Share

Chapter 3

Author: risingservant
last update Huling Na-update: 2022-01-13 23:13:56

Itinigil ko na muna ang pagninilay-nilay at inasikaso ang dapat kong lutuin. Tiyak na pagod si Mama mamaya pagkauwi kaya mas mainam nga ang sopas para sa kaniya.

Iniluto ko na ang elbow na pasta roon sa chicken stock. Nang sa palagay ko'y okay naman na iyon, isinunod ko na agad ang iba pang rekado. Makalipas ang limang minuto, pinatay ko na ang kalan dahil luto na ang sopas. Tiyak na matutuwa rito si Mama kapag natikman niya.

Tinatamad na ako ngayon dahil wala na akong ginagawa. Minabuti kong mahiga na lang muna sa may sofa at magbasa ng kung anu-anong story online.

---

Inabot din ako ng kalahating mnuto sa pagbabasa ng maikling kuwento. Ilang saglit pa, napa-awts na lamang ako.

Bakit gano'n ang nabasa ko? Ang sakit naman nito sa puso. Mabuti na lang at hindi dumating sa punto na nagtangka akong kitilin ang sarili kong buhay.

Salamat sa pamilya kong umagapay sa akin noong nalugmok ako. 

Hinding-hindi ko gagawin ang pagpapatiwakal dahil tiyak na malulungkot si Mama. Mawawala ang kaniyang ngiti sa kaniyang labi kapag ginawa ko iyon.

"Ate, nandito na si Mama..." bungad ni Januarius. Napabalikwas kaagad ako kaya naman dali-dali kong inayos ang aking sarili.

"O mga anak. Kumusta kayo?" bungad ni Mama pagkapasok sa loob ng bahay. Agad naman akong lumapit para magmano.

"Okay naman kami rito, Ma. Si Ate, baka doon na iyon matulog sa katrabaho niya at mayroon silang aasikasuhin," pahayag ko.

"A, e 'di mainam naman pala," tugon ni Mama sabay upo sa sofa.

"Kayo, Ma? Kumusta naman ang reunion n'yo ng mga kaklase mo noong high school?" pagsingit ni Januarius.

"Ano pa nga ba? S'yempre, pasosyalan sila saka payabangan..." ani Mama.

"Hay, huwag mo na nga silang isipin, Ma. Ma-stress ka lang, kaya mas maganda kung titikman mo na lang ang iniluto kong sopas," saad ko. Tumungo agad ako sa kusina para paghainan si Mama. Alam kong napagod din si Mama lalo pa't traffic na naman.

"Tama ka riyan. Tatanda lang ako kapag inisip ko ang mga bagay na iyon," tugon niya.

"Tara na rito sa kusina, kain na muna tayo," ani ko habang inaayos ang aming kakainin do'n sa lamesa.

"Yes! Napagod din ako kalalaro, e..." sambit ni Januarius habang inaakay si Mama patungo rito.

Heto ang gusto ko sa pamilya ko, e. Hindi man kami sagana sa materyal na bagay, at least, masaya kami at nagkakaisa.

---

Hindi ko mapigilang hindi magpalinga-linga sa kung saan-saan habang lulan ng isang pampasaherong jeep.

Nagsisitindigan ang aking mga balahibo sa katawan. Dalawampung minuto pa ang kailangan kong pagtiyagaan bago makarating sa Unibersidad na aking pinapasukan. Wala, e, kailangan ko munang magtiis. Ang hirap ng ganito...

Kung kailan ba naman kasi nakaalis na sa ako sa bahay saka naman ako dadalawin ni mother nature. Sarado pa naman ang mga palikuran sa Unibersidad kapag ganito kaaga. Mamaya pang 9am iyon bubuksan ng janitor, e 7:30am pa lang... 

Sa sobrang pagmamadali ko kanina, hindi na ako nakapagbawas. Hindi na rin ako nakakain ng agahan sa sobrang pagmamadali. Nakalimang buhos lang ako no'ng naligo dahil bawal ma-late sa unang klase ko. Strikta kasi ang guro namin. Dahil sa nararamdaman kong ito ngayon, tiyak na ma-le-late ako sa klase.

Tumatagaktak na ang malamig na pawis sa aking mukha, nakakahiya talaga. Hindi ko magawang kumilos dahil baka bumulwak ang hindi inaasahan. Nagbubutil-butil na rin ang aking pawis sa may bandang noo, baka nakakahalata na ang ibang pasahero.

"Manong, bayad po. Isa lang po iyang bayan," sambit ng isang pasahero sabay abot ng bayad sa akin.

Sa sobrang kaba at taranta, ipinikit ko ang aking mata at nagkunwaring tulog. Ayaw ko na munang kumilos dahil sumisidhi ang aking nararamdaman.

"Miss, paabot ng bayad," anito. Naiinis na siguro sa akin 'yung ale, nakakahiya...

Nakonsensya akong bigla kaya idinilat ko na ang aking mga mata. 'Di naman siguro ako magkakalat dito sa jeep kung kikilos ako saglit. Akmang aabutin ko na 'yung bayad nang bigla naman itong abutin ni Manang na katabi ko. Agad naman niya iyong ipinasa sa iba.

"Okay lang iyan, Ineng. Napagdaanan ko rin iyan," bulong niya sa akin.

Nanlaki bigla ang mata ko dahil alam niya kung ano ang nararamdaman ko. Nahalata na rin siguro ng iba. Napayuko na lamang ako sa sobrang hiya.

Kamukatmukat, malapit na rin akong bumaba. Mas lalong sumidhi ang aking tiyan, tila ba nagbabadya na manununtok na.

"Manong, para po," sambit ko. Ihininto naman niya ang jeep sa tamang babaan. Naglalakad na ako pababa ng jeep habang nakayuko hanggang sa biglang sumabog ang hindi inaasahan. Tatlong malalakas na utot ang aking pinakawalan. Nagmadali agad akong bumaba sa sobrang hiya.

"Walang hiya! Ang baho!"

"Ang baboy! Napakadugyot!"

"Hindi ko kinaya, amoy bugok na itlog!"

Nang marinig ko ang mga iyon, hindi ko na nagawa pang lumingon sa kanila. Gusto ko sanang humingi ng pasensya dahil hindi ko naman sinasadya. Medyo napaimpit pa ako ng tawa dahil ang epic siguro ng mga mukha nila. 

Umarangkada naman agad ang jeep palayo. Matapos no'n, nagkukumahog naman akong tumakbo paakyat ng foot bridge. Sa dulo no'n, may matatagpuang fast food chain kaya naman doon ako dumiretso. Nang makarating ako sa CR, guminhawa na ang aking pakiramdam.

Nakakapit pa ako sa magkabilang gilid ng cubicle dahil lusaw ito nang lumabas. Nakahinga na ako nang maluwag nang mailabas ko ang dapat na ilabas. Gayon na lamang ang pagkabahalang naramdaman ko matapos no'n, napakasaklap na araw para sa akin. Walang tissue sa banyo...

---

Pumasok pa rin ako sa klase kahit thirty minutes late na 'ko. Bilang kaparusahan, hindi ako pinaupo sa aking upuan ng aming prof, nandoon lang ako sa bandang likod at nakatayo habang nakikinig sa kaniya. Pabor na rin sa akin iyon para hindi ako maamoy ng mga kaklase ko kung sakali man.

"Huy Juness, bakit ka na-late kanina? Nakakapanibago iyon, a..." bungad ni Rosanna habang naglalakad kami sa hallway. 

"Oo nga. Saka habang nakatayo ka kanina sa likod, tila ba masaya ka pa," segunda ni Gela. Nasa gitna nila akong dalawa, sa bandang kanan ko si Rosanna, sa kaliwa naman si Gela.

"Mga bes, hindi n'yo kakayanin 'to. Maski ako e hindi kinaya kanina," panimula ko.

Bago ako magsimulang magkuwento sa kanila, napagdesisyunan naming maupo na muna sa bench do'n sa ilalim ng punong mangga.

"Ganito kasi iyon..." ani ko at isinalaysay na sa kanila ang lahat ng nangyari.

"OMG, napakasaklap niyan, Madam. Kung sa akin nangyari iyan, baka hindi na ako pumasok," pahayag ni Rosanna habang nakapangalumbaba.

"Kaya dapat, laging tayong nagbabaon ng tissue. Buti nga't may dala kang alcohol, e," saad ni Gela habang inaayos ang kaniyang salamin sa mata.

"Salamat na lang sa alcohol," turan ko sabay halakhak.

"Hay oo nga, medyo maangis ang suot mong pantalon," ani Rosanna. Nasapok ko siyang bigla sa ulo dahil nakayuko siya't inaamoy-amoy ang pants ko.

"Aray ko, ang lakas no'n, a," giit niya.

"Nagulat kasi akong bigla sa iyo, Osang. Aamoyin mo naman..." giit ko habang nakabusangot ang mukha.

"May pa-Osang Osang ka pa riyan. Rosanna nga 'di ba?" birada niya.

"Nickname mo naman iyon," ani ko.

"Pero tama nga si Rosanna. 'Yon nga lang, hindi masyadong amoy kapag medyo malayo dahil humahalimuyak pa rin 'yung inilagay mong pabango," pagsingit ni Gela.

"Yes," tugon ko.

"Nga pala mga bes, mayroon ba kayong extra panty na dala?" pag-iiba ko ng usapan.

"Bakit? Ano naman ang gagawin mo roon?" ani Osang.

"Nakalimutan kong sabihin sa inyo kanina... wala akong suot na panty ngayon," pahayag ko.

"Ha? Seryoso ka?" sabay nilang sambit. Hindi maipinta ang kanilang mukha sa sobrang pagkagulat. Tumango naman ako bilang tugon.

"Ano ang nangyari sa panty mo?" mausisang tanong ni Gela.

"Noong pababa ako kanina sa jeep, nagkandautot ako 'di ba? Hindi ko namalayang may ipot na sumama kaya iyon, iyon na lang din ang pinangpunas ko dahil wala ring tissue," paliwanag ko.

Napabunghalit sa katatawa 'yung dalawa dahil sa kinuwento ko. Maski ako, nakisali na lang din sa kanila sa pagtawa. Nakakatuya ang mga tawanan namin, hindi kami matigil sa pag-ihit.

"Grabe ka, Juness. Buti pumasok ka pa," turan ni Gela habang nagpupunas ng luha dahil sa katatawa.

"Kung alam n'yo lang kung gaano ako nahihiya kanina. Hinding-hindi na talaga mauulit 'to," saad ko.

"Pero seryoso… Madam, wala ka talagang itinapal kahit na ano?" ani Rosanna.

Madam ang tawag niya sa akin dahil kapag tinatamad ako, inuutusan ko siya. Siya namang si tanga, sunod-sunuran. Hindi ko alam kung may saltik ba ang kaibigan kong 'yan.

"S'yempre, mayro'n naman. Ginamit ko 'yung panyo ko bilang panghalili," sagot ko.

Nagtawanan na naman ang dalawa, nakakahiya sa mga dumadaan. Buti na lang, hindi nila naririnig ang pinag-uusapan namin.

"Itigil n'yo na nga iyan. Masyadong kayong ligayang-ligaya," pagsingit ko.

"Oo na, nakakatawa lang talaga kasi. Idol na talaga kita," wika ni Osang. Nagkakandaihit pa rin siya sa pagtawa.

"Tara, punta na lang tayo sa dorm ko para makapaglinis na iyang si Juness," litaniya ni Gela. Inaayos na niya ang kaniyang sarili matapos maligalig sa katatawa.

"Salamat, Gela. Ang bait mo talaga," pambobola ko sabay pisil sa kaniyang pisngi.

Agad kaming kumilos patungo kina Gela. Dalawang oras naman ang vacant namin kaya makakapaghala-hala pa kami sa dorm.

Ngayong taon lang kami nagkakilalang tatlo. Magkakaiba kami ng ugali pero pinagbuklod-buklod kami ng panahon. May dalawang bagay kaming higit na napagkakasunduan; una ay ang pagkain; pangalawa, sa kalokohan. Masaya akong nakilala ko sila dahil hindi naging malungkot ang panimula ng college life ko.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Sweet Disposition   Epilogue

    May mga tao talaga na mawawala sa buhay natin pero mayroon din namang papalit. Noong mawala sina Gela at Osang, nagkaroon ako ng panibagong kaibigan. Akala ko, hindi na maaayos pa at maibabalik dati ang aming samahan. Mabuti na lang at nagbago ang ihip ng hangin. Sobrang saya ko dahil maayos na ang dati naming samahan.Nang mawala si Zerudo sa buhay ko, para bang guguho na rin ang mundo ko. Noong panahon na 'yon, hindi ko kayang tanggapin na wala na kami. Pilit akong umaasa na puwede pang maibalik ang pagmamahal niya sa 'kin kaya ginawa ko ang lahat, gumawa ako ng plano para makuha siya ulit. Hindi ko alam, iyon pala ang magiging pundasyon para maibukas ko ang aking puso sa iba. Salamat sa pagdating ni Yatco dahil muli niyang binigyan ng kulay ang madilim kong mundo.Sa kabila ng nagawa sa 'kin ni Zerudo, natutuhan ko pa rin naman siyang patawarin. Pagtungtong ng semester break, tinawagan ako ni Ate Mariz na magbabakasyon na muna sila ni Zerudo sa ibang bansa. Maaaring nagtamasa raw k

  • Sweet Disposition   Chapter 115

    Friday na ngayon, heto na 'yung huling araw ng pasok namin. Bukas, bakasyon na. Hindi naman na kami ni-require na mag-uniform. Pagkaligo ko, tiningnan ko ang aking sarili sa may salamin at napansin ko nga ang may galos at pasa na medyo halata. Maging sa aking leeg ay medyo pansin ang tila ba bakat ng kaniyang daliri kapag malapitan. Mabuti na lang at hindi 'yon napansin ni Mama, medyo malayo rin naman kasi kami sa isa't isa.Naghanap ako ng damit sa aking cabinet pagkatapos. Nakita ko 'yung turtle neck kong kulay dark green kaya iyon na ang kinuha ko. Long sleeve rin naman ito kaya maitatago nito ang dapat na itago. Mabuti na nga lang at wala akong galos o pasa sa mukha. Hindi naman nagkaroon ng bakas 'yung pagpigang ginawa ni Amos sa aking panga kaya wala akong dapat na ipag-alala.Nagsuot ako ng pants na medyo fitted at saka ko ipinaloob doon 'yung damit ko saka ako naglagay ng belt. Rubber shoes ang isinuot ko sa aking paa para maging komportable naman ako. Nagsuot din ako ng sungl

  • Sweet Disposition   Chapter 114

    Pagkahawak ko sa may seradura ng pinto ay sakto namang nahawakan niya ako sa may balikat. Nataranta talaga ako matapos 'yon kaya agad ko 'tong hinigit para bumukas ang pinto. Nagtagumpay naman ako at bahagya itong bumukas. "Tulong! Tulungan ninyo ako!" sigaw ko pa. Ginamit ko talaga ang opportunity na 'yon para ipangalandakan na kailangan ko ng tulong."Kahit magsisigaw ka pa rito, walang ibang tutulong sa 'yo," sambit niya. Nakangiti lang siya para tuyain ako. Kahit gano'n, ayaw ko pa ring mawalan ng pag-asa."Tulong! Please, tulong!" pagpalahaw ko pa.Sa pagkakataong 'yon, ginamitan niya ulit ako ng puwersa. Agad niya naman ako sinakal at hinila niya ako habang nakahawak ang kaniyang kamay sa aking leeg sapag diin niya sa 'kin sa may pader."Ayaw ko sana 'tong gawin kaso namumuro ka na sa 'kin. Kung hindi ka man magiging sa 'kin, sisiguraduhin ko namang hindi ka magiging kaniya," aniya. Medyo nakalawit na ang dila ko nang sabihin niya 'yon dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa le

  • Sweet Disposition   Chapter 113

    Isa lang ang subject namin ngayon. Pumasok lang din ako para mag-attendance, after no'n ay uuwi na ako. Hindi ako sinundo ni Yatco dahil mamaya pa ang pasok niya. Nag-text na lang ako sa kaniya ng good morning kanina para naman mapangiti ko siya kahit papaano.After kong makapag-attendance, bumaba na agad ako ng building namin para umuwi. Niyayaya pa ako kanina nina Jessa, Lilibeth, Shammy, at Zendi na magliwaliw muna pero tumanggi ako. Gusto ko na munang makapagpahinga. Habang naglalakad ako sa daan ay nakasalubong ko si Klarisse, may kasama siyang lalaki - iyon yata ang boyfriend niya ngayon."Hi, Juness. Kumusta?" bati niya sa 'kin."Hello, okay naman ako. Ikaw ba?" wika ko."Heto, okay na okay. Mas masaya ako ngayon kasi may bago ng nagpapatibok ng puso ko," aniya."Oo nga pala, Noel this is Juness, kaibigan ko. Juness, this is Noel, boyfriend ko nga pala," maligaya niyang pakilala sa 'min sa isa't isa."Hello, nice to meet you," sambit ko kay Noel."Nice to meet you, too," nakang

  • Sweet Disposition   Chapter 112

    Nang maubos namin 'yung ice cream namin ay nagkuwentuhan na muna kami. Nakaupo lang ako habang si Yatco naman ay nakahiga, wari mo'y nakasilay siya sa kalangitan. Siya ang unang nagbukas ng topic."May ideal age ka ba kung kailan mo gustong magpakasal?" tanong niya.Napaisip naman akong bigla sa tanong niya. Mayroon nga ba? Hindi pa kasi 'yon pumapasok sa isipan ko. Hangga't maaari, kung magpapakasal ako ay hindi naman 'yung nasa 30's na 'ko. Puwede na siguro 'yung 28 yrs old kasi kailan ko munang magkaroon ng stable na trabaho kapag naka-graduate na 'ko. Tutulong pa ako sa pamilya ko lalo na sa pag-aaral ni Januarius. Wala rin namang ibang aasahan si Mama kasi tiyak na may asawa na no'n si Ate Aprilyn."Hmm, 28 yrs old siguro. Hindi naman siguro aabot ng 30's. Ikaw ba?" pahayag ko."Uy, ang tagal pa pala. Ten years from now pa pala. Ako, nakadipende kung kailan magiging handa 'yung mapapangasawa ko," wika niya."Ang tagal pa ng ten years, mahintay mo pa kaya ako no'n?" ani ko."Oo na

  • Sweet Disposition   Chapter 111

    "Oh, bakit umalis na 'yung dalawang kaibigan mo?" tanong ni Yatco nang makalapit na siya sa 'kin."Naku, importante pa silang lakad kaya nagpaalam na," pagdadahilan ko. "I see, akala ko e pinagalitan mo dahil nadulas sila sa 'kin kahapon," ngingisi-ngising sambit niya."Grabe ka naman sa 'kin, hindi ko naman sila papagalitan nang dahil lang do'n. Nakiki-chismis pa nga kung ano nangyari kahapon," turan ko."Naikuwento mo ba?" tanong niya na may halong pang-uusisa."S'yempre, hindi. Hindi ko naman na dapat pang ikuwento ang mga pribadong usapan. Mas masarap magkaroon ng tahimik na buhay," nakangiti kong sambit."Good girl," aniya sabay pisil sa pisngi ko."Oy, hindi ako aso," wika ko. "Speaking of aso, kumusta na si Nestor? Hindi ba siya makulit?" tanong niya pa."Hindi naman, mabait nga, e. Tahimik lang siya sa isang sulok kapag hindi nakakulong. Introvert yata si Nestor," turan na may kasamang paimpit na tawa."Siguro, extrovert siya kapag maligalig na," segunda niya kaya nagtawanan

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status