na. Baka hindi na maka-isa iyan.” Natatawang komento ni September. Nagtawanan ang lahat samantalang sumama naman ang mukha ni Brett kay September.“Oo nga naman, Anna. Nangangalay na ang tuhod niyan,” ani naman ni Rico.“Shut up you two!” wika ni Brett sa dalawang kaibigan na natatawa lang sa tabi. Kapagkuwa'y binalingan si Anna at nagsusumamo ang mga mata na nakiusap sa babae.“Please. . . tanggapin m
Two weeks later…Dalawang linggo ang nakalipas mula nang mangyari ang kahindik-hindik na insidenteng iyon sa bahay ng mga magulang ni Tekla. Bumalik sa katahimikan ang buhay ng lahat nang tuluyang masara ang kaso laban kay Carol Ibañez. Ang ama ni Carol na si Anton ay ililibing na sa araw na ito habang kasalukuyang nagpapagaling naman sa Hospital si Caren na naging malubha ang kalagayan. Si Carol ay sabay na ililibing kasama ang ama nito, habang si Louie ay kinuha naman ng pamilya nito at inuwi sa kanila. Ang nag-asikaso naman ng burol ng mag-amang Ibañez ay si Brett. Tumulong din si Rico na halos hindi makapaniwala sa sinapit ni Carol at ng ama ng babae. Dumating din mula sa Canada ang kapatid na lalaki ni Carol, katulad ni Rico ay hindi rin ito makapaniwala sa sinapit ng kapatid at ng ama nito."Ate…" anang kapatid na lalaki ni Carol na si Carlo na ngayon ay malungkot na nakatitig sa kabaong ng kapatid.Tinapik-tapik naman ni Brett ang balikat ng lalaki. Humikbi ito. Wala siyang m
MALINAW na isang hostage taking ang nagaganap sa bahay ng mga Lansangan at nasaksihan iyon mismo ni Anna nang makapasok siya sa mansion at maka-akyat sa rooftop. Naabutan niya ang ilang mga pulis sa paligid at kumukuha ng buwelo para malapitan si Carol. Bumadha ang kaba sa dibdib ni Anna, alam niya na sa sandaling iyon ay hindi biro o madali ang nangyayari. Naroon din ang mga tauhan ni Rico, at nakita niyang sumenyas ito sa isang kasamahan nitong pulis. Ni hindi ng mga ito nakita ang presensya niya. Naiintindihan niya na mahirap ang ganoong sitwasyon dahil hawak ng babae ang bata kung kaya’t ingat na ingat ang mga ito sa bawat galaw na nililikha. Natatakot man siya'y wala siyang magagawa kundi ang lakasan ang loob lalo na ngayong nakikita niya ang anak na hawak ni Carol sa loob ng chopper. Lahat naman ay ayaw malagay sa panganib ang bata, lalo na siya dahil isa siyang ina—ina ni Brave.Bago siya makapasok ng bahay ay nakipag-away pa siya sa mga pulis na nagbabantay sa labas kanina. A
MARAMING mga pulis ang nakapaligid sa bahay ng Lansangan, sinisigurado ng mga ito na kung sino man ang nasa loob ng bahay na siyang salarin ay hindi ito makakatakas sa kamay ng batas.Sa mga sandali namang iyon ay nakatayo pa rin si Carol, hawak ang sariling baril. Si Tekla na nakaluhod sa sahig hawak ang basahan na puno ng dugo at may tama ng baril sa binti, at si Rico na tinututukan pa rin ng baril si Carol, kasama ang ilan pang mga pulis na nakapaligid sa kanila.“Drop your gun now, Carol, at sumuko ka na,” utos pa ni Rico sa babae.Subalit ngumisi lamang si Carol at hindi man lang ito natinag sa kinatatayuan nito. Hindi ito natatakot sa mga pulis na nakapalibot sa kanya.“At kung ayaw ko, huh? Ano ang gagawin mo? Babarilin mo ako? Damn, I know you can’t do that, Rico,” kampante na sabi ni Carol at tumawa ito nang malutong. “I’m not afraid of death, Rico!” sigaw ni Carol na nanlilisik ang mga mata. Ang baril na hawak ay itinutok muli kay Tekla at walang ano-anong pinutok ito sa pin
PUMUNTA sina Anna at Brett sa istasyon ng pulis kung saan naka-duty si Rico. Nag-usap sila at ipinahayag ni Rico ang tungkol sa pinadalang GPS ni Louie bago pa ito mamatay. Nang banggitin ni Rico ang bahay ni Lita Lansangan ay walang ideya si Brett kung sino ito. Hindi rin pamilyar sa kaniya ang pangalan na binanggit ni Rico. Mukhang naunawaan naman ni Rico ang nasa isipan ni Brett kaya kaagad nitong ipinaliwanag kung sino ang taong binanggit. "Mga magulang sila ni Tekla, bro. Ayon sa nasagap na impormasyon ng kasama kong pulis, ang bahay na iyon ay kina Tekla. Private property ito kung kaya't walang nakakapasok. Saka matagal nang na abandona ang bahay simula nang mamatay ang parents ni Tekla, ang mga kapatid naman nito ay sa Manila na nakatira. At ang bahay na iyon ang napiling taguan nina Carol dahil alam niyang walang nakakaalam niyon maliban kina Tekla at mga kapatid nito." Paliwanag ni Rico kay Brett. Naliwanagan si Brett sa ipinahayag ni Rico. Ngayon ay nauunawaan na niya. Kah
ISANG BANGKAY ang natagpuan ng otoridad sa isang bakanteng lote malapit sa isang ilog. Ang bangkay ay nakalagay sa isang itim na garbage bag, malamig na at nilalangaw. Kasama sa nag-inspeksyon sa bangkay ay si Rico. Nakilala ni Rico kung sino ang bangkay, ito ay walang iba kundi si Louie de Vera—ang kasintahan ni Carol.Malalim na napabuga ng hangin si Rico habang nakatitig siya sa malamig na bangkay ni Louie. Napapaisip kung sino ang salarin sa brutal na pagpaslang sa lalaki."Sir," Napabaling si Louie sa isang pulis na lumapit sa kaniya. Mataas ang rango niya rito kaya 'sir' ang tawag sa kaniya. "Na-review na po ang CCTV at nakita na ang plate number ng kotse na nagtapon sa biktima." Pahayag ng isang pulis.Tumango si Rico sa pulis. "Sige, pupunta ako para panoorin ito." Wika naman niya.Hindi nga nagtagal ay pumunta si Rico sa isang istasyon kung saan naroon ang maraming CCTV monitor na nakakonekta sa buong bayan ng San Diego. Naabutan niya ang iba pang kasamahang pulis na pinapano
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments