หน้าหลัก / Romance / Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband / Chapter 38: If you don't sign up, just rub the mud

แชร์

Chapter 38: If you don't sign up, just rub the mud

ผู้เขียน: Mallory Isla
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2024-10-28 21:50:53

Pagkatapos ma-ipost ng mga pang-promosyon na panukala sa hapon, makabuluhang dumami ang bilang ng mga estudyante na nag-rehistro. Si Mariana at maraming estudyante ang abala, ngunit hindi nila inasahan ang isang hindi inanyayahang bisita ang pupunta sa poster ng pag-paparehistro.

"Kompetisyon para sa sikolohikal na pag-aaral? Ngayong taon, talagang ipinahawak ito sa malanding babae na si Mariana?" tumitig si Kaena sa dalawang malalaking letra na "Mariana Ramirez" sa poster, halos malason ang kaniyang mga mata.

Ang munting tagasunod ni Kaena na si Carol ay tumango sa pagsang-ayon. "Tama iyan, Kaena, masyadoong iresponsable ang eskwelahan. Paano nila ipinahawak ang taunang kompetisyon dito sa bagong nagpapraktis na guro? At masyado siyang narcisistiko, hindi ba? Ang kompetisyon sa pag-aaral ay kompetisyon sa pag-aaral. Bakit iimprenta ang pangalan mo sa poster?"

Tiyak na hindi alam ni Mariana na nasa poster ang kaniyang pangalan. Trabaho ito lahat ni Maxine. Partikular na tinuruan ng m
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก

บทล่าสุด

  • Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband   Chapter 133

    Tumango si Mariana at muling ipinikit ang kaniyang pagod na mga mata. Kalahating tulog at kalahating gising ang kaniyang diwa nang sa wakas ay lumabas na ng banyo si Mavros na nakabalandra ang itaas na bahagi ng katawan, ang kalahating basang buhok nito ay natatakpan ng maulap na singaw ng tubig. Sa sandaling sumampa ito sa kama ay mabilis na inihagis ni Mariana ang sarili sa mga bisig ni Mavros. "Napakatagal mo naman." saad ni Mariana. "Nagising ba kita?" tanong ni Mavros pagkatapos ay inilagay niya ang kanyang kamay sa likod ni Mariana. Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Mariana. "Hindi naman." aniya. Hinawakan niya ang mukha ni Mavros gamit ang kanyang kabilang kamay at muling nagtanong. "Bakit ka ba hingi ng hingi ng tawad kanina?" tanong ni Mariana. Bahagya ring nanlaki ang mga mata ni Mavros dahil sa tanong na iyon. "Natatakot lang ako na baka kamuhian mo ako kapag nalalasing ako." sagot Mavros. Ilang minuto pa siyang naghintay sa magiging tugon ni M

  • Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband   Chapter 132

    — Samantala, sa bar na nasa loob lang din ng islang kinaroroonan nila ay nagtungo roon si Mavros, nagtungo siya sa isang sulok at saka umorder ng ilang baso ng alak. Nang matagpuan siya ni Jasver ay nakainom na agad siya ng tatlong baso ng alak. "Mavros? Bakit hindi mo kasama si Miss Ramirez at umiinom ka ng mag-isa dito?" tanong ni Jasver nang makalapit sa kinaroroonan ni Mavros. Inabot sa kanya ni Mavros ang isang buong bote ng alak na walang ekspresyon ang mukha. "Samahan mo ako at uminom ka ng dalawang bote ng alak rito." ani Mavros. Nilunok ni Jasver ang kanyang sariling laway at saka tinitigan ang buong bote ng mamahaling alak na inilahad sa kaniyang harapan sa pagkamangha. Masunurin niyang binuksan ang bote at saka nagsalin ng dalawang baso ng alak at gayon din sa baso ni Mavros. "Ano bang problema, Mavros? Broken hearted ka ba?" tanong ni Jasver kay Mavros. "Hindi." maikling sagot ni Mavros pagkatapos ay muling nilagok ang alak na sinalin ni Jasver sa kan

  • Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband   Chapter 131

    Sa huli ay maingat na itinulak ni Mariana ang kabute na inihaw ni Ellie. "Ellie, subukan mo muna." aniya "Bakit? Ano ang mali?" tanong ni Ellie. Kinuha niya ang kabute at kumagat roon pagkatapos, pumihit sa mukha niya ang kulay ng atay ng baboy.“Nakakadiri!" ani Ellie oagkatapos iluwa ang kaunting pagkain na kaniyang kinagatan. "Subukan mo sa akin." May halong pagmamalaki na saad ni Jasver. Sinulyapan siya ni Ellie."Tiyak na maling paraan lang ang sinabi ni Tita Wanda, hindi ako kumbinsido, hindi ko pa rin kakainin ang sa iyo!" ani Ellie. Tinalikuran niya ang mukha ni Jasver, ngunit ang bango ng minasa na bawang ay nanuot sa kanyang pang-amoy. Nanatiling nakaupo si Maxine sa tabi ni Ellie, ngumunguya ng mga kabute sa malalaki nitong bibig, humihingal, at ang kanyang mga mata ay puno ng mga bituin. Hindi niya maiwasang bumulong sa kanyang puso, kung gaano kaya ito kasarap! Kinain niya ang mga pagkain na nasa pinggan ni Jasver, na talaga namang ka

  • Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband   Chapter 130: Roasted Mushroom Showdown

    Kinuha ni Mariana ang lahat ng uri ng seafood, naroon ang starfish, alimango, at maging mga suso ay pinulot niya. Humakbang si Mavros patungo kay Mariana, may dala itong isang balde sa isang kamay, habang ang isa ay nakakuyom na tila may hawak-hawak na kung ano. "Iunat mo ang kamay mo." ani Mavros. "Ano?" tinignan siya ni Mariana habang nakakunot ang noo dahil sa kalituhan "Iunat mo ang kamay mo." ulit Mavros. Nag-aalangan namang iniunat ni Mariana ang kanyang kamay, handang bawiin ito anumang oras. Ibinuka ni Mavros ang kanyang nakakuyom na kamao at inilaay inilagay sa palad ni Mariana, naramdaman ni Mariana ang lamig sa kanyang palad. Isang shell. "Kinuha ko iyan." ani Mavros. Tiningnan lamang ni Mariana ang shell na nasa kaniyang palad, na isa iyong kulay pink na wavy shell. "Ang ganda naman nito." ani Mariana pagkatapos ay inilagay niya ang shell sa kanyang bulsa. Si Maxine, na hindi kalayuan, ay nakatingin sa labas at nakita sina

  • Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband   Chapter 129: Resort Island

    Sabay-sabay na tumakbo sina Tyson at Diana palapit kay Kaena. "Yan yan, nag-book ako ng table sa CGG. Ang pagkain dito ay hindi din naman mukhang pampagana. Halika na." anyaya ni Mavros kay Mariana. Iniunat niya ang kanyang kamay sa harap ni Mariana, na tinanggap naman ng huli. "Hindi ka maaaring umalis! Hindi pa malinaw ang lahat!" Sigaw na sambit ni Kaena nang makita niyang akma nang aalis sina Mavros at nagmamadaling tumakbo palabas. Naiinip naman siyqng tinapunan ng tingin nina Mavros at Mariana. "Hindi ba dapat ay nasa mental hospital ka ngayon?" ani Mavros. Puno ng galit ang mga mata ni Kaena, ngunit pinilit pa rin niyang ngumiti. "Mr. Torres, ngayon ang araw ng kasal ng kapatid at hipag ko. Gusto mo bang manatili na lang rito para sa hapunan?" ani Kaena. Tila nahihiya siyang itulak ang buhok sa gilid ng kanyang mukha sa likod ng kanyang mga tainga, dahilan para lumitaw ang kanyang maselan na mga tainga, at ang liwanag ng suot nitong mga hikaw ay kumikisla

  • Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband   Chapter 128 Time to Leave

    Matalinong tumingin ang ina ni Tyson kay Mariana, naghihintay na makita kung paano siya sasagot. Inangat ni Mariana ang kaniyang kamay at itinuro si Sean Drei. "Si Mr. Silva ay isang psychology doctor na kababalik lang sa Pilipinas. Marami na siyang nagawa at nakagawa na siya ng maraming kilalang thesis at teorya. Isa naman akong sikolohikal na counselor, kaya malamang ay interesado kay sa kaniya." saad ni Mariana. Ang lalaking tinawag ang pangalan ay tumingin kay Mariana na may magaang ngiti sa mga labi, tumayo ito at iniunat ang kanyang kamay nang napakaginoo. "Hello, Miss Ramirez." bati nito kay Mariana. Iniunat din naman ni Mariana ang kanyang kamay at tinanggap ang nalahad na palad sa kaniyang harapan. "Mr. Silva, pasensya ka na sa mangyayari, nakakatawa." Inallg ni Diana ang braso ni Tyson. "Huwag na nating pag-usapan ang bagay na ito sa ngayon, at inimbitahan ko si Miss Ramirez. Nagmamalasakit lang naman ako sa mga punit na litrato natin sa kasal at ang mar

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status