Share

TCC #38 Ang Katotohanan (Part 2)

Nanlilisik ang mga mata ni Dustin habang pinagmamasdan ang nakaupong si Ronan. Gusto niyang paputukin ang labi nito. Gusto niyang baliin ang bawat buto nito sa katawan. Kung hindi lang siya nakatali, siguro ay wala na itong buhay.

"Matatapang lang kayo dahil may mga armas kayo. Ang totoo, bahag ang mga buntot niyo! Pwe!" Dustin wanted to provoke Ronan para mapalitan itong alisin ang mga nakatali sa kanila ni Clark.

"Hindi mo ako maiisahan Saavedra. Alam ko na ang style mong 'yan. Kung naging mabuting kapatid este amo ka sana kay Peter, wala ka sana sa sitwasyon mo ngayon," ani Ronan.

"Personal bodyguard ko lang si Peter. Hindi ko siya kapatid! Huwag nga kayong mag-imbento ng kuwento!" gigil na gigil na sambit ni Dustin.

Kinuha ni Ronan ang sigarilyo sa mesa at sinindihan iyon. Matapos hithitin ay ibinuga niya ang usok sa mukha nina Dustin at Clark.

"Dustin. Dustin. Dustin. Sa lahat ng taong nakilala ko, ikaw ang pinakamadaling paikutin. Madali kang utuin!" Tumawa nang malakas si Ronan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status