Share

Kabanata 10

Take my hand

Tila hindi ako mapakali dahil sa suot kong gown na hapit sa aking katawan, kitang-kita kasi ang cleavage ko sa yari ng gown na pina-suot sa akin ni Cindy.

Hindi rin nakalampas sa akin ang tingin nilang ewan ko kung humahanga o pinag nanasaan ako ngayon. Kaya pilit na ngiti lang ang isinukli ko sa mga taong nakakasalubong.

"Margaux!" Narinig kong may tumawag sa akin.

"Peter!"

"Wow! You look drop dead gorgeous tonight!" Hindi maitatangi sa mga mata nito ang pag-hanga.

"Thank you, Ikaw din." Ganti ko naman sinabi dito, gwapong-gwapo ito sa suot na black suit na tinernuhan ng itim na slack pants and oxford shoes.

"Thanks for the compliments." Nakangiti nitong sinabi bago ako kindatan. Nilahad nito ang kamay sa akin na siya ko naman malugod na tinanggap.

Ngunit pareho kaming lumingon sa boses na nagsalita sa likod ko.

Si Carick kasama ang kaniyang best man na si Lawrence. My heart pounding so fast as I watched his dark and dangerous pair of eyes. He's wearing a black tuxedo, na tinernuhan ng black slacks pants at leather shoes na itim rin. Samantalang ang groom ay naka suot naman ng white tuxedo.

"Margaux is that you?" Tila hindi makapaniwalang bungad sa'kin ni Carrick.

"Anong klaseng tanong ba yan?!" Tumaas ang kilay na sinabi ko bago ngumiti.

"Kung 'di siguro ngayon ang kasal ko, liligawan kita." Natatawang biro nito sa akin.

Umiling lamang ako sa kanyang biro at muling sumuyap kay Lawrence. His lips moved, na tila may gustong sabihin na hindi naman niya matuloy-tuloy.

"Ah, excuse me, mag uumpisa na po ang entourage." Pukaw sa'amin ng wedding coordinator. Kaya nag kanya-kanya na kami ng lakad.

Nakibagay ang panahon dahil napaka-aliwalas ng langit. Nakakamangha ang dapit hapon dahil matatanaw mo mula sa dagat ang kulay kahel na kalangitan kasabay ng malamig na ihip ng hangin.

Nangislap ang mga mata ko sa sobrang excitement. Para kasi akong nasa isang fairytale ngunit hindi ako ang bida. Hindi ko maiwasang balikan ang masasakit na nangyari sa pagitan namin ni Lester. Siguro panahon nalang ang makakapag-hilom ng sugat na iniwan niya sa puso ko.

Natigil ako sa pag mumuni-muni nang nag-ingay na ang ilang bisita. Natanaw kong nag-uumpisa ng maglakad si Cindy. Napakaganda nito sa suot na white gown below the knee. Napapalibutan ito ng makikinang na bato na lalong nag patingkad ng kaniyang ganda.

Mababakas sa muka nito ang saya at pagka-kuntento. Ito na siguro ang pinaka maluwang niyang ngiti buhat ng makilala ito maraming taon na ang nakakaraan.

Ilang oras pagkatapos ng kasal ay nagkakasiyahan na ang mga bisita sa Pavillion de'Saavedra kung saan ginanap ang reception.

Pinasya kong maupo sa isang sulok na hindi masyadong matao habang tahimik kong sinimsim ang baso ng wine na hawak.

"Why don't you join them?" Bigla akong napalingon sa pinanggalingan ng boses. Lawrence stood beside me holding a glass of champagne.

Imbes na sumagot ay inubos ko ang laman ng wine sa aking basong hawak.

"Don't drink to much, Margaux." paalala nito sa akin. Kumunot ang noo ko sa kanya at kumuha muli ng isang baso sa dumaang waiter.

"It's just a wine, Lawrence." Matipid kong sagot sa kanya at nilagok muli ang baso pero inagaw niya mula sa akin ang baso saka iyon diretsong ininom. Napa-awang nalang ang labi ko sa kanyang ginawa.

Bigla niya ring hinubad ang suot na coat at binalabal sa balat kong kanina pa nadarampian ng malamig na hangin.

"Thanks," I murmured.

His lips curled around the rim of the glass. "You look as pretty as always." His voice was husky and soft.

I looked up at him, he has a pleasant expression. It was beautiful, and I wished that he would never stopped and stay the same.

Mabilis nitong pinutol ang mga titig at nagsalita. "It's getting cold in here.." Marahan nitong hinawakanang kamay ko't giniya palabas ng Pavilion.

Ngunit nadepina ang mga paa ko sa entrada palang ng Pavilion dahil sa pares na papasok.

"Kuya Lawrence!" Masayang bati ng babae dito na h*****k pa sa pisngi niya.

Bumaba ang pansin ko sa suot nitong maternity dress na hindi na ma-itago ang pamumukol ng tiyan.

I gave Lawrence an a questionable looked and puzzled expression.

"Im glad you're here Sarah, I'm sure Carirck will happy to see!" Lawrence told to her.

"Ah.. kuya I'd like you to meet, Lester my fiancé." Pakilala nito sa katabi bago sumulyap sa akin.

The heavy silence settled between us. Nag sukatan ng tingin ang dalawa ngunit sa huli ay si Lester ang unang nag-baba ng tingin sa aming magka-daop na kamay.

Lumunok ako at nag-iwas ng tingin. I still feel the pain and it really hurts. But I get use to it, kailangan kong magpangap na tanggap ko na ang nangyari sa pagitan namin.

"By the way this is Margaux Collins my date for tonight." He introduced me to them. Nagulat man ay hindi ko 'yon pinahalata.

Bakas kay Lester ang matinding gulat na siya kong tinaasan ng kilay. Gusto kong ipa-mukha dito na hindi ako naging mesirable nang iwan niya. I want to prove them they're wrong. That I'm accepting the fact the he belong with someone else and someday I will be someone's everything.

Pumikit ako ng mariin nang makapag-paalam na ang mga ito kay Lawrence. Malalaki ang hakbang kong nilabas ang Pavilion na ramdam ang mga tingin ng ilan sa akin. Gusto sumabog ng puso ko sa galit dahil sa tahasang paglalantad sa publiko ng babaeng ipinag-palit niya sa'akin.

I am at the middle of my step when I heard Lawrence voice beside me. "Take my hand.." Mabilis nitong ginagap ang palad ko at inalalayan akong makalabas ng Pavilion.

We remained silent the whole time kahit pa nakalabas na kami ng Pavilion at patuloy na naglalakad. Hanggang huminto ang mga paa ko sa tapat ng isang ancestral house.

"B-bakit tayo narito?" I asked him curiously.

"I just need to unwind," His husky voice melting away my insecurities and hatred.

Humakbang kami papasok sa loob. Hindi ko mapigilan ang humanga dahil sa pagka-old-style-fashion ng bahay. Halatang alaga ito sa linis dahil wala akong mapapansing alikabok man lang o dumi sa paligid.

The old house was built without an exterior design with naturals color. The newest features were built in was never affects the sentimentality of the uniqueness of the house. Naglakad ako patungong sa may malaking veranda at nilanghap ang sariwang hangin.

"Now,you are free to breathe in," saad niya bago tinukod ang dalawang kamay sa pasimanobago tumingin sa malayo.

"I can't thank you enough for what you did," I sincerely said.

"Ginawa ko lang ang dapat, ayoko rin magkaroon ng gusot sa pagitan namin ni Sarah." Pag-amin niya.

Sumulyap ako dito bago tumango.

"You can stay here whenever you want. Dito ka muna matulog ngayong gabi," he told me.

Hindi ako sumagot. Paano'y ang sarap niyang titigan sa ganoong angulo. He looked so handsome the way he clenched his jaw and furrowed his brows.When he turned his face to look at me in the eyes, my heart pounding fast erratically. Mabilis akong nag-iwas ng tingin at inayos ang sarili.

"Are you enjoying the view?" He softly asked.

Kumibot ang mga labi ko, hindi ko alam kung ano ba gusto niyang puntohin sa tanong niya kaya pinili kong hindi sagotin ang bagay na iyon.

"Si Sarah? Kaylan pa kayo nagkakilala?" hindi ko napigilang itanong.

"Sarah is Teriss younger sister, there is nothing too special about her, except for the facts that she's Carrick ex-girlfriend." He revealed.

Nagulat man ay hindi nalang ako nag komento. Tama siya, walang espesyal tungkol sa kanya.

"You need to take some rest, medyo malamig na ang hangin," wika niya pagdaka'y umayos ng tayo.

Sinang-ayonan ko ito nang ayain niya ako sa loob para makapag pahinga. Agad din naman itong umalis dahil nakatangap ng tawag mula kay Carrick.

Pinili ko manatili nalang sa isa sa mga silid na naroon at pilit na pinikit ang mga mata dahil nandoon pa si Lawrence. Gustohin ko mang bumalik sa bulwagan ay hindi ko magawa dahil rin kay Lester.

Ngunit kahit na anong baling ko nang higa ay hindi ako dalawin ng antok. Isa pa kanina pa rin ako na ngangati sa suot kong gown. Kaya sa huli ay pinasya kong lumabas at tinungo ang daan pabalik sa Pavilion.

Manaka-naka nalamang ang tao ng marating ko ang reception. Halos puro kalalakihan nalang ang naiwan doon na nag-sisipag inuman. Mukang umalis na rin ang mag-asawang Carrick at Cindy na may flight patungong Hawaii.

Dumako ang tingin ko sa bandang Logistic na siyang kumakanta sa stage at ilang kalalakihan upang hanapin doon si Lawrence.

"Ah excuse me? May know where I can find Mr.Saavedra?" Tanong ko sa Isa sa mga staff ng hotel.

"Ay, ma'am pagkaka-alam ko po kasama ni miss Terriss kanina. Nasobrahan po yata ng inom kaya inasikaso ni Sir Lawrence."

My heart skipped a bit, hindi ko napaigilang mapasinghap sa nalaman. Kung ganoon ay tiyak na magkasama ang mga ito sa suite ni Lawrence.

"Sige, Salamat nalang.." I said, and walks toward the main door. Sa huli ay bumalik na nalang ako sa ancestral house na bitbit ang sama ng loob.

Padabog akong bumalik sa paghiga na ramdam pa rin ang pinong kurot sa dibdib. Hindi ko maintinidhan ang sarili kung bakit kailangan kong masaktan sa nalamang iyon.

Napabalikwas naman ako ng bangon buhat ng makarinig ang marahanna pagka katok. Paniguradong si Lawrence na ang kumakatok. I excitedly open the door for him, ngunit hindi ko inaasahang si Peter ang bubungad sa'akin.

"Peter? What are you doing here?" napa-atras ako dala ng kabiglaan.

"Pasensya kana, pinagtanong kasi kita sa Ilang staff at dito ka daw nila namataan." Napansin kong hinagod ako nito ng tingin dahil suot ko pa rin ang gown ko kanina.

"G-gusto mo bang pumasok muna?" I asked, sabay kagat ko sa labi, hindi kasi dapat iyon ang sasabihin ko.

"Hindi na, gusto lang kitang kamustahin, nawala ka kasi bigla sa reception kanina." Humawak ito sa hamba ng pinto at bahagyang yumuko sa akin.

"Medyo nakaramdam kasi ako ng pagka-hilo kanina kaya dito ako dinala ni Lawrence.." I explained, then looking away.

"Lawrence?" He clarified.

Marahan akong tumango at pinanood kung paano gumalaw ang perpekto nitong panga habang umaayos ng tayo.

"M-may kailangan ka ba?" sa wakas ay na sambit ko rin ang kanina pa tumatakbo sa isip ko.

"No, nothing.." Bahagya itong kumamot sa noo bago muling magsalita. "I'll better be going. Goodnight."

"Good night, Peter.. See you around." I replied.

Sandali pang nag-lagi ang tingin nito sa akin bago ako talikuran. Naiwan naman akong nakatanaw lang sa kanya bago ko ilapat pasara ang pinto.

Mariin akong pumikit habang nakasandal sa malapad na dahon nang makarinig muli ng mahihinang pagkatok.

Mabilis ko itong binuksan sa pag aakalang may nakalimutan lang si Peter ngunit laking gulat ko nang si Lawrence ang bumungad sa akin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status