Share

Chapter 106

Kumanta-kanta lang ako sa biyahe na tila nag-co-concert ako rito sa loob ng sasakyan. Hinayaan lang ako ni Yatco, tatawa-tawa lang siya kapag alam niyang sintunado ako o 'di kaya'y hindi ko kabisado ang lyrics. Nag-enjoy naman ako sa biyahe hanggang sa makarating kami sa kanila.

"Salamat sa libreng concert, mahal," pantutuya ni Yatco matapos niyang mai-parking 'yung kaniyang sasakyan.

"Sure, mahal, basta ikaw..." pang-aalaska ko naman. Nginitian niya lang ako bago niya binuksan 'yung pintuan ng sasakyan sa gilid niya. Bumaba na rin ako pagkababa niya.

Pagkarating namin sa kanila ay agad na bumungad sa 'min si Lola Anita.

"Magandang hapon sa inyo mga apo..." aniya sabay yakap sa 'min.

"Mga apo talaga, Lola?" sambit ni Yatco.

"Oo naman, ngayon pa lang ay naniniwala akong kayo na talaga ang magkakatuluyan. Kung tutuusin nga, hindi pa kayo mag-jowa... botong-boto na 'ko sa dalagang 'to," turan ni Lola.

"Naku Lola, nawa'y magdilang-anghel ka," sambit ko.

"O siya, halina kayo sa may kusina.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status