MasukApril Ivy Lozano: POV
Pabagsak kong iniupo ang katawan kong pagod na pagod—hindi lang dahil sa trabaho, kundi dahil sa walang tigil na pag-iisip tungkol sa aking ama at sa tunay kong ina. Para bang hindi ako nauubusan ng bigat na pasan. At ngayon? Pagdating ko pa dito sa office—My God! Nakaka-stress silang lahat! Mga empleyado kong hindi marunong sumunod kahit sa simpleng instruction! Mahirap bang intindihin ang mga sinabi ko? Para silang mga pipi at bulag na wala sa tamang direksiyon! "Ughhh!" Madiin kong napahampas sa mesa ang ballpen kong hawak. "Kung akala nila matitiis ko ang kapabayaan nila, nagkakamali sila!" sigaw ko sa loob ng opisina, kahit mag-isa lang ako. Ang boses ko ay nag-echo pa sa apat na sulok ng kuwarto, tanda ng init ng ulo ko. Maya-maya’y sunod-sunod na katok ang umalingawngaw sa pintuan. Kumunot ang noo ko, mabigat ang hinga ko, at para bang gusto kong sabunutan kung sino man ang nanggugulo. Bumungad si Ricky, ang pusong babae kong secretary. Halata sa mukha niya ang kaba dahil alam niyang mainit ang ulo ko. "Anong problema, Ricky?" malamig kong tanong, sabay masungit na tingin sa kaniya mula ulo hanggang paa. "Pera na naman ba ang ipinunta nila rito? Sabihin mo na kung magkano ang gusto nila at matapos na!" Kitang-kita ko ang pag-aalangan ni Ricky na magsalita, nanginginig pa ang mga daliri niyang hawak ang folder. Pero bago pa man siya makaimik, bigla nang bumungad sa pinto ang pinaka-ayaw kong makita sa lahat—ang aking stepmother na nakataas ang kilay, kasama ang anak niyang si Claire, at kasunod nila… ang aking ama. Napakagat ako ng labi, pinigilan ang panginginig ng dibdib ko sa galit at pagkadismaya. "Well, well, well…" madiin kong sambit, puno ng panlalait at pang-aasar. "Ano na naman ang pakay ninyo rito? Gagawin n’yo bang palengke ang opisina ko?" Diretso ang tingin ko sa kanila, malamig, matalim, at walang bahid ng pag-aalinlangan. Para akong leon na handang umatake sa sinumang lalapit. "Ivy! Anong klaseng pagsalubong ‘yan sa iyong Mama?!" singhal ng aking ama sa akin, halos lumalabas na ang litid sa leeg niya sa galit. Huminga ako ng malalim, pilit pinipigilan ang sarili kong mapamura. Pero hindi ko na napigilan ang talim ng dila ko. "Ano bang pinunta n’yo rito at napaugod kayong lahat?!" sarkastiko kong tugon, sabay irap at nakahalukipkip na sumandal sa swivel chair ko. "Kung inaakala mong may paggalang pa ako sa’yo—kalimutan mo na. Wala na akong respeto sa ama na iniwan ang sarili niyang asawa para ipalit sa babaeng ‘yan!" sabay tingin ko ng masama sa stepmother ko. Napalunok ang ama ko, halatang nasaling ang konsensya pero pilit pa ring tinitibayan ang loob. "May program kasi ang kapatid mo," seryoso niyang sambit. "At kailangan niya ng napakaganda at napakabunggang gown na tanging ikaw lang ang makagagawa, Anak. Babayaran ko kahit magkano." "Babayaran?" biglang sabat ng aking stepmother na si Mrs. Lozano na ngayon habang pinapahid ang buhok niyang parang reyna kung umasta. "Para saan pa at naging anak mo siya kung babayaran mo lang naman ang gown ni Claire? Di sana sa abroad na lang tayo kumuha ng gown! Sayang pa ang pera." Napangisi ako ng mapait, saka ako bumulwak ng malakas na tawa. "Hahahahahaha! Gano’n pala, ha? Eh bakit hindi na lang kayo bumili sa abroad kung ganyan din lang! Mayaman naman kayo, ‘di ba? O baka naman lahat ng kayamanan ni Papa ubos na sa pagpapabango at pagpapaganda mo?" matalim kong sambit, bawat salita ay parang kutsilyong tinatarak sa ere. "Ngayon, lumabas na kayo sa opisina ko dahil may mga kliyente akong darating—at hindi ko hahayaang masayang ang oras ko sa mga taong wala namang silbi!" "BASTOS kang anak!" singhal ng aking ama, namumula na ang mukha at nanlilisik ang mga mata. Ramdam ko ang panginginig ng sahig sa lakas ng kanyang boses, pero hindi ako natinag. Tumayo ako mula sa pagkakaupo, tuwid ang likod at nakataas ang baba. "Kung bastos ang tingin mo sa akin, mas bastos ang ama na kayang ipagpalit ang tunay niyang pamilya. Kaya bago pa ko mawalan ng pasensya, lumayas na kayo." "Aba’t talaga namang—!" singhal sana sa akin ng aking stepmother, pero mabilis siyang pinigilan ng aking ama. Kita ko pa ang pamumula ng pisngi nito sa gigil, pero napigilan siya ng hawak sa braso ng aking ama. "Lumabas na muna kayo ni Claire, honey. Ako na ang kakausap sa anak ko," mariing saad ni Papa, pilit pinapakalma ang sitwasyon. Agad namang umiling ang stepmother ko, taas-kilay at puno ng disgusto. "No… umalis na tayo! Hindi ko hahayaang tapakan na lang ng anak mong ‘yan ang pride natin. Sa iba na lang tayo kumuha o magpagawa ng gown ni Claire! Mas marami pang designer d’yan na mas propesyonal!" Ngunit bago pa siya tuluyang makatalikod, agad na sumabat si Claire, halos mangiyak-ngiyak na hawak ang braso ng kanyang ina. "No, Mama!" halos pasigaw niyang sabi, sabay turo pa sa mga design book na naka-display sa gilid ng opisina ko. "Ma, this is the only one na highest level sa buong Pilipinas! Walang ibang kasing highclass ng mga designs dito! Lahat ng kaklase ko sa event pupunta—at hindi ako papayag na hindi ako standout!" bulong niya pero dama ang desperasyon, parang prinsesang natatakot mawalan ng korona. Napailing ako, saka ako mapait na ngumisi. "So, iyon lang pala ang dahilan ng drama n’yo—para sa isang gown? Nakakatawa." Nilakasan ko ang boses ko, tinitigan silang tatlo nang malamig. "Claire, kung akala mo madadaan mo ako sa iyak at papuri, nagkakamali ka. Hindi ako cheap na designer na kayang utusan kahit kailan. At kayo…" huminto ako saglit, tinusok ng tingin ang stepmother ko, "kung gusto n’yo ng gown na pang-abroad, ‘di doon kayo bumili. Ang pintuan, bukas. Huwag n’yo akong sayangin ng oras. “Let’s go! Matagal pa naman ang event kaya makakahanap pa tayo ng mas class pa na gown na gusto mo an—” mariing wika ng aking stepmother habang nakahawak sa balikat ni Claire. “Honey… lumabas muna kayo at kakausapin ko ang anak ko!” singhal ulit ng aking ama, at sa pagkakataong ito ay hindi na ito basta pakiusap kundi mariin na utos. Tumalim ang kanyang mga mata, bagay na nagpatahimik kahit sa mayabang kong stepmother. “Fine!” iritadong sagot niya, sabay irap sa akin na parang gusto niya akong lapain sa galit. Hinila niya si Claire palabas, at kahit halatang ayaw ng dalaga ay wala siyang nagawa kundi sumunod. Ang tunog ng matataas nilang takong ay nagsilbing musika ng inis na iniwan nila sa loob ng opisina. Maging si Ricky, ang secretary kong kanina pa nanginginig sa gilid, ay mabilis ding nagpaalam at dahan-dahang isinara ang pinto, alam niyang hindi niya dapat madamay sa eksenang ito. At tuluyan na nga kaming naiwan ni Papa—magkaharap, magkasalungat ang hininga, at kapwa matalim ang tingin. Tahimik ang buong opisina, maliban sa marahas kong paghinga at sa tunog ng orasan sa dingding na parang lalo pang nagpapaigting sa bigat ng sitwasyon. “Finally…” mahina kong bulong, sabay mapait na ngiti. “Solo na tayo, Papa.” To be continuedBiglang bumukas ang malalaking pinto ng Lusffer Mansion, at isang binata ang pumasok—matangkad, naka-itim, matapang ang tindig na parang sanay humarap sa panganib. Kahit hindi Lusffer ang dugo, may presensya siyang kayang magpatahimik ng buong hall. Tumigil ang musika. Napalingon ang mga tauhan. Napatayo ang board members. At si April… napasinghap, parang tumigil ang mundo. Dahan-dahang lumapit ang binata. “Pasensya na sa biglaang pagpasok,” mahina niyang sabi pero solid ang boses. “Pero kailangan n’yo akong pakinggan.” Napakunot ang noo ni Ethan. Nagtaka si Domerick. Lumapit si April, nanginginig ang kamay. “Maddox…” bulong niya. Napangiti ang binata—hindi yabang, kundi lungkot na may halong pangungulila. “Ako nga, Ma.” ANG PAGLILINAW Lumingon si April kay Domerick, at sa unang pagkakataon mula nang bumalik ito sa Lusffer Mansion… nakita niyang kailangan niyang sabihin ang katotohanang matagal niyang tinago. “Dom…” Halos maputol ang boses niya. Hindi
Sa pagdating nila sa Lusffer Mansion, parang rumagasa ang lamig ng nakaraan sa balat ni Domerick. Sa sandaling tumapak siya sa marmol na hagdan, isang malakas na pintig ng alaala ang bumalik sa kanya—ang huling gabi bago siya mawala, ang mga sigaw, ang pagtataksil, ang pagkalunod ng sarili niya sa isang utos na hindi sa kaniya nagmula. Humigpit ang hawak niya sa kamay ni April. “April…” mahina pero puno ng bigat. “Naaalala ko na lahat.” Nanginig ang babae, napahawak sa dibdib. “Ano… ano ang naaalala mo?” Napapikit si Domerick. “Lahat. Paano ako nilason ng mga kapatid ko. Paano nila inayos na mawala ako para makuha nila ang buong Lusffer Empire. Paano nila pinaghiwalay tayo… at si Ethan.” At parang sinindihan ang hangin, bumukas ang malalaking pinto. Sumalubong sa kanila ang tatlo—si Kenneth, ang panganay, si Shannara, ang babaeng puno ng lason ang dila, at si Renzo, ang pinakatuso. Nakatayo sila na tila may pag-aari sa buong mansyon, nakapangiti nang mapanlait, nakasuot ng mga br
Narinig ni April ang mahina ngunit nanginginig na buntong-hininga ni Domerick. Para bang bawat salitang binitawan niya ay may kumakaluskos na alaala sa loob ng isip ng lalaki. Kumapit ito sa gilid ng mesa, tila nahihilo, ngunit hindi na niya maitanggi ang pag-igting ng panga, ang pagbilis ng paghinga—mga senyales na may gumigising sa loob niya. “April…” basag niyang bulong, parang batang naliligaw. “Bakit… bakit parang ang sakit sa dibdib ko kapag sinasabi mong bumalik ako?” Lumapit si April, hawak ang nanginginig nitong braso. “Kasi,” mariin niyang sabi, “hindi ka ipinanganak para alipin nila. Isa kang Lusffer… asawa ko… at hindi ako papayag na mawala ka ulit.” Nanigas ang mga balikat ni Domerick. Parang biglang may sumiklab na init sa likod ng batok niya—isang pamilyar na apoy na matagal nang tinakpan ng takot at manipulasyon. Napatingin siya sa ama ni April, sa kabit nito, sa mga batang nakanganga pa rin sa gulat. Ngunit iba na ang tingin niya ngayon—hindi na pag-aalangan,
Hindi niya kailangang magsalita. Sapat na ang nakita niya. Dahan-dahang tumalikod si Dominick, marahang isinara ang pinto na para bang wala siyang nasaksihan. Pero ang bawat hakbang niya pababa sa hallway ay puno ng kontrol—ng plano—ng matagal nang hinihintay na pagkakataon. “Kung katawan ang puhunan nila…” mahina, halos pabulong niyang tawa, “…hindi ako matatalo sa ganyang laro.” Huminto siya sa likod ng malaking salamin na salamin din ng lungsod sa gabi. Kita niya ang repleksyon ng sariling matang hindi na inosente—kundi nanlilisik sa ambisyon. April… Maddox… Ethan… “Panahon na,” mahinang anunsyo niya. At ang susunod na galaw niya— Hindi na para makita. Kundi para maramdaman. Samantala… Nakarating kay April ang balitang kinampihan ni Mr. Elite ang anak niyang si Ethan. Parang biglang nanikip ang dibdib niya. Hindi pa man nauubos ang hinga niya, ramdam niyang unti-unting sumisikip ang paligid—parang may gumagapos sa kanya. Ano nanaman ang plano mo, Mr. Elite? Madiin ang b
Sa tahimik na lounge, marahas na sinara ni Shannara ang pinto. Mabibilis ang paghinga niya, galit ang nangingibabaw. “Bryan,” madiin niyang bulong, “bakit nagkaganoon ang papeles? Ikaw ang huling humawak. Anong ginawa mo?” Nakasandal lang si Atty. Bryan Contie sa mesa, mga kamay nakasuksok sa bulsa, pero ang tingin niya ay parang punyal. “Hindi ako ang nagpalit,” malamig niyang tugon. “Pero alam ko kung saan nangyari ang pagbabago.” Lumapit si Shannara, halos sunugin siya ng tingin. “Sabihin mo. Aayusin natin agad. Hindi puwedeng mawala kay Renzo ang kontrol. Hindi puwedeng si Ethan—” “Kayang-kaya kong ibalik ang original document,” putol ni Bryan, mabagal, malinaw. “Kayang-kaya kong burahin ang audit trail. Pati ang log history. Gagawin kong parang walang nangyari.” Napahinto si Shannara. Umaangat ang pag-asa. “Then gawin mo.” Pero hindi gumalaw si Bryan. Bagkus, siya ang lumapit. Hindi mabilis. Hindi marahas. Pero sapat para magdikit halos ang pagitan nila.
Biglang nanigas ang panga ni Renzo. Naputol ang ngiti. Si Shannara, bahagyang napaatras—parang may tumama sa sikmura niya. “Hindi mo naiintindihan—” pilit niyang sabi, mababa. Pero hindi siya pinatapos ni Ethan. “Ang nakalagay dito,” ulit ni Ethan, boses ay walang pakiramdam, “kapag pumirma ako, ako ang heir… oo.” Dahan-dahan niyang inilapag ang papel sa mesa. “Pero wala akong tunay na kapangyarihan. Ako lang ang mukha. At ikaw,” tumingin siya kay Renzo, diretso, walang takot, “ang may hawak ng lahat ng desisyon.” Tahimik ang buong opisina. Hangin lang ang narinig. At ang pagbitak ng isang imperyo na akala nila’y hawak nila. “Atty. Dominick Elite! Ano ito? Bakit ganito?! Bakit ganyan ang nakalagay sa papeles?!” Hindi na naiwasan ni Renzo ang pagtaas ng boses, nanginginig ang kamay habang hawak ang dokumento. “Sino ang nag-utos sa’yo para palitan ang mga papeles?!” Tahimik si Atty. Elite sa loob ng ilang segundo, bago niya mahinahong isinara ang ballpen na hawak, para bang







