Share

Chapter 13

Makalipas ang ilang araw ay balik trabaho na muli. Naging busy na kami sa opisina. Pinilit rin akong mag-enroll sa college ni Boss. Sa totoo lamang ay ayaw ko pa dahil hindi pa sapat ang ipon ko. Nagpapadala pa rin ako kina Nanay. Pero hindi ito pumayag kaya wala rin akong nagawa. Napag alaman kong isa pala sila sa may ari ng kolehiyong papasukan ko.

Ngayon ang unang araw ko, kaya sobrang kabado ako. Pangarap ko lamang noon, at ngayon, isa na akong kolehiyala. Nakaka-proud pala.

Tuwang-tuwa rin sina Nanay nang ibalita ko sa kanila ang pagpasok ko. Panay pa ang habilin nila sa'kin ng kung ano-ano. Oo lang naman ako ng oo para hindi na humaba pa ang habilin.

Pagkarating ko sa tapat ng campus ay napahinga ako ng malalim. Eto na... Eto na ang magiging simula ng lahat. Kaya ko 'to!

College High University (C.H.U)

Basa ko sa pangalan ng university. Naninibago pa ako sa suot kong palda na hanggang ibabaw ng aking tuhod. Naka blazer na black na may long-sleeved blouse na white sa loob. May h
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status