Share

Kabanata 11

Halos takbuhin ko na ang mansion sa sandaling dumaong ang yate. Tinahak ko ang sementadong hagdanan patungo sa loob at muntik pang magsugat ang mga paa ko. 

Marahas ang naging yakap ng buhangin sa aking paa. Hinahabol ko na ang oras. Kabado na baka mapagalitan ako ni Papa. Ang paalam ko ay maliligo lang ako sa dagat pero inabot na ako ng gabi!

And the idea that someone was waiting for me earlier made me worry so much.

Sa kabila ng nangyari sa amin ni Weino habang nasa yate pauwi ng Priacosta ay pinapangunahan parin ako ng takot at kaba.

Una kong nakasalubong si Aling Debbie sa may tanggapan. Mukhang kapapasok niya lang din mula sa labas.

Nang namataan ako ay huminto siya sa paglalakad saka ako hinarap. Her eyes scanned my body, seemingly confused of my shirt.

Right! I am still wearing Weino's shirt!

Bigla tuloy akong nahiya. Ganunpaman ay isinantabi ko muna iyon para magtanong.

"Nandyan na po ba si Papa?" kinakabahan kong tanong.

Aling Debbie nodded. Naging mas kabado ako dahil doon.

"Hinahanap ka kanina, Ma'am. Ipapasabi sana na hindi matutuloy ay pagsusukat mo dahil may biglaang meeting iyong pinadala niya."

Dinala ko ang kamay sa dibdib at napabuntong hininga. Buti naman at sumakto rin ang lakad nung magsusukat sa biglaang gala ko kanina. 

I am relieved! Sana nga lang ay hindi nagtaka si Papa kung bakit buong araw akong wala.

"Nasaan na po si Papa?"

"Nasa kwarto na niya. Nagpapahinga na..."

Tumango ako at ngumiti. Nagpaalam na si Aling Debbie na tutuloy na sa kusina dahil sa gagawing paglilinis. 

Dumiretso na ako sa kwarto. Doon ko lang naramdaman ng matinding pagod nang makita ko ang malambot kong kama. Hinubad ko ang suot na damit saka dumiretso sa banyo para maligo.

Sea water dried up on my skin. Nanlagkit ako. Pinuno ko ng mainit na tubig ang bathtub at inilublob doon ang katawan. 

Hot bath is really a help for me to relax my body. Pakiramdam ko ay nakalma ang isipan ko na pinaulapan ng kaba at takot kanina. 

Kahit nasa yate pa man at pumapalaot pa ay hindi ko na maialis sa isip ko ang imahe ni Papa na galit. Of course he has the right to get mad at me. Inabot ako ng gabi sa kung saan. Normal lang na iyon ang reaksyon niya kung sakali.

It's not that I am afraid that he'd be mad at me. Natatakot ako na baka mawala ang tiwala niya sa akin. Matagal pa bago kami nagkasama sa iisang bahay. Wala kaming gaanong alam tungkol sa kalakaran at buhay ng isa't isa. The way we live our lives, the way we spend time to enjoy, the way we see things, and the way we do things to feel relaxed is very different from each other. 

Iyon ang iniiwasan ko. Ayaw ko na pag-isipan niya ng masama lalo pa't ginabi ako kasama ang isang lalaki.

I am confident with my actions and with my intentions. But no matter how pure my thoughts are, people might still think that I am doing it wrong, even if that is my own father.

Ilang sandali ko pang dinama ang init ng tubig. Nang magsawa ay umahon na ako at nagbihis. I wore my silk sleep wear. Ganoon lagi ang suot ko lalo pa't hindi ako sanay na shirt at shorts ang suot tuwing matutulog.

I did my night routine. Lumapat ang malambot na kama nang mahiga ako roon. Mabilis na pumikit ang mga mata para mas damhin ang lambot ng higaan ko. This is a relax.

Kaagad akong tinamaan ng antok. Ang pagbigat ng mga talukap ang tuluyang humila sa akin sa mahimbing na tulog. 

The night is in complete darkness. Lights from the houses near the shore tried to fought the darkness enveloping the whole Priacosta. Tanaw ko parin iyon kahit pa nasa gitna ng karagatan, pumapalaot.

The cold sea breeze kissed my cheek. Paharap sa karagatan akong nakatayo sa dulo ng yate, malapit sa may handrail. 

Muling dumampi ang malamig na hangin sa aking katawan. Niyakap ko ang sarili at hinimas ang mga braso. Hindi sapat ang kapal ng telang nakatabon sa katawan ko para tuluyang matalo ang lamig ng gabi.

While staring at the sea, someone appeared in my side. Nakapamulsa si Weino, tinatanaw ang kabahayan sa paligid ng Priacosta. 

"Are you cold?" he asked and glanced at me.

Sandali akong nawalan ng sagot. Kinuha ko ang pagkakataon para titigan siya. Ginugulo ng hangin ang kanyang buhok. Maging ang laylayan ng damit ay marahang nililipad ng hangin. 

His eyes were sleepy. Ang mga matang iyon ay kalmado, iba sa madalas na mapanganib at nanantyang mga mata niya.

The calmness in his eyes reflects the calm sea in front of us. Even when it is calm and at peace, the sea itself still has its own secrets. In its deepness, there are hidden things we will soon to know and see. 

Weino's peace has resurfaced right at this moment. Kalmado at payapa. Sa sobrang kalmado ay natatakot ako. Natatakot dahil sa pagtitig ko sa kanyang mga mata, sekreto niya ang nakikita ko. 

I don't know what secret it is. Pero alam ko na mayroon. 

And just like the calm and deep sea, Weino's eyes would pull me to his depth and let me be attacked by his secrets hidden behind those calm eyes.

I hate to admit that something I see in his eyes is the only thing that stops me from falling. Yes, it is my warning.

Lumapit siya sa akin nang hindi na nga ako sumagot. He stopped so near to me. Kaya naman ay hinarap ko siya. Nakatalikod na ako sa karagatan ngunit nakikita ko parin ang repleksyon nito sa mga mata ni Weino.

He withdrew his hands from his pockets. Dinala niya ang mga kamay sa magkabilang gilid ko, nakahawak na sa handrail sa likod ko.

"What's with the stare, darling?" he asked when he noticed how I stared at him.

Bigla ata akong pinamulahan kasabay ng paggapang ng hiya sa sistema ko. 

Umurong ako, saktong tumama ang baywang sa malamig na bakal. Napaayos ng tayo si Weino para lumapit sa akin.

I gripped on the handrail, lifting myself to sit on it. Nang maupo ay binalanse ko agad ang bigat para huwag mahulog.

Weino was alert. Gumapang ang mga kamay niya sa likod ko para alalayan ako. I encircled my arms around his nape to find my support. 

"Why aren't you talking to me, hmm?" dagdag niyang tanong, pangatlo na sa hindi ko nasagot.

I smiled at him, not dodging his eyes.

"Let me just stare at you, Miscreant...I'm looking right into your eyes..."

Bahagya siyang nanigas sa kinatatayuan. Maging ako ay natigilan din sa sinabi. What are you thinking, Chio?!

Mula sa pagkabigla ay mabilis na nakabawi si Weino. Madilim man ay kita ko parin ang pag-angat ng sulok ng kanyang labi.

Just then, my first kiss waved back at me. 

I interrupted my thoughts immediately before I memorize it.

"Can I just keep you for tonight? I'm willing to ask the governor for it, Chio..."

Natawa ako roon. 

"It is not good for a man and woman to sleep together, Weino," tugon ko.

Gumalaw ang kanyang braso paikot sa katawan ko. His warm embrace overpowered the coldness of the night. It feels like a jacket to my cold soul.

Naramdaman ko ang pagyuko niya. Di kalauna'y naramdaman ko ang kanyang labi sa gilid ng aking tenga.

"I did not say we will sleep together, darling..." he whispered, teasing.

Nasundan pa iyon ng kanyang mahinang pagtawa. Ngayon ay sigurado na ako na nagkukulay pula na ang aking mga pisngi!

I clearedy throat. Hinanap ko sa bawat sulok ng aking isip ang mga salitang ipananangga ko roon.

"So you would rather let me sleep alone, huh? Alone? You would risk it, Weino?"

"Then you would rather risk yourself on a man, darling? You would share a bed with me, Chio? Not even considering that I am giving you an escape..."

Nakagat ko ang pang-ibabang labi. How can I defeat him? 

Nilingon ko siya para bumulong sa tenga niya.

"Did I say it's you, hmm? Can I not sleep with someone else?" 

Mas lumapit pa ako. My lips is almost there to touch the tip of his ear!

"I can see some men here aside from you..."

Mabilis na nagkaroon ng distansya sa pagitan namin nang umatras siya para lingunin ang nasa likod. Iniisip siguro na may tauhan siya roon. When he saw none, Weino returned his gaze at me, almost glaring.

I bit my lower lip to suppress a smile. Should I declare that I won?

His hand held my chin. Sinubukan kong igalaw ang mukha ko pero ang kamay niya ang pumirmi nun. 

"You won..." his gaze trailed down to my neck. "But I have the price..."

Sunod kong naramdaman ay ang kanyang labi sa aking leeg! 

He gently kissed my neck where my mole is! Banayad at marahan ang naging paghalik niya roon. 

"No more red spots, Chio..." namamaos niyang sinabi.

Dinungaw ako ng kanyang mga mata. I gasped for air when he pulled the sleeve of his shirt that I am wearing down to my arm. Nakita ko ang aking balikat. Muling gumapang ang kanyang kamay paikot sa beywang ko.

"I should see no red spots on your neck...If you want it, let me do it for you, hmm..." 

Then a warm kiss can be felt on my shoulder. Kasabay ng halik na iyon ay ang paghigpit ng kanyang yakap sa akin.

"Do you know that you're my miracle?"

Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga at nahabol ang hininga. I can feel bullets of sweats all over my face. Malakas ang pintig ng puso. 

Ang kakaibang naramdaman ko sa panaginip ay dala dala ko parin ngayon na gising na ako. 

Pero panaginip nga ba iyon? That was what happened last night!

Naisaulo ko ang lahat ng sinabi niya sa akin kagabi. The kisses that he did to me felt so real. Maging ang marahang hampas ng alon kagabi ay ramdam ko parin ngayon.

Did I dreamed of that scene because myself was still pulling me back to it so I could grasp every detail? 

Kaya ba kahit sa panaginip ay dinalaw ako ng ala-ala ko kagabi dahil pakiramdam ko ang saya saya ko sa nangyari?

No...what happened last night was against my principle!

Bakit ako masisiyahan?

Because of the kiss? 

It can't be because of that...

I promised to myself to only give my kiss to my first love, first man that will eventually be my husband. But I was to weak to take my promise seriously. 

I gave it to someone...that has no relationship with me. 

Gusto ko nalang sabunutan ang sarili nang mapagtanto ang lahat. Sinira ko ang sariling pangako sa sarili. Hinayaan ko si Weino na gawin iyon sa akin. 

Those were my first kiss in those areas! Pero imbes na magalit ay tila ba masaya pa ako...

Let me just remind you, Chio. Priacosta is not a home for you. You are here because you have a work to do. And you are running out of time!

Bumuntong hininga ako. Tumayo na ako at hinanda ang sarili para sa gagawin ngayong araw. Pero naligo na ako't lahat lahat ay naiisip ko parin ang mga bagay bagay. The cold shower failed to make me forget about it even for a moment.

Tahimik ang loob ng mansyon nang makababa ako. Ang parteng mariringgan ng ingay ay ang hardin. Siguro ay late na naman akong nagising kaya nakapasok na ang mga trabahador pero nandito parin ako.

I am now ready to work. Suot ko na ang blazer at slacks na madalas kong suot pag nagtatrabaho. Nasa kalagitnaan na ako nang paglalakad palabas ng mansyon nang biglang sumalubong sa akin ang mga kasambahay.

Tatlo sila. Parehong humahangos at pinagpapawisan. Mukhang tumakbo pa mula sa tarangkahan.

Nagsalubong ang kilay ko. Huminto ako sa harap nila.

"Ma'am...h-huwag daw po...m-muna kayong...pumasok..." anang isa na hinahabol pa ang paghinga.

"S-sukatan daw po kayo ngayon..." patuloy ng isa pang kasama.

"Iyan po ang pinapasabi...ni Sir..."

Tumango ako kahit pinoproseso pa ng utak ang mga narinig. I am still thinking if I'm going to stay or just leave for my work.

"Sige, salamat," tugon ko. "Pumasok na muna kayo at uminom ng tubig."

Sabay na tumango ang tatlo. Nang naglaho sa paningin ko ay pumihit narin ako pabalik sa loob. 

Kinuha ko ang phone sa loob ng bag para i-text si Vanity na bukas na ako papasok. Ngunit pagkabukas ay binungaran na ako ng ilang mensahe mula kay Weino.

Miscreant:

How's your sleep, darling? 

Miscreant:

I dreamed of you last night. I want it to happen so bad, Chio.

Miscreant:

Good morning! It's 5:08 in the morning. Have a great day ahead! I'm having mine because of you.

I shut my eyes tightly to contain my feels. Hindi ko alam kung dapat ko ba itong maramdaman o dapat ko ba na iwasan. 

But regardless of what I feel, I am replying to his message. Iyong huli lang.

Ako:

I had a great sleep.

Ayokong idetalye pa ang lahat ng nangyari sa panaginip ko. Pamilyar iyon kay Weino dahil totoo namang nangyari talaga iyon. Ang kuryusidad ko ngayon ay nasa panaginip niya.

He wants it to happen? 

Ano ba ang panaginip niya?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status