Share

Chapter 13

Nagpatuloy ako sa pag-iikot at namataan ko naman 'yung isang grupo ng magkakabarkada. Apat sila na mga babae na wari mo'y mga rakista kung pumorma.

"Hello po, pasensiya na po sa abala. Nagtitinda po ako ng yema at pastillas bilang tulong financial sa pag-aaral ng aking kaibigan. Twenty five pesos po ang isang supot, nawa'y makabili kayo," turan ko sabay pakita sa kanila ng itinitinda ko.

No'ng una, naaangasan ako sa kanila. Ang cool kasi ng datingan nila dahil 'yung usual na makikita mong anyo nila ay naka-all black then naka-boots ng mataas at naka-eyeliner nang makapal. Medyo intimidating din ang impression nila pero naglakas-loob talaga akong lapitan sila.

"Wow, paborito ko 'yang yema. Bigyan mo ako ng dalawa," sambit no'ng tila lider nila na maikli ang buhok.

"Mukhang masarap nga 'yang pastillas. Dalawa na rin sa 'kin," saad no'ng mahaba 'yung buhok.

"Ako naman yema rin," wika naman no'ng isa.

"Pasensiya na pero hindi ako mahilig sa matamis pero bibigyan na lang kita ng bente bila
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status