Share

Chapter 46

Uwian na ngayon, sinundo ako ni Amos sa may ilalim ng punong mangga. Kahit na may klase pa siya mamaya hanggang 8pm ay ihahatid niya pa rin daw ako sa amin.

"Ayan, winner ka talaga girl. Biruin mo, may taga-sundo ka pa ngayon. Ang suwerte mo naman sa boyfriend mo," komento ni Osang.

"True, ganiyan pala mag-alaga si Zerudo," saad ni Gela.

Ngumiti lang ako bilang tugon sa mga tinuran nila. Pagkalapit namin kay Zerudo ay agad naman siyang tumayo sa pagkakaupo at nilapitan ako.

"Kumusta naman ang araw mo, babe?" bungad niya.

"Okay naman, mas lalong umaliwalas kasi nand'yan ka," sambit ko.

"Yieee, cheesy..." komento ni Osang. Nagtawanan tuloy kaming apat. After no'n, nagpaalam na 'yung dalawa kong kaibigan at nauna na silang naglakad palayo.

"Loka-loka talaga 'yong si Osang, masasanay ka rin doon," sambit ko.

"Okay nga 'yon, e. At least, hindi malungkot ang samahan ninyong magkakaibigan," saad ni Amos. Nagsimula na kaming maglakad patungo sa pinag-parking-an niya ng motor nang naka-holding
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status