Share

TCC #9 Don Alexander's Extra Condition

Bumalik sa opisina si Mariel nang walang dalang kape pero hindi iyon ang napansin ni Dustin. Nasira ang makeup ng kaniyang sekretarya. Tumulo ang itim na tinta sa ilalim ng mga mata nito, palatandaang galing siya sa pag-iyak.

“What happened to your face?” Dustin said in a staid tone.

“A-ano po kasi. Napagalitan po ako ng inyong pa–”

Hindi na naisundo ni Mariel ang kaniyang sasabihin nang iluwal ng pinto si Don Alexander. Nakasuot lang ito ng puting oversized t-shirt at itim na maong pants. Kahit sinong new employee ng kanilang kumpanya ay hindi mag-aakalang siya mismo ang may-ari ng Saavedra Group of Companies.

“Dustin, alam ba ng sekretarya mong may asawa ka na? Laman kayong dalawa ng usap-usapan ng mga empleyado natin! Wala ka bang delikadesa, iha at pumapayag kang maging kabit?” mahinahong sambit ni Don Alexander habang nakatingin sa gulat na gulat na si Mariel.

Minasahe ni Dustin ang kaniyang noo at pagkatapos ay nagbuntong hininga. Pinagmasdan niya ang umiiyak at nakatungo ni
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status