Share

Kabanata 13

last update Huling Na-update: 2021-07-16 20:08:48

Pasimple akong pumuslit sa loob ng kusina para makausap si Ludrick. It is Tuesday noon. Ang dalawang kasama pa namin ay nasa counter at inaasikaso ang mga customer.

Nadatnan ko si Ludrick na nakaupo sa isang tabi, nagpupunas ng pawis. When he noticed my presence, he got up and stood firmly. 

Ngumiti ako. I went to his side and got my eyes fixated at the dirty kitchen. Nagkalat ang mga gamit sa mesa. 

"Good morning, Ma'am..." he greeted.

Nilingon ko siya saka iminuwestra ang upuan. He glanced at it. Nang mapagtanto ay naupo siya roon at muling nagpunas ng pawis.

"Kamusta naman ang trabaho, Ludrick? Is everything fine?" I asked.

Mapait siyang ngumiti. 

"Hindi ko inakalang ganito kahirap ang trabahong 'to. Pero nakakayanan ko namang gampanan," he met my eyes. "Pinag-aaralan ko pa ang ibang pwedeng gawin, Ma'am."

I nodded.

"Baking is not as easy as what people think. Ang daming proseso pero ayos lang."

"Sang-ayon ako..."

Binawi ko ang tingin para balingan ang harapan kung nasaan ang iilang gamit pang-bake.

"I am restricted to go here. Kung pwede lang sana ay kaya naman kitang tulungan dito..." sambit ko.

"Iyon nga ang ipinagtataka ko. Kung ikaw ang piniling ipadala rito para pamahalaan ang Rouseau, bakit hindi ka pinayagang tumulong sa kusina? Hindi ba't iyon naman ang habol ng Tita mo?"

Sandali akong napaisip. His questions got me in thoughts for a moment. Tama siya. Among all of my cousins, I am the one who inherits her passion in baking. Hindi iyon lingid sa kaalaman ng lahat. Kaya naman ay walang umangal nung pinaalam ni Tita na ako ang mamamahala ng Rouseau.

But look at me now, restrained to partake in any of the on-going operations inside Rouseau.

 

"I'll find possible answers in no time, Ludrick. I am working on that..."

I can really say that Priacosta is not my home. Hindi dahil dito nanggaling ang mga magulang ko ay pwedeng ito narin ang tahanan ko. A home should give you peace and assurance. Pero sa nangyayari ay tanging mga katanungan ang natanggap ko. Minsan pa ay binabagabag pa ng mga bagay bagay.

"You should get yourself a boyfriend, Marchioness!" tili ni Calin na ikinailing ko.

"Bakit naman hindi? May dalawang lalaki na umaaligid sa'yo! If I were you, jojowain ko silang dalawa! Morning and night shift!" 

Sinundan niya iyon ng mapanlokong tawa. I glanced at Jaeous. Nasa gilid siya ng malaking puno, nagpapaypay ng sarili gamit ang hawak na hard hat. 

The construction is still on going. Naipakita na sa akin ni Calin ang approved design ng nirerenovate na foundation. It is actually nice. Malapit na sa ideyang gusto ko.

"I'm still working on things right now, Cal. Hindi ako pwedeng malihis ng daan," mahinang tugon ko. 

Bumaling siya sa akin. I resisted his eyes. Tumunog ang phone na nasa loob lang ng aking bulsa. I took it out to check someone's message.

Unknown :

You're in Priacosta. Good to know that, Chio. Let's meet so soon.

Napabuntong hininga ako saka inalis ang tingin sa phone. I turned it off and put it back inside my pocket.

"Sino iyon? Bagong boylet?" pang-uusyuso pa ni Calin na nasa akin parin pala ang tingin.

I faced him and wore a small smile. Kung hindi niya lang napigilan ang sarili ay baka kanina pa siya tumili. No, Calin. You're thinking a wrong conclusion.

Aksidenteng tumama ang tingin ko kay Jaeous. His eyes were on me. Halata ang pag-aalinlangan niyang lapitan ako.

"Kanina pa iyan nakatitig dito, Marchioness. Konti nalang ay iisipin kong ako ang tinitingnan niyan," Calin said and chuckled.

Hindi ako kumibo. 'Di kalaunan ay nahanap na ni Jaeous ang lakas ng loob para umabante sa gawi namin. Naramdaman ko ang pag-ayos ng tayo ni Calin, palihim na tumatawa dahil sa hindi malamang rason.

"Hi," Jaeous greeted when he stopped in front of me.

"Ang haba ng hair, Marchioness! Teka, naaapakan ko!" Calin whispered, ngunit naririnig parin ni Jaeous.

Nilingon ko siya at pinandilatan. He showed me his peace sign and started humming a song.

Ibinalik ko ang tingin kay Jaeous.

"Hi..."

He flashed his sweet smile. Medjo nagulat ako roon.  Jaeous is used to have this bored facial expression. Nang basagin ito ng kanyang ngiti ay kinurot na ako ni Calin sa tagiliran.

"I finally got the chance to talk to you, Chio," si Jaeous na hindi parin naglalaho ang ngiti.

Bahagyang nagsalubong ang kilay ko.

"Why? Is there anything you want to say?"

He immediately shook his head. Napapahiyang napakamot siya sa kanyang batok.

"Uh...I want to ask kung kailan ka free? A friendly date if you consider that?"

"Friendly date, huh?" muling pag-iingay ni Calin.

Nangapa ako ng mga salita. When I found the right things to say, the view of the man with dark eyes waved at me. He advanced to join our group. 

"Chio?" untag pa ng kausap ko.

"OMG! Galit ang isa..." si Calin.

"Lunes...free ako sa Lunes..." naisambit ko.

"No, she has no free time for you..."

Napasinghap si Calin sa tabi ko nang marinig ang boses ni Weino sa medjo naiinis na tono. Jaeous' smile vanished as he turned to face the man behind him.

Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanila. They are now exchanging death glares at each other. Sa tinginan nila ay hindi mo susubukang umawat dahil baka ikaw pa ang mapagbuntunan ng halatang galit.

"Exit na muna ako!" 

Calin then vanished from my sight. Ngayon ay mas naramdaman ko ang tensyon sa pagitan nilang dalawa.

"Who told you? Your instinct and proud ego, Weino?" bumakas sa boses ni Jaeous ang inis.

"No...Chio told me herself..."

I gasped for air when Weino's eyes were darted at me. 

"We do have plans, right, Chio?" he asked, teasing me a little.

I did not answer. Ano ba naman ang isasagot? Ni hindi ko nga alam na may plano kami!

"She didn't answer," si Jaeous.

"Yes, we have..." agap ko na ikinangisi ni Weino.

He walked to my side and held my hand. Bumaba ang tingin ni Jaeous sa kamay naming magkahawak.

Tumango siya na halatang hindi parin kumbinsido sa sagot ko.

"Let's talk some other time..."

Tinalikuran niya kami at iniwan nang hindi man lang hinintay ang sagot ko. When he was completely gone, Weino pinched my hand a little, trying to get my attention.

Tamad ko siyang nilingon. 

"What plans are you talking about?" 

"We will figure that out soon. But now, don't free your schedule for him..."

Nagtaas ako ng kilay.

"You sound like a boyfriend being cheated on, Weino."

He smirked. "Just a boyfriend, Chio. I know you won't cheat."

Nang mag-Miyerkules ay isang tipikal na araw ang bumungad sa akin. Buong araw akong tambay sa Rouseau para tapusin ang ilang dokumento. Hindi na muna ako bumisita sa foundation para iwasan si Jaeous.

It is not that I want to avoid him. It is Weino's order. 

Pero kaya ko namang labagin ang sinabi niya kung gusto ko. The thing here is that I have found peace when Weino is not mad or frustrated. Kaya hindi na ako sumubok na makipagkita pa kay Jaeous.

Huwebes nang pumunta ako sa isang conference sa Priacosta. Tanging ang pakikinig at patango tango ang ginawa ko buong oras. Pagkatapos ay bumalik na agad ako ng Rouseau para ipagpatuloy ang trabaho. 

Sa sumunod na araw ay dumating na ang pinagawang damit ni Papa para sa akin. Natanggap ko na rin ang biniling stiletto at alahas noong nakaraan. 

The whole day was tiring. Sinamahan ako ni Aling Debbie na maligo sa dagat sa likod ng mansyon para kahit papaano ay makapag-relax. 

Ngunit nang makarating doon ay nagpaalam siya na babalik muna sa loob para hintayin ang paparating na order ni Papa. 

I nodded at her. Umalis siya kasabay ng pagdating ni Weino galing sa hotel. I craned my neck to trail his way to check if there's a way in from the back. Palaisipan parin kasi sa akin kung saan siya dumadaan papasok dahil bantay sarado ang buong mansyon. 

He is wearing his v-neck white shirt paired with khaki shorts. Nakapamulsa siyang nakatayo sa harap ko, hinaharangan ang tanawin ng dagat.

"Hi..." I greeted.

He advanced to me. Nilahad niya ang dalawang kamay para tulungan akong tumayo. 

"Hi..." he responded.

Siya ang pumalit sa inuupuan ko kanina. Gumapang ang kanyang isang braso paikot sa aking beywang saka ako marahang hinila paupo sa kanyang kandungan.

"You smell so good..."

Inamoy niya ang aking leeg. The tip of his nose touched my skin, making me flinch a little.

"Maliligo ka pa ba?" tanong niya saka ipinulupot ang isa pang braso paikot sa akin.

"Nope..."

"Anong gagawin mo pagkatapos?"

Napaisip ako. I am done with my paper works. Mamasyal? Hindi rin siguro. 

"I have nothing in mind. Kung ganun ay baka matulog nalang ako sa kwarto," tugon ko.

He rested his forehead against my back. Pinapakawalan niya ang maliliit na hininga na tumatama sa aking likod.

"How about you? Baka may lakad ka pa," dagdag ko.

"I'll just stay here with you...Uuwi lang ako pag matutulog ka na," mahinang sambit niya.

My brows furrowed at his voice. Tila ba pagod na pagod siya. Hinaplos ko ang kanyang mga kamay. Mas lalo lang akong nagtaka nang mapansin ang magaspang na bahagi ng kanyang palad.

"You worked so much today?" nagtatakang naitanong ko.

Weino did not answer. Nanatili itong nakasandal ang noo sa likod ko. He shifted to his seat a little.

"Weino..." 

"Hmm?"

"Are you okay? You seem so tired."

Naramdaman ko ang kanyang pag-ahon. I spat a chance to face him kaya pumihit ako paharap sa kanya. 

Ang unang sumalubong sa akin ay ang  kanyang mapupungay na mga mata. They are telling me that he is so tired from something. 

"Do you want to take some rest?" I asked and caressed his face.

Hinuli niya ang isang kamay ko saka dinala sa kanyang labi. He gently kissed my palm and brought it to his cheek again.

"Are you ready for tomorrow?" iniba niya ang usapan.

"I'll prepare later, Chio," he added, sounded so tired.

Nag-iba ang ekspresyon sa aking mukha. Ang mga mata ay nagtatanong. 

"What exactly you do to make you that exhausted?" I asked out of desperation to know something.

Nag-iwas siya ng tingin. His gaze went to my forehead. Dinala niya ang labi roon para madampian ng halik.

"Miscreant..." my voice became stern.

"I can't tell you as of the moment..."

Iyon ang naging hangganan ng kuryusidad ko. Kinagabihan, bago maghapunan, ay kinontak ko ang taong makakatulong sa akin sa ganitong bagay. 

Ilang ring pa ay sinagot na niya ito.

"Chio!" bungad niya mula sa kabilang linya.

"Hi!" pinilit kong magtunog masaya.

"Kumusta ka na? Napatawag ka bigla, ah? May trabaho ba ako ngayon?"

I smiled. He really knows me well. 

"I'm fine, I guess. Anyway, if you are not busy, can you please take a look on the information you have for Weino Miscreant Zaldego."

I heard him chuckle.

"Oh, this sounds like a genuine concern from you and not just like a simple individual. 'Tsaka ngayon lang ako nakarinig ng pangalan ng lalaki, Chio. Sino itong Weino?"

Biglang nanuyo ang lalamunan ko. I immediately looked for an escape from his curiosity. 

"Just do what I have said. I want the details of his whereabouts for this day. Send it to me as soon as possible."

"Sure, Chio! I'll send it to you through email."

I felt relieved with the call I made. Kahit papaano ay nabawasan naman ang pagtataka ko dahil may matatanggap akong sagot sa natatanging tanong ko. 

Sa hapag ay naroon si Papa sa kabisera nakaupo, hawak ang kanyang phone at may kung anong kinakalikot.

"Kailan daw po ang dating ng mga Alcoreza, Pa?" tanong ko pagkatapos uminom ng tubig.

"May mga darating ngayon at mayroon ding bukas pa ang lapag ng eroplano. They will stay here for tonight," he uttered without glancing at me.

Tumango ko. Inubos ko na ang kinakain para makaakyat na sana sa kwarto kung hindi lang muling nagsalita si Papa.

"Are you ready for tomorrow's event? Make sure that everything's fine before it starts."

"I can say that I am, Pa. Titingnan ko nalang kung ano ang pwedeng hairstyle para bukas."

Doon lang siya nag angat ng tingin. His brows furrowed while evaluating my words.

"Did I forgot to tell you that I hired someone to do that?" 

Umiling ako. 

"You told me about it but I refused. Kaya ko na ang bagay na iyon. Besides, I am not comfortable when someone is touching me."

He nodded understandingly. Binawi niya ang tingin sa akin para muling balingan ang phone.

Ang kanina'y medjo tahimik na hapag ay umingay nang biglang pumasok ang mga bisitang Alcoreza. I was expecting to see unfamiliar faces but I sighed my dismay.

Nakangiting pumasok si Auntie Lurie at naupo sa upuang nakapaharap sa akin. Sa kanan iyon ni Papa. She is in her usual royal blue body fitted dress. 

Ako lang ata ang nabibigatan sa suot niyang malaking sumbrero na napapalibutan ng mga plastik na bulaklak. Her mittens hugged her hands up to her arms perfectly. Kuminang ang suot na pearl necklace na malayang nakasabit sa kanyang leeg.

Lumapit ang isa sa mga kasambahay para tulungan siya nang sinubukan niyang tanggalin ang malaking summer hat. Sa tabi niya naupo si Tito Ricardo kasunod ang anak na si Melisa. Iilan pang lalaking Alcoreza ang pumuno sa mga bakanteng upuan sa hapag.

None of them greeted me. Hindi iyon ikinasama ng loob ko dahil hindi naman ako malapit sa kanila. I am only close to Vanesa, na hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikita.

"Where's Vanesa?" binato kong tanong na hindi alam kung para kanino.

"She won't be here, ija. May importanteng gagawin sa San Hartin kaya nagpaiwan," si Tito Ricardo na ang sumagot.

Auntie Lurie never gave me a glance. Na kay Papa ang buong atensyon niya. The two of them are talking over something pero hindi ko gaanong marinig. 

As soon as I finished my dinner, I excused myself to at least get some rest.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Sunset Behind Waves   Wakas

    Napatayo ako at nahilot ang sentido. I got my phone from my desk and dialled Chio's number. It rang for a moment before I heard her sleepy voice."Weino..."Tumikhim ako, sinusubukang maigi na maitago ang galit sa boses."Did I wake you up?""Yup...But it's okay."Matagal pa bago ako nakasagot."Sorry for waking you up. I know it's late. Go back to sleep and continue your rest. I'll see you tomorrow.""Can we just talk now? Hindi na ako makakatulog," she said in a low voice.Biglang kumalma ang galit sa loob ko. Sa isang mahinang boses ay tila ba tinangay na ng alon ang lahat ng galit na nararamdaman ko ngayon.Chio's voice got my knees weak. Muli akong umupo sa swivel chair at isinandal ang ulo sa likod nito."What do you want us to talk, darling?""How's your day?" tanong niya."It was fine. How about you? You went to the foundation?""It was tiring. I s

  • Sunset Behind Waves   Kabanata 55

    I will find her, or I'll die trying.The girl came to visit me through my dreams again. I already lost count how many times did this happened but all I could remember is the great feeling she never failed to make me feel.Is it even possible to fall in love with someone you just met in your dreams? In times when your defense is weak, heart is slowly beating, and unconscious soul that won't even remember the scenes tomorrow morning.It is strange to wake up with eyes looking for someone not there. Strange as how my heart beats for someone I haven't met yet. Homesick for a girl that feels like home.To the girl in my dreams, whoever you are, I will always wait for you."Damn, Weino! You are getting crazier every passing day! How can you find that girl in your dream?!" Richard hissed.I turned to him with no emotion marked on my face. Ilang sandaling nanatili ang tingin ko sa kanya bago tinungga ang alak sa isang bagsakan.His eyes

  • Sunset Behind Waves   Kabanata 54

    It was almost an airy whisper. Marahan niya akong dinala paupo sa kanyang hita. I tried to get up but he halted me. Umusog siya saka pinagparte ang mga hita. Nahulog ako sa espasyo sa pagitan nito at kaagad na ikinulong ni Weino. His legs were locking me in between them!Nanindig ang balahibo ko nang tumama ang kanyang daliri sa aking leeg nang sikupin niya ang mga hibla ng aking buhok."Are you hungry?" he asked."No...""Does your head hurt?""No..."He went silent for a moment."What do you want to do?""I want to eat," agap ko."I thought you are not hungry?"I frowned. Umayos ka, Chio!"What exactly do you want to do, darling?" naniniguradong tanong ni Weino.Bumuntong hininga ako."I want to sleep again," tugon ko, hindi sigurado.I can imagine him raising his brow at my remark. Kulang nalang ay tampalin ko ang noo dahil sa sobrang kalutangan ko.

  • Sunset Behind Waves   Kabanata 53

    Wala na akong oras para mag-reply pa. Nagsimula na akong mataranta kaya paulit ulit kong kinalabit si Calin.He turned to me. Magpapaalam na sana ako nang bigla niya akong abutan ng bote ng alak."Calm down. Para kang naiihi riyan!" he said as a chuckled came to follow his words.Nagkatinginan kami ni Jaeous. Bumakas sa mukha niya ang pagtataka nang makitang hindi na ako mapakali. Nahulog ang tingin niya sa phone ko nang makitang umilaw ito."Hinahanap ka na?" he asked."O-oo..."Tipid siyang tumango. Binalingan niya si Calin at sinubukan itong kausapin. But Calin looks like he is a bit tipsy. Tawa lang siya nang tawa at mukhang hindi naiintindihan ang sinasabi ni Jaeous."Sino?" tanong ni Calin saka ako binalingan."Uuwi na---" natigil ako nang mag-ring ang phone.Sasagutin ko na sana ito nang bigla itong hablutin ni Calin."Galit ka sa kanya, diba? Then enjoy the night! Party!" sigaw

  • Sunset Behind Waves   Kabanata 52

    Iniliko ko ang sasakyan sa pinakadulo ng parking lot. Handa na akong iparada ito nang biglang mag-vibrate ang phone. Itinuloy ko ang pagmamaneho hanggang sa naiparada ko ito ng maayos.I unclasped my seatbelt and bent to reach my bag. Tamad kong kinuha ang phone at nangunot ang noo nang lumabas ang pangalan ni Weino sa screen.I received six messages from him. Ang iba ay kagabi lang natanggap pero hindi ko pa nababasa.Weino:Rest if you're not able to handle the anger anymore. Magpapahinga rin ako pero bukas aayusin na natin 'to. I don't want to leave you so we will talk when our mind is calm.Weino:I love you, in case you forgot because we're in this mess. Rest assured, I love you.Weino:Eat your meal.Weino:Let's talk, Chio. I'll be home to see you in my house tonight. Wait me there.Weino:Don't leave my house. Do you want something? I'll buy it for you.Weino:Something importan

  • Sunset Behind Waves   Kabanata 51

    I'm back at it again. After a long fight, everything eventually fell into its place. From Isla Ardor to Priacosta, peace is here with me.Pagkauwi ko ng Priacosta ay unang nakipagkita si Tita. I agreed immediately since it's been a while since the last time I saw her. Makikibalita na rin ako tungkol sa nangyari kay Auntie Lurie.Medjo matao ang lugar na pinagkitaan namin. I was actually expecting for her to meet me in Rouseau. Kaya ganun nalang ang pagtataka ko nang inaya niya ako sa isang coffee shop malapit sa DAFC."How are you, Tita?" ako na ang nagkusang basagin ang katahimikan sa pagitan namin.Maybe it is time to give myself a closure. Sa lahat ng bagay na iniwan kong walang kasiguraduhan at para na rin sa mga tanong na hindi pa rin nasasagot hanggang ngayon."I'm fine, Chio. Ikaw? Kumusta ka?"I smiled."I'm doing great..."Ngumiti siya sa bago sumimsim sa kanyang kape. Uminom na rin ako para kahit papaano ay maib

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status