Share

Kabanata 9

Jealous

Nagising ako sa malamig ng hangin na dumarampi sa aking pisngi. The sun was already rising from the ground, the sweet humming birds and the cold ocean breeze greeted me.

Sinulyapan ko ang brekfast na nasa side table, kung saan may naka ipit doong isang maliit na note na may kasamang pulang rosas. Naglakad ako patungo sa may veranda at binasa ang sulat na naka lakip doon.

Good morning sweetie.

Again, I'm sorry for what I did last night. Eat your breakfast. I'll be busy today. Enjoy the good weather. I'll be back at lunch..

Lawrence;

Isang ngiti ang sumilay sa aking labi at bahagyang inamoy ang rosas na hawak. The cold onshore breeze blew right through my skin. The sea song of the waves soothed me. Parang gusto kong mamalagi nalang dito at takasan ang magulong mundo.

Pinili kong kumain sa may veranda habang nakatanaw sa magandang view ng Isla.

Napansin kong may nakahanda rin damit para suotin ko. Isang dress na kulay yellow at medyo hapit sa bewang. May Isa ring flat sandals na kulay puti at isang pares ng undergarments.

Agad na nag-init ang dalawang pisngi ko. How does he know my size? Nanginginig ang kamay habang hawak ang pulang underwear.

Nang makapaligo ay hindi pa rin nawawala ang pamumula ng mukha dahil sa naging resulta ng damit na bigay niya. Para kasi itong sinukat sa akin. Ilang beses pa akong nag pa ikot-ikot sa harap ng salamin bago pinasyang lumabas ng naturang suite.

Pagbukas ko palang ng pinto ay ang mapanuring mata ng ilang empleyado ang bumungad sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng hiya dahil hindi lingid sakanila kung kaninong suite ang nilabasan ko.

"G-good morning po, ma'am!" Bati sa akin ng Isang babae nang makabawi sa pagkagulat.

"Good morning." I greeted back, diretso lang din ang tingin ko bago lampasan ang mga ito na halos mabali na ang leeg kakalingon sa akin.

Pinasya kong maglakad lakad sa dalampasigan dahil sa ganda ng panahon. Masarap sa pakiramdam ang paglubog ng paa ko sa malambot na buhangin habang hawak ang sandals na hinubad.

Ilang sandali ko pang pinag-sawa ang mata sa magandang tanawin bago piniling maupo sa lounge.

"Margaux?" Mabilis ang naging pagdilat ko para sinohin ang tumawag sa akin.

"Teriss?" I surprisingly said, bumangon din ako mula sa pagkakahilig sa lounge bago ngumiti dito.

"Ikaw nga, kasama mo nabang dumating si Cindy dito ngayon?" Agad niyang tanong. Naka suot ito ng pulang maxi dress at malaking sunhat.

"Hindi, nauna ako dito."

"Oh, I see, paano iwan muna kita, cause' I'm looking for Lawrence, see you around!" Sandali muna nitong hinagod ang kabuoan ko bago ako talikuran.

I lightly shook my head, hindi na ako magtataka kung bakit patay na patay ito kay Lawrence. Inaamin ko maging ako ay attracted rin sa kanya, ngunit tama bang maramdaman ko ito ng mas maaga sa inaakala ko?

Muli akong umiling. No! this can't be happening, Margaux. You know the three months rule, right? Masyado yatang maaga kung may mararamdaman na ako para sa kanya.

Humugot muna ako ng malalim na paghinga bago maisipang tumungo kung saan gaganapin ang beach wedding nila Carick at Cindy.

Busy ang mga tao sa pag-aayos ng mga dekorasyon sa gaganaping kasal. Halatang binubusising maigi ang bawat detalye. This is actually one of my biggest dream, ang ikasal sa mala paraisong lugar. Gusto ko 'yong ta-tatak sa isip ng mga tao at mag-iiwan ng masayang alaala. Ngumiti ako ng mapait, siguro nga hindi si Lester ang nakatadhana sa akin, marahil may ibang mas-deserving nitong pagmamahal ko.

"Margaux!" Isang boses mula sa malayo ang pumukaw sa naglalakad kong isip.

"Laura! Kamusta?" Nalingonan ko ang pinsan ni Cindy na palapit.

"Naku, mukang malapit nang lumabas iyan ha?" Bati ko, bahagya ko ring hinaplos ang tiyan nitong malaki na bago sulyapan ang asawa nitong si Anton.

"Oo nga at ang likot na niya sobra, halos 'di na nga ako makatulog sa gabi eh," aniya sa'kin bago ngumiti.

"Are you with tita Letizia?" tanong naman sa akin ni Anton buhat nang makalapit.

"Hindi, mag-isa lang ako."

Hindi ko naman pwedeng sabihing kasama ko si Lawrence at doon ako natulog sa suite niya kagabi, baka kasi kung ano pa ang isipin nito sa amin.

"Sige mauna na muna kami, medyo pagod sa byahe," ani Laura sa akin bago ako halikan sa pisngi.

"Okay, see you around!" I quickly said.

Tulad ng mga ito ay pinasya kong bumalik na sa hotel para magpahinga na rin. Binabagtas ko ang pathway kung saan tinutonton nito ang hotel nang malingonan ko si Lawrence mula sa malayo.

He's busy chatting with someone. Mula sa pwesto ko ay malay ko itong napagmamasdan. His smile makes my heart jump and those sexy lips made me gasped. I bit my lower lip and slowly raked my eyes at his whole God shape body. He's wearing a white long sleeve polo that lightly fold up to his elbow. His black pants indicate his maturity and his oxford shiny shoes that never fails to impressed me.

Halos manghina ang dalawang tuhod ko nang bumaling ito sa akin ng tingin. I held my breath for awhile as we staring back at each other.

Napansin kong nagpaalam ito sa kausap, bago pumihit ng lakad patungo sa direksyon ko. I hesitantly looked away, gusto ko sanang dedmahin ang paglapit niya ngunit nagtaksil sa akin ang mga paa.

"Hi!" he greeted with a soft smile on his face.

"H-hello" I stuttered, and didn't even bother to look at him in the eye.

"How's your breakfast? I'm sorry hindi na kita nahintay magising, kailangan na kasi ako sa trabaho." He apologized.

"No! Hindi naman kailangan, saka masarap naman ang breakfast kaya ayos lang." I shyly said, bagaman hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa nito sa akin kagabi kaya hindi na ako nagsalita pa.

"Your dress is fit with you. You look pretty today," he praises, bago ako sipatin ng tingin,

"Salamat pala sa damit. H-hindi kana sana nag-abala." I smiled timidly.

"Just never mind, you're beyond gorgeous in that dress," he replied, bago na ako talikuran para bumalik sa kaninang kausap.

Heat rose up from my both cheeks. Labis ang galak sa pusong sinundan ito ng tingin.

Naisipan kong bumalik nalang muna sa suite para doon magpalipas ng oras habang hinihintay si Cindy pero buhat dito'y namataan ko si Peter na palapit sa akin.

"Peter?!" Bulalas kong bati dito.

"Yes, parang gulat na gulat ka yata?" Sumilay dito ang matamis na ngiti.

"No, actually yes!" na bubulol kong sinabi.

Tumawa ito ng bahagya na dahil sa tahasan kong sinabi. Mabilis naman akong lumingon sa banda ni Lawrence na siyang abala pa rin sa kaniyang kausap.

Pasensya kana sa nangyari kagabi, kamusta ka? Ayos ka lang ba?" I asked him, bumaba ang tingin sa putok nitong labi.

"Yes, I'm better now," he answered, na parang balewala ang nagyai kagabi.

Sandaling katahimikan ang namutawi sa pagitan namin, that leads to an uncomfortable feeling inside me.

"Ah, are you with Carrick?" I asked.

"Yes, along with my friends," he quickly said then shrugged his shoulder na parang hindi naman importante sa kanya ang sinabi.

"I quickly nod. Muling sumulyap kay Lawrence na ngayo'y madilim ang matang nakatanaw sa amin.

My heart starts pounding as he walks toward to our direction with brows knitted so hard.

"Paano mauuna na ako, nice meeting you again." Pag-iwas ko dito.

Tangka na sana akong tatalikod nang pigilan nito ang palapulsohan ko. Kinakabahan ko itong nilingon matapos ay sinulyapan si Lawrence na palapit na sa amin.

"Margaux, yung sinabi ko saiyong gusto kitang ligawan, gusto ko sana malaman mo na seryoso pa rin ako doon," he confessed.

Sasagot pa sana ako ngunit mabilis nang nakalapit sa amin si Lawrence.

"What the hell are you doing here?!" Pa-asik na tanong nito kay Peter.

"The groom invited me here." Peter answered in a calmer voice.

Pansin kong bumaba ang tingin ni Lawrence sa palapulsohan kong hawak pa rin ni Peter hanggang ngayon.

"This is my resort, lahat ng nakikita ng mata mo ay pag-aari ko, you can leave peacefully o, gusto mong dagdagan ko pa 'hyang pasa sa mukha mo." May diin nitong sinabi kay Peter.

Peter smirked and stood beside me. "Hindi ko alam pare kung bakit ka nagkakaganyan, bakit pre, nag seselos kaba?"

My eyes flew out to Lawrence, hinihintay ang kaniyang sagot.

"Are you kidding me?" The smirked grew over his face. Halatang hindi nababahiran ng karuwagan. "I'm a Saavedra, hindi na dapat tinatanong pa 'yan." He confidently said to Peter.

Bumagsak ang tingin ko sa lupa dahil hindi iyon ang inaasahan kong sagot.

"You are right, you are a Saavedra." May pang-uuyam na balik dito ni Peter.

"Ayoko ko lang na may naba-bastos na babae sa harapan ko." Lawrence shot back.

"Hey wait, who told you that? You are not even her boyfriend! Last time I check you and Terriss are dating, wag mong sasabihin sa akin na gusto mo lang siyang isama sa mga babaeng pina-iiyak mo at gustong paglaruan?" sumilay ang ngiti sa mga labi ni Peter matapos magsalita.

I saw a disapproval gleam of Lawrence, but he remain silence at his remark.

I swallowed hard, silence means yes, right? Mukang balak lang talaga niya akong isama sa mga babaeng gusto niyang paglaruan. I shut my eyes firmly, trying to lessen the emotion that trembled me.

"Wala naman masama kung ligawan ko si Margaux diba?" he told to Lawrence.

Pinagmasdan kong ang magiging reaksyon ni Lawrence, his fisted hand digging with silent anger, ilang beses kong nakita ang gumalaw ang perpektong panga bago magsalita.

"Alright, you can do whatever you want." Malumanay na ang boses nito nang magsalita. Sumulyap muna ito sa akin bago kami parehong talikuran na walang paalam.

Hindi pamilyar ang kirot naramdaman ko habang sinusundan ito ng tingin.

"Are you alright?" tanong ni Peter sa akin kapagdaka.

"Gusto ko muna magpahinga, bigla kasi sumakit ang ulo ko." Pagdadahilan ko.

"Gusto mo ihatid na kita sa suite mo?" he offered.

"No, you don't have to, kaya ko pa naman," mabilis kong sagot. Ayokong malaman niya na sa Iisang kwarto lang kami ni Lawrence namamalagi.

Napansin kong kumunot ang noo nito sa naging sagot ko kaya bahagya akong ngumiti dito.

"Ayos lang talaga ako, salamat sa offer mo pero kaya ko na, salamat ulit." Paalam ko dito bago nagpatiuna nang maglakad palayo.

Nang huminto ang mga paa ko sa tapat ng suite ni Lawrence ay agad akong nag atubiling katokin ito. Bahagya rin akong sumulyap sa paligid at hindi nanaman nakaligtas sa'kin ang mapanuring mata ng ilang empleyado.

Nag-ipon muna ako ng hangin sa dibdib bago maisipang kumatok ngunit walang nagbukas ng pinto.

Tangka na sana akong tatalikod nang marinig ang marahang pagbukas nito. Halos bumagsak ang panga ko buhat nang makilala ang nagbukas ng pinto.

"Terriss?!"

"Margaux? what are you doing here? Are you looking for Lawrence?" The corner of her lips hitched.

Napansin kong nakatapis lamang ito ng tuwalya, indekasyong wala itong ano mang suot sa loob niyon.

I barely had a moment to react. Dahil agad itong nagtaas ng kilay at humilig sa pintuan.

"Oh I'm sorry, nasa bathroom kasi si Lawrence at naliligo, gusto mo bang pumasok muna?" Sumilay ang ngiti sa mga labi nito nang sabihin iyon.

"H-hindi na salamat nalang.." Mabilis ko na itong tinalikuran at naglakad palayo. Hindi ko mabigyan ng pangalan ang kirot na patuloy na umu-usbong dito puso.

Tila wala sa sariling tinungo ko ang front desk.

"Excuse me, miss. I'm one of the guest of Mr. Carrick Saavedra, can you kindly check if he have a reservation for me? I'm Margaux Collin." Pakilala ko.

"Sige po ma'am." Magalang na sagot nito sa pagitan ng mga ngiti. Humarap ito sa kanyang monitor at sandali pa ay muling nagsalita.

"Yes ma'am, but sorry to say that mr. president already cancelled your reservation awhile ago," aniya sa mababang boses.

"What?!" Tumaas ang tono ng boses ko dito kaya naka-agaw na kami nang pansin ng ilan. Sandali akong pumikit at hinilot ang sentidong makirot.

"Can you please give me another room?" I patiently said, nang makabawi sa pagkabigla.

"I'm sorry ma'am, pero puno napo kami sa ngayon, halos puro occupied na po ng mga guest sa wedding ang mga suite ngayon," aniya sa akin.

"Pero guest din ako dito?!" Turo ko sa sarili.

"I'm so sorry, ma'am," she apologizing.

"Thank you.." Walang ka ngiti-ngiti ko itong tinalikuran at nag-martsa pabalik sa suite ni Lawrence. He can't do this to me. Saan ako ngayon pupulutin nito kung pina-canceled pala niya ang room reservation ko?

Nang tumapat muli ang paa ko sa kaniyang suite ay walang pag-aalinlangan na akong kumatok sa pinto.

Suddenly, Lawrence open the door for me, "Bakit mo ginawa iyon?!" bungad kong sinabi dito.

"Ang alin?" He furrowed his brows at me while drying his hair using a towel. He's now wearing a plain white-shirt and black trouser. I stopped and stare for a moment and admire how gorgeous he is standing in front me.

"You canceled my hotel reservation, and to think na papayag pa akong tumuloy diyan sa kwarto mo?" I said and dragged him a hawkish gaze.

"Unless gusto mong sa labas ng resort matulog?" Shoulder shaking in a silent laughter.

"No way!" I expelled.

Nagkibit balikat lamang ito sa akin bago luwagan ang bukas ng pinto bago ako talikuran.

I blew out a breath and shook my head down. Sa huli ay pinasya kong humakbang papasok. Agad na hinanap ng mata ko si Terris, ngunit walang bakas nito sa loob.

"Kung hinahanap mo siya, I throw her out of my suite. Pumasok siya dito habang naliligo ako and tried to seduce me," he explained carefully.

"Kung ini-isip mong may namamagitan sa amin, nag kakamali ka." he added, arms crossed against his chest.

I remained silent, wala akong balak na pagtalunan pa namin ang bagay na ito dahil wala namang kami at wala ako sa posisyon para hingan s'ya ng paliwanag.

Dumiretso nalang ako sa silid na nilaan niya sa akin kagabi at pasalampak na naupo sa gilid ng kama. Ilang beses kong kinalma ang sarili bago mapansin ang pulang rosas na bigay niya kanina. Sandali akong pumikit at inamoy ang bango niyon. Hindi ko mapiglan ang ngumiti pag naaalala ang sulat na kalakip nito kanina.

"Hmm, lucky rose.."

My eyes flew open and darted to him. He was leaning his back against door frame and staring hard at me, a deep curve on his lips makes me stop with the precious dimple that crinkles every time he smile.

Hindi ko mapigilang mapalabi, ano kaya ang pakiramdam ng makulong sa mga bisig nito lalo na kung higit pa kagabi ang nangyari sa amin? Mabilis akong umiiling at pinagalitan ang sarili sa naiisip.

"Our lunch is ready, let's eat," aya nitong sinabi sa akin bago ako iwanan.

Tahimik naman akong sumunod dito dahil sa totoo lang ay nagutom ako sa pamamasyal kanina.

He pulled me a seat and gentle rub my shoulder bago ito humarap ng upo sa akin. Tahimik lang kaming kumain na tila pinakikiramdaman ang bawat isa.

"So, how's Peter?" He swirled the wine in his glass and looked intently to my eyes.

"Hmm.. he seems alright," sagot ko. Pansin kong tumaas lang ang kilay nito bago ituloy ang pagkain.

Hindii na muli pa itong nagsalita. But I get surprised when he lean closer to me and my back stiffen against the chair like a frozen ice.

Napapikit ako ng gawaran nito ng punas ang gilid na bahagi ng aking labi. My heart melted, pakiramdam ko rin ay namula ang dalawang pisngi ko sa hiya.

"I'm sorry," he utter, bago bahagyang lumayo para bumalik sa pagkaka-upo.

I swallowed with effort, "It's okay," I whispered.

We stared back at each others for a minute until he finally dropped his gaze when his phone rang at his pocket.

Nagkaroon tuloy ako ng pagkakataon pagmasdan ito habang sinasagot ang tawag. This man is charm to be sure and has the bright sparkling in his eyes and a voice that is warmer than sunlight.

Napakurap ako nang magsalita ito sa akin.

"Finish your food, I have an important things to do at the reception," he declared.

Umalis rin agad ito nang matapos akong kumain. Hindi ko na rin sinubukang lumabas ng suite at pinili nalang na tawagan si Cindy.

Inasahan ko na ang sunod-sunod nitong tanong ngunit kahit isa ay wala akong binigay na detalye dahil kahit ako ay hindi sigurado sa kung ano bang meron kami ni Lawrence.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Calista Dale
binabakuran ka niya ate.. ayieee
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status