LOGINSi Ricky, na matagal nang nakikibaka sa presensya ng boss, ay halos hindi na nata-takot—sanay na sanay siya sa galit at suklam ni Madam April Ivy Lozano.
“Yes, Madam A… ako na ang bahala sa kanya!” sabi niya, habang mabilis na naglalakad sa tabi ng boss. “Tara na po, Madam, sa opisina niyo bago pa kayo ma-stroke dito!” Biro niyang idinagdag, halos sabay halakhak sa sarili sa loob ng kanyang utak. Sa paligid, nanatiling frozen ang mga empleyado, halos hindi makapaniwala na nagbiro si Ricky sa harap ng Reyna ng Katarayan. Ngunit sa halip na galit, si Madam A. ay nagpakita ng konting kilay na itinaas lang—ang pinaka-subtle pero nakaka-intimidate na reaksyon. Si Ricky, kahit na natataranta sa intensity ng boss, ay patuloy na naglalakad at nagbiro sa kanyang sarili sa isip: “Kung kaya kong mabuhay sa mga araw na ito, aba’y makakaya ko rin kahit isang maliit na joke sa harap niya!” “KUMILOS NA KAYO NG MAAYOS KUNG AYAW NIYONG MASISANTING LAHAT!” singhal ni Madam A. , at halos pumutok ang boses niya sa intensity. Ang buong opisina ay nanahimik, bawat empleyado ay frozen sa kanilang mga pwesto. Halos maipit ang hangin sa bigat ng presensya niya—tila bawat mata ay nakatutok sa kanya, bawat galaw ay sinusukat at sinusuri. Ang mga empleyado, na kanina pa ay natataranta na, ay parang mga bata sa harap ng guro—may halong kaba at takot. May mga kamay na bahagyang nanginginig habang nagtatangkang ayusin ang mga make-up kits, may ilang natumba o nadulas sa sahig sa sobrang bilis ng kanilang pagtakbo, at halos lahat ay nagtatangkang maging invisible. “MADAM A! Pakiusap po, wag niyo po akong alisin sa trabaho!” sigaw ng isang empleyada, halos lumundag sa kaba habang humahabol sa mabilis na paglalakad ni Madam April Ivy Lozano. “Ngayon po ang unang araw ko rito… maawa po kayo sa akin!” Ngunit si Madam Ivy, abala sa bawat hakbang, tila walang napapansin kundi ang perpekto niyang aura ng supremacy at suplada. Ang mga mata niya’y nakatutok sa bawat galaw ng opisina, at ang bawat klak ng kanyang heels ay para bang nagbibilang ng bawat pagkukulang sa paligid. Ang empleyado ay parang maliit na daga sa harap ng leon—natutunaw ang boses sa kaba, nanginginig ang mga kamay, at halos luhaan sa takot. Ang puso niya’y kumakabog nang mabilis, habang pilit niyang iniisip ang lahat ng dahilan kung bakit hindi siya dapat tanggalin sa unang araw pa lang. “Maawa po kayo, Madam… hindi ko po intensyon ang magkamali!” dagdag niya, halos durog sa takot habang sinusubukang huminga nang mahinahon. Biglang napatigil sa paglalakad si Madam April Ivy Lozano. Ang buong opisina ay nanahimik, ang bawat mata ay nakatutok sa kanya. “So… first day mo!” singhal niya, ang boses niya’y matalim, parang sipol na humuhuni sa hangin. “Anong gusto mong palabasin—ako ang mali at ikaw ang tama? Umalis ka na!” Ang bawat salita ay parang tama sa dibdib ng empleyado, halos mabiyak ang dibdib sa takot. Ang mukha ni Madam Ivy ay seryoso, walang ngiti, ang kilay ay nakataas at ang mata’y tumitingin nang diretso sa puso ng may sala. Halata ang galit at pagiging supplada—isang aura na nagpaparamdam sa lahat na hindi biro ang pagkakamali sa kanyang harapan. “Your Fired!” sigaw niya, at para bang may kumalabog na bomba sa opisina. Ang echo ng boses niya ay nagpadagdag sa tensyon, halos tumigil ang mundo sa paligid. Si Ricky, sanay na sa intensity ng boss, agad na isininyas sa mga guard. “Palabasin na po ang babaeng empleyado!” utos niya, halos tumatakbo sa kanyang papel bilang tagapamagitan. Ang babaeng empleyado ay parang natapon sa yelo—natigilan, nanginginig, at halos hindi makapaniwala sa nangyari sa unang araw pa lang niya. Ang puso niya’y kumakabog nang mabilis, habang ang kanyang mga mata ay naglalakbay sa paligid, naghahanap ng paraan para makaligtas sa galit ni Madam A, Ang buong opisina ay nanatiling tahimik, bawat isa ay parang naka-freeze sa takot, ramdam ang bigat ng presensya ng boss—isang reyna na hindi basta nagpapatawad sa maliit na pagkukulang. Ang bawat galaw, bawat klak ng heels ni Madam A, ay parang countdown sa bawat kaparusahan sa Glamorous Fashion Designer. “Ang aga-aga, nakaka-stress!” reklamo ni Madam A habang mabilis na naglalakad papunta sa kanyang opisina. Malakas ang tunog ng takong ng kanyang high heels sa marmol na sahig, bawat hakbang ay parang may kasamang babala sa lahat ng staff na nadaanan niya. Mahigpit ang hawak niya sa kanyang mamahaling bag at halatang naiirita na siya kahit hindi pa man nagsisimula ang araw. “Ricky!” singhal niya sa personal assistant na nakasunod. “Wag mo na akong ihatid sa office ko! Ayusin mo na muna yung gulo sa mga make-up nila! Nakakahiya sa mga bigating customer na darating mamaya kung puro kalat at kapalpakan ang makikita nila!” Saglit na natigilan si Ricky, pero agad siyang umayon. “Yes, Madam A. Makakaasa ka.” sagot niya, sabay bahagyang pagyuko. Habang nakatingin sa likod ng amo niyang patuloy na naglalakad, napabuntong-hininga siya nang malalim. Ramdam niya ang bigat ng utos—parang wala siyang karapatang magkamali. Agad siyang lumihis ng daan para puntahan ang babaeng empleyado na kanina pa nakatayo sa labas. Namumula na ang mata nito at halos pabulong na nagmamakaawa kahit wala na roon si Madam A. Hawak-hawak ng babae ang sariling mga kamay, parang kumakapit sa huling pag-asa. “Sir Ricky… pakiusap po. Hindi ko sinasadya. Baka pwede n’yong ipakiusap kay Madam na huwag akong tanggalin. Kakapasok ko pa lang dito,” halos humahagulgol na wika ng empleyada. Napalunok si Ricky, ramdam ang tensyon na parang dalawang kamay na kumakapit sa kanya mula sa magkaibang direksyon—isang amo na istrikto at isang empleyadong desperadong makabalik sa trabaho. “Sorry po, Ate Lyla…” mahina pero mabigat ang tono ng boses ni Ricky habang nakayuko, halos hindi makatingin sa kausap. “Kung ano ang utos ni Madam A, iyon ang nasusunod. Baka kasi kami pa ang alisin niya sa trabaho kung lalaban tayo. Alam mo naman sa panahon ngayon… ang hirap maghanap ng trabaho lalo na kung wala tayong natapos.” Huminto siya sandali, saka bahagyang itinaas ang tingin kay Lyla na halos hindi na mapigil ang pag-iyak. “Pero kaya mo ‘yan, Ate Lyla… makakahanap ka pa ng mas maayos na trabaho—hindi tulad dito, at hindi tulad ng boss ko.” Napapikit siya saglit, ramdam ang konsensiya sa dibdib. “Sorry talaga…” dagdag pa niya, bago siya tuluyang tumalikod at naglakad palayo. Papasok na sana si Ricky sa loob ng opisina nang may mapansin siyang bagong dumating na sasakyan sa harap ng gusali. Napahinto siya, napakunot ang noo. Ang makina ng kotse ay umungol na para bang nanunukso, at ang katawan nito ay kumikintab sa sikat ng araw—magara, marangya, at halatang pagmamay-ari ng isang makapangyarihang pamilya. Unti-unti siyang natigilan, nanlaki ang mga mata. “H-hindi maaari…” bulong niya sa sarili. Isa-isang lumabas ang mga sakay, at doon na tuluyang bumigat ang dibdib niya. Una, ang Step Mother ni April Ivy Lozado—babaeng hayok sa kayamanan, nakangiti ng pilit na parang laging nagtatago ng sungay sa ilalim ng kanyang mamahaling sombrero. Sa bawat galaw nito, halatang sanay sa kapangyarihan at luho. Kasunod ay ang Ama ni April Ivy—tahimik, malamig, at tila walang pakialam. Kahit pa ilang ulit nang nasaktan at napahiya ang sariling anak, nananatili itong tikom ang bibig, parang wala siyang lakas ng loob na ipagtanggol ang dugo ng kanyang laman. At huli, ang anak ng kanyang Step Mother na si Claire—nakasuot ng designer dress, kumikinang ang mga alahas, at halatang lumaki sa layaw. Ang bawat tingin nito ay puno ng yabang, para bang lahat ng tao sa paligid ay mga alipin na handang sumunod sa lahat ng kapritso niya. Nanigas si Ricky sa kinatatayuan niya. Ramdam niya ang malamig na pawis na dahan-dahang gumapang sa kanyang batok. Ang presensya ng pamilyang ito ay parang bagyong paparating—alam niyang may kasunod na gulo, at tiyak na si April Ivy ang muling masasaktan. To be continuedBiglang bumukas ang malalaking pinto ng Lusffer Mansion, at isang binata ang pumasok—matangkad, naka-itim, matapang ang tindig na parang sanay humarap sa panganib. Kahit hindi Lusffer ang dugo, may presensya siyang kayang magpatahimik ng buong hall. Tumigil ang musika. Napalingon ang mga tauhan. Napatayo ang board members. At si April… napasinghap, parang tumigil ang mundo. Dahan-dahang lumapit ang binata. “Pasensya na sa biglaang pagpasok,” mahina niyang sabi pero solid ang boses. “Pero kailangan n’yo akong pakinggan.” Napakunot ang noo ni Ethan. Nagtaka si Domerick. Lumapit si April, nanginginig ang kamay. “Maddox…” bulong niya. Napangiti ang binata—hindi yabang, kundi lungkot na may halong pangungulila. “Ako nga, Ma.” ANG PAGLILINAW Lumingon si April kay Domerick, at sa unang pagkakataon mula nang bumalik ito sa Lusffer Mansion… nakita niyang kailangan niyang sabihin ang katotohanang matagal niyang tinago. “Dom…” Halos maputol ang boses niya. Hindi
Sa pagdating nila sa Lusffer Mansion, parang rumagasa ang lamig ng nakaraan sa balat ni Domerick. Sa sandaling tumapak siya sa marmol na hagdan, isang malakas na pintig ng alaala ang bumalik sa kanya—ang huling gabi bago siya mawala, ang mga sigaw, ang pagtataksil, ang pagkalunod ng sarili niya sa isang utos na hindi sa kaniya nagmula. Humigpit ang hawak niya sa kamay ni April. “April…” mahina pero puno ng bigat. “Naaalala ko na lahat.” Nanginig ang babae, napahawak sa dibdib. “Ano… ano ang naaalala mo?” Napapikit si Domerick. “Lahat. Paano ako nilason ng mga kapatid ko. Paano nila inayos na mawala ako para makuha nila ang buong Lusffer Empire. Paano nila pinaghiwalay tayo… at si Ethan.” At parang sinindihan ang hangin, bumukas ang malalaking pinto. Sumalubong sa kanila ang tatlo—si Kenneth, ang panganay, si Shannara, ang babaeng puno ng lason ang dila, at si Renzo, ang pinakatuso. Nakatayo sila na tila may pag-aari sa buong mansyon, nakapangiti nang mapanlait, nakasuot ng mga br
Narinig ni April ang mahina ngunit nanginginig na buntong-hininga ni Domerick. Para bang bawat salitang binitawan niya ay may kumakaluskos na alaala sa loob ng isip ng lalaki. Kumapit ito sa gilid ng mesa, tila nahihilo, ngunit hindi na niya maitanggi ang pag-igting ng panga, ang pagbilis ng paghinga—mga senyales na may gumigising sa loob niya. “April…” basag niyang bulong, parang batang naliligaw. “Bakit… bakit parang ang sakit sa dibdib ko kapag sinasabi mong bumalik ako?” Lumapit si April, hawak ang nanginginig nitong braso. “Kasi,” mariin niyang sabi, “hindi ka ipinanganak para alipin nila. Isa kang Lusffer… asawa ko… at hindi ako papayag na mawala ka ulit.” Nanigas ang mga balikat ni Domerick. Parang biglang may sumiklab na init sa likod ng batok niya—isang pamilyar na apoy na matagal nang tinakpan ng takot at manipulasyon. Napatingin siya sa ama ni April, sa kabit nito, sa mga batang nakanganga pa rin sa gulat. Ngunit iba na ang tingin niya ngayon—hindi na pag-aalangan,
Hindi niya kailangang magsalita. Sapat na ang nakita niya. Dahan-dahang tumalikod si Dominick, marahang isinara ang pinto na para bang wala siyang nasaksihan. Pero ang bawat hakbang niya pababa sa hallway ay puno ng kontrol—ng plano—ng matagal nang hinihintay na pagkakataon. “Kung katawan ang puhunan nila…” mahina, halos pabulong niyang tawa, “…hindi ako matatalo sa ganyang laro.” Huminto siya sa likod ng malaking salamin na salamin din ng lungsod sa gabi. Kita niya ang repleksyon ng sariling matang hindi na inosente—kundi nanlilisik sa ambisyon. April… Maddox… Ethan… “Panahon na,” mahinang anunsyo niya. At ang susunod na galaw niya— Hindi na para makita. Kundi para maramdaman. Samantala… Nakarating kay April ang balitang kinampihan ni Mr. Elite ang anak niyang si Ethan. Parang biglang nanikip ang dibdib niya. Hindi pa man nauubos ang hinga niya, ramdam niyang unti-unting sumisikip ang paligid—parang may gumagapos sa kanya. Ano nanaman ang plano mo, Mr. Elite? Madiin ang b
Sa tahimik na lounge, marahas na sinara ni Shannara ang pinto. Mabibilis ang paghinga niya, galit ang nangingibabaw. “Bryan,” madiin niyang bulong, “bakit nagkaganoon ang papeles? Ikaw ang huling humawak. Anong ginawa mo?” Nakasandal lang si Atty. Bryan Contie sa mesa, mga kamay nakasuksok sa bulsa, pero ang tingin niya ay parang punyal. “Hindi ako ang nagpalit,” malamig niyang tugon. “Pero alam ko kung saan nangyari ang pagbabago.” Lumapit si Shannara, halos sunugin siya ng tingin. “Sabihin mo. Aayusin natin agad. Hindi puwedeng mawala kay Renzo ang kontrol. Hindi puwedeng si Ethan—” “Kayang-kaya kong ibalik ang original document,” putol ni Bryan, mabagal, malinaw. “Kayang-kaya kong burahin ang audit trail. Pati ang log history. Gagawin kong parang walang nangyari.” Napahinto si Shannara. Umaangat ang pag-asa. “Then gawin mo.” Pero hindi gumalaw si Bryan. Bagkus, siya ang lumapit. Hindi mabilis. Hindi marahas. Pero sapat para magdikit halos ang pagitan nila.
Biglang nanigas ang panga ni Renzo. Naputol ang ngiti. Si Shannara, bahagyang napaatras—parang may tumama sa sikmura niya. “Hindi mo naiintindihan—” pilit niyang sabi, mababa. Pero hindi siya pinatapos ni Ethan. “Ang nakalagay dito,” ulit ni Ethan, boses ay walang pakiramdam, “kapag pumirma ako, ako ang heir… oo.” Dahan-dahan niyang inilapag ang papel sa mesa. “Pero wala akong tunay na kapangyarihan. Ako lang ang mukha. At ikaw,” tumingin siya kay Renzo, diretso, walang takot, “ang may hawak ng lahat ng desisyon.” Tahimik ang buong opisina. Hangin lang ang narinig. At ang pagbitak ng isang imperyo na akala nila’y hawak nila. “Atty. Dominick Elite! Ano ito? Bakit ganito?! Bakit ganyan ang nakalagay sa papeles?!” Hindi na naiwasan ni Renzo ang pagtaas ng boses, nanginginig ang kamay habang hawak ang dokumento. “Sino ang nag-utos sa’yo para palitan ang mga papeles?!” Tahimik si Atty. Elite sa loob ng ilang segundo, bago niya mahinahong isinara ang ballpen na hawak, para bang







