Laglag ang balikat ni Yamirah habang binabagtas niya ang highway ng Alcante Street, ang tanging daan papunta sa bahay nila. Hindi niya alintana ang nakapapasong init ng araw kahit na halos sunugin na nito ang balat niya.
Maingay ang kalsada, kadalasan sa parteng ito ay mga tricycle ang dumadaan. Gayunpaman, mistulang naka-muffler lahat ng tambutso ng mga ito pagdating sa pandinig niya. Ganoon naman palagi kapag sira na ang araw niya—wala na siyang ibang naririnig o nararamdaman kun'di ang kanyang inis o pagkabigo sa araw na iyon.
Kani-kanina lang ay nakatanggap siya ng mensahe mula sa Scribbler's Haven Publishing Company. Dalawang buwan mula nang nag-open for evaluation ang nasabing kumpanya para sa mga manunulat na young adult ang genre, ngayon lamang siya pinadalhan ng mensahe ng mga ito. Isa kasi siya sa mga naghahangad na makapaglathala ng sariling akda kaya naman hindi siya nagdalawang-isip na magpasa ng manuskrito. Umaasa siya na papasa ito, dalawa hanggang tatlo nang writing guru ang nagbigay criticism dito na siya namang nakatulong sa kanya para mapabuti ito.
Sa kasamaang-palad, inilipad ng hangin ang kanyang pag-asa nang direkta nang sinabi sa mensahe na hindi siya pumasa sa evaluation. Siya mismo ang tinutukoy ng mga ito, hindi ang manuskrito. Aniya ay kailangan niya raw magkaroon ng at least 5 thousand na followers sa w*****d, at ang nobelang ipinasa niya ay kailangan din munang magkaroon ng isang milyong reads bago ma-publish. In short, she needs to be famous in order to pass the evaluation.
It tricked her. Ang sabi sa post ng page ng publishing ay open for all iyon, hindi naman binanggit na 'yung mga sikat lang pala ang qualified. Nagpuyat pa man din siya sa pag-eedit ng manuscript dahil malapit na ang deadline noong nabasa niya ito.
Hindi niya naman masisisi ang publishing kung mga sikat na writers lamang ang hinahanap nila dahil ang totoo ay practical ang paraan nilang iyon. Kailangan iyon para makabenta, para mataas ang sales. Ang ayaw niya lang ay ang hindi nila pagsasabi ng totoo—na para sa mga sikat lang pala ang offer ng mga 'to. Yamirah hates it when she's exerting effort for something that don't actually asks for it.
"Ang haba ng mukha mo, bakla." Napansin agad ng kaibigan niya ang ekspresiyon niya sa mukha pagkapasok na pagkapasok niya ng kanilang bahay. "Kanina pa ang uwian, a. Bakit ang tagal mo? Hindi na kita nakita kanina para sana sabay na tayo."
Pagod na umupo si Yamirah sa lumang sofa na nasa kanilang sala, halos hingalin pa. "Pumunta ako sa tiangge para magpa-load. Ang init."
Nang mapansin ng kaibigan ang pawisan niyang katawan ay agad nitong pinaandar ang electric fan at itinutok sa kanya.
"Thanks." Hindi na niya tinanong kung bakit nandito ang kaibigan at makikikain na naman. Malamang lasing na naman ang ama nito at kasalukuyan nang nagwawala sa bahay nila.
"So," panimula ng kaibigan. "What's with the long face?"
Muling sumama ang pakiramdam niya nang maalala ang dahilan ng pagkasira ng kanyang araw. "Just received a message from a certain publishing. It didn't pass." Pinilit niya ang sariling ngumiti. Ito na ang ikatlong beses na nagpasa siya ng manuscript sa iba't ibang publishing, pero pare-pareho rin ang nagiging resulta.
Naramdaman na lamang niya ang haplos ng kaibigan sa kanyang likod. "I know you can always self-publish. Alam kong gustong-gusto mo talagang magka-libro dahil pangarap mo na 'yan noon pa lang. Pero ngayon, mas kailangan mo ng pera, 'di ba?"
Mapait siyang tumango. "I want to publish a book because it's my dream, but as of now, I want to publish because I need money." Sinasakal siya ng sarili niyang salita pero ito ang katotohanan. Kailangang-kailangan na niya ang pera ngayon.
"Yam, hindi naman yata malaki ang offer na pera ng ibang publishing company ngayon. Kung tutuusin sayang lang ang effort mo."
"Wala akong choice, Vera. Kahit allowance ko lang sa isang linggo, ayos na 'yon. Malaking bagay na 'yung hindi ako humingi ng pera kina lola nang isang linggo."
"I'm not against your plan. Ang sa'kin lang, bakit hindi ka mag-apply sa TAP? Balita ko mataas ang pasahod nila—"
"Matagal nang crossed out ang Tinta at Pluma publishing company sa listahan ko, Vera," she cut her off. "Tatlong taon na ang lumipas mula nang nakilala ko ang kumpanyang iyan. They never opened for submission. Pakiramdam ko ay wala pa ni isa sa mga empleyado ang nag-resign doon kaya hindi sila nangangailangan ng bago. Talented at professional lahat ng writers and editors nila, at lahat ng nobela na nare-release doon ay pawang mga may mabibigat na tema. Alam mo naman, ang target audience ng mga stories ko ay teenagers. Isa pa, tinitingala ko lang ang TAP. Kumbaga nasa level 20 na ito at nasa level 1 pa lang ako. Unreachable, Vera. Unreachable."
Isang misteryosong ngiti ang lumitaw sa labi ni Vera. "Paano kung isang araw, bigla kang napagbuksan ng opportunity na maging isa sa mga writers ng TAP?"
"That's impossible," natatawang sagot agad ni Yamirah.
"What if lang naman, bakla. What if," giit ni Vera.
"Meh, like the pigs can fly," murmured Yamirah. "Pero that will be the greatest opportunity I'll ever have. But that would only disappoint me, I'm sure. Una sa lahat, sabog ako sa dark romance, gothic romance, horror, at iba pang kuwento na hindi applicable sa mga 17 years old and below na mambabasa. If ever—"
"What if open na sila sa bagong genre, kagaya ng young adult?" Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi ni Vera. "What if tumatanggap na sila ng teen-fiction? Are you gonna try to submit?"
Natawa na lang si Yamirah. "Magta-try ako, siyempre! Puro tayo 'what if', pero sige na."
"Sabi mo, e." Nangingiti pa rin si Vera. Inilabas nito ang touch screen na phone at binuksan. Pagkatapos nitong ilahad iyon kay Yamirah ay prente itong sumandal sa upuan at hinintay ang magiging reaksiyon niya.
Yamirah eyed at Vera's phone. At first she is just wearing her usual poker face, but something on the screen seemed to shock her. With eyes widened in surprise, her jaw automatically dropped and her throat just went dry.
"Vera, pakisampal ako. Pakisampal ako, bilis!" utos niya sa kaibigan.
Pero sa halip na sampalin siya ay hinampas siya nito sa braso. "Gaga! Legit nga! Kahit tingnan mo pa, official page nila 'yan."
Hindi makapaniwala si Yamirah sa nabasa. Pinned post ito ng Tinta at Pluma Publishing Company.
The Tinta at Pluma (TAP) Publishing is a home for novelists and poets. This company only offers full-time job for both writers and editors. Because of the continuous progression of our company, we need individuals who can offer the most of their time and can be called as full-time employees.
And now, we are happy to announce that for the very first time in history, we are at last reopening our doors to the writers who want to be a part of our family. Finally, TAP is now accepting different genres in literature and are recruiting new set of full-time employees in our company.
We don't seek for fame nor attention. We only need dedication, potential, and responsible writers.
The hiring for employees is now open. You are free to apply and undergo an interview at Tinta at Pluma Publishing Company Building along the Quezon Avenue, San Agustin. We are open from 9:00 AM through 4:30 PM. We will give additional information upon reaching your schedule.
Think wisely, future TAPerific!
Nakabukas ang bibig ni Yamirah hanggang sa matapos niya itong basahin. Para itong isang panaginip!
"No way," hindi makapaniwalang saad niya.
"Yes way." May malaking ngiti sa labi ni Vera, mukhang natutuwa para sa kaibigan. Kinuha niya ang kanyang cell phone at muling hinarap si Yamirah. "So, ano'ng plano mo, Yam? Kailan ka mag-aaply? Samahan kita."
"Once in a lifetime lang ito, Vera," aniya sa tonong pati ang sarili niya ay mukhang kinukumbinsi pa rin niya. "But I'm a student. I can't be a full-time employee."
"Hindi ka naman doon magta-trabaho. Full-time lang ang tawag kasi sila ang magbibigay ng average stories na kailangan mong ipasa for a month and it requires a lot of time. But you're not forced to work there. Supposedly ay doon dapat kayo at walong oras na magtrabaho araw-araw. But writing isn't that flexible. Some writers need silence, some need noise. 'Yung iba hindi nakakapagsulat nang tuloy-tuloy. I heard TAP can give them considerations."
Bumuntong-hininga si Yamirah. "Still, I can't give a lot of time in writing. Baka mabagsak ako, Vera."
Vera tsk-tsked. "Hindi mo alam kung magha-hire pa ulit sila. Baka isang dekada na naman bago sila tumanggap ulit ng empleyado, sige ka."
Her mind went emtpy. Susubok ba siya? Paano kung hindi niya kaya? Pero kakayanin nga ba niyang sayangin ang malaking oppurtunidad na ito?
"And FYI," Vera smilingly said. "Isn't it a privilege to see the oh-so-greek-god Mr. Ash Santillan? Balita ko rin, tine-train na siya bilang susunod na mamamahala sa TAP Publishing Company. He might be there."
Inosenteng ngumiti si Yamirah at bumaling sa kaibigan. "Pupunta na tayo bukas, tutal wala naman nang klase at saktong-sakto na nakabukas ang TAP kahit weekend." Tumayo siya para kumain na ng pananghalian. "And FYI as well, I don't care about that man named Ash Santillan. I'm not interested."
"Come on, I should wash this dress, Ash.""Not on earth I'm going to let you wash. Nagta-trabaho ako, Amir. Kahit limampung katulong pa ang dalhin ko rito sa bahay huwag ka lang magtrabaho, gagawin ko."The slight crease of his forehead and his almost-kissing eyebrows made him look cute and hot at the same time. Idagdag pang nakatapis lang siya ng tuwalya ngayon sa bandang baywang pababa at may mangilan-ilang butil ng tubig ang dumadausdos mula sa kanyang buhok pababa sa matitipuno niyang dibdib.We've been arguing about this for a couple of minutes now. I mentioned him about washing my wedding gown, and this is where it took us."Walang maglalaba. That's final.""But—""Let's settle this later, then. I have an early appointment with Mr. Yu. O baka gusto mong sumama?"Umiling ako. Kung aalis na siya, ibig sabihin ay malalabhan ko na ang wedding gown na ito saka ko itatago.Ash and I were married a week ago. It was a grand party. Maraming dumalo dahil maraming imbitado. TAP employees a
"I still have your resignation letter. I kept it for two years so I could return it one day. Hindi ko 'yon tatanggapin because I am confident that you will return. However, I still want to beg."Kahit nanginginig ay pinilit niyang tumayo at dahan-dahang humarap sa binata. Nag-init ang magkabilang gilid ng kanyang mga mata pero alam niya na hindi na lungkot ang dahilan ng mga ito.Two years didn't seem to change him. Ash Santillan in his muscled body and handsome face is in front of her. Kung may nagbago man sa loob ng dalawang taon ay ang nararamdaman niya. Her love deepened, strongly rooted. Mas lalong sumidhi, mas lalong nahulog."Yamirah Francisco, I beg you. Please come back to your passion. Come back to my company. Come back to my life. Come back to me."Happiness ruled her little universe. Tumakbo siya palapit dito at niyakap ito nang mahigpit na mahigpit na mahigpit, at kahit kailan ay hindi na niya ito papakawalan pa. Hinding-hindi na."Ash, you never lose me. Wherever I am, I
After looking at the wall clock, she adjusted the hands of her wristwatch until it functions correctly. She checked herself from the mirror few feet away from the counter, and saw a perfect pair of a red sleeveless top that only covers the half of her torso—crop top it is, and a slightly tattered trouser she got from a well-known couture months ago.In her left arm she folded an AFRM Tae Cardigan with a Leopard print like her bottoms. Inayos niya ang tindig. Bahagyang iginalaw niya ang kanyang mga paa na nakasuot ng GUCCI'S HORSEBIT CHAIN BOOTS.She smiled as she felt satisfied with her look. 'Di rin naman nagtagal ay may kumuha na ng atensiyon niya."Miss, ito na po ang order ninyo." A lady florist handed her different bouquet of flowers."So idyllic," she commented, slightly sniffing the flowers' corollas.Nang mabayaran niya ito ay nagmartsa na siya palabas ng flower shop. Sa kabilang dako ng kalsada ay nakaparada roon ang sasakyan ni Drica."Bakit pinakamarami 'yang pink? Puntod n
"Yamirah, gabi na. Ihahatid na kita."Narinig niya mula sa likuran ang boses ng pinsan niyang si Sunshine. Sumunod ito sa kanya hanggang sa gate ng ancestral house."Not a chance," she answered determinedly. "Nakaya kong nabuhay mag-isa... at kakayanin ko pa." Walang masasabi ang dilim ng gabing ito sa dilim na hinatid ng mundo sa kanya.Tuluyan na nga niyang tinahak ang daan palabas ng subdivision. Sa huling pagkakataon ay tumulo ang luha niya. Sinisiguro niya na ito na ang huling pagkakataon na iiyak siya dahil sa sakit, lungkot, at galit. Hindi na siya iiyak pa sa mga taong hindi siya nanaising iyakan din. Not anymore."Baby..." Her weary heart stopped when she heard the voice of the person who can break her heart into pieces, and the same person who can also give a remedy to it.Naka-park ang kotse nito sa labas ng subdivision, at mukhang nanggaling din ito sa kaparehong direksiyon.Hindi niya pa ito tuluyang naharap ay bigla na itong yumakap sa kanya nang mahigpit nang mahigpit.
"Ipinanganak ako sa bahay ng lola't lolo ko sa father side. Ni hindi nila na-afford na ilagay si mama sa hospital noon kahit maselan ang kanyang pagbubuntis. Fortunately, this Yamirah in front of you survived."Naglakad siya pababa ng munting entablado. "But my life didn't end there. Napasukan na ni papa lahat ng p'wedeng pasukang trabaho para lang kumita ng pera. A lot offered him illegal jobs but none of these were entertained because he was a good man. Yet his kindness was taken for granted. Maraming nanloko sa kanya, maraming nagnakaw hanggang sa lumubog kami sa utang. Masyado siyang naging mabait na ultimo si mama ay nagkaroon ng ibang kinakasama habang sila pa."Pumiyok ang boses niya nang maalala ang panahong iyon. "Yes, my mom left and went to Bermuda with her new man. Sa edad na walo ay iniwan niya ako, kami ni papa. All I had is my grandparents and my father. Ngayon niyo sabihin na may nanay ako. Go! Tell me!" Bumuhos ang luha niya habang puno ng poot na tinitingnan sila isa
Hindi niya nagawang magsalita. Isa-isang nagsilapitan ang mga Francisco at niyakap siya, ni-welcome sa family nila.Wala siyang ideya kung paanong sa dalawampu’t tatlong taon niya sa mundo ay hindi niya sila nasilayan man lang. Her mom, Cassandra Francisco, never mentioned about her family. Nawalan na rin naman siya ng pagkakataong malaman pa.Tinanong niya kay Sunshine kung alam na ba nito sa simula na mag-pinsan sila, pero sabi nito ay kumakailan lang din naman nito nalaman iyon. Pareho silang nakararamdam ng lukso ng dugo, pero hindi niya kailanman naisip na may natitira pa pala siyang kamag-anak sa mundo.Sunshine is the one who knew the truth. Madalas daw i-kuwento ng papa nito ang tungkol sa paborito nitong kapatid na si Cassandra na hindi na kailanman nagparamdam simula nang maging sila ng papa niya.One day, she had the files and background information of the TAP writers. Bilang sekretarya ay hindi malabong mahawakan niya ang mga 'yon. She saw the name Cassandra in Yamirah's f