Share

Chapter 13

Darwin's Point of View

Kinain ng katahimikan ang buong paligid. Marami akong gustong itanong ngunit walang nagsasalita para magpaliwanag. Alam kong marami na akong nilabag na rules ngunit hindi ko pa nararanasan ang pag- abandona sa ibinigay na trabaho sa akin. At kung magkataon nga na mangyari ang bagay na 'yon, para na rin akong nagpatalo sa laban namin ni Neone.

Iniisip ko pa lang ang magiging itsura ni Celina kapag nalaman niyang iba na ang tutupad sa mga gusto niya, nag-aalala na ako. Pero kung sabagay, tama lang siguro ito  mas lalo na't nasaktan ko siya. Sa pagkakatanda ko, sinabi niyang hindi na niya ako kailangan.

Napabuntong hininga na lang ako habang silang dalawa ay tahimik pa rin sa kanilang kinauupuan. Wala yata talaga silang balak ipaliwanag ang nangyayari.

"Sinasabi ko na nga ba, e. Hindi ka talaga nakikinig mula pa nung umpisa, hindi ba?" dismayadong banggit ni Boss. Napahawak siya sa kan'yang sentido at saka ako masamang tinitigan.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status