Share

Chapter 10

Nagtatakbo ako pabalik sa mga kaibigan ko nang makapasok na si Zerudo sa loob ng kaniyang silid. Hindi ako magkandamayaw sa sobrang tuwa na aking nararamdaman. Bakas sa mukha ng mga kaibigan ko ang kaligayan dahil alam nilang napagtagumpayan namin ang plano na 'to.

Hindi pa ako humihinto sa harap nila nang bigla ko silang mahampas sa kanilang magkabilang braso dahil sa mataas na emosyong aking nararamdaman. 

"Awts, ang sakit no'n, girl," komento ni Osang.

"Huwag mo naman kasi---" Hindi na natapos ni Gela ang kaniyang sasabihin matapos kong ilagay ang aking kanang kamay sa kaniyang bibig.

"Shhh, moment ko 'to," saad ko.

Walang ano-ano'y dali-dali ko silang hinila sa may comfort room dito sa third floor. Hindi naman sila nagprotesta pa ang tila nagpatianod na lang kung saan ko sila dadalhin. Pagkarating namin do'n, walang tao kaya isinara ko na muna ang pinto at ni-lock ito.&n

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status