Share

Chapter 48

Papunta na kami ngayon sa building ng College of Business Administration. Malayo pa lang kami, nakikita na namin 'yung mga booth doon sa may baba. Nang makarating kami, nasilayan namin ang iba't ibang produkto na ibinebenta nila. Mayroong mga sabon, shampoo, mga kung anek-anek sa bahay, pero karamihan ay mga pagkain.

"Juness!" sigaw ni Angelica sa 'di kalayuan. Nagtatakbo siya papalapit sa amin sabay beso sa 'min isa-isa.

"Akala ko hindi na kayo makararating," dagdag pa niya.

"Sabi naman kasi ni Amos na okay lang kahit hindi na ako tumulong sa kanila, sa inyo na lang daw. May diskarte naman na raw na nagawa 'yung mga kasama niya," turan ko.

"Oo nga, nasabi niya 'yan sa 'kin kanina. Mabuti nga sila malapit nang makaubos ng paninda," aniya.

"Wow, ang galing naman ng grupo nila. Anong klaseng tactics ba ang ginawa nila?" tanong ni Gela.

"Alam mo naman kapag mga kababaihan... libreng pa-selfie ang tactics nila sa mga bibili," tugon niya.

"Ay iba, ginamit talaga ang itsura para makakuha n
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status