Share

Kabanata 7

Author: Bellianne
last update publish date: 2026-05-21 23:24:40

Saglit na tumigil si Hendrick sa pagsasalita bago muling nagpatuloy. “One year agreement.” Madiing sabi nito. “Pareho tayong makikinabang, dahil pareho nating makukuha ang kailangan natin.”

Tahimik na pinroseso ni Venice ang mga sinabi nito bago maingat na nagtanong.

“Anong kailangan mo sa akin?”

Dahan-dahang bumalik ang tingin ni Hendrick sa kaniya. At sa sandaling iyon, pakiramdam ni Venice ay parang may mabigat na bagay na dumagan sa dibdib niya.

“Be my wife, and a good Mrs. Monteverde”

Bahagyang tumapik ang mahahabang daliri nito sa leather seat.

“Kapalit ay bibigyan kita ng monthly allowance na limang daang libo. At pagkatapos ng agreement, mapupunta rin sa'yo ang villa sa Repulse Bay.”

Huminto ito sandali bago muling nagsalita. “At aayusin din ng Monteverde family ang problema ng pamilya niyo.”

Napakalaki ng alok nito, napakahirap tanggihan. Tahimik na yumuko si Venice habang pilit kinakalma ang sarili.

“Sa loob ba ng agreement…” bahagya niyang pinisil ang palad niya. “Kailangan ko bang gampanan ang marital obligations?” Halos hindi siya makahinga habang itinatanong iyon, masyado siyang tensyonado.

Napansin ni Hendrick ang bahagyang pamumula ng tenga niya, maging ang kanyang labi na kinakagat niya dahil sa kaba.

Unti-unting bumaba ang tingin nito, sa collarbone niyang bahagyang nakalitaw mula sa manipis na blouse hanggang sa kurba ng katawan niyang humahapit sa kanyang suot, ilang segundo ring natigil ang tingin nito roon bago ito umiwas at bahagyang umigting ang panga nito.

“I don’t eat vegetarian food.” Kalaunan ay sabi nito.

Nanlaki ang mata ni Venice sa sinabi nito. At nang maintindihan niya ang ibig sabihin nito—agad na kumalat ang pamumula mula sa tenga niya pababa sa leeg.

“Ang tanong ko ang sagutin mo, pumapayag ka ba?” malamig nitong tanong.

Muling napakagat-labi si Venice, sa oras na pumayag siyang maging substitute bride ay wala nang atrasan.

Marahan siyang tumango. “Oo, pumapayag na ako.”

Bahagyang ipinikit muli ni Hendrick ang mga mata nito. At sa gilid ng labi nito ay tila may sumilay na ngiti ngunit mabilis ding nawala.

Kalaunan, huminto ang sasakyan sa harap ng isang kulay abong marble na building.

Napatingala si Venice sa Government Affairs Office, isa iyon sa pinakamatandang marriage registration offices sa Hong Kong.

Napakatahimik ang paligid, halos walang tao. May dalawa o tatlong staff lang na tila naghihintay sa pagdating nila.

Naunang bumaba si Hendrick, akma sanang bubuksan ni Venice ang pinto ng may kamay na naunang gumawa nito.

Pag-angat niya ng tingin, nakita niya si Hendrick na nakatayo sa labas habang hawak ang pinto ng sasakyan.

Tinatamaan ito ng liwanag ng araw mula sa likod kaya tila nababalutan ng manipis na gintong sinag ang mukha nito. Bahagyang natigilan si Venice bago tuluyang bumaba.

Pag-apak pa lang ng paa niya ay agad niyang naramdaman ang isang kamay sa tabi niya— hindi man siya hinahawakan pero tila handang sumalo anumang oras, halos hindi siya humihinga dahil napakalapit nila sa isa’t isa.

“Salamat,” mahinang sabi niya.

Hindi sumagot si Hendrick, tahimik lang nitong binawi ang kamay bago hinayaang siya ang maunang maglakad.

“Mr. Hendrick.”

Mabilis na lumapit ang isang middle-aged na lalaki mula sa entrance habang magalang na yumuyuko.

“Naihanda na po namin ang lahat.”

Bahagyang tumango si Hendrick.

Pagpasok nila sa loob, nakahanda na sa mesa ang mga dokumento, nay dalawang ballpen ding nakapatong sa velvet tray.

Napako ang tingin ni Venice sa form at lalo siyang nanlamig nang makita ang pangalan na nakasulat doon—Bianca Valencia.

Mahigpit niyang napisil ang palad niya.

“Paki-check po ng information saka pumirma rito,” magalang na sabi ng staff.

Tahimik na kinuha ni Hendrick ang ballpen, mabilis ngunit elegante nitong pinirmahan ang dokumento.

Pagdating kay Venice, halos manlamig ang mga daliri niya habang hawak ang ballpen na may natitira pang init mula sa kamay ni Hendrick.

Dahan-dahan niyang isinulat ang pangalang, Bianca Valencia. Bahagyang nanginig ang kamay niya sa huling letra, nang matapos ay kinuha ng staff ang papel at nagsimulang magtype sa computer.

Ilang segundo lang, lumabas agad sa monitor ang ID photo ni Bianca Valencia.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Venice, napansin niyang bahagyang kumunot ang noo ng staff habang paulit-ulit na ikinukumpara ang litrato sa monitor at ang mukha niya.

Bumaon ang mga kuko ni Venice sa palad niya, wala na, nahuli na siya.

Napakawalanghiya niyang isipin na makakalusot siya bilang substitute bride sa harap ni Hendrick.

Isang simpleng pagkakamali lang ay kaya nitong sirain ang buhay niya.

Hindi niya alam kung ano ang gagawin kapag nalaman nitong impostora pala siya. Ngunit bago pa muling makapagsalita ang staff ay may kumatok-katok sa mesa.

Napalingon si Venice, nakasandal lang si Hendrick sa upuan, tila relaxed pa rin.

Pero ang mga mata nito, ay napakalamig. Diretso itong nakatingin sa staff, walang emosyon pero sapat para mapalunok ang lalaki.

Halatang natakot ito, sa Hong Kong, walang gustong bumangga kay Hendrick Monteverde.

At kung dinala mismo ni Hendrick si Venice dito ay sino ito para magduda?

Mabilis nitong pinindot ang mouse bago kinuha ang official seal.

“Congratulations, Mr. and Mrs. Monteverde.” Sabi nito matapos tatakan, at magalang nitong iniabot ang certificate. “Complete na po ang registration ninyo. Wishing you a happy marriage.”

Tahimik na tinanggap ni Venice ang marriage certificate. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala.

Akala niya katapusan na ng lahat nang mapansin ng staff ang pagkakaiba niya sa ID, pero sa isang tingin lang ni Hendrick nasindak na ang staff, naligtas siya nito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Substitute Bride Of The Dangerous Billionaire   Kabanata 181

    Umiiyak pa rin si Camille Reyes, nanlalambot ang mga pilikmata habang nakatayo siyang tulala. Maingat niyang pinagmasdan ang mukha ng lalaking nasa harapan niya. Magkaparehong-magkapareho ang kilay at mata nila ni Adrian Cruz—makapal at matalim ang hugis ng kilay, maliwanag ang mga mata, matangos

  • Substitute Bride Of The Dangerous Billionaire   Kabanata 180

    --- “Law will handle it.” --- A pause. --- “But they won’t be comfortable.” --- Ruan Ze swallowed. “…That sounds worse.” --- Ruan Niannian immediately smacked his arm lightly. “Serves you right.” --- But her voice softened again a second later. “Don’t get involved in fights again, unde

  • Substitute Bride Of The Dangerous Billionaire   Kabanata 179

    Huo Lin had left her. As if she hadn’t moved at all. --- Her back was straight, but there was a slight tremor in her shoulders that she couldn’t hide. --- The fluorescent lights above flickered faintly, making her face look even paler. --- When she saw him return, her eyes immediately lifted.

  • Substitute Bride Of The Dangerous Billionaire   Kabanata 178

    --- "Tungkol doon sa mga batang nakasakit kay Ruan Ze..." --- Napatingin ito sa kanya. --- "Ano tungkol sa kanila?" --- Hindi alam ni Venice kung bakit. Pero may kutob siyang may ginawa na ang asawa niya. --- "Wala ka namang ginawa, hindi ba?" --- Bahagyang tumaas ang sulok ng labi ni He

  • Substitute Bride Of The Dangerous Billionaire   Kabanata 177

    --- Hindi na hinintay ni Venice na pagbuksan siya ng pinto. Pagkahinto pa lamang ng sasakyan ay agad na siyang bumaba at tumakbo papasok. --- "Miss!" Sigaw ni A-Yao. --- Ngunit hindi siya huminto. --- Tanging si Ruan Ze lamang ang nasa isip niya. --- Sa dulo ng hallway ay nakita niya ang

  • Substitute Bride Of The Dangerous Billionaire   Kabanata 176

    Nanlaki ang mga mata ni Venice. "Si Ruan Ze!" Halos manginig ang boses niya habang pilit niyang hinihigpitan ang sintas ng sapatos. "May nangyaring gulo sa school niya. May narinig akong sigawan at may nag-aaway. Hindi na siya sumasagot!" Agad na nagdilim ang mukha ni Hendrick. Sa loob ng ilang

  • Substitute Bride Of The Dangerous Billionaire   Kabanata 6

    Walang iba kundi si Hendrick Monteverde, ang susunod na head master ng mga Monteverde sa oras na maikasal na ito. “Are you Bianca Valencia?” Mababa at paos ang boses nito. Biglang dinaga ang dibdib ni Venice, ganun ang epekto ng lalaki sa kanya, mabilis siyang natauhan at bahagyang tumango.“Ako n

  • Substitute Bride Of The Dangerous Billionaire   Kabanata 5

    Kararating lang ni Venice sa North City Airport nang marinig niya ang sunod-sunod na boarding announcements mula sa malalaking speakers sa paligid. Tahimik siyang naglakad habang hinihila ang maleta, ngunit halatang mabigat ang bawat hakbang niya.Paminsan-minsan ay napapatingin siya sa cellphone, n

  • Substitute Bride Of The Dangerous Billionaire   Kabanata 4

    Pagkalipas ng dalawang araw, ang mga sugat ni Venice ay unti-unti na ring gumagaling at bumalik na rin sa normal ang boses niya. Sa loob ng dalawang araw na iyon, ni minsan ay hindi siya dinalaw ni Asher. Ang tanging natanggap niya ay isang package mula sa mommy niya sa Hong Kong.Tahimik siyang nak

  • Substitute Bride Of The Dangerous Billionaire   Kabanata 3

    Bahagyang natigilan si Venice sa narinig.Sa loob ng isang taon, nakita niya kung paano halos mabaliw si Asher sa paghahanap ng paraan para gumaling ang pandinig niya, pero walang naging epekto. Hanggang anim na buwan na ang nakalipas, nang si Dr. Lucas mismo ang humawak sa gamutan niya saka lamang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status