Share

IV. The Capital

"Do you have any plans on murdering my horse?" His voice immediately stopped me from glaring.

The crown prince heads directly at Van who seems to be in relief now that Prince Castellan comes to his rescue.

I took my time to fix my expression with my head bowed down.

"Sa tingin ko nakapagpahinga na kayo. Nakakalahati na natin ang distansya patungo sa kabisera kaya tuloy-tuloy na tayo." Anunsyo niya sa mga kabalyerong inaasikaso ang kanilang mga kabayo. "Okay ka na?"

"Ah-uhm..." I stuttered and raised my head to answer but he's not even looking at me.

"...Van?" Tuloy niya sa tanong na para bang alam niyang inakala kong ako ang tinatanong niya.

I cleared my throat and continued to raise my head higher as if looking at the blinding sky while scratching my neck.

Saglit niya pang inasikaso si Van bago nagdesisyong pasakayin muli ako. Natakot pa ko ng saglit kanina dahil baka hindi na niya ako pasakayin sa titig ko sa kabayo niya.

He also lent me a black hooded cloak to wear.

The rest of the ride after our stop became smooth. Our situation now is bearable for me.

"Nasa kabisera na tayo!" Sigaw ng isa sa mga kabalyero.

Hindi ko pa mapapansing nasa kabisera na nga kami kung hindi pa sasabihin ng kabalyerong iyon dahil sa hindi ko inaakalang itsura nito.

It looks so dead.

Hindi ko napigilang mapatingin sa suot kong lumang puting bestida at sa suot din nilang mga damit.

The people's clothes look worn out just like ours. Inakala ko pa kaninang magiging kahiya-hiya ang may kalumaan naming damit pero mukhang pare-parehas lang kami ng uri ng telang sinusuot.

Maraming bata ang nakakalat sa daanan suot-suot ang sira na at maruruming mga damit. May mga banig na nakakalat sa daanan kung saan nagkukumpulan ang ibang mga pamilya na agad din nilang tinatabi sa tuwing may dumadaan na mga kabayo at karwahe. Nakakalat rin ang mga karton at kahoy na siguro'y ginagamit nila sa paggawa ng pansilong.

Kung titignan sa taasan ay may makikita ka namang matataas at matatayog na mga mansyon bukod sa tore ng palasyo.

Siguro ang mga may matataas na titulo lang ang namumuhay nang kumportable kumpara sa mga ordinaryong mamayanan.

To be frank, the west looks more decent than this. Siguro na rin dahil wala masyadong maraming tao ang naninirahan doon bukod sa amin.

The hooded cloak protected me from the eyes of many people.

Maingay dahil sa naglalakasang kuwentuhan at buluna  ng karamihan sa paligid.

"Ayon ang prinsipe diba?"

"Nandito ang prinsipe?"

"Hala totoo nga!"

People cleared out the path for us but as soon as we passed all of their places, inayos nilang muli ang maruruming banig na nagsisilbi nilang tahanan.

I tried to look up in the search of Prince Castellan's expression for his poor people but he didn't budge to pay any attention to those who bow down after him. Na para bang wala siyang pakialam sa hirap na dinaranas ng mga tao niya kahit na nasa harap niya na 'to mismo, patuloy lang ang pagmamaneho niya sa kabayo.

Pero naalala ko rin kung bakit ganito na lang ang pagsasawalang bahala niya. The same blood runs in the Emperor's and his veins after all.

He's bound to be a tyrant ruler like his father.

Ganito rin ba kami titira? Pero masyadong mahina si lola para tulungan pa ko sa paggawa ng masisilungan. May banig naman na kami, paano kung biglang umulan mamayang gabi? Hindi pa kami nakakain at pagod pa sa byahe pero kailangan ko na agad trabahuin ang magiging tirahan namin.

Paano kung magtatrabaho ko sa palasyo? Doon ako titira, paano naman ang lola ko? Hindi ba siya pwedeng sumama sa'kin?

I was thinking deeply about how to solve all of my problems inside my head, the scene of the dirty capital in front of me was quickly thrown from my mind because of my piled-up problems. I didn't even realize that we already stop nang tapikin ako sa binti nang nakababa ng kasama ko sa likod.

Oh, we're here?

Sinubukan kong tumingin sa paligid habang bumababa mula sa kabayo kaya dahan-dahan lamang ang galaw ko't baka mahulog ako nang biglang may humawak sa bewang ko. Sa gulat ay nawalan ako ng balanse't natumba ngunit agad ding nasalo ng prinsipe.

Ang parehas kong kamay ay napahawak sa magkabila niyang balikat samantalang ang kanya naman ay parehas na nakahawak sa bewang ko upang hindi ako tuluyang matumba. Ang mga mukha namin ay muntikan nang magdikit dahil sa katangahan ko.

A lot of people looked so shock at what happened and so am I. Agad akong lumayo at inayos ang nagulong bestida habang pasimpleng lumalayo sa tabi ng prinsipe. Inangat kong muli ang paningin ko at tinignan ang paligid.

This place consists of a lot of small houses, may mga bata pa ring dumadayo pero hindi ito kasing gulo kanina. Sa tapat nang pinaghintuan ni Van ay isa ring maliit na bahay na gawa sa semento at ang pinto ay mula sa kahoy. May isang bintana rin sa tabi ng pinto na gawa naman sa babasaging materyal pero hindi makikita ang looban dahil may kurtinang nakaharang mula sa loob.

The house looks cute, I want my grandma to live there while I'm away. Growing her own plants near the window so she won't feel lonely.

As if hearing my fantasies, the crown prince responds.

"This is where you and your grandmother would live from now on. Unless you decide to work in the palace, you'll obviously live there. And if you don't decide to work there, you and your grandmother will have no choice but to move out considering you won't be able to pay taxes. So in one way or another, this is where your grandmother will stay...for the meantime if you choose the latter." He explained it to me.

Sa haba ng sinabi niya ay hindi ako agad nakahabol. Dito kami titira? Bakit? Wala kaming pera pambayad dito at sa tax na sinasabi niya.

"Pero wala kaming pera sa ganitong klase ng bahay." Sagot ko.

"Utang mo sa'kin 'to. Besides, you'll have no choice but to work in the palace because you'll have to pay taxes just by breathing at the capital. Malapit ka lang sa'kin magtatrabaho kaya wala kong magiging problema sa pambayad mo."

Utang? May utang pa ko? Sa prinsipe?

I'm still in the middle of processing what he just said when he tossed me a key.

"Your grandmother's waiting. The carriage is not always available for you two."

Saglit kong tinabi ang panibagong usbong ng mga patong-patong na problema para puntahan ang lola kong nasa loob pa rin ng karwahe, sinusubukang pumuslit ng silip sa labas.

Binuksan ko ang pinto para mas makita niya nang maayos ang tinitignan, nagulat siya sa biglaan kong pagbukas. Hindi niya siguro napansin ang paglapit ko dahil masyadong nakatuon ang atensyon niya kung paano makakasilip nang maayos.

Nginitian ko lamang ang kanyang gulat na ekspresyon, senyas na okay nang buksan ang karwahe't lumabas. Nakuha naman niya ang nais kong iparating kaya dahan-dahan na siyang bumaba mula rito habang inaagaw ng paligid ang kanyang paningin.

I paused my urge to hold her hand for a while when I saw her did that. Remembering my foolish behavior seconds ago.

Mana yata ko sa lola ko.

After that, tuluyan ko na siyang inalalayan sa pagbaba. Ayaw ko namang mahulog din ang lola ko. Hawak ang kanang kamay niya pababa, I escort her like a butler would do to a princess coming down from a carriage.

Matapos niyang makababa nang maayos, tinignan ko nang muli ang mga gamit namin sa loob. Maayos at nasa pwesto pa rin lahat kahit naging magulo ang biyahe, halatang binantayang maigi ni lola buong magdamag.

Kinuha ko ang kumpulan naming mga gamit mula sa karwahe bago pa mainip ang prinsipe sa bagal nang paggalaw namin at siya na mismo ang maghagis ng mga gamit namin palabas ng karwahe.

Hindi ko pa nalalabas lahat nang bigla na siyang naglakad papalapit sa'kin kaya nataranta kong baka mangyari ang iniisip ko.

"Ah, sandali lang. Patapos na, kaunti na lang 'to." Pigil ko sakanya.

Mukha na naman siyang galit kaya kahit na mabigat at punuan na ang hawak ko, naghakot pa rin ako ng pwedeng mahakot at ako na mismo ang nagtapon nito sa labas ng karwahe. Kung hahayaan kong siya ang gumawa baka mabasag pa lahat ng gamit namin at wala na kaming gamitin.

"Sanda–"

Hinablot niya mula sa'kin ang hawak ko at inutusan ang ibang kabalyero na kunin ang iba pang mga gamit.

"K-kaya ko naman, e. Sabi ko sandali lang. Saan niyo dadalhin mga gamit namin?" Halos mangiyak na ko dahil pati ang mga nailabas ko na mga gamit ay kinukuha nila.

"I gave you the key, right? Open the door." Utos sa'kin ng prinsipe na agad ko namang sinunod nang mapagtanto ko ang tinutukoy niya.

After opening the door, I looked back to check kung may mabubuhat pa ko pero lahat na ng gamit ay buhat na ng mga kabalyero papasok. Naagaw na lang ng pansin ko ang lola kong hindi alam kung anong nangyayari matapos niyang tumingin lang nang saglit sa paligid.

She looks out of place, we look out of place. Like a cub getting lost on its way, founding a city instead of a forest.

This is the first time for the both of us, to be at the capital of the place that we fear the most, Missarati.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status