Celina's Point of View
Hindi ko magawang maka-pokus sa trabaho dahil sa mga sinabi ni Darwin. Patuloy kasi nitong binabagabag ang aking isipan. Madami akong tanong na hindi pa nabibigyan ng kasagutan at isa na do'n ay ang kung bakit alam niya na kapatid ko si Ayana.
Isang misteryo pa rin sa akin ang katauhan niya, ni wala akong alam tungkol sa pamilya o mga magulang niya o kung sino ang mga kaibigan niya. Pero bakit ang dami niyang alam tungkol sa akin?
Is he really just a stranger? Inalok niya ako ng tulong na siyang tinanggap ko, pero hanggang do'n lang ba talaga ang pakay niya?
Napatingin ako sa dako kung nasaan si Darwin, abala siya sa pag-aasikaso ng ibang papeles na ang kailangan nalang ay pirma ko.
Iba't-ibang tanong ang nabuo sa aking isipan habang pinagmamasdan ko siya pero hindi ko makita ang sarili kong itinatanong ang mga bagay na 'yon sa kan'ya. Mahina kong kinurot ang aking braso upang matigil na ang aking pago-
Darwin's Point of View "Opps! 'Yan, okay na po sir," nakangiting saad ng babaeng naghanda ng mga pagkain na pinabili sa akin ni Celina. Punong-puno siya ng energy kahit mukhang abalang-abala sila sa pagluluto dahil may kalakihan din ang cafeteria ng building na 'to. "Thank you Miss...Miss Rea," masaya kong tugon sa kan'ya habang nakatitig sa kan'yang suot na name tag. Mag-iisang buwan na ako rito ngunit hindi ko pa rin masyadong kilala ang bawat staff sa dami nilang nagkalat sa bawat palapag. Ngayon lang rin ulit ako bumili dito dahil madalas kaming lumabas ni Celina. "You're welcome, sir." Ngumiti siya ngunit sa biglang pag-angat ko ng pagkain ay napalitan ng pag-aalinlangan ang tingin niya. "Sure po ba kayong hindi niyo kailangan ng tulong? May ilang staff po na maaari kong tawagin para tulungan kayo," dagdag niya. "Hindi na. 'Wag niyo na akong alalahanin. Sisiguraduhin kong makakarating ito sa office ng hindi natataktak," pabiro kong tugon na ikinatawa niya rin. "Salamat ulit,
Celina's Point of View "The meeting is adjourned." Isa-isang nagsitayuan ang mga board members, ang iba ay tahimik na lumabas habang ang iba naman ay hindi pa rin tapos makipagtalo sa mga gusto nilang sabihin. Nabalot ng katahimikan ang buong silid nang kami na lang ni Papa ang natira. Nakatayo siya sa tabi ng salamin habang nakatitig sa kabilang parte ng building. "Ibinigay ko sa'yo lahat ng responsibilidad. Siguro nga, masyado pang maaga para ipagkatiwala sa kamay mo ang kompanya." Nanigas ako sa aking kinatatayuan, hindi ko magawang makapagsalita upang ipaglaban ang sarili ko dahil alam ko na totoo naman ang sinabi niya. "Kapag nagpatuloy pa ang mga nangyayari, baka tuluyan nang mawala ang lahat." Wala akong magawa kun'di isara ang aking kamao dahil sa inis na nararamdaman ko. Maybe, it's still not enough. Maybe, I wasn't enough. Gusto kong umiyak at sabihing ginagawa ko naman lahat ng makakaya ko, pero ano nga bang laban ko? Nakasalalay sa aking mga kamay ang future ng kompan
Celina's Point of View Ang pagmamahal niya sa akin ay handa na n'yang bawiin at muling ialay sa iba. Iyon ang tanging bagay na naisip ko nang mga oras na humarap siya para tapusin na ang namamagitan sa amin. Sa ilang taon namin na magkasama, wala akong mahanap na butas para maging dahilan upang iwan niya ako. Kampante ako kasi alam ko, 'mahal' niya ako. Lalamya-lamya akong naupo sa lilim ng isang puno habang pinapanood ang kumikinang na tubig sa dagat. Ramdam ko ang panlalambot ng aking mga tuhod kahit na hindi naman gano'n kalayo ang aking nalalakad. Kitang-kita ang pagmamadali ng iba sa paglalakad dahil sa tindi ng init na dumadaampi sa balat ngunit hindi ko iyon maramdaman. Agad akong nagbaling ng tingin sa ibang direksiyon dahil nagbabadya na namang tumulo ang aking mga luha dahil sa alaalang patuloy umiikot sa aking isipan. Tila ba, wala itong planong lubayan ako. "Alam kong wala kang balak na paniwalaan ang mga sinasabi ko,
Celina's Point of View May mga bagay na nabigo nating protektahan, katulad ng taong hindi natin inaakalang bigla na lang tayong iiwan. "Ah! Bakit ba nakalimutan kong itanong ang pangalan niya?" inis kong sambit. Nasasabunutan ko na ang aking sarili dahil sa inis at panghihinayang. Wala akong maisipan kun'di mag-imbento ng pangalan na babagay sa estrangherong 'yon. Masyado yata akong naging kampante na kausapin siya kaya hindi ko man lang namalayan na hindi ko alam ang pangalan niya samantalang kung titingan ay masyado ko na siyang inabala dahil sa sandamakmak kong inipong problema. Nagawa kong bumalik sa trabaho ngayong araw. Kung ikukumpara kahapon, mas magaan na ang pakiramdam ko ngayon. Ngunit parang bigla na namang bumigat ang aking pakiramdam habang hawak ko ang mga nag-ipong gawain sa aking office. Tatlong araw lang naman akong nawala ngunit hindi ko na makita pa ang magandang view sa bintana. Halos manigas ako sa kinatatayuan k
Celina's Point of View Halos mag-iisang linggo na ang nakalipas mula nung araw na humingi ako ng favor kay Mia. Hanggang ngayon hindi ko pa rin mapigil na mamangha sa tuwing titingnan ko ang post na ginawa niya. Hindi ko inaasahan na aani iyon ng atensiyon, comments at shares na talagang ikinatawa ko na lang. A ngayon, dumating na ang araw na pinakahihintay ko. Sa dinami-dami ng nag-apply halos iilan lang ang pumasa sa hinahanap ko at ngayon, nagsasagawa kami ng meet-up at huling interview para malaman ko kung sila nga ang hinahanap ko. Hindi ko mapigilan ang kaba at excitement na namamayani sa loob ko. Sa tuwing nai-imagine ko na makikita ko ulit siya ay tumataas ang mga balahibo ko sa katawan. Bilang venue, pinili ko na lang na isagawa ang event sa isang private villa sa labas ng siyudad na isa na sa mga pagmamay-ari ko. Malayo iyon sa kabahayan, para makaiwas sa mga kumakalat na balita na maaaring makasira sa iniingatang pangalan ng kom
Celina's Point of View Iminulat ko ang aking mata ngunit nilamon ng kadiliman ang buong paligid. Walang liwanag o ingay ang maririnig, ngunit ramdam ko na para akong nakalutang sa hangin. "Celina, ayos ka lang ba?" Iyon ang katagang paulit-ulit kong napapakinggan sa aking isipan. Nakikita ko ang aking sarili na nakakulong sa loob ng salamin habang pilit na sumisigaw. Bigla akong nahulog sa sahig na yari sa mahunang salamin at unti-unting lumulubog sa mas malalim na parte ng walang hanggang kadiliman. Nararamdaman ko ang unti-unting pagbilis ng tibok ng puso ko. Sa paglalim ng pagkahulog ay mas lalo akong nahihirapang huminga. "Celina?!" Isang tawag ang nagpamulat sa akin. Napahawak ako sa aking d****b dahil sa bilis ng tibok nito. "Okay ka lang?" dagdag niya. Hinawi niya ang kurtina kaya mabilis na pumasok ang nakakasilaw na liwanag sa buong kwarto at ipinapakita ang ganda ng langit ngayong araw. Namataan ko si Mia na nakatayo na sa tabi ko. Hal
Celina's Point of View Napakasimpleng tao lang ni Darwin. Makikita mo iyon sa kan'yang pananamit, itsura, pag-uugali at galaw. Wala kang makikitang kakaiba sa kan'ya maliban sa paraan niya ng pagsasalita at matatamis na ngiti. Siya 'yung tipo ng lalaki na parang nakikisabay lang sa uso. Katulad siya ng karaniwang lalaki na matatagpuan mo kung saan, makinis ang mukha ngunit hindi mo masasabing sagana sa iba't-ibang produktong pampaganda. Magaling siya pagdating sa pagpili ng masusuot. May pagkakaparehas sila. Nakasuot siya ng white shirt na inibabawan ng light blue polo na hanggang d****b lang ang pakakabutones. Tinernuhan niya ito ng black jeans at puting sapatos na katulad ng kulay ng sling bag niyang dala. Minabuti kong pag-suotin muna siya ng casual at ipakilala bilang kaibigan ng kaibigan ko at balak mag-apply bilang aking secretary. Nabalik sa daan ang aking paningin nang bigla siyang nagsalita. "As expected sa kompanyang ta
Celina's Point of View Isang lalaking nababalutan ang buong katawan ng itim niyang kasuotan ang dire-diretsong naglakad papalapit sa amin at napatigil ilang hakbang lang ang layo sa akin. Pamilyar na mukha ang bumungad sa'min nang tanggalin niya ang suot na helmet. Nangingibabaw ang kaputian ng kutis nito at hindi maitatangging may itinatagong kagwapuhan. Sumilay ang ngiti sa aking labi nang magtagpo ang aming mga mata. "I've been waiting for you. Natagalan ka yata, Greii?" Nakangiti niya akong tiningnan at saka yumuko bilang pagbati. Mabuti na lang at dumating na siya. Siya si Greii Flores, ang secretary ng aking ama, kasabay kong lumaki at isa rin sa mga itinuturing kong kaibigan. Tumawa siya ng malakas at saka napakamot sa kan'yang ulo. "Nahirapan akong tumakas sa trabaho e. Kumusta?" sagot nito. Sunod-sunod siyang humakbang papalapit sa aking kinatatayuan at mahigpit akong niyakap. Napatango-tango naman ako bilang pagtugon at niyakap siya