Share

Kabanata 8

last update publish date: 2026-11-03 17:43:00

Twyla POV

Nakatulog ako ng ilang minuto, pero nagising din ako dahil ang init. Pawisan ako nung magising. Lalo akong inuhaw tuloy.

Habang tumatagal, palala na nang palala ang nararamdaman kong uhaw. Pinagpawisan pa kasi ako, ayan, lalo akong nauhaw.

Sa mga ganitong oras, awang-awa na ako sa kidney ko. Lintik, uhaw na uhaw na kasi ako. Gustong-gusto ko nang uminom ng tubig.

Hindi ko na ata kaya pang magtagal na ganito ang pakiramdam.

Hindi naman puwedeng puro bayabas lang ang kainin ko. Kailanga
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Stranded With The Man I Ruined   Kabanata 28

    Kentaro POVHalos isang oras ding naghintay bago tuluyang maluto ni Twyla ang pugita. Habang naghihintay, ilang beses ko siyang nakitang bumabalik sa apoy para tingnan kung pantay na ang pagkakaluto ng bawat bahagi ng pugita. Maingat niyang iniikot ang mga galamay gamit ang dalawang patpat. Paminsan-minsan, nilalagyan niya rin ng kaunting tubig ang ilang bahagi para hindi agad matuyo habang iniihaw.Hindi ko alam kung saan niya nakukuha ang pasensiya sa mga ganitong bagay. Kung ako ang tatanungin, matagal na akong nawalan ng gana sa paghihintay. Pero siya, parang masaya pang pagmasdan ang ginagawa niya.“Kentaro, luto na!”Napalingon ako nang marinig ang masigla niyang boses. Inilapag niya sa isang malinis na dahon ang inihaw na pugita. Bahagya pang umuusok iyon at may amoy na agad na nakapagpagutom sa akin.Napatingin ako sa pagkain. “Wow,” hindi ko napigilang sabi.Ngumiti si Twyla. “Ang bango, ‘di ba?”Hindi ko pa alam kung ano ang magiging lasa niyon, pero mukhang masarap na agad.

  • Stranded With The Man I Ruined   Kabanata 27

    Twyla POVNaisipan kong subukan namang manghuli ng ibang lamang-dagat. Hindi naman puwedeng puro isda na lang ang kinakain ko, marami namang pagpipilian, kaya magta-try ako ng bago.Kinuha ko ang matibay kong patpat at ang improvised basket na ginagamit ko sa pangingisda. Naglakad ako sa bahaging mababaw ang tubig, kung saan maraming bato at maliliit na siwang na maaaring pinagtataguan ng mga lamang-dagat.Maingat akong naglakad dahil madulas ang ilang bato. Ayokong madulas at masugatan pa. Wala naman akong doktor na matatakbuhan dito.Habang sinisilip ko ang ilalim ng tubig, may ilang maliliit na isdang mabilis na nagtatago sa pagitan ng mga bato. May nakita rin akong mga alimango, pero napakabilis nilang tumakbo palayo sa tuwing sinusubukan kong hulihin.“Ang bilis ninyo naman!” reklamo ko habang nakatingin sa isang alimangong nakatakas na naman.Nagpatuloy pa ako sa paghahanap. Ilang minuto pa ang lumipas nang may mapansin akong kakaibang galaw sa ilalim ng isang malaking bato.Hum

  • Stranded With The Man I Ruined   Kabanata 26

    Kentaro POVPagkatapos akong tulungang humanap ni Twyla ng mas maayos na puwesto sa loob ng isla, agad kong sinimulan ang paghahanda para sa bago kong silungan. Hindi ko na gustong maulit ang nangyari kagabi.Hanggang ngayon, naaalala ko pa rin kung paano ako halos mawalan ng pag-asa nang tangayin ng malakas na hangin ang bubong ng una kong ginawa. Ilang oras akong nagpagod para lang magkaroon ng matutulugan, pero isang gabing malakas na ulan lang pala ang katapat nito.Kung hindi ako pinatuloy ni Twyla sa tent niya, malamang ay buong gabi akong nakabilad sa ulan. Hindi ko alam kung paano ko kinaya ang lamig at kung ano ang magiging kalagayan ko ngayong umaga kung hindi niya ako tinulungan.Kaya ngayon, sisiguraduhin kong mas matibay ang itatayo ko. Hindi na ako gagamit ng maninipis na kahoy na madaling mabali. Kailangan kong humanap ng malalaki at matatabang puno na puwedeng gawing poste. Gusto kong matatag ang pagkakabaon ng mga iyon sa lupa para hindi basta matumba kahit malakas an

  • Stranded With The Man I Ruined   Kabanata 25

    Twyla POV“Sigurado ka bang okay na rito?”Napatingin ako kay Kentaro na kasalukuyang nakatayo sa harap ko habang sinusuri ang paligid. Nasa loob kami ngayon nitong isla, sa bahaging napapalibutan ng malalaking puno. Mas malamig dito kumpara sa dalampasigan dahil halos natatakpan ng makakapal na dahon ang kalangitan. Hindi rin gaanong malakas ang hangin dahil nagsisilbing panangga ang mga puno sa paligid. Iyon ang dahilan kung bakit naisip ko na dito na lang magtayo ng bagong tent si Kentaro.“Oo naman,” sagot ko habang nakatingin sa patag na bahagi ng lupa. “Okay na okay na rito.”“Sigurado ka?”Tumango ako nang mabilis. “Sure na sure! Tingnan mo naman. Ang daming puno. Kapag umulan ulit at lumakas ang hangin, hindi na direktang tatamaan ng bugso ang tent mo. Mas protektado ka rito.”Tumingala ako at pinagmasdan ang makakapal na sanga at dahon sa ibabaw namin. Hindi man nito kayang pigilan ang lahat ng ulan, malaking tulong pa rin ang mga puno para mabawasan ang lakas ng hangin.“At

  • Stranded With The Man I Ruined   Kabanata 24

    Kentaro POV “Konting hintay na lang,” masayang sabi niya.Hindi ako umimik. Pero hindi ko rin maikakailang nakatutok ang mga mata ko sa mga isda.Tignan mo nga naman ang pagkatataon. Dati, nung sa villa pa ako nakatira, hindi ko pinapansin ang mga isda kasi mas hilig ko ang mga steak at masasarap na pagkain. Ngayong tag-gutom dito sa isla, parang itong inihaw na simpleng isda ang pinakamasarap ngayonHabang umiinit ang mga iyon, unti-unting kumalat ang mabangong amoy sa paligid. Napalunok na naman ako ng laway. Itong-ito ‘yung naaamoy ko kagabi. Halos gusto ko nang itanong kung puwede nang kainin, pero pinigilan ko ang sarili ko.Ayokong magmukhang gutom na gutom. Kahit na iyon naman talaga ang totoo.Ilang minuto pa ang lumipas bago niya inalis ang mga isda sa apoy. Hinipan niya muna ang mga iyon para hindi kami mapaso at saka inilapag sa isang malinis na dahon.“Heto na!” Umupo siya sa harap ko at inabot ang isang isda. “Oh, ito ang para sa iyo.”Tiningnan ko ang isda bago siya tin

  • Stranded With The Man I Ruined   Kabanata 23

    Kentaro POVPagdilat ng mga mata ko, unang bumungad sa akin ang liwanag na nagmumula sa labas ng tent ni Twyla.Umaga na pala.Hindi agad ako bumangon, nahiga pa rin ako habang pinakikiramdaman ang katawan ko. Masakit pa rin ang ilang bahagi ng likod at balikat ko, marahil dahil sa nangyari kagabi. Pero hindi na ako nanginginig sa lamig. Tuyo na rin ang damit na ipinahiram sa akin ni Twyla.Napalingon ako sa kabilang bahagi ng tent. Wala na siya. Maayos pa rin ang pagkakalatag ng kumot na ginamit niya kagabi. Marahil ay maaga siyang nagising at lumabas para maghanap ng pagkain.Dahan-dahan akong bumangon. Pinagmasdan ko pa ang tent niya. Ang ganda, maayos at ang dami niyang damit na masusuot. Ang galing din talaga ni Twyla, daig pa ako. Napadpad kami rito ng walang-wala, pero ngayon, heto, parang sinadyang mag-camping siya kasi ayos na ayos ang mga kagamitan niya.Pagbukas ko ng zipper, sinalubong ako ng sariwang hangin. Wala na ang ulan. Kalmado na rin ang dagat. Hindi na marahas ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status