Share

Chapter 43

Natapos ang klase namin nang hindi namin namamalayan dahil ang bilis ng oras. Parang kanina lang nagkukuwentuhan pa kami tapos ngayon, heto, uwian na ulit. Hindi na kami nag-abalang mag-ayos pa sapagkat pauwi na rin naman na kami at wala na kaming balak puntahan pa pagkakain namin.

Pagkarating namin sa may labas ng unibersidad, sa may gilid nito ay doon matatagpuan 'yung nagtitinda ng tuhog-tuhog at mga kung anek-anek na pagkain. Tumungo kami sa tindahan ng tuhog-tuhog. Binigyan lang kami ni Manong ng baso at kami na ang bahalang tumuhog ng aming kakainin.

Sa baso ko, naglagay ako ng tatlong pugo, anim na pirasong fishball, dalawang kikiam, at dalawang chicken balls. Naglagay lang din ako ng kaunting suka at marami-raming matamis. Mas bet ko kasi na lamang 'yung tamis kaysa sa asim.

"Sure ka? 'Yan lang ang kukuhanin mo?" tanong ni Gela.

"Sa ngayon, heto na muna. Baka hindi ko maubos kapag kumuha ako ng sandamakmak. Balik na lang ako mamaya kapag na-trip-an ko pa,," turan ko.

"Okay,"
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status