Share

Chapter 12

Pagkarating ko sa aking silid, agad ko namang tiningnan kung ano ang puwede kong suotin. Gusto ko sana 'yung simple lang pero may dating naman kahit papaano. Habang iniisa-isa ko 'to, nakaisip na ako ng ideya.

White t-shirt ang napili kong pang itaas tapos kulay itim na pants na medyo fitted 'yung pambaba ko. Sa tingin ko mas bagay rito 'yung rubber shoes kaysa doll shoes kaya naman 'yung itim kong nike ang napili ko. Mas okay rin 'yon dahil maglalakad-lakad nga pala kami sa mall kaya hindi masasaktan masyado ang paa ko compare sa doll shoes. Sling bag na lang din ang naidip kong dalhin para wala akong bitbit masyado.

Nang maayos ko na 'yung susuotin ko, bumana na ako agad patungo sa kusina para hugasan 'yung mga pinagkainan namin. Medyo nakapagpahinga naman na ang mga kamay ko kaya wala nang pangamba pagdating sa pasma. Habang inaayos ko ang mga hugasin, kinuha ko 'yung cellphone ko para magpatugtog. Habit ko na rin naman ang makinig ng musika sa tuwing may ginagawa ako.

Habang sinas
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status