Share

Kabanata 2

Mistulang estatwa sina Yamirah at Vera habang nakatayo sa harapan ng malaking gusali ng Tinta at Pluma Publishing Company. Mag-iisang minuto na silang nakatingala sa mataas nitong pader ngunit mukhang wala pa silang balak gumalaw. Kung hindi lang sila nakarinig ng busina mula sa sasakyang papunta sa parking area ay hindi pa sila aalis sa kinatatayuan nila.

The structure is intimidating. It is a cluster of different high tech buildings where the various departments are in. All the buildings are large, smoked glass and steel. Each one joined to the next by a covered walkway made of blue glass and silver railings.

Minsan na itong nadaanan ni Yamirah. Kahit na isa ito sa mga pangarap niya, hindi niya kailanman inakala na darating ang araw na makakapasok siya rito. This is huge and prestigious—lugar na sa tingin niya ay hindi siya nababagay.

"Sigurado ka ba rito?" kapagkuwan ay tanong niya sa kaibigang natahimik din.

"Ikaw ang mag-aaply ako ang tatanungin mo?" tugon naman nito nang marinig ang tanong niya. "Yam, huwag ka nga'ng pessimist diyan. Isipin mong ikaw ang pinaka-deserving na makapasok diyan nang matakwil na lahat ng bad vibes mo sa katawan."

Muli niyang tiningala ang matayog na building. Huminga siya nang malalim. "Okay. Let's do it."

Busy people and the noise of footsteps welcomed them as they finally entered the building. Everybody looks so proper, like harmonized uniformed personnels. The structure can already get everybody's respect, and the interiors that include all the employees working together deserve to be honored as they possess class and dignity.

Yamirah feels like an outcast roaming inside this prestigiously huge company, but a warm hand touched her heart when a friendly smile eventually welcomed them.

A certain employee approached and acknowledged their presence. "Yes, Ma'am, how may I help you?" Even the sound of her voice and the way she enunciated her words reflect her professionalism.

Nahiyang magsalita si Yamirah nang marinig ang mala-anghel na boses ng huli. Nang bumaba ang tingin niya sa ID nito ay nalaman niyang Millicent ang pangalan nito at nasa ilalim ng Illustration Department.

"Mag-aaply po sana sa Writing Department" Si Vera na ang sumagot sa babae.

"Oh, this way, please." Millicent, who seems to be on her early 20's, maneuvered them to the elevator. "You are early, but unfortunately, a lot of applicants are far earlier than you. I hope you can wait."

That's not impossible.

Pinilit ni Yamirah ang ngumiti. "I came here for that. I will wait," sagot na lang niya.

Nang makarating na sila sa pinakamataas na palapag ay bumukas ang elevator at bumungad ang isang mahaba at malawak na corridor na gawa sa asul na salamin, at sa magkabilang gilid nito ay nakahilera ang humigit-kumulang treinta na aplikante. They are sitting in white monoblock chairs and waiting for their turn.

Dumiretso ang tingin niya sa malaking pintuan sa dulo ng koridor. Vintage ang disenyo nito ngunit nababakas ang karangyaan at kapangyarihang taglay nito.

"That's the CEO's office. We all know that TAP got the highest rank among publishing companies in the country, and it is one of the top 30 publishing companies in the world. In connection, we hire professional writers and editors for the high quality published books. For us to make sure that you are deserving for the position, you will be interviewed by the CEO himself, Mr. David Santillan."

Parang may kuryenteng dumaloy sa ugat ni Yamirah. Sa simpleng pagbanggit na lang sa pangalan ng Chief Executive Officer ng TAP ay pinanginginigan na siya ng kalamnan, ano pa kaya kung haharap na siya rito? Baka mawala lahat ng linyang kanyang itinabi para sa mga posibleng katanungan.

Pinasadahan niya ng tingin ang mga applicants. Tatlo hanggang lima lamang ang kalalakihan. Nang dumako ang tingin niya sa mga kababaihan ay napansin niyang panay ang lagay ng mga ito ng kolorete sa kanilang mukha. Kapansin-pansin ang pagsuklay nila sa kanilang mga buhok at pag-spritz ng pabango sa katawan.

"Why do I have this feeling na mago-audition sila sa pag-aartista?" pabulong niyang tanong na umabot naman sa pandinig ng kasama.

Natawa ito. "I guess they heard the presence CEO's son, Ash Santillan. Madalas na itong narito these past few weeks dahil nagsisimula na ang training niya bilang susunod na CEO ng TAP. Sir David is sick and getting old, he needs someone to take over the company."

Tumabingi ang ulo ni Yamirah. "How does that concern these young ladies?"

"Well..." Huminga nang malalim si Millicent kasabay ng pagkibit-balikat nito. "A guy like Ash is rare. I can't describe him because he's simply indescribable. I may run out of adjectives. Iyan ay kung iba-base ko ito sa point if view ko. You'll see it yourself." Iminuwestra nito ang mga bakanteng upuan sa pinakalikod na parte ng linya saka sila binigyan ng numero. "Have a seat and wait until they call your number."

"Ah, Miss." Bahagya itong hinabol ni Vera nang akmang aalis na. "Hindi ako mag-aaply. Sinamahan ko lang si Yamirah."

Millicent's mouth shaped O. "If that's the case then you need to wait outside. Maraming upuan at kainan sa left part ng building, you can wait her there. Pasensiya na, limited lang kasi ang pinapapasok dito para hindi masyadong crowded."

Vera slightly pouted as she nodded her head. "Sige, Miss. Bababa na ako." Bumaling siya kay Yamirah. "Hintayin kita r'on."

Kabado man na maiiwan siyang mag-isa kasama ang mga estranghero ay ngumiti na lamang siya at tumango. "See you."

***

"Calling the attention of number 38, you may now enter the office for the interview."

Kung kanina ay kinakabahan si Yamirah, ngayon ay ramdam na niya ang panghihina ng katawan dahil sa pitong oras na paghihintay. Alas otso pa lang ng umaga nang makarating sila rito, alas tres na at ngayon pa lang siya matatawag. Siya na ang panghuli sa pila, nagsiuwian na ang iba.

Kumalam ang sikmura niya pagtayo niya. Hindi pa siya nananghalian dahil wala siyang dalang pera. Si Vera ang nagbayad ng pamasahe nila kaninang umaga at ito rin sana ang magbabayad pag-uwi nila.

Pumapayag na rin naman siya dahil hindi naman ito nagbabayad kapag nakikikain ito sa kanila. Ang kaso, kanina pa umuwi ang kaibigan dahil pinapatawag daw ito ng ama kaya wala siyang choice kun'di ang magtiis.

Pinagbuksan siya ng pinto ng medyo may-edad nang sekretarya. Bumungad sa kanya ang malawak at eleganteng looban ng silid. Hindi na niya masyadong nabigyan ng pansin ang kabuoan nito nang biglang magsalita ang lalaking may pinakamataas na posisyon sa kumpanyang ito—ang CEO ng Tinta at Pluma Publishing Company.

"Have a seat."

Agad siyang tumalima. Puno ng pag-iingat ang galaw niya, takot na baka ma-disappoint agad ang matanda sa kanya. "Good afternoon po."

Ngumiti ang matanda. Bagaman kaswal ang tindig nito ay hindi niya magawang makampante. Wala sa hitsura ang totoong ugali ng isang tao.

"Introduce yourself."

Lumunok siya. She paused for seconds, trying to recall the introduction she had been saving for this moment.

"My name is Yamirah Francisco, 18 years old and currently studying at Stallion University. My course is Bachelor of Arts in English Studies and—"

"You're a student. Is it possible for you to be a full-time employee of TAP?"

Naputol ang inihanda niyang mga linya nang biglang may nagsalita sa kanang bahagi ng opisina kung saan mayroong mini living room.

In there, she saw a tall man in a black customized executive suit that perfectly fits his well-toned body. Napasinghap si Yamirah nang matitigang mabuti ang hitsura ng lalaki.

Ito kaya ang dahilan ng pagpapaganda ng mga babaeng aplikante?

Well, they should really be beautiful before they have the audacity to show themselves to him. This man calmly sitting on the sofa and looking at her in a scrutinizing manner is like a traitor angel happened to be kicked out from the heaven, or a Greek God that came to life. A prince in disguise. A man of her blurry dreams and wildest fantasy.

Panginoon! OA na Kung OA, pero 'yan ang tingin ko sa kanya, e. Marami naman akong nakitang guwapo sa mundo pero ibang-iba siya, e!

He is indeed indescribable. Even the word 'perfect' is an understatement for Yamirah if she come to define him. Maybe it's not an understatement, it's just not enough.

Is this the man of the rumor? The Ash Santillan?

Mukhang nakalimutan na niya ring huminga habang nakatitig dito. The guy's handsomeness is simply earthshaking and can make every woman bow and drool over.

"Miss Francisco," untag sa kanya ng CEO ng kumpanya. Halos manliit siya sa hiya nang napagtanto kung gaano ka-low class ang ipinakita niyang attitude.

"P-pasensiya na po," hingi niya agad ng paumanhin. "Gagawin ko po ang lahat para ma-meet ang quota. Ilang word count po ba ang kailanga'ng ipasa per month?"

"40, 000 to 60, 000 words ang nilalaman ng isang nobela na pina-publish ng TAP. 3, 000 words naman kung sa poetry book. At sa loob ng isang buwan, kailangan mong magpasa ng isang poetry book or dalawang nobela. Can you do that?"

Hindi!

Gusto nang aminin ni Yamirah na hindi niya ito kaya. Kahit isang nobela ay hindi niya pa kayang tapusin sa isang buwan dahil nag-aaral siya, ano pa kaya kung dalawa na? It will surely kill her due to exhaustion.

"Ang totoo po niyan, busy pa po kasi ako sa school. Pero kailangan ko po talaga ng trabaho para makapag-aral. Baka po puwedeng isang nobela na lang muna kada-buwan? Babawi po ako pagkatapos ng klase, pangako po." Bakas ang pagmamakaawa sa boses niya.

Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng matanda saka ito dahan-dahang umiling. Tuluyan na nga'ng nadurog ang pangarap niya dahil doon. Wala na ang kakarampot na pag-asang pinanghahawakan niya.

"Pasensiya na, Miss Francisco. TAP is a busy company. We need a fast production because of the fast consumption. I cannot give you a consideration."

Condolensation.

Yumuko na lang siya bago pa nila makita ang paglaglag ng kanyang luha.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status