แชร์

Chapter 89: Cooking Together

ผู้เขียน: Mallory Isla
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2024-11-09 19:55:40

Katatapos lang pumirma ni Tyson ng kontrata sa isang high-end na tea kiosk. Hindi siya mapirmi, at ang kanyang isip ay puno ng imahe nina Mariana at Mavros na nakatayong magkasama.

Pagkalabas niya ng tea kiosk, may mahabang pila sa isang tindahan ng panghimagas sa tabi nito, at sobrang sigla nito.

Nakita siya ng isang assistant na nakatingin sa tindahan ng panghimagas at binanggit, "Mr. Ruiz, ito ay isang napaka sikat na tindahan ng panghimagas sa Ilocos City, Iriana. Maraming tao ang nagmamaneho ng ilang oras upang pumila para bumili nito. Ito ay naging punto ng check-in para sa isang henerasyon, sa kasamaang palad, mayroon silang limitadong suplay, at palaging may isang grupo ng mga tao na hindi makabili nito."

Iriana?

Mukhang narinig na niya ang pangalan na ito. Saan niya nga ba ito narinig?

Kagagaling lang niya sa trabaho noong araw na iyon, at pagdating niya sa bahay, nasasabik si Mariana na ipakita sa kanya ang binili niya. May mga panghimagas sa lahat ng sukat sa coffe
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก

บทล่าสุด

  • Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband   Chapter 139

    "Hindi pagkakaunawaan?" Tiningnan ni Mariana si Sean Drei ng may kalituhan na makikita sa kanyng mukha. "Oo, isang hindi pagkakaunawaan. Kung wala sana siyang nakikita o nakakasamang tao sa paligid niya na pinagkakatiwalaan niya pagkatapos niyang makidnap at pinili ka ulit na hilahin sa pangyayari noong panahong iyon sa ilalim ng pag-gamot sa kaniya. Hindi mo ba naisip na ang iyong pananatili mo sa tabi niya ay isa lamang kontradiksyon? Sa totoong mundo ay dapat wala ka." Maingat na ipinaliwanag ni Sean Drei. Bigla namang napagtanto ni Mariana na nag-aalala lamang siya sa kung paano pagagalingin si Maxine sa pinakamaamong paraan, ngunit nakalimutan niya ang pinakamalaking kontradiksyon, na ang kanyang papanatili sa tabi ni Maxine ay is talagang maling pamamaraan. Sa katunayan ay hindi na mabilang ang mga klase sa matematika at physicist ang hindi nakatakas sa paradox na iyon kapag nag-aaral ng time travel at time disorder. — Kasabay nito, sa loob ng CGG Hotel ay hindi sina

  • Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband   Chapter 138

    "Danz! Huwag mo siyang saktan! Tinutulungan niya ako!" sigaw ni Mariana. Sarkastiko namang tumawa si Danz at sinuntok ulit si Mavros sa panga. "Binalaan na kita, na huwag na huwag kang lalapit kay Mariana kahit kailan, bakit hindi ka nakinig?" saad ni Danzel habang paulit-ulit niyang sinusuntok si Mavros. Galit namang nagpumiglas si Mariana na kumawala sa pagkakahawak ng kanyang tiyuhin at mabilis na dumalo sa tabi ni Mavros. "Bakit hindi ka na lang umalis? Isa kang hangal para tumayo lang dito at hayaan siyang bugbugin ka!" saad ni Mariana. Napuruhan ang bibig ni Mavros na nabugbog at ang dugo mula sa kaniyang bibig ay tumutulo na. Nalungkot si Mariana at tumingin sa kanyang pinsan ng may kalituhan. "Danzel, bakit mo ba siya sinaktan? Siya ang tumutulong sa akin sa tuwing ginugulo ako ng pamilya Ruiz." Sarkastikong tumawa si Danzel. "Tinulungan ka niya? Yan Yan, isa siyang gago. Hindi ka dapat nagtitiwala sa kanya at sa kahit na sino pa ang pinagkakatiwalaan m

  • Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband   Chapter 137

    Nagningning ang spotlight sa kanyang mukha dahilan upang lumantad ang gulat sa kaniyang mukha. Maging si Tyson ay hindi naiwasang pagtakpan ito. Ngumisi si Mariana. "Diana, dinirekta at ginampanan mo ang drama sa pagpunit ng marriage certificate ninyong dalawa kasama na ang mga litrato na kuha sa inyong kasal. Ikaw ang may kagagawan ng dalawang araw na paglaganap ng mga balita, hindi ba? Kabilang na roon ang panunuhol sa mga tao para kusa akong takutin." serysosong saad ni Mariana. "S-sinisiraan mo ako! Hindi ko kailanman ginagawa ang ganyan karuming mga gawain, Mariana, hindi ko talaga alam kung paano ba kita nasaktan? Dahil lang ba sa pinakasalan ko si Tyson ay dapat mo na akong tratuhin ng ganito? Mayroon ka na nang Mavros, bakit mo pa ito ginagawa sa akin sa lahat pa ng posibleng paraan? Ano bang kabutihan ang magagawa nito sa iyo para sirain ang aking reputasyon?" saad ni Diana. Habang nagsasalita siya ay bumabagsak na ang mga luha sa kaniyang mga mata pababa sa kaniyang

  • Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband   Chapter 136

    "Mula pa kahapon ay hinihiling na ng mga kasosyo ko sa kumpanya na wakasan ang kontrata nila sa akin. Nalulula na ngayon sa isang malaking halaga ang pabrika ng imbentaryo at hindi na ito kailanman maaaring ibenta. Ang mga tao na mga tumatawag noon sa akin ay natatakot at nagtatago na sa tuwing natanggap nila ang mga tawag ko ngayon. At ngayon na narinig mo na ang lahat ng ito, magmamatigas ka pa rin ba at hindi ka pa rin hihingi ng tawad?" Sabi ni Tyson gamit ang malalim na boses. Natigilan naman si Kaena sa kaniyang mga narinig. Bumuka ang kanyang bibig, tila may nais na sabihin ngunit mabilis din niyang itinikom iyon. "H-hindi ba ito pambu-bully? Hindi naman mali ang sinabi ko, ah." saad ni Kaena. Wala ng oras pa si Tyson para bigyang pansin ang sinabi ng kaniyang kapatid. "Bibigyan kita ng isang oras. Kapag hindi mo pa rin ito inilabas sa publiko makalipas ang isang oras ay ipapadala ulit kita sa Mental Health Center dahil sa sakit mo sa pag-iisip. Mas mapapadali nito ang

  • Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband   Chapter 135

    "Totoo? Ang totoo ay buong network na ang pumupuntirya sa iyo ngayon. Alam mo ba na ang lahat ng mga kalokohan na ginawa mo noon ay nailabas na sa Internet? Maging ang mga video na kuha noon ay nandoon na lahat!" Galit na sabi ni Tyson. Paano namang hindi malalaman ni Kaena ang tungkol doon? Kaagad nga niyang binasag ang sariling telepono nang makita niya kaagad ang balita. "Kuya, ngayon ay nakita mo na kung ano ang tunay na mukha ng malanding iyon. Gusto lang niyang sirain ang pamilya Ruiz at pati na rin ako! Dinala na niya ako sa isang mental hospital, pero hindi pa rin niya ako tinatantanan." saad ni Kaena. Nanatili namang malamig ang tingin sa kanya ni Tyson. "Ang lakas naman ng loob mong sabihin iyan? Kung hindi mo sana iginiit na ilabas ang mga salitang iyon sa social media, sa tingin mo magkakaroon ka pa ng problema ngayon?" Hindi pa rin natitinag si Kaena, kasabay ng pag-hikbi ni Diana. Ngunit si Tyson ay hindi nakaramdam ng kahit na anumang pagkabalisa. Kakaiba

  • Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband   Chapter 134

    "Napanood ko na ang lahat ng mga lumabas sa balita nitong nakaraang dalawang araw, at labis talaga akong nababalisa dahil dito. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Sana lang ay maging mas kalmado pa ang lahat. Wala namang masamang intensyon si Miss Ramirez. Hindi ko naman dinadamdam ang mga ginawa niya. Masyado lang siyang nahumaling kay Tyson noon. Medyo nakakaawa din naman siya, kaya dapat ay itigil na ang lahat ng usap-usapan tungkol sa kanya." saad ni Diana sa kaniyang post. Ang mga sumusunod doon ay lahat na ng mga salita na pabor sa kanya, na para bang si Mariana ay isang hindi mapagpatawad at isang taongmakasalanan. “Si Diana na nga ang nakumpurmiso, tapos pinagtatakpan pa rin niya si Mariana.” "Kung ikukumpara kay Diana, hay nako, wala lang itong si Mariana, e.” "Tama ka diyan! May lakas ka pa talaga ng loob na sabihin na si Diana ang kabit, ha. Kung ako iyon, pipiliin ko rin talaga si Diana, ‘no!" ... Nasa mga bisig ni Mavros si Mariana nang niya ang post n

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status