Share

Kabanata 4

Author: Bellianne
last update publish date: 2026-05-20 15:04:17

Pagkalipas ng dalawang araw, ang mga sugat ni Venice ay unti-unti na ring gumagaling at bumalik na rin sa normal ang boses niya. Sa loob ng dalawang araw na iyon, ni minsan ay hindi siya dinalaw ni Asher. Ang tanging natanggap niya ay isang package mula sa mommy niya sa Hong Kong.

Tahimik siyang nakatayo sa tabi ng bintana ng ward habang pinagmamasdan ang masikip na daloy ng mga sasakyan sa ibaba. Maya-maya ay bumukas ang pinto at pumasok si Dr. Lucas.

Hindi ito nakasuot ng puting coat ngayon kundi dark gray na polo na nakatiklop hanggang siko ang manggas. Mas mukhang approachable ito kumpara sa dati nitong malamig na aura.

“Naayos ko na ang lahat ng documents.” Iniabot nito ang folder sa kaniya. “Pwede ka nang umalis.”

Tinanggap iyon ni Venice at bahagyang yumuko. “Salamat, Dr. Lucas.”

Hindi agad sumagot si Dr. Lucas, nakatitig lang ito sa kaniya na para bang may iniisip.

“Dr. Lucas? May problema ba?”

“Babalik ka na ba talaga ng Hong Kong ngayon?”

Tumango si Venice, bigla namang napangiti nang malapad si Dr. Lucas—isang bagay na sobrang bihira nitong gawin.

“That’s great!”

Bahagyang nagtaka si Venice sa reaksyon ng doktor. Hindi niya maintindihan kung bakit tila sobrang saya nito, uuwi lang naman siya ng Hong Kong.

Bakit parang napakagandang balita no’n para rito?

Nang makita ni Dr. Lucas ang pagtataka niya, bahagya itong napaubo at kinamot ang ilong.

“Ah… I mean, baka kasi ma-late ka sa flight mo. Mas mabuti nang maaga kang mag-impake.”

“Salamat ulit, Dr. Lucas.”

Pagkaalis nito, nagsimula nang mag-ayos si Venice ng gamit, kaunti lang naman ang dala niya.

Binuksan niya ang drawer sa tabi ng kama, naroon ang isang maliit na velvet box. Dahan-dahan niya iyong binuksan, sa loob ay isang singsing panlalaki.

Simpleng silver ring na may nakaukit na A & V. na ang ibig sabihin ay Asher at Venice. Tahimik niya iyong tinitigan nang ilang segundo bago isinara ang kahon bago walang emosyon niya iyong itinapon sa basurahan sa tabi ng kama. Parang ganoon lang kadaling itapon ang dalawang taong relasyon nila. Pero alam niyang sarili niya, matagal na siyang durog ngayon lang niya tuluyang tinanggap, dahil ngayon lang siya natauhan sa katotohanan.

Pagbalik niya sa apartment nila, maliwanag na ang kalangitan.Tahimik siyang nakatayo sa may pintuan habang pinagmamasdan ang bahay na tinirhan niya sa loob ng dalawang taon.

Sa ibabaw ng TV cabinet ay larawan nilang dalawa, nakasandal siya sa balikat ni Asher habang malawak ang pagkakangiti. Noong mga panahong iyon, bingi pa siya sa katotohanan. Pero kahit gano’n pakiramdam niya noon, siya ang pinakamasayang babae sa mundo. Dahan-dahang umiwas ng tingin si Venice sa naalala.

Pumasok siya sa kwarto at inilabas ang isang maleta mula sa cabinet, kaunti lang ang gamit niya, ilang damit, passport, at litrato nila ng mommy niya mula sa bedside table. Pagkatapos niyang isara ang maleta, hinila niya iyon palabas ng kwarto.

Pagdaan niya sa sala, bigla siyang natigilan, sa isang display shelf ay naroon ang framed plane ticket niya mula Hong Kong papuntang North City. Dalawang taon na ang nakalipas mula nang iwan niya ang lahat para sundan si Asher dito.

Sinabi nitong hindi siya siya magsisisi sa pinili, at naniwala siya roon. Kahit na isa siyang gifted music student noon, kahit na nawala ang pandinig niya dahil kay Asher—hindi siya nagsisi.

Tahimik na umiwas ng tingin si Venice, bago hinila ang maleta at dire-diretsong lumabas ng apartment. Tuluyan ng nagsara ang pinto sa likod niya. At sa pagkakataong ito—wala nang balikan, nakapag-desisyon na siya at hindi na siya aatras pa, sapat na ang halos ilang taon niyang isinakripsyo para sa lalaking hindi naman siya kayang piliin.

Samantala, habang nasa daan papuntang ospital, madilim ang ekspresyon ni Asher, sa loob ng dalawang araw, naging abala siya kay Sofia kaya ngayon lang siya nagsimulang kabahan nang mapansin niyang blocked na siya ni Venice.

Akala niya tulad ng dati, si Venice pa rin ang unang lalapit sa kaniya dahil palagi namang gano’n noon.

Pero ngayon walang Venice na dumating. Napakatahimik nito na parang bigla na lang naglaho at iyon ang lalong nagpagulo sa kaniya.

“Pare, talagang binlock ka ni Venice?” tanong ni Caleb habang nagda-drive.

Mas lalong dumilim ang mukha ni Asher, napailing na lang si Caleb.

“Imposible naman. Ilang beses na ba kayong nag-away? Pero hindi ba lagi namang siya ang unang sumusuyo?” nanunuyang sabi ni Caleb, ngunit wala siyang sagot na narinig mula sa kaibigan.

Parang walang narinig si Asher sa sinabi ng kaibigan. Tahimik lang siyang nakayuko habang paulit-ulit na tinitingnan ang cellphone.

“Sa tingin ko, hindi rin naman tatagal ’yan. Baka mamaya o bukas, susuyuin ka na rin no’n ulit. Hindi niya kayang mawala ka.”

“Mag-drive ka na lang.” Malamig na boses na sabi ni Asher.

Huminto ang sasakyan sa red light, tahimik na napatingin si Asher sa labas ng bintana. Nang biglang nag-vibrate ang cellphone kaya agad niya iyong kinuha. Ngunit nang makita ang mensahe, bahagyang nanigas ang ekspresyon niya dahil hindi ‘yon galing kay Venice.

"Akala ko ay galing na sa kanya, mali pala." Sabi niya sa sarili, hindi man niya aminin ay umaasa siyang bumalik na sa kanya si Venice katulad ng palagi nitong ginagawa.

Message iyon mula sa assistant niya tungkol sa bagong general manager ng Starwave Entertainment, unti-unting nagbago ang ekspresyon ni Asher, alam niyang mas deserving si Ethan Rivera pero gusto niyang turuan ng leksyon si Venice.

Gusto niyang makita kung hanggang kailan siya nito kayang tiisin, hindi siya naniniwalang kaya siyang talikuran ni Venice nang tuluyan.

Dahil sa isip niya, si Venice ay ang babaeng laging babalik sa kaniya. Ngunit iyon ang akala niya, dahil ang babaeng iniisip niyang babalik pa sa kanya ay tuluyan na siyang iniwan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Gretchen Maghanoy
love it maganda
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Substitute Bride Of The Dangerous Billionaire   Kabanata 191

    .........LAST CHAPTER... Lumipas ang ilang taon. Marami nang nagbago sa buhay nina Venice at Hendrick, pero may isang bagay na nanatili—ang paraan ng pagtingin nila sa isa't isa. Si Venice ay naging isa sa mga kilalang composer at Music Director sa industriya. Marami nang artista ang gustong maka

  • Substitute Bride Of The Dangerous Billionaire   Kabanata 190

    Maaga pa lang ay gising na ang buong bahay. May mga taong pabalik-balik sa hallway, may nag-aayos ng bulaklak, may nagdadala ng mga kahon, at may ilang staff na abala sa pag-check ng mga gamit para sa seremonya. Sa gitna ng lahat ng iyon, tahimik na nakaupo si Venice sa harap ng salamin. Nakaayos

  • Substitute Bride Of The Dangerous Billionaire   Kabanata 189

    Lumipas ang ilang linggo mula nang tanggapin ni Venice ang offer ng Aurelia Music Group. Sa simula, maayos pa ang lahat. May schedule sila ni Hendrick para sa hapunan, minsan ay sabay silang umuuwi, at kapag may libreng oras si Venice, sinisikap niyang maglaan ng panahon para sa asawa. Pero haban

  • Substitute Bride Of The Dangerous Billionaire   Kabanata 188

    Kinabukasan, bumalik si Hazel sa Star Music para harapin ang resulta ng ginawa niya. Hindi na siya kasing kumpiyansa tulad noon. Tahimik siyang naglakad papunta sa HR office habang mahigpit na hawak ang kanyang bag. Ilang empleyado ang napatingin sa kanya, pero wala nang nagkomento. Hindi na kaila

  • Substitute Bride Of The Dangerous Billionaire   Kabanata 187

    Kinabukasan, hindi pa man nakakarating si Venice sa Star Music, nagsimula nang kumalat ang panibagong issue tungkol sa kanya. Mas malala ito kaysa sa nangyari noong nakaraang araw. May mga post na nagsasabing peke raw ang pagkakakilanlan niya bilang si Rose. May ilan pang nagsabing baka binayaran

  • Substitute Bride Of The Dangerous Billionaire   Kabanata 186

    “Ano?” “Ang asawa ko.” Natahimik si Venice. Hindi niya napigilang ngumiti. “Hindi ka talaga marunong magsalita nang hindi ako kinikilig.” “Hindi ko naman sinasadya.” “Mas malala.” Napailing si Venice habang natatawa. Maya-maya, dumating ang pagkain. Ngunit bago pa sila makapagsimula, tumuno

  • Substitute Bride Of The Dangerous Billionaire   Kabanata 5

    Kararating lang ni Venice sa North City Airport nang marinig niya ang sunod-sunod na boarding announcements mula sa malalaking speakers sa paligid. Tahimik siyang naglakad habang hinihila ang maleta, ngunit halatang mabigat ang bawat hakbang niya.Paminsan-minsan ay napapatingin siya sa cellphone, n

  • Substitute Bride Of The Dangerous Billionaire   Kabanata 3

    Bahagyang natigilan si Venice sa narinig.Sa loob ng isang taon, nakita niya kung paano halos mabaliw si Asher sa paghahanap ng paraan para gumaling ang pandinig niya, pero walang naging epekto. Hanggang anim na buwan na ang nakalipas, nang si Dr. Lucas mismo ang humawak sa gamutan niya saka lamang

  • Substitute Bride Of The Dangerous Billionaire   Kabanata 2

    Mabilis na namula ang mukha ni Sofia bakas dito ang sampal na ibinigay ni Venice.Napahawak ito sa namumulang pisngi habang nakatitig kay Venice nang hindi makapaniwala. Ilang segundo rin bago ito nakapagsalita.“Ikaw, sinampal mo ba talaga ako?!”Galit nitong itinaas ang kamay para gumanti, pero ma

  • Substitute Bride Of The Dangerous Billionaire   Kabanata 1

    “Asher, totoo bang pinabalik mo si Sofia dito sa bansa? Hindi ka ba natatakot na magalit si Venice?” tanong ng kung sino ang bumungad kay Venice, lingid sa kaalaman ng mga taong naroon na nakaririnig na siya. Matapos ang isang taong pagkawala ng kanyang pandinig ay sa wakas muling bumalik ang pandi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status