Nararamdaman pa rin ni Alexandra ang bigat sa kanyang dibdib nang magising siya. Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya kakaiyak. Napansin niyang bahagyang bukas ang bintana, at mula sa liwanag na pumapasok, alam niyang palubog na ang araw.
Kumalam ang kanyang sikmura, kaya agad siyang bumangon at bumaba upang maghanap ng makakain. Alam niyang natakot niya si Joshua kaya hindi ito maglalakas-loob na lumapit sa kanya.
Sa kusina, nagluto siya ng sliced ham, itlog, at bacon, saka kumuha ng tinapay. Kadarating lang ng pagkain sa harap niya nang biglang tumunog ang doorbell.
Napabuntong-hininga siya. Gusto na niyang kumain, pero wala siyang ibang choice kundi ang buksan ang pinto. Pagdungaw niya, isang pamilyar na iritadong boses ang sumalubong sa kanya.
"What do you think you're doing?! Akala ko patay ka na!" sigaw ni Bea. "Kagabi, nawala ka nang walang paalam! Akala ko may nag-take out sa'yo o di kaya tinakasan mo ako! Pinalampas ko 'yon kasi inisip kong baka sa kwarto ko ka lang natulog, pero hindi naman pala! Tapos maghapon kitang tinatawagan pero hindi ka sumasagot! Alam mo bang na-haggard ako kakaisip sa'yo?! Ano ba, Alexandra! Magsalita ka!"
Napangiwi si Alexandra sa sunod-sunod na litanya ng kaibigan. Hingal na hingal si Bea matapos ang kanyang monologo, kaya naman mabilis na nagtungo si Alexandra sa kusina at kinuha ang isang baso ng tubig.
"Uminom ka muna," sabi niya, iniaabot ang baso.
Sinamaan siya ng tingin ni Bea bago niya iyon kinuha. "Letse ka! Pagkatapos mo akong pag-alalahanin ng ganito, ganyan lang ang masasabi mo?!" Ngunit sa kabila ng inis, agad niyang tinungga ang tubig.
Napangiti si Alexandra habang pinagmamasdan ang inis na ekspresyon ni Bea. Sa totoo lang, naappreciate niya ang pag-aalala ng kaibigan, pero wala siyang lakas para ipaliwanag ang lahat ngayon.
"Ano, magsasalita ka ba o iinom ka na lang din ng tubig?" reklamo ni Bea habang binababa ang baso sa mesa.
Umupo si Alexandra at nagsimulang kumain. "Gutom na ako, Bea. Gusto mong kumain?" tanong niya, pilit na binabaling ang usapan.
"Hindi ko kailangan ng pagkain! Ang kailangan ko ay paliwanag!" bumuntong-hininga si Bea at naupo sa tapat ni Alexandra. "Nag-aalala ako, Lex. Alam kong may nangyari. Hindi ka naman basta na lang mawawala nang hindi nagsasabi. Ano na naman ba ang ginawa ng walanghiyang Joshua na 'yon?"
Napatigil si Alexandra. Napakagat siya sa loob ng pisngi niya at pilit na itinago ang sakit na muling bumabalik sa kanyang dibdib. Hindi siya sigurado kung kaya na niyang sabihin ang lahat.
Nakahalata si Bea. "Tama ako, 'di ba? May ginawa na naman siya." Lumalim ang kunot sa noo niya. "Ano, Alexandra?"
"I met a guy sa party, then we kissed and slept together," kalmadong sabi ni Alexandra habang inuumpisahang kainin ang sandwich na ginawa niya.
"What?! Are you crazy?! Nanaginip ka na naman ba?" gulat na sigaw ni Bea.
"No! I’m telling the truth. Nakasalubong ko siya—may maskara siya pero ang gwapo ng dating. Medyo marami akong nainom, kaya hindi ko namalayan na lumabas ang kalandian ko."
Napalunok si Bea sa excitement. "What?! Talaga?! So, what happened next? May palitan ba ng number? Gusto niyo ba ang isa’t isa o what? Anong nangyari nang magising ka?"
Huminto sandali si Alexandra bago binitiwan ang isang rebelasyong ikinagulat lalo ni Bea. "Joshua’s uncle."
"WHAT?!"
Napangiwi si Alexandra at tinakpan ang tenga gamit ang dalawang kamay. "Ang sakit sa tenga! Kanina ka pa sumisigaw, hindi ba pwedeng magdahan-dahan ka?"
"Paano hindi ako sisigaw? Puro ka pasabog! Nakakagulat 'yung mga sinasabi mo!" Napahawak sa dibdib si Bea bago bumuntong-hininga. "Pero sandali, wala ba dito si Joshua?"
Tumango lang si Alexandra.
"Yown! Buti naman! So, ano'ng sumunod?"
"Nag-away kami ni Joshua. Nagkasigawan, nagkasisihan, at nagkasumbatan. Then I told him I’m done, and I want an annulment."
"WHAT?!"
"Isa pang 'what' mo, masasapak na talaga kita!" banta ni Alexandra.
"I’m sorry! Nagugulat lang talaga ako! So ano? Pumayag naman ba siya? Hindi ba siya tumutol?"
Napairap si Alexandra bago sumagot. "Siyempre ayaw niya. Balak pa nga niya akong gahasain para mabuntis."
Nanlaki ang mata ni Bea. "Siraulo ba siya?! As if mabubuntis ka niya! E baog nga yata siya, ‘di ba?!"
Natigilan si Alexandra. Hindi niya sigurado kung totoo ngang baog si Joshua, pero isa lang ang sigurado siya—wala na siyang balak pang manatili sa piling nito.
Pinaliwanag ni Alexandra ang lahat kay Bea, kabilang ang plano niyang lumapit kay Tyron upang humingi ng tulong.
"This Tyron we're talking about—is he the same guy you met and slept with? And he's also your husband's uncle? Am I correct?"
"Yes! Magaling siyang abogado, kaya alam kong matutulungan niya ako para mapabilis ang proseso ng annulment. Sa tingin mo ba, tutulungan niya ako?"
"We don’t know. Malay mo, nagustuhan niya ang performance mo, tapos tulungan ka niyang makaalis sa pamangkin niyang hudas—at pagkatapos, angkinin ka niya. Ang galing, ‘di ba? Para siyang knight in shining armor na sasagip sa’yo mula sa impyernong kasal mo kay Joshua," pang-aasar ni Bea.
Napabuntong-hininga na lang si Alexandra bago uminom ng tubig. Tumayo siya at naglakad papunta sa kusina upang kumuha ng isa pang baso ng tubig.
"Seriously, girl, paano kung matapos ang annulment, wala siyang ibigay na pera sa’yo? Anong gagawin mo?"
"Money is not a problem. I can earn it naman. At saka, anong silbi ng mayamang kaibigan kung hindi ko huhuthutan, ‘di ba?" sagot ni Alexandra na may halong biro.
"Teka… ako ba ‘yun?!"
"Bakit, Bea? May iba pa ba akong kaibigan?"
"Hindi ko alam kung masasaktan ako o matutuwa sa sinabi mo. Pero tama ka, hindi kita iiwan kahit anong mangyari. Kaya kung si Uncle Tyron ang magiging bagong jowa mo, susuportahan kita!"
"Sira ka talaga!" sagot ni Alexandra habang umiiling, pero hindi maitago ang ngiti sa kanyang labi.
Napailing na lang si Alexandra sa kakulitan ni Bea, pero hindi niya mapigilang mapangiti. Sa kabila ng lahat, laging nandiyan ang kaibigan niyang ito para sa kanya.
"Pero seryoso, Lexa," bumalik sa normal na tono si Bea. "Sigurado ka na ba talaga? Kasi once na pumasok ka sa annulment, wala nang bawian ‘yan. You need to be ready for everything—emotionally, financially, at higit sa lahat, mentally. Baka mamaya, bumalik si Joshua at subukang guluhin ang buhay mo."
Napabuntong-hininga si Alexandra. Alam niyang hindi magiging madali ito, pero wala na siyang ibang gusto kundi ang makalaya.
"Alam ko, Bea. Pero mas okay nang dumaan sa gulo ngayon kesa habambuhay akong nakakulong sa isang kasal na hindi ko na kayang ipaglaban."
Tumango si Bea, saka ngumiti. "I admire your bravery, girl. Sige, kung kailangan mo ng suporta, nandito lang ako. Pero teka, paano kung mag-alok si Uncle Tyron ng ibang 'kapalit' sa tulong na ibibigay niya?"
Napataas ang kilay ni Alexandra. "Ano namang kapalit?"
"Hmm… let’s say, gusto niyang gawing real ang one-night stand niyo?"
Natawa si Alexandra. "Gaga! Hindi mangyayari 'yun!"
"Malay mo!" pang-aasar ni Bea. "Baka ikaw na ang bagong tita ni Joshua! Oh ‘di ba? Perfect revenge ‘yun!"
Muntik nang mabulunan si Alexandra sa iniinom niyang tubig. "Bea, ‘wag mo ngang lagyan ng kulay! Gusto ko lang lumaya! Wala akong balak pumatol ulit kay Tyron and ang nangyari sa amin, isa lang iyong malaking pagkakamali!"
"Well… tingnan na lang natin!" Nagkibit-balikat si Bea bago kinindatan ang kaibigan.
Napailing na lang si Alexandra. Isang bagay lang ang sigurado siya—kailangan niyang makalabas sa kasal na ito, at si Tyron ang tanging taong makakatulong sa kanya.
Nang umalis si Bea, muling nanlumo si Alexandra. Mas lalong bumigat ang kanyang pakiramdam sa pag-iisip na lilipas ang magdamag nang siya lang mag-isa.
Hindi umuwi si Joshua ng gabing iyon—at hindi rin sa sumunod na mga araw. Isang linggo ang lumipas, at sa kabila ng lahat, labis ang pasasalamat ni Alexandra. Sa wakas, nagkaroon siya ng panahon upang ipahinga ang kanyang isipan at pag-isipang mabuti ang susunod na hakbang.
Papalapit na siya sa kama nang biglang tumunog ang kanyang telepono. Sandaling nag-alinlangan siyang sagutin ito, ngunit alam niyang kailangan na niyang wakasan ang anumang koneksyon na natitira sa kanila.
“I’ll be there in 30 minutes.”
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" malamig nitong tanong. Ang tono ng kanyang boses ay hindi mataas, pero ramdam ni Alexandra ang pwersang dala nito. "Is this a proper way to resign? Hindi mo ba alam na pwede kitang kasuhan dahil dito?"Hindi agad siya nakapagsalita. Nakadikit ang likod niya sa pinto, parang naipit siya sa presensya ng lalaki. Ang init ng katawan ni Tyron kahit hindi ito lumalapit nang tuluyan, at kahit hindi siya tinatapunan ng matalim na tingin ay ramdam niya ang bigat ng kanyang presensya."Tyron, I—""Akala mo ba basta mo na lang ako matatakasan?" putol nito, at mas lumalim ang titig nito sa kanya.Hindi niya alam kung bakit, pero parang lumubog ang kanyang tiyan sa kaba. Hindi siya sanay na nakikitang ganito si Tyron—oo, alam niyang may kakayahan itong magalit, pero ngayon lang niya ito nakita nang ganito ka-intense."Hindi ba dapat masaya ka?" tuloy niya, pilit na binabalik ang kanyang kumpiyansa. "Hindi mo na kailangang madamay sa gulong ito. Hindi mo na kaila
Ang marahang tugtog ng café ambient music lang ang bumabalot sa hangin habang naghihintay si Attorney Tyron Mendez, may bahagyang lamig na ang kanyang black coffee. Katabi niya si Alexandra—ang kanyang masinop at matalas na assistant. Habang tumitingin siya sa tablet para sa updates, paminsan-minsan ay sumusulyap ito sa pintuan.“Late na siya,” mahina niyang sabi habang isinara ang tablet.“Dalawang minuto lang,” sagot ni Tyron, sabay tingin sa kanyang relo. “Maaga pa 'yan sa standards ng mga abogado.”Saktong pagkalipas ng ilang segundo, pumasok ang isang lalaking nasa mid-sixties, naka-tailored charcoal suit at may dignidad sa bawat kilos. Kita sa kanyang graying hair at maingat na lakad ang dekada ng karanasan sa legal na serbisyo—at marahil, bigat ng mga kaganapan sa Salcedo family.Diretso itong lumapit sa kanilang table.“Atty. Tyron Mendez?”“Yes,” tumayo si Tyron at iniabot ang kamay—propesyonal at matatag. “Kayo po si Atty. Saavedra?”“Ako nga. Family attorney ng Salcedos,” s
"Kung gusto niyong linisin ang pangalan ninyo, ito lang ang paraan," patuloy ni Tyron. "Huwag kayong matakot kung wala kayong kasalanan.""Hindi na kailangang buksan ang katawan ni Papa," malamig na sagot ni Daniel. "Mas pipiliin kong mawalan ng mana kaysa sirain ang alaala niya.""Ako rin," mabilis na dugtong ni Regina."Ganoon din ako," sabat ni Hector, pero sa kanyang boses ay may bahagyang panginginig.Tahimik na tinapunan ni Alexandra ng tingin si Tyron. Alam nilang dalawa—may tinatago ang magkakapatid. Pero ano?Tahimik ang opisina, tanging tunog ng aircon at mahihinang kaluskos ang naririnig. Nakatingin si Tyron sa magkakapatid, sinusuri ang bawat reaksyon nila—si Daniel na tila kalmado pero may bahid ng pag-aalala sa mga mata, si Hector na halatang iritado, at si Regina na abala sa pag-check ng kanyang cellphone pero hindi naitago ang kunot sa kanyang noo.Mabigat ang hangin nang basagin ni Tyron ang katahimikan.“Ayaw ninyong maghain ng reklamo? Naiintindihan ko. Pero nais ko
Mabigat ang atmospera sa loob ng interrogation room ng presinto nang muling harapin ni Regina ang dalawang abogado. Nandoon si Tyron, tahimik pero matalim ang mga mata. Katabi niya si Alexandra, hawak ang folder na laman ay ang updated autopsy report ni Emilio Salcedo.Tahimik silang tatlo. Tanging tunog ng wall clock ang maririnig—tila baga tinataktan ang bilis ng katotohanan na malapit nang sumabog.Ibinuka ni Tyron ang bibig. "May resulta na ang autopsy report ni Mr. Emilio Salcedo."Napatingin si Regina, pero agad din niyang iniwas ang tingin. Tila ba ayaw marinig ang susunod na sasabihin."Regina, hindi namatay sa atake sa puso ang ama mo."Kumunot ang noo ng babae, halatang nagulat. “Ano’ng ibig mong sabihin?”“May multiple blunt force trauma sa katawan ng biktima,” paliwanag ni Alexandra, habang binubuklat ang medical photos. “May punit sa baga, fractured ribs, at internal bleeding. Base sa forensic report, ilang araw siyang nahirapan sa paghinga bago tuluyang binawian ng buhay
Tahimik na nakaupo sa hallway sina Alexandra at Tyron, ang katahimikan ay tila bumabalot sa buong paligid habang pinapanood nila ang pagtakbo ng orasan sa dingding. Ang bawat segundo ay parang taon habang hinihintay nila ang pagbabalik ng prosecutor.Walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Si Alexandra, naka-kuyom ang kamay, habang si Tyron naman ay halos hindi mapakali sa upuan. Ilang sandali pa, bumukas ang pintuan ng interrogation room. Tumigil ang mundo nila sa pagbukas ng pintong iyon.Lumabas si Fiscal Ramon Diaz, ang city prosecutor, at may seryosong ekspresyon sa mukha. Hindi ito nagpakita ng kahit anong emosyon habang dahan-dahang lumapit sa kanila."Fiscal?" agad na tanong ni Tyron, tila hindi makahinga sa kaba.Tumingin si Fiscal Diaz sa kanilang dalawa, bago huminga ng malalim. "Umamin na si Regina."Napakunot-noo si Alexandra. "Ano pong ibig ninyong sabihin? Inamin niyang siya ang may kasalanan?"Tumango si Diaz, ngunit may halong pagdadalawang-isip ang kanyang tono. “Oo…
“Bakit mo kami pinatawag, Mr. Daniel Salcedo?” tanong ni Tyron pagkapasok niya sa interrogation room.Huminga nang malalim si Daniel. Halatang nanginginig ang mga kamay niya habang nakatingin kina Alexandra at Tyron. “Honestly, akala ko hindi ito magiging problema—o magkakaroon ng malaking epekto sa investigation. Pero kung maghahalungkat kayo, sa huli, malalaman niyo rin ang totoo.”Nagkatinginan sina Tyron at Alexandra.“What do you mean?” tanong ni Tyron.“It’s been weeks—almost two, actually—since pumunta ako sa bahay ni Papa,” sagot ni Daniel. Muli siyang huminga nang malalim, bakas sa boses niya ang pag-aalinlangan. “Pumunta ako roon para kausapin siya tungkol sa pagka-freeze ng account ni Kuya Hector. Galit na galit siya sa akin dahil iniisip niyang ako ang dahilan nun.”“Anong kinalaman mo?” tanong ni Tyron, seryoso ang tono.“Akala kasi ni Kuya, ako ang nagsumbong sa mga kalokohang ginagawa niya. Sinabihan ko siya na mas mabuting siya na ang magsabi kay Dad, kasi kung hindi…