Share

Kabanata 9

Marahas na ang atake ng araw nang nagising ako kinabukasan. Inilipad ng pang-umagang hangin ang dalawang makakapal na kurtinang nakatabing sa bintana ng aking kwarto.

I sighed and got up. Mag-aalas diyes na ata nung nakauwi kami kagabi. Pagkatapos ng nakakailang na usapang iyon, hindi dahil bago sa akin ang topic nila kundi dahil nasa tabi ko si Weino at nakikinig, ay inaya kami ni Vanity sa loob para kumain. 

It was just a simple celebration but I enjoyed the people's company and warm approach. Kaya lang ay nag-aya na akong umuwi ng mas maaga dahil iniisip ko na may trabaho pa kinabukasan.

But today is Sunday. Walang pasok kaya naman buong araw akong tambay rito sa mansyon. Or maybe I can go and visit the foundation. Balita ko ay sinimulan na nila ang renovation doon.

I have my own desires sa kung ano ang dapat na baguhin sa foundation. The rooms, the facilities, the kitchen, and even the receiving area for the visitors, I do have all the plans. 

Pero hindi ko hawak ang pamamalakad sa foundation. Thinking that I don't have a single right to execute my plans on my mother's property, I should not partake in any of the operations they will do.

Sinabi ko ang mga gusto kong gawin at ipabago kay Calin. Makikinig iyon, alam ko. The first time we met he asked me if I will take back the position of my mother. Humindi ako dahil kasalukuyan ko pang pinamamahalaan ang Rouseau. But since he has a big respect for me and for my late mother, he would do whatever I want, considering that I am the said 'marchioness'.

Sinikop ko ang magulo kong buhok saka ito itinali sa isang ponytail. Hinagip ko ang cellphone sa bed side table at bumaba na para mag-agahan. 

Plano kong magdilig ng mga halaman o 'di kaya ay maligo sa parte ng dagat na sakop pa ng mansyon. Today is a great day to dip myself into the pristine water of Priacosta. 

"Good morning, Ma'am!" bati ni Aling Debbie nang mapansin ang pagdating ko sa hapag.

Ngumiti ako.

"Good morning..."

Naupo ako sa kanan ng kabisera. Papa lifted his eyes to see me. Nagbabasa siya ng dyaryo kanina.

"You woke up late," he then smiled. "Well, today is Sunday. Rest day, isn't it?" 

Tumango ako. Inabot ko ang salad malapit sa kanya. Muling ibinalik ni Papa ang tingin sa dyaryo para muling magbasa. 

"Do you have plans for today? I asked someone to do your dress for the reunion. Kukunin nila ang sukat mo. Kung may lakad ka ay pababalikin ko nalang sa susunod."

Right! Tapos na ang kaarawan ni Vanity. Ngayon ay kailangan kong maghanda para sa reunion. 

"I'm free this morning. Maliligo lang naman ako sa dagat tapos ay aalis ako ng hapon. Yes, we can do that this morning."

Papa nodded at me without his eyes leaving the newspaper on his hand. Siguro ay tapos na siyang kumain. Late nga talaga akong nagising.

"Don't forget to remind Weino about that," he said.

Uminom ako ng tubig. Nangalahati agad iyon kaya mabilis na dumalo si Aling Debbie para punoin ang baso ko.

"Thank you," sambit ko na ginantihan niya ng ngiti.

"I will..."

Pagkatapos ng agahan ay nagtungo ako sa kwarto para magbihis na ng panligo. Wearing my maroon sporty swim wear, I went out of the mansion to meet the sea. 

Dahil pribado ay ako lang ang narito maliban sa dalawang kasambahay na inatasan ni Papa na magbantay sa akin. Ilang metro ang layo nila sa akin tulad ng sinabi ni Papa. He might knew that I don't want people's presence tailing me to wherever I go. 

Naupo ako sa isang sun lounger. Abot parin hanggang dito ang connection ng wifi kaya kinausap ko muna sa Polona sa F******k.

Her phone vibrated when I annoyed her through a video call. 

"Hi, Polly!" salubong ko nang sagutin niya. 

Her bed look greeted me. Pumipikit pikit pa ang kanyang mga mata na halatang inaantok pa. I secretly smiled while staring at her sleepy face.

"You look exhausted, Polona. Anong oras ka natulog kagabi?"

She yawned. 

"Ngayon lang ako natulog, Chio. Hindi pa nag-lilimang minuto tumawag ka na," mapait niyang tugon.

Umismid siya saka hinaplos ang kanyang leeg. Now I feel guilty for disturbing her sleep. That sleep deprived girl is annoyed by my call.

"Matulog ka nalang ulit. I'll call back when my instinct tells me that you are back in your mood."

Pinigilan ko ang sarili na huwag magtunog nang-aasar. Polona rolled her eyes and shook her head a little.

"Talk now. I'll listen..."

"You sure?"

"Yeah. It's been a while, Chio. We need to catch up. And I have no one here to listen to all of my shits so let's talk now."

I took a deep breath. Hinanda ko ang lahat ng sasabihin ko. At nang mapansin na okay na si Polona at gising na ang diwa ay nagsimula na akong magsalita. I told her every single detail of what had happened to me here in Priacosta.

 

I made an introduction first. Tungkol lang sa ganda at mga tourist spots ang sinabi ko para hindi siya mabigla sa mga susunod na sasabihin. She nodded at every word that I say, looking so astonished by the details of Priacosta.

Pero nung binanggit ko na ang nangyari nitong mga nakaraan sa amin ni Weino ay natigilan siya.

A teasing smile crept on her lips as she tilted her head in full elegance. Kuminang ang suot niyang hikaw na mukhang hindi niya natanggal kagabi. She doesn't wear jewelries when she sleeps. 

"Someone just caught your interest, huh? The great Chio who always refuses the call of love is now falling in love," tumawa siya sa kabilang linya.

"I can see that someone is slowly putting her guards down. Does love can really make you take the risk?"

Umiling ako sa sinabi niya. She has the same exact reaction with Zeri. Gano'n na ba ako ka anti-relationship dati kaya gulat at namamangha sila sa akin ngayon?

"When did I say that I am falling in love?" tanong ko na mas ikinatawa niya.

"Ngayon..." 

Polona winked at me and started laughing again. Akma na akong gagawa ng protesta pero natigilan ako nang mapansin ang kanyang ngiti.

That genuine smile shows only when she's really having fun. Ngayon ko lang ulit nakita ang ngiti niyang iyan. 

"Enough for me. How about you, Polona? Still living the lowkey stalking life?"

Biglang nag-iba ang ekspresyon sa kanyang mukha. Ang kaninang ngiti ay nawala. Maging ang mga mata ay naging malungkot. 

"I'm so low, Chio. Imagine me, Primelle Polona Ferodiaz, the girl who everybody thinks that is full of power and authority, the epitome of elegance and class, and the famous wedding organizer is now living her life to the lowest of low."

Her voice almost broke.

"Polona..."

" 'You are indeed powerful and great, Polona. But you've lost your elegance and class just to chase me. I don't see a woman that way', that's what he said, Chio. Ininsulto niya ako sa mismong harap ko," nabasag ang kanyang boses kasabay ng pagtataksil ng isang butil ng luha.

"I sometimes think of why did I end up being like this. This low, this pity, this wreck, and this misserable. Nagmahal lang naman ako..." 

Hindi ako nagsalita at hinayaan lang siyang ilabas ang lahat ng sakit na kinukulong siya sa sariling pighati.

"Everyone thinks that love is simple and easy. No, it is expensive. So much expensive that only your precious tears and broken heart can afford to have it."

Nasasaktan ako. Naiinis ako sa sarili dahil wala ako sa tabi ni Polona habang hinahayaan niya ang sarili na masaktan. She is used to feel my presence whenever she's hurt. Pero ngayon ay wala akong magawa para palisin ang luhang nagsilandasan sa kanyang pisngi.

The irony of life that she is a well-known wedding organizer yet she couldn't organize her own wedding, because in the first place, the love she wants is running away from her.

"I just want a break. I only want a day where it feels like I am not falling apart and breaking anymore," she said in a low voice. 

"Kasi pag naging okay na ako, babalik ulit ako sa pagtakbo para habulin siya. Katangahan, oo, pero ayos lang."

Polona's words terrified me for a moment. A realization hit me regarding of what situation I am in and what I might end up in.

I am at peace and unbothered. But when I look at him, it terrifies me. It terrifies me what would I do for him.

What would I ever do for you, Weino?

Inilubog ko ang sarili sa ilalim ng malinaw na tubig ng Priacosta. Nanatili ako sa ilalim ng ilang sandali bago umahon. Humugot ako ng malalim na hininga saka nilingon ang araw. 

The sun is at its peak. Dumoble ang tingkad nito kumpara kanina. Ang atake ng kanyang sinag ay marahas. 

Bumaba ang tingin ko sa tubig na marahang pinagpaparte ng maliliit na alon. The calm water of the sea reflected the sun's glowing light. 

It calms me a bit. It is the sun's nature to strike its scorching light almost the whole day. But eventually, as the time passes by, its sunlight will lose its power and shine. And here in Priacosta, the visibility of the tranquil vast sea is high. 

At the end of the day, during sunset, the exhausted sun will hide behind the wild waves of Priacosta. It will paint the sky in pastel colors so that people would see its grace and beauty. 

Just like the sun, I am now radiating my light and power to the people around me. And anytime soon, when it is time, I will hide behind someone who resembles the wild waves of the sea. 

We will meet like the sun meets the sea, at the end of the day. The day where everyone will see the sunset behind waves.

Unti unti nang namumula ang balat ko. Dahil narin siguro sa ilang minuto kong pagbababad sa ilalim ng araw at sa tubig dagat.

I dipped myself once again. Nagsimula akong lumangoy pabalik sa dalampasigan. When my feet could now reach the sand, I resurfaced and started walking.

Sandali akong natigilan sa paglalakad nang madatnan ko ang imahe ni Weino na nakaupo sa isang sun lounger hawak ang isang cellphone. 

His eyes suddenly met mine. Lumapit ang isang kasambahay sa kanya at inabot ang puting bathrobe. I gasped for air and neared him.

Inilapag niya ang hawak na phone sa tabi at tumayo. He didn't move. Hinintay niya lang ako na makalapit.

"Hi," salubong ko sa kanya. 

"Hi," he said and handed me the bathrobe.

Tinanggap ko iyon at sinuot. Iginiya niya ako paupo sa kaharap na isa pang sun lounger habang siya ay naupo sa katabing isa pa.

"Buti nakapasok ka? Nagkita kayo ni Papa?" tanong ko saka hinagip ang phone sa gilid.

"Aling Debbie let me in. Your father wasn't here when I arrived..."

Tumango ako. Sinulyapan ko ang mga kasambahay. They panicked when they felt my gaze. Nagkatinginan sila at 'di kalauna'y nagpaalam na aalis.

I returned my gaze on Weino. Nakatingin siya sa akin at may multo ng ngiti sa labi.

"You didn't tell me you wanted to feel the sea. Sana sinamahan kita..."

He leaned closer so he could reach my hair. Dinala niya ito sa likod ng aking tenga.

"Akala ko lasing ka kagabi kaya hindi na ako nag-abala na ayain ka. Besides, this was unplanned." 

"Hindi naman ako nalasing. My alcohol tolerance is too high for that rhum."

Ngumuso ako. Kung sabagay...

Sa panandaliang katahimikan ay biglang tumunog ang phone ko. Sabay naming nilingon iyon. 

An unregistered number is calling me.

Sinagot ko iyon, nakakunot na ang noo.

"Hello?"

"Hi...this is Engineer Altezano, Miss Alcoreza."

Umawang ang labi ko. Pasimple kong nilingon si Weino. His brows shut.

"Yes, Engineer Altezano? Napatawag ka?" nag-aalangang sambit ko.

Weino's eyes went dark. Tumaas din ang isa niyang kilay habang hindi inaalis ang tingin sa akin.

"Put it on loud speak..." he mouthed.

Nakuha ko kaagad iyon. Inilayo ko ang phone sa aking tenga. Ginawa ko ang sinabi niya at nilagay sa pagitan namin ang phone.

"I got your number from Calin. I just want to ask when will you visit the foundation again."

Hindi ako makasagot ng maayos dahil sa nagbabantang mga mata ni Weino. He is now more attentive than me.

"I'm not yet sure. Why? Kailangan ba ako riyan?"

Someone chuckled from the background. Ang tawang 'yon ay parang kay Calin.

"OMG! So dumadamoves ka na nga kay Chio, ha, Jaeous?" boses nga iyon ni Calin.

"I see. Tell me if ever so I can prepare something for you," sabi ni Jaeous na inignora lang ang sinabi ni Calin.

"Y-yeah...sure!" 

Hindi ko na mapangalanan ang emosyon sa mukha ni Weino ngayon. The call has ended but the darkness in his eyes remained visible.

"Nga pala, iyong reunion huwag mong kalimutan," I said, a bit nervous.

Tumango siya at hindi na nagsalita. Inalis niya ang tingin sa akin para balingan ang phone. May kung anong kinalikot siya roon.

"Papasok na muna ako para magbihis..." paalam ko kahit parang hindi naman siya nakikinig.

I got no response from him. Tatayo na sana ako nang biglang may natanggap na mensahe ang phone ko. 

I opened it. Kay Jaeous ata. Unregistered number parin.

Unknown:

I hate your men.

Napaawang ang labi ko kasabay ng paggapang ng kaba sa aking sistema.

I tapped the reply button. Nasa kalagitnaan na ako ng pagtitipa nang biglang may pumasok ulit na mensahe mula sa parehong numero.

Unknown:

Give me your attention, darling. Spend the day with me. 

Binura ko ang naunang irereply at mabilis na bumuo ng panibago. I glanced at Weino.

Ako:

Weino? Where did you get my number?

Wala pang ilang minuto ay natanggap ko na ang reply niya.

Unknown: 

Yours truly. I got it from your phone. 

Muli akong nagtipa.

Ako:

It has a face recognition lock. How come you opened it?

Unknown:

I have saved some of your pictures from your social media accounts. I used it to open your phone. Satisfied?

Ako:

Smart ass...

Nilingon ko siya. He smirked, looking so proud of his intelligent move. Ngayon ay mukhang nawala na ang galit niya kaya makakausap ko na siya ng mabuti. 

Good thing, Chio that you know how to calm the waves before it turns into wild ones.

Weino got up and faced me. Bumagsak ang tingin niya sa phone at may kung anong pinindot doon. Hinintay ko ang pagtunog ng phone ko dahil sa ideya na ako ang tinext niya.

 

But my hopes vanished when he brought his phone near his ear. Okay, he is calling someone.

"Send a yacht to the sea behind the governor's mansion then ready Isla Ardor. I'll be there with my girl."

He then ended the call. Nag-angat siya ng tingin. 

"Aalis ka?" pagmamaang maangan ko.

"Aalis tayo..." 

Lumapit siya sa akin. Naguguluhan kong sinundan ang kanyang kamay na patungo na sa bathrobe na suot ko. In a swift move, Weino managed to untie the ribbon hugging my waist. Lumuwag ang suot kong bathrobe at 'di kalauna'y nahulog ito sa aking braso.

"Weino..."

He helped me take off my bathrobe. Nang maialis iyon ay hinubad niya ang kanyang suot na polo saka ito iniwan sa sun lounger.

Ilang sandali pa ay tunog ng makina ang narinig ko. Lumipad ang tingin ko sa yateng papalapit sa amin. 

"You won't see that Engr. Altezano, Chio. I'd trap you in Isla Ardor if I need to."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status