Share

Kabanata 3

Minsan hindi mapigilang isipin ni Yamirah kung masama ba ang pagiging mabait. She never humiliated anyone in her life. She is kind and nice to everybody. Responsable siyang estudyante at matulungin na apo. Totoo rin siyang kaibigan at masunuring mamamayan.

Pero bakit minsan, kung sino pa ang mababait ay sila pa ang pinagkakaitan ng kasiyahan? A lot of evil people are happy. She's far from being evil but why the hell she doesn't deserve it?

Sumama sa ibang lalaki ang kanyang ina at namatayan siya ng ama. Naiwan siya sa lolo at lola niyang todo kayod at walang-humpay na nagbanat ng buto para mabayaran ang utang na iniwan ng kanyang ama. Unti-unti nilang nabayaran ang mga ito habang pinag-aaral siya. 

Ngayon at nasa kolehiyo na siya at humihina na ang kanyang lola, panahon na para siya naman ang kumita. Madalas hindi na nagka-kasya ang ibinibigay nila sa kanya kaya kailangan niyang magtrabaho sa mismong paaralan para malibre siya kahit papaano sa mga gastusin doon.

Ngunit hindi pa rin ito sapat. Gusto na niyang patigilin ang lola niya sa pagtitinda dahil mahina na ito, baka kung ano pa ang mangyari kapag nasa matao itong lugar. Ang lolo naman niya ay hindi na makalakad magmula nang nahulog sa puno ng niyog habang kumukuha ng mga bunga na siya namang ibebenta nila sa lungsod. 

Yamirah wants nothing but to help and survive. Pagmamahal at pagmamalasakit lang ang dahilan kung bakit siya lumalaban, wala siyang hinahangad na anumang kasakiman. So, why? Why is the earth so cruel to her? What did she do to suffer all of these?

Ayaw niya mang lumabas mula sa gusali ay pinili ni Yamirah na umalis na lang doon kahit umuulan na. Gutom na gutom siya, hindi siya natanggap sa trabaho, wala siyang pamasahe pauwi, at umuulan pa nang malakas. Kung gaano siya kabait ay gan'on naman kasama ang tadhana sa kanya.

Just a second of being under the rain and she's already soaking wet. Nevertheless, Yamirah kept on walking. Her stomach is hurting, but her today's failure is what makes her emotionally drained. Naramdaman niya ang pag-agos ng luha mula sa mata niya. Sumabay ito sa mga patak ng ulan na bumubuhos sa kanyang mukha.

Bahagya siyang natigilan nang makarinig siya ng busina. Dahan-dahan ay may tumigil na sasakyan sa tabi niya. The driver's seat's window opened, showing a face of an aristocrat that Yamirah never saw even in her most aesthetic illusions... something that is beyond the limit of her imagination.

She didn't know what to react so she chose not to say a word and just stared at the living fictional character in front of her.

Oh, I never thought that someone would deserve those hyperboles.

Bumaba ito ng kotse, may hawak na payong. Nang mabuksan nito ang binata ay agad itong lumapit sa kanya at inilahad ang payong na hawak. Wala sa sariling tinanggap niya ito.

"Are you crying?" pansin ng binata habang nakatingin nang diretso sa mata niya. Hindi makapaniwalang nakatitig lamang siya rito.

He's like a perfect hallucination, for crying out loud.

Lumunok siya at nag-iwas ng tingin. Muling bumalik sa kanya ang malaking pagkabigo. Napalitan ng pait ang ekspresiyon niya sa mukha. "H-hindi. Ayos lang po ako. Uuwi na 'ko."

Mataman siyang tinitigan ng lalaki na animo'y sinusuri kung nagsasabi ba siya ng totoo. "You're not okay, young lady. You look so stressed for an eighteen-year-old."

Ngumiti siya nang mapait. Hindi niya rin naman ito ginusto. "Uuwi na po 'ko. Pasensiya na, nakaabala pa ako."

"Where do you live?" sa halip na pabayaan siya ay tinanong ito ng lalaki. "Sumakay ka na sa kotse."

Sunod-sunod na pag-iling ang naging sagot niya. "Hindi na po kailangan. Kaya ko na ang sarili ko." Ang totoo ay ayaw niyang makita ng lalaki kung gaano siya kahirap. For the first time in her life, she felt insecure and ashamed about who she is. Hindi ito maganda.

At grabe, bakit ito narito? May pa-wild card ba ng kasuwertehan ang tadhana? Bakit hindi niya pa sinimulan kanina?

"Get in the car, young lady," Ash authoritatively commanded. "If you don't want me to take you to your home, then at least change your clothes. Sige na, pasok."

Kung tutuusin ay wala namang karapatan ang lalaki na utusan siya, ngunit mistulang tauhan si Yamirah na sumunod sa binata. He has this manipulative manner that she seemed to tolerate with willingness. Hindi na talaga ito maganda.

Isa pa, bakit ito biglang nagiging mabait sa kanya? Masyado na bang halata na nakakaawa siya?

Pareho silang walang imik sa loob ng kotse. Hindi ito maliit pero pakiramdam niya ay ang sikip nito para sa kanilang dalawa.

Though Ash's body is not too broad for a man, he's tall. Bata pa naman ito kaya natural lang na hindi pa masyadong malaki ang kanyang pangangatawan, ngunit bakas sa tiyan nito ang abs na nagtatago sa manipis na tela ng kanyang long sleeve.

Nakita ni Yamirah na dinala siya nito sa isang coffee shop. Nakita niya ang pangalan nito. Coffee Monster. Mas nauna itong umibis at pinayungan siya paglabas niya.

Sumikdo ang puso niya. Para siyang nasa loob ng kanyang nobela at nakatagpo na niya ang kanyang katambal. 

Sabay silang naglakad papasok. The tiny café huddled despondent among the huge city buildings. Washed out under the overcast sky, it seems so comfortable to be inside.

Yamirah then hunched in herself, fighting against the drizzle. Few people rushed by it, outside on the crowded street. Sinasabayan ng lamig ng panahon ang init na nananalaytay sa ugat niya habang kasama ang pinaka-guwapong nilalang na nasilayan niya sa balat ng lupa. Another hyperbole. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin siya kung bakit siya tinutulongan ngayon ng anak ng CEO na nang-reject sa application niya.

Ash is the one who pushed the café's door. Some customers glanced up as the door swung open, heralded by a blast of cold wind. Agad na isinara iyon ng binata nang napansing humalukipkip ang ilan.

The air is thick with the scent of coffee. Halos mapapikit si Yamirah kahit sa simpleng aroma lamang ng ginagawang kape sa dulong bahagi ng gusali.

Humanap sila ng upuan. "Wait a minute." Ang baritonong boses ng binata ang muling nagpainit sa kanya. Tinanguan na lamang niya ito at pinanood na pumasok sa maliit na opisina ng café.

May kilala siya rito? natanong niya sa sarili but eventually shrugged it off.

Paminsan-minsan siyang napapatingin sa labas at napapayakap sa sarili kapag may bagong entrant at pumapasok ang lamig. Basang-basa siya, halos panginigan na siya ng kalamnan.

Umangat ang tingin niya nang makita si Ash na papalapit. May inabot itong paper bag sa kanya. "That's the comfort room." Itinuro nito ang nasa likuran niya. "Change your clothes, baka magkasakit ka."

Hindi niya mapigilang pamulaan ng pisngi. "Salamat," tipid niyang sagot dito bago nagmamadaling pumunta sa banyo at nagpalit ng damit. Base sa obserbasyon niya ay hiniram niya lang ito dahil amoy niya ang downey rito, mukhang bagong-laba.

Pagbalik niya sa lamesa nila ay may naka-serve nang Caramel Macchiato sa puwesto niya. Ash ordered a coffee for her.

Nang maayos na silang magkaharap at humupa na ang lamig sa kanyang katawan ay saka naman ngumiti si Ash sa kanya, ngiting nagpaliyab sa kanyang kaluluwa. It's ironic. Kani-kanina lang ay nanlalamig siya, ngayon ay mukha namang pinagpapawisan na.

"So," Ash started a conversation. "Hi." Ngumiti itong muli. The way his lips lifted upward, it's amazingly strange. The way his right dimple crinkles is as sexy as a blooming red.

His smile is a ray of sunshine, and I am a girl of daylight.

"H-hello." Ilang beses siyang napalunok. "Salamat ulit."

Sumimsim si Ash sa kape niya. Even his simple way of sipping from his coffee gave her a sudden tingling sensation. "Anything for you, young lady. What is your name again?" He tried to recall it. "Yamirah. Hmm, too long."

Natawa siya sa turan nito. "Yamirah ang tawag ng lahat sa akin. Maliban sa kaibigan kong minsan ay tinatawag akong Yam."

"Make me an exception. Can I call this girl Amir?"

Mariing nagdikit ang mga labi niya sa narinig na pangalan. "Anything that pleases you."

"Yeah." Kinagat ng binata ang pang-ibabang labi habang nangingisi. "Graduating ka na. It must be exhausting. Why do you want to apply now?"

Bumalik ang lungkot sa dibdib niya nang maalala ang sitwasyon. "Poverty." Mapait siyang ngumiti. "At matagal ko nang pangarap ang makapasok sa kumpanya n'yo. Tinitingala ko ang TAP noon pa man. It's my dream publisher." Mataman siyang tinitigan ng binata. Hindi niya mabasa sa reaksiyon nito kung ano ang iniisip. "Pero okay lang. Siguro hindi lang ito para sa akin. I'm used to failures."

Nakita niya ang pag-iiba ng ekspresiyon sa mukha ng kaharap pagkatapos ng sinabi niya. "Sometimes, I hate people who force themselves to be okay." May concern sa mukha nito. "Ang dami ninyong nag-apply ngayong araw, at wala ni isa ang pumasa. Pero ikaw lang ang kaisa-isang na-reject na pinanghinayangan ko," pahayag nito na siya namang nagpasikdo sa kanyang puso. 

Ilang minuto lang ay nakuha na ng binata ang loob niya. They shared stories and she felt comfortable in his company. Masyado nga lang itong guwapo sa paningin niya kaya minsan hindi niya mapigilang isipin na baka nananaginip na naman siya. Pero hindi, e. Totoong-totoo ito.

Sa hinaba-haba ng naging kuwentuhan nila ay nakalimutan niyang bigla ang kanyang gutom. Ngunit nang nalaman ni Ash na hindi pa siya nananghalian ay kulang na lang pagalitan siya nito dahil hindi agad siya nagsabi.

They ate together. Sinabi niya kasi kanina na ayaw niyang kumaing mag-isa habang magkaharap sila kaya sinaluhan na siya nito. Very thoughtful.

Lutang na lutang pa rin ang pakiramdam niya hanggang sa naghiwalay sila. Hindi na ito nagpumilit na ihatid siya nang makuha nitong ayaw niya talaga. Instead, he just paid for her ride. Hindi na niya ito tinanggihan dahil wala na talaga siyang pera.

Nang makauwi, doon niya lang nailabas ang lahat ng nasa dibdib niya. 'Yung disappointment sa hindi niya pagkatanggap, 'yung excitement na kanina pa niya nararamdaman habang kasama ang anak ng CEO, ang kilig niya sa kaloob-looban habang pilit pino-proseso ang nangyaring pagsasama nila, lahat.

Humugot siya ng malalim na hininga bago tumili nang pagkalakas-lakas.

Mayamaya at narinig niya ang nagmamadaling nga yabag ng kanyang lola na galing sa kusina.

"Susmaryosep kang bata ka! Nandito ka na pala! Saan ka ba nanggaling at bakit ngayon ka lang? At bakit ka nagtitili riyan? Para kang putang hindi napagbigyan!"

Nauwi sa malakas na tawa at pag-iling ang kanyang reaksiyon. Wala talagang salitang sina-santo ang lola niya. Pero dahil din sa kataliman ng dila nito ay kaya siya lumaking may disiplina. Huwag na lang niyang susubuking lumabag sa kanila, takot niya lang sa lola niya. Isa pa, innate namang mabait siyang apo.

"May pinuntahan lang po, 'La. Kayo naman," paglalambing niya rito.

Akmang yayakapin na niya ito nang bahagya itong lumayo at tiningnan siya nang may pagdududa.

"At saan ka naman pumunta? Alas-siyete y media pa lang ng umaga nang lumabas ka, Yamirah." May kung anong babala sa tinig nito.

Umiling-iling siya. "Sinubukan ko lang pong maghanap ng part time job, Lola! 'Ku, hindi ako mag-aaksaya ng oras sa hindi importanteng bagay, alam ninyo iyan."

"Aba, e, malay ko ba kung may pinagkakaabalahan ka nang katarantaduhan. Huwag mo akong subukan, Yamirah. Matanda na ako pero hindi mo ako maloloko. Malalaman at malalaman ko ang totoo, tandaan mo iyan."

Mahina siyang tumawa. Kahit palaging nagdududa ang lola niya sa kanya, alam niya sa sarili niya na pinagkakatiwalaan siya nito. Hindi lang nito ipinapakita iyon para patuloy siyang magpakatotoo.

"Hindi ko po kayo lolokohin, pangako."

Humalukipkip ang matanda. "Nalaman ko kanina na buntis na iyong dalaga nila sa ikatlong-bahay. Kinse anyos pa lang yata ang nene!" Napasapo ito sa noo. "Susmaryosep! Mga bata ngayon!"

"Si Lenlen po? Oo nga, bata pa iyon. Kaka-regla niya lang!" hindi makapaniwalang usal niya. "Pero hindi natin alam ang dahilan kung bakit siya nabuntis. At hangga't kaya namang pangatawanan ang responsibilidad ng pagiging ina ay wala namang masama roon." Tiningnan niya ang kanyang lola. "Desisyon na po nila iyon. Huwag na lang nating husgahan."

Tumaas ang kilay ng huli. "Ipinagtatanggol mo ba ang batang-ina na iyon, Yamirah?"

"H-hindi naman po sa ganoon!" nauutal niyang tugon. "Hindi naman po iyon tama, pero hindi naman na kailanga'ng iparamdam sa kanila iyon dahil alam na nila iyon sa sarili nila, depende sa magiging resulta. Nariyan na, e. Baka kung makatanggap pa iyon ng panghuhusga, maisipan pang ipalaglag ang bata."

Halos uugod-ugod nang naglakad ang matanda at umupo sa pinakamalapit na silya. "Ang daming kuda. Basta ikaw, mag-aral ka muna at maghanap ng trabaho. Saka na iyang libog mo kapag may buhay ka na. Naiintindihan mo?"

Mariing nagdikit ang kanyang mga labi sa pagiging straightforward ng kanyang lola. "Pangako po."

"Ipangako mong birhen kang maglalakad sa altar. Ipangako mo."

Ngumiti siya rito kahit na ang talim ng tingin nito sa kanya. "Pangako po, Lola."

Sana nga.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status