Para ang bilis lang ng oras. Hindi namin namalayan na huling klase na pala namin ngayon. Mabuti na lang at 3pm ang uwian namin kaya hindi mapupurnada ang plano namin mamaya.
"Guys, tuloy tayo later. Walang mag-ba-back out," untag ko.
Baka kasi mamaya hindi na naman sumama si Gela dahil gagawin niyang palusot ang pagtitinda.
"Oo naman, alam kong kinakabahan ka sa 'kin. Tatlong supot na lang naman ng pastillas ang natira. Kung hindi maubos, mayroon pa namang bukas. Remember, tutulungan n'yo 'kong dalawa," saad ni Gela habang nakaturo sa 'ming dalawa ni Rosanna.
"Mark our words," turan ni Osang.
Ilang saglit pa'y dumating na ang prof namin. Oral Communication ang subject namin, mahina pa naman ako sa English kaya ayaw na ayaw ko talaga kapag nagpapa-recitation si Ma'am. Feeling ko, lalamunin ako ng lupa dahil tila nababaluktot ang dila ko kapag turn ko na.
Tamang kinig lang naman kami rito sa likuran. Nagturo lang siya nang kaunti at ibinahagi sa 'min kung ano-ano ang magiging coverage ng exam.
---
"Balita ko, nagpa-tongue twister daw sa kabilang section. Lahat ng makakapag-recite, plus 20 sa midterm exam," bungad ni Osang nang matapos ang aming klase.
"Wow, buti pa 'yung prof nila may konsiderasyon. Sa 'tin kaya? May magbibigay ng plus points?" wika ni Gela na wari mo'y nag-iisip.
"Hindi natin masasabi. Mabuti na nga lang ay mabait 'yung prof natin kahit medyo strikta. Sabi nila, hindi naman daw nambabagsak 'yung prof natin basta nakikinig ka sa kaniya at kumpleto ka sa lahat ng requirements na ipinapapasa niya," pahayag ko.
"Kung sabagay, may point ka, Madam. Nadidikdik lang talaga tayo tuwing recitation," segunda ni Osang.
"Kaya dapat nag-aaral tayo nang mabuti. Hindi biro ang kursong kinuha natin kaya hindi tayo dapat magpa-petiks-petiks. Hindi naman masamang kiligin or lumandi nang slight, kailangan alam natin kung paano 'to mababalanse. Basta, make sure pa rin natin na wala tayong maibabagsak na subject sa end ng semester," seryosong sambit ni Gela.
"True," pagsang-ayon namin ni Osang.
"Speaking of... ready na ba kayo?" tanong ni Osang habang nakangiti nang malawak.
"Saang college ba ang uunahin natin?" mapanuri kong tanong. Nagkatinginan lang kaming tatlo at tila hinihintay ang opinyon ng bawat isa.
"CBA or CoA lang naman ang choice natin. Mas mabuti pa kung mag-jack en poy na lang tayo. Ang manalo, siya ang pipili kung saang building tayo mauuna," mungkahi ni Gela. Tumalima naman kami.
Isang bagsakan lang ang ginagawa namin. Sa unang bagsak, pare-pareho kaming bato. Sumunod naman, nakagunting kami pareho ni Osang at nakapapel si Gela.
"Okay lang naman sa 'king matalo," komento niya.
"Kung sakaling manalo ka? Ano ang pipiliin mo?" tanong ko dulot ng kuryosidad.
"S'yempre, sa CoA. Si Mr. Maskels na nga lang ang inspirasyon ko sa ngayon. At saka base sa kuwento ni Osang, maraming guwapo sa CoA kaya malay natin, nandoon pala talaga si Mr. Right," ani Gela.
"Apir, girl!" komento ni Osang at nag-apir nga sila.
Kapag si Osang talaga ang nagkuwento, tiyak na mabilis niyang mapapaniwala 'yung taong kinukuwentuhan niya. With matching feelings at action pa kasi kapag nagkukuwento siya. Gano'n kabulaklak ang kaniyang dila.
Sa aming pagpapatuloy, ni isa sa 'min ay ayaw magpatalo. Sa unang bagsak, pareho kaming papel. Then, pareho ring gunting. Tapos, bato ulit. Hanggang sa nagkaiba na kami sa wakas. Siya, nakagunting habang ako naman ay nakabato.
Halos magtatalon ako sa aking kinauupuan dahil ako ang nanalo. Ngayon pa lang, pakiramdam ko ay naka-jackpot na 'ko. Paano pa kaya kung makadaupang-palad ko si Zerudo? Syaks! Heaven na 'yon talaga!
"Mukhang sa 'yo umaayon ang tadhana. Congrats, girl!" bati ni Osang.
"Congrats, Juness!" saad ni Gela.
"Thank you, guys!" ani ko. Sa sobrang saya ko, napayakap ako sa kanilang dalawa nang mahigpit.
---
Nandito kami ngayon sa may comfort room. Alam na, kailangang mag-retouch at mag-ayos para kay crush. Nakakahiya naman kung bibisita ako ro'n kung dugyutin ang itsura. Kaunting pulbos lang naman ang ginawa ko saka wisik-wisik ng pabango. Bawal maging mabaho sa pagrampa. Huli kong inilagay 'yung lip gloss kong kulay pula para naman maging kissable ang aking lips.
"Ayan, puwede ka nang pagkaguluhan ng mga boylet do'n, girl," komento ni Osang. Tapos na rin silang mag-ayos ni Gela.
"Parang mas okay kung mag-pony tail ka. Mas fresh kang tingnan," dagdag naman ni Gela.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Mukhang tama si Gela, mas okay kung magtali ako ng buhok. Nakakahiya naman na habang naglalakad ako e kumakaway pa 'yung mga split end ko.
"Nice idea. Thanks, girl!" turan ko kay Gela.
Kinalkal ko ang loob ng bag ko at may natagpuan naman ako roong san rio. Inabot din ako ng limang minuto bago ko matali nang maayos ang aking buhok. Medyo naging perfectionist lang, dapat smooth at walang nakalaylay.
"Let's go!" sambit ko at tumungo na kami sa aming destinasyon.
---
Pagkarating namin sa building ng College of Business Administration, hindi namin alam kung saan kami magsisimula. Malaki rin ang building nila at mayroong tatlong floor. Saan kaya namin hahanapin dito si Zerudo?
"Nalintikan na, hindi natin alam kung saan siya hahanapin..." bungad ni Osang.
"Kaya natin 'to, hindi man natin alam kung saan tayo pupunta, kailangan lang nating maging matiyaga sa pag-iikot. Isipin na lang natin na nag-to-tour tayo sa building nila," pahayag ko.
Ayaw kong magkaroon ng negative energy sa katawan kaya ako na mismo nagpapalakas ng loob sa sarili ko maging sa kanila.
Nagsimula na kaming maglakad sa may hallway ng ground floor. May mga estudyante rin na nakatambay lang sa labas ng classroom nila. 'Yung iba, nag-chichikahan at 'yung iba ay waring nag-aaral kuno.
"Hello po, baka gusto n'yo po ng pastillas? 20 pesos lang ang isang balot," pag-alok ni Gela sa mga estudyanteng nadaraanan namin.
Hay, kinarir niya talaga ang pagtitinda. Pero hinayaan na lang namin siya ni Osang. 'Yon nga lang, wala pa ni isa ang bumili sa itinitinda niya. Tatlong supot na lang naman 'yon, ayaw talaga magpaawat.
Nganga kami sa ground floor. Hindi namin nakita ang presensiya ni Zerudo. Dumiretso kami sa may second floor. Medyo tahimik dito dahil walang mga estudyanteng nakatambay sa hallway. Isa pa, nandito ang library nila.
"Girls, punta lang ako sa library saglit. Kita na lang tayo sa entrace papaakyat sa third floor," sambit ni Gela.
"Sige," sagot namin.
Kami na muna ni Osang ang nag-ikot at naglakad-lakad. Nakakapagod dahil linga rito, linga roon. Lahat ng sulok ng madaraanan namin ay dapat naming mapansin. Hindi puwedeng sumuko at mawalan ng pag-asa, para kay Zerudo, laban lang.
Makalipas ang sampung minuto, olats pa rin kami. Naupo na muna kami saglit sa may hagdan para makapagpahinga. Dito na rin namin hihintayin si Gela.
"Hala, paano kaya kung hindi pala siya pumasok ngayon? O kaya umuwi na siya?" turan ni Osang habang pinupunasan ang pawis sa kaniyang noo.
"Huy, huwag ka namang magsalita ng ganiyan. Huwag naman sana, sayang 'yung effort na pagpunta natin kung gano'n. May isa pang floor, nananalig pa 'ko," tugon ko.
Nagpunas na rin ako ng pawis sa aking mukha at leeg. Grabe ang tagaktak, heto na ba ang resulta ng pagtitiyaga? Mukhang hindi pa, hindi pa kami mission accomplished, e.
"Sorry guys kung medyo natagalan ako. Nakapagbenta kasi ako sa library ng pastillas. Isa sa librarian, at isa sa estudyante na nag-e-ST do'n," pagsingit ni Gela. Bakas sa kaniyang mukha ang ligaya na nadarama.
"Good for you. Kami, ngangey pa rin. Pero para kay Juness, hashtag support lang," litaniya ni Osang.
"Thank you, guys! Kahit pagod na rin kayo sa paglalakad at kaiikot, push pa rin kayo," ani ko.
"Gano'n talaga kapag magkakaibigan, support lang lagi sa bawat isa," turan ni Gela.
"Group hug!" saad ni Osang at nagyakapan nga kami.
Heto na, last chance na talaga 'to. Kapag hindi pa namin nakita si Zerudo rito, ibig sabihin ay hindi kami para sa isa't isa. Kapag nagkataon, kailangan ko na siyang kalimutan at patayin 'yung feeling na nararamdaman ko. Isang buntong-hininga ang aking pinakawalan bago nagpatuloy sa paglalakad.
Pagkaakyat namin, hindi naman masyadong marami ang tao sa hallway. Karamihan din sa mga classroom ay wala na masyadong tao. Mga nakatambay na lang ang aming nadaratnan.
Habang abala kami sa pagsilip sa mga bintana ng bawat silid, unti-unting dumagundong ang aking puso nang dumiretso ang aking tingin. Hindi ako makapaniwala, nasilayan na ng mga mata ko ang taong ipinunta namin dito.
"Syaks, nando'n siya sa may pintuan..." bulong ni Osang.
"Wow, magaling talagang pumili si Juness," komento ni Gela nang masilayan si Zerudo.
Nakatayo si Zerudo sa may labas ng pintuan, pangalawa sa dulong classroom. Ang hot niya pa rin kahit naka-uniform siya. Mas lalong lumakas ang dating niya dahil nakasuot siya ng shades habang kumakain ng burger. Sana, naging burger na lang ako.
Kumpleto na ang araw ko. Sulit ang pagod at pawis dahil nakita ko ulit si Zerudo. Ibig sabihin, may chance pa na kami ayon kay destiny. Kung wala talaga siya rito, magwawala ako. Para akong natuod sa aking kinatatayuan at gusto ko na lamang siyang pagmasdan mula rito.
"Lapitan mo na, girl! Umamin ka na na crush mo siya!" sambit ni Osang.
"Huy, gaga. Huwag gano'n, pakipot ka muna nang kaunti. Magpapansin ka lang, 'yung tipong kunwari matatalisod ka sa harapan niya," turan naman ni Gela.
Mas okay 'yung suhestiyon ni Gela para hindi nga naman masyadong halata. Heto na 'ko, e. Heto na 'yung moment na 'yon. Hindi puwedeng pumunta kami rito para masilayan lang siya. Kailangan, may gawin ako para mapansin niya. Kamukatmukat, nakaisip ako ng ibang paraan. I need to do my best.
"Gela, 'di ba may isa ka pang pastillas d'yan na hindi naibebenta?" ani ko.
"Oo, bakit?" nagugulumihanan niyang tanong.
"Basta, just watch and learn," sambit ko. Agad namang kinuha ni Gela 'yung isang balot ng pastillas sa loob ng kaniyang bag at saka inabot sa 'kin.
"Thank you!" saad ko sabay yakap sa kaniya.
Dahan-dahan akong naglakad patungo sa direksyon ni Zerudo. Isang dipa na lang ang layo namin sa isa't isa nang bigla siyang tumingin sa direksyon. Dumagundong ulit ang aking dibdib na tila ba kinakabahan. Pakiramdam ko kasi, sa 'kin siya nakatingin. Tila ba nag-slow motion ang paligid maging ang pagnguya niya. Doon ko namataan kung gaano kapula ang kaniyang labi.
"Hello po," panimula ko nang makalapit ako sa kaniya. Nag-po ako sa kaniya bilang pagrespeto, hindi ko naman kasi alam kung sino ang mas matanda sa 'min. Saka isa pa, pabebe lang ang peg.
"Hello," bati niya sabay ngiti sa 'kin.
Sa pagngiti pa lang niyang 'yon, para bang matutunaw ako. Gusto kong magtatalon sa tuwa dahil answered prayer talaga. Masilayan lang siya, 'yon ang plano pero ngayon, nag-uusap pa kami. Syaks talaga!
Inayos ko na ang aking sarili at hindi ko ipinahalata na kinikilig ako. "Nagbebenta kasi ako ng pastillas bilang tulong na rin sa pag-aaral ng kaibigan ko. Nawa'y makabili ka, 20 pesos lang naman."
Hindi ko alam kung saang lupalop ako humugot ng lakas ng loob para bitiwan ang mga katagang 'yon. Ipinakita ko na rin sa kaniya 'yung tangan kong pastillas para maniwala siya.
"Wow, napakamatulungin mo naman sa kaibigan. Sige, bilhin ko na 'yan," sambit niya. Parang boses ng anghel ang kaniyang boses na umiinog sa aking isipan.
Naglabas siya ng bente pesos na barya sa kaniyang bulsa sabay abot sa akin. Ako naman si the moves, pasimple kong hinawakan ang kaniyang kamay nang iabot niya sa 'kin ang bayad. Syaks! Ang tigas! Halatang batak na batak sa paglalaro ng basketball.
"Thank you," sambit ko.
"Walang anuman," aniya sabay kuha sa may pastillas na tangan ko.
Para na 'kong sasabog nito sa kinatatayuan ko to the highest level! Sagad talaga sa kaiburan 'yung kilig na nararamdaman ko; 10/10 talaga ang araw na 'to.
"Amos! Halika rito saglit," sambit ng isang lalaki sa loob ng kanilang silid. Agad namang pumasok si Zerudo sa loob.
"OMG! Amos ang pangalan niya!" sambit ko sa aking isipan.
Agad naman akong naglakad palayo patungo kina Osang at Gela. Nanginginig sa tuwa ang aking katawan dulot ng sobrang kilig.
"Winner ka ro'n, girl! Nice move," bungad ni Osang.
"Ganoon pala dapat ang teknik para makausap si crush. Now I know," sambit ni Gela.
"Mission accomplished!" 'Yon na lang ang nasambit ko dulot ng tuwa.
May mga tao talaga na mawawala sa buhay natin pero mayroon din namang papalit. Noong mawala sina Gela at Osang, nagkaroon ako ng panibagong kaibigan. Akala ko, hindi na maaayos pa at maibabalik dati ang aming samahan. Mabuti na lang at nagbago ang ihip ng hangin. Sobrang saya ko dahil maayos na ang dati naming samahan.Nang mawala si Zerudo sa buhay ko, para bang guguho na rin ang mundo ko. Noong panahon na 'yon, hindi ko kayang tanggapin na wala na kami. Pilit akong umaasa na puwede pang maibalik ang pagmamahal niya sa 'kin kaya ginawa ko ang lahat, gumawa ako ng plano para makuha siya ulit. Hindi ko alam, iyon pala ang magiging pundasyon para maibukas ko ang aking puso sa iba. Salamat sa pagdating ni Yatco dahil muli niyang binigyan ng kulay ang madilim kong mundo.Sa kabila ng nagawa sa 'kin ni Zerudo, natutuhan ko pa rin naman siyang patawarin. Pagtungtong ng semester break, tinawagan ako ni Ate Mariz na magbabakasyon na muna sila ni Zerudo sa ibang bansa. Maaaring nagtamasa raw k
Friday na ngayon, heto na 'yung huling araw ng pasok namin. Bukas, bakasyon na. Hindi naman na kami ni-require na mag-uniform. Pagkaligo ko, tiningnan ko ang aking sarili sa may salamin at napansin ko nga ang may galos at pasa na medyo halata. Maging sa aking leeg ay medyo pansin ang tila ba bakat ng kaniyang daliri kapag malapitan. Mabuti na lang at hindi 'yon napansin ni Mama, medyo malayo rin naman kasi kami sa isa't isa.Naghanap ako ng damit sa aking cabinet pagkatapos. Nakita ko 'yung turtle neck kong kulay dark green kaya iyon na ang kinuha ko. Long sleeve rin naman ito kaya maitatago nito ang dapat na itago. Mabuti na nga lang at wala akong galos o pasa sa mukha. Hindi naman nagkaroon ng bakas 'yung pagpigang ginawa ni Amos sa aking panga kaya wala akong dapat na ipag-alala.Nagsuot ako ng pants na medyo fitted at saka ko ipinaloob doon 'yung damit ko saka ako naglagay ng belt. Rubber shoes ang isinuot ko sa aking paa para maging komportable naman ako. Nagsuot din ako ng sungl
Pagkahawak ko sa may seradura ng pinto ay sakto namang nahawakan niya ako sa may balikat. Nataranta talaga ako matapos 'yon kaya agad ko 'tong hinigit para bumukas ang pinto. Nagtagumpay naman ako at bahagya itong bumukas. "Tulong! Tulungan ninyo ako!" sigaw ko pa. Ginamit ko talaga ang opportunity na 'yon para ipangalandakan na kailangan ko ng tulong."Kahit magsisigaw ka pa rito, walang ibang tutulong sa 'yo," sambit niya. Nakangiti lang siya para tuyain ako. Kahit gano'n, ayaw ko pa ring mawalan ng pag-asa."Tulong! Please, tulong!" pagpalahaw ko pa.Sa pagkakataong 'yon, ginamitan niya ulit ako ng puwersa. Agad niya naman ako sinakal at hinila niya ako habang nakahawak ang kaniyang kamay sa aking leeg sapag diin niya sa 'kin sa may pader."Ayaw ko sana 'tong gawin kaso namumuro ka na sa 'kin. Kung hindi ka man magiging sa 'kin, sisiguraduhin ko namang hindi ka magiging kaniya," aniya. Medyo nakalawit na ang dila ko nang sabihin niya 'yon dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa le
Isa lang ang subject namin ngayon. Pumasok lang din ako para mag-attendance, after no'n ay uuwi na ako. Hindi ako sinundo ni Yatco dahil mamaya pa ang pasok niya. Nag-text na lang ako sa kaniya ng good morning kanina para naman mapangiti ko siya kahit papaano.After kong makapag-attendance, bumaba na agad ako ng building namin para umuwi. Niyayaya pa ako kanina nina Jessa, Lilibeth, Shammy, at Zendi na magliwaliw muna pero tumanggi ako. Gusto ko na munang makapagpahinga. Habang naglalakad ako sa daan ay nakasalubong ko si Klarisse, may kasama siyang lalaki - iyon yata ang boyfriend niya ngayon."Hi, Juness. Kumusta?" bati niya sa 'kin."Hello, okay naman ako. Ikaw ba?" wika ko."Heto, okay na okay. Mas masaya ako ngayon kasi may bago ng nagpapatibok ng puso ko," aniya."Oo nga pala, Noel this is Juness, kaibigan ko. Juness, this is Noel, boyfriend ko nga pala," maligaya niyang pakilala sa 'min sa isa't isa."Hello, nice to meet you," sambit ko kay Noel."Nice to meet you, too," nakang
Nang maubos namin 'yung ice cream namin ay nagkuwentuhan na muna kami. Nakaupo lang ako habang si Yatco naman ay nakahiga, wari mo'y nakasilay siya sa kalangitan. Siya ang unang nagbukas ng topic."May ideal age ka ba kung kailan mo gustong magpakasal?" tanong niya.Napaisip naman akong bigla sa tanong niya. Mayroon nga ba? Hindi pa kasi 'yon pumapasok sa isipan ko. Hangga't maaari, kung magpapakasal ako ay hindi naman 'yung nasa 30's na 'ko. Puwede na siguro 'yung 28 yrs old kasi kailan ko munang magkaroon ng stable na trabaho kapag naka-graduate na 'ko. Tutulong pa ako sa pamilya ko lalo na sa pag-aaral ni Januarius. Wala rin namang ibang aasahan si Mama kasi tiyak na may asawa na no'n si Ate Aprilyn."Hmm, 28 yrs old siguro. Hindi naman siguro aabot ng 30's. Ikaw ba?" pahayag ko."Uy, ang tagal pa pala. Ten years from now pa pala. Ako, nakadipende kung kailan magiging handa 'yung mapapangasawa ko," wika niya."Ang tagal pa ng ten years, mahintay mo pa kaya ako no'n?" ani ko."Oo na
"Oh, bakit umalis na 'yung dalawang kaibigan mo?" tanong ni Yatco nang makalapit na siya sa 'kin."Naku, importante pa silang lakad kaya nagpaalam na," pagdadahilan ko. "I see, akala ko e pinagalitan mo dahil nadulas sila sa 'kin kahapon," ngingisi-ngising sambit niya."Grabe ka naman sa 'kin, hindi ko naman sila papagalitan nang dahil lang do'n. Nakiki-chismis pa nga kung ano nangyari kahapon," turan ko."Naikuwento mo ba?" tanong niya na may halong pang-uusisa."S'yempre, hindi. Hindi ko naman na dapat pang ikuwento ang mga pribadong usapan. Mas masarap magkaroon ng tahimik na buhay," nakangiti kong sambit."Good girl," aniya sabay pisil sa pisngi ko."Oy, hindi ako aso," wika ko. "Speaking of aso, kumusta na si Nestor? Hindi ba siya makulit?" tanong niya pa."Hindi naman, mabait nga, e. Tahimik lang siya sa isang sulok kapag hindi nakakulong. Introvert yata si Nestor," turan na may kasamang paimpit na tawa."Siguro, extrovert siya kapag maligalig na," segunda niya kaya nagtawanan