Share

Kabanata 34

"Yamirah, gabi na. Ihahatid na kita."

Narinig niya mula sa likuran ang boses ng pinsan niyang si Sunshine. Sumunod ito sa kanya hanggang sa gate ng ancestral house.

"Not a chance," she answered determinedly. "Nakaya kong nabuhay mag-isa... at kakayanin ko pa." Walang masasabi ang dilim ng gabing ito sa dilim na hinatid ng mundo sa kanya.

Tuluyan na nga niyang tinahak ang daan palabas ng subdivision. Sa huling pagkakataon ay tumulo ang luha niya. Sinisiguro niya na ito na ang huling pagkakataon na iiyak siya dahil sa sakit, lungkot, at galit. Hindi na siya iiyak pa sa mga taong hindi siya nanaising iyakan din. Not anymore.

"Baby..." Her weary heart stopped when she heard the voice of the person who can break her heart into pieces, and the same person who can also give a remedy to it.

Naka-park ang kotse nito sa labas ng subdivision, at mukhang nanggaling din ito sa kaparehong direksiyon.

Hindi niya pa ito tuluyang naharap ay bigla na itong yumakap sa kanya nang mahigpit nang mahigpit.
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status