Share

Chapter 17

Naging tahimik ang b'yahe namin ni Boss, wala akong nai-sagot sa mga sinabi n'ya. Hindi na lamang ako nagsalita, dahil baka masaktan ko na naman s'ya ng hindi sinasadya.

Siguro may dalawang oras din ang naging b'yahe namin bago tumigil ang sasakyan n'ya sa tapat ng isang resort. Nakamasid lamang ako sa harapan ng isang malaki at napaka gandang resort.

Isla Montemayor

Basa ko sa pangalan ng resort, ibig sabihin kanila ito?

"Good morning sir," bati ng lalaking palapit sa gawi namin.

"Morning. Pakikuha ng mga gamit sa loob," utos nito sa lalaki.

"Yes, sir."

May kasunod pa itong dalawang lalaki, kinuha nila ang bag namin sa loob ng Wrangler Jeep ni Boss. Kaya pala ito ang dala niyang sasakyan ngayon. Ang daming sasakyan, papalit-palit lang. Tss.

"Let's go Belle, mainit na rito." Napatingin naman ako bigla kay boss.

"A-Ah.. Sige po."

Sumabay ako nang lakad sa kanya patungo sa loob ng resort nila. Bumungad agad sa'kin ang napakataas na slides. Dalawa ito na magkabilaan sa parang bahay sa
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status