Share

Kabanata 8

Alas singko y media na nang nagpasya si Richard na magpaalam. Hinatid namin siya ni Weino sa labas. My eyes couldn't leave the view of men in black surrounding Rouseau. Bodyguards niya iyon na kung hindi ko man lang tinanong ay hindi ko pa malalaman.

Bahagya pa ngang nagkagulo sa loob ng Rouseau dahil may isang nakakilala sa kanya. Buti nalang at nakasakay na siya ng van bago pa man kumalat na nandito siya. Baka dumagsa na ang mga dalaga sa Priacosta pag nagkataon.

"We only have thirty minutes to prepare for Vanity's birthday," si Weino nang nakabalik kami sa opisina ko.

"Alam mo ba kung nasaan ang bahay nila?" I asked. 

Ang sabi ay malapit lang iyon sa hotel kaya nagbabakasali akong alam ni Weino iyon. Maagang nagsara ang shop dahil sa espesyal na araw ni Vanity. Kaya naman ay wala kaming makakasabay na pumunta roon.

"I think so..." 

Ngumiti ako sa kanya. Tinungo ko ang mesa saka mabilis na hinagip ang bag at muling pumihit pabalik sa kanya. Siya na ang nagsara ng shop habang ako naman ay sa sasakyan na niya naghintay.

"Uuwi ako ng mansyon para magpaalam kay Papa. Doon narin ako mag-aayos. How about you?" 

Sunod-sunod kong sinabi nang makaupo siya sa driver's seat. The engine roared to life. Bago nagsimulang magmaneho ay nilingon niya pa ako.

"Pupunta ako sa hotel. Malapit lang iyon sa mansyon kaya hindi ako matatagalan. Wait me there, Chio. I'll pick you up."

And that's what we have decided to do. Alam kong malelate kami ni Weino kaya nag-text na ako kay Vanity. Minadali ko ang pag-aayos. 

Isang silk dress ang napili kong suotin na binagayan ng beach sandals. Sa tabing dagat ang bahay na nasabi ni Maliyah sa akin bago siya tuluyang umalis ng shop kanina. She even reminded me to wear something that isn't too much revealing dahil malamig na daw pag gabi.

Hindi naman ako lamigin kaya okay lang siguro na ito na lang. Hahayaan ko naman ang mahabang buhok na lumugay sa aking likod. Makakatulong 'yon para sanggain ang nagbabantang lamig ng gabi. 

I didn't bother to put too much effort on my face. Kaonting liptint lang at blush on ay ayos na ako. Sakto lang nang may kumatok na sa pinto ng aking kwarto.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa harap ng vanity mirror saka hinagip ang purse na naglalaman ng phone at pera. Tinungo ko ang pintuan.

Sinalubong ako ng nakangiting mukha ni Aling Debbie nang buksan ko ang pinto. She handed me the gift I requested her to wrap. 

"Ayos na po iyan, Ma'am Chio. Sinigurado ko na hindi madaling punitin ang pinambalot ko," sambit niya saka tumawa.

I laughed with her idea. Isinara ko na ang pinto at naglakad papunta sa baba. Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin.

"Nakauwi na ba si Papa?" tanong ko.

"Wala pa po, Ma'am. Pero pwede ka namang pumunta at ako na ang bahalang magsabi sa kanya kung nasaan ka."

Tumango ako. 

"Siya nga pala, nandiyan na sa labas ang sundo mo. Iyong binatang Zaldego."

Nilingon ko siya nang narating ang labas ng mansyon. 

"Sige po. Salamat, Aling Debbie!"

Ngumiti siya at kumaway.

"Mag-enjoy ka ro'n, Ma'am Chio!"

I smiled and nodded at her immediately. Tinalikuran ko siya sabay hanap ng mga mata kay Weino. 

Nadatnan siya ng aking mata sa likod ng tarangkahan patungo sa likod na bahagi ng mansyon kung nasaan ang dalampasigan. I craned my neck to see the hotel nearby. Nakapagitna ito sa mansyon at Rouseau. 

Ibinalik ko ang tingin sa kanya. Our eyes immediately met. Inangat niya ang kamay kung nasaan ang relong pambisig saka tinuro 'yon.

I took a deep breath and advanced to him. Tahimik lang siyang pinagmamasdan ang bawat kilos ko. His hands were on the pockets of his khaki shorts. Maluwag na nakayakap sa kanyang katawan ang white bohemian polo na bahagyang ipinapakita ang kanyang dibdib.

A familiar scent filled my nose when I stopped beside him. Saka ko lang napansin na bagong ligo si Weino. Sumasayaw ang buhok niyang medjo basa pa ang dulo kasabay ng marahang hampas ng panggabing hangin.

"Hi," he greeted as his arm moved to snake around my waist.

"Hello..."

It was an awkward response from me. Nagsalubong ang kilay niya at bahagyang ipinilig ang ulo. I gulped when the back of his hand touched my shoulder. Inayos niya ang nalukot na strap ng suot kong silk dress.

"It's already night, Chio. Malamig na lalo pa't sa tabing dagat ang punta natin," he said.

Tipid akong ngumiti.

"I can bear the coldness of the air, Weino," tugon ko. "Tara na?"

Matagal pa bago siya sumagot. Nanatili ang pagtataka sa kanyang mga mata kaya hindi na ako mapakali. 

A sigh of relief escaped from my mouth when we started taking the small way leading to the shore. Niyakap ng buhangin ang mga paa ko sa bawat paghakbang. 

Binasag ng marahang paghalik ng alon sa dalampasigan ang katahimikang unti unting pumapagitna sa amin. Sinulyapan ko si Weino at nakitang nasa madilim na kalangitan ang tingin niya.

His hold on my waist loosened and gradually fell on my side, finding my hand near him. Pinagsaklop niya ang mga kamay namin saka ako nilingon.

"There will be girls when we get there, Chio. Do you want to make friends with them?" he asked.

"Yeah, why?" mahinang sagot ko.

"If you don't want to make friends, I can just stay beside you to keep you entertained. I won't let you stay on the side and just stare at them having fun."

Namilog ang mga mata ko. Hanggang ngayon ay ako parin pala ang inaalala niya.

"E, ikaw?" naitanong ko.

"Hmm?"

Inalis ko ang tingin sa kanya.

"Siguradong may inuman doon, Weino. Iinom ka ba pag inaya ka?" then I gazed at him.

Without hesitation, Weino shook his head in disagreement. Nagsalubong ang kilay ko dahil sa tugon niya.

"Hindi ako iinom," he sighed. "I need to keep my senses. Ihahatid pa kita pauwi."

"Kaya ko naman umuwi! Malapit lang din ang mansyon. Huwag mo na akong ihatid."

His grip on my hand tightened. Minsan pa ay pinipisil niya ang kamay ko pag may pagkakataon.

"You can't change my mind this time..."

"It's true, Weino. Kaya ko talaga umuwi mag-isa."

Hinuli niya ang aking mga mata, ang tingin ay tila nagbabanta.

"Why would you insist to go home alone if you can go home with me?" his voice was full of danger. 

"Don't you make excuses, Chio. There's no bodyguards around so you are under my responsibility."

Naramdaman ko ang galit sa kanyang boses dahil sa mga nasabi ko. Umakyat ang kamay niyang nakahawak sa aking kamay saka ako hinapit sa beywang.

"Come here..." he whispered and pulled me closer by my waist.

"Did I scare my darling, hmm?" 

My breath hitched when he softly brushed his nose against my cheek, sniffing my scent a little. 

"Answer me, Chio...am I too much?" malumanay niyang tanong saka sinalubong ang aking mga mata. 

Tumigil kami sa paglalakad. Umayos siya ng tayo, dahan dahang pinapakawalan ang beywang ko mula sa pagkakahawak niya. 

The wind blew in between us, messing my hair a little. Hinuli niya ang buhok kong inilipad ng hangin saka dinala sa likod ng aking tenga.

"It didn't promise the waiting season, Chio. But for you, I'll leave anything behind," he said in a low voice.

Tila nawalang bigla ang galit sa boses niya at naging malamyos ito na animo'y hinehele ako sa ibabaw ng mga ulap.

"I can see that you are still enjoying your solitude so I won't disturb you until you want me to because you need me in your life."

Biglang nag-iba ang ihip ng hangin na nagmumula sa malawak na karagatan sa tabi. Humaplos ang sinseridad sa aking puso na hindi ko man lang namalayan na kanina pa pala nag-iinit dahil sa mga salita ni Weino.

The calm, cold, and restless heart of mine was given a chance to feel the warmth of his words. Sincere and true.

Sa gitna ng dilim, sa pagitan ng katahimikan at ingay ng alon, at sa pagkawala ko sa mundo na nasa loob ng kanyang mga mata ay unti unting sumuko ang oras sa sariling tibok ng puso. 

A harsh and blinding light came to break our gaze. Naipikit ko ang mga mata, at nang nagmulat ay kumaway ang imahe ni Vanity na tumatakbo na palapit sa amin.

Sumayaw ang dala niyang lampara na siyang pinanggagalingan ng ilaw. Kung saan man nanggaling ang marahas na ilaw kanina ay hindi ko na alam.

Weino cleared his throat before he faced Vanity's direction, with the cold and snobbish look on his face.

"Ma'am Chio!" sigaw ni Vanity na parang kanina pa ako hinihintay.

I rerouted my eyes to see her. Huminto siya sa tapat ko, bahagyang naitukod ang kamay sa kanyang tuhod para habulin ang hininga.

"Ayos ka lang ba? Bakit ka naman tumakbo, Vanity?" tanong ko saka siya tinulungang makatayo.

"Kanina pa po nag-umpisa ang handaan. Akala ko hindi ka na dadating kaya masaya ako na nakita kita rito," humugot siya ng malalim na hininga. "Kanina ka pa hinihintay ni Maliyah."

Guilt suddenly consoled the overwhelming feeling I had earlier. Lumipad ng tingin niya kay Weino at ngumiti.

"Hi, Sir Weino!"

A small smile crept on his lips.

"Happy birthday..."

"Thank you, Sir!" si Vanity bago ako tinapunan ng tingin.

"Happy birthday!" bati ko at inilahad ang dalang regalo.

Bumaba ang tingin ni Vanity roon saka mas lalong napangiti.

"Salamat, Ma'am! Pero hindi na sana kayo nag-abala pa..."

Tinanggap niya ang regalo. Nang bumalik na sa normal ang paghinga ay dinala niya kami sa kumpulan ng mga bisita niyang nagkakasiyahan na. Nakaupo sila paikot sa bilugang mesa. 

Natigil sila at sandaling namayani ang katahimikan nang mapansin kami ni Weino. Vanity introduced us as well as her friends.

"Ang ganda pala ng anak ni Gov, noh?" a man complimented.

"Siyempre! Gwapo rin naman si Gov!"

"Umusog ka do'n! Masikip na, hindi siya magkakasya rito. Nakakahiya naman kung tatama ang balat niya sa akin. Parang ang mahal!"

Some laughed due to the girl's words. Medjo naghehysterical pa siya at halatang kinakabahan.

"Ayos lang naman ako. Huwag kayong mag-alala..."

I suddenly stopped with my remark. Sana lang ay hindi pangit ang pagkakasabi ko no'n.

Hindi nakaligtas si Weino sa tingin ng iilang babae sa grupo. I can see the desire in their eyes towards him. An image of them drooling over Weino waved at me.

I can't blame them. I am almost there to believe that Weino's image can really give you some wild thoughts.

"Vanity! Dalhin mo rito si Weino! Usapang lalaki ang kailangan niyan," someone from the group of men on the other table shouted.

Nilingon ko ang gawing iyon. Nag-iinuman nga sila gaya ng nahinuha ko kanina. May tatlong bote ng local rhum ang nasa mesa at isang maliit na baso na pinapaikot.

Tumama ang tingin ko kay Weino. He glanced at me, with an innocent look on his face.

"Pwede kang sumali sa kanila, Sir Weino! Andoon naman si Jake, pwede mong kausapin doon," ani Vanity.

"Go and enjoy, Weino. Umiinom ka naman ng local rhum, diba?" sambit ko pa.

Weino's eyes never left me. Nagtagal pa ang mga ito sa akin.

"I drink local rhum..." tugon niya, inignora ang nauna kong sinabi.

"Then you should drink!"

Nagulat ako sa sariling boses. Hindi ko sinasadya na magtunog galit. Napalakas lang ang pagkakasabi ko pero okay lang naman sa akin na uminom siya!

Umangat ang sulok ng kanyang labi. Para bang nasisiyahan siya sa naging reaksyon ko. A man from the group of men stood up, holding a glass of rhum. Lumapit siya sa amin at basta nalang iniabot kay Weino ang baso.

Nilingon siya ni Weino.

"Shot ka muna, Weino!" 

Namamanghang ibinalik ni Weino ang tingin sa akin.

"No, thank you. My girl wouldn't like that..." he said, with eyes fixated at me.

Walang umalma sa naging tugon ni Weino. Umugong ang bulungan mula sa grupo ng mga babae na minsan pa ay napapatili ng wala sa oras.

At tinotoo nga ni Weino ang sinabi niya kanina. Ilang ulit siyang inaya ng mga kalalakihan na sumali sa kanila pero malakas ang naging paninindigan niya sa sagot niya. 

Naupo ako sa tabi ni Vanity, tuluyan ng nakisali sa grupo ng mga kababaihan na pinaghalong kaibigan, kamag-anak, at kapatid ni Vanity. 

Sa tabi ko ay naroon si Weino, nakaupo at pasimpleng hinahapit ang beywang ko palapit sa kanya. This is not the first time that he grabbed my waist. But the same amount of chills resonates everytime he'd hold me that tight.

Pakiramdam ko ay ayaw niya akong mawala sa kanya.

"Tutal ayaw mo namang makisali, dito ka nalang uminom, Weino," sabi ng isang lalaki at nag-abot ng inumin kay Weino.

Ako na ang nagkusang tumanggap no'n. Sigurado akong hindi iyon tatanggapin ng katabi ko pag hindi ako ang magbibigay.

The man left me with a smile. Nilapag ko sa harap ni Weino ang baso at rhum na hindi pa nabubuksan.

Then I realized something. Kung uubusin niya ito mag-isa ay baka malasing siya. Mukhang hindi pa naman sanay si Weino sa ganitong inumin.

"Drink if you want, Weino. I'll be staying here so there's no need to worry about," sambit ko at ngumiti.

"Later, Chio..."

Sumuko ako sa kagustuhan niya. Hinayaan ko siya na makinig lang sa usapan namin. Sensitive topics only for girls are inevitable. Whenever sensual topics would arise, I usually shut my mouth to contain my side.

"Para sa forever single na kagaya ko, curious talaga ako kung ano ang feeling na mahalikan."

Nasamid ako sa sariling laway dahil sa direktang tanong ng isa sa amin. Nagkatinginan kami ni Vanity na medjo natatawa narin. Ilang sandali pa ay nasundan ito ng iilang bulgar na tanong.

"Do neck kisses can make your knees tremble? Pasensya na ha? Wala talaga akong alam."

"Do you guys like foreplay?"

Napaawang ang labi ko. Ang katabi ko ay walang pasabi na kinuha ang bote ng rhum saka ito mabilis na binuksan. He poured some on his glass. Tinungga niya ito sa isang bagsakan.

Weino suddenly felt uneasy. Akala ko ay wala na siyang balak na galawin ang rhum pero nung naging ganito ang usapan ay ilang shot na ang kaagad niyang nainom.

"Nakakawala ng ulirat ang pahalik halik sa tenga! Tapos sasabayan pa ng mahihinang ungol!"

Hinuli ni Weino ang ilang makukulit na hibla ng aking buhok saka ito isinumping sa aking tenga.

"Let's keep your innocence, darling. Wanna talk something else?" Weino asked, trying to get my attention.

I smiled and nodded. Pasimple kong binalingan ang mga kasama na patuloy parin sa pinag-uusapan. Yes, this is awkward. 

Pero nung bumaling ako muli kay Weino ay mas nadepina no'n ang pagkailang ko.

Weino, I am not that innocent as you think I am.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status